Wednesday, October 24, 2007

Stars of StufftoyLand

by Friko

 

Paris Hilton ng mga Stufftoy

 

Ipinakilala ni Elliot Handler, founder ng Mattel, Inc ang manikang ginawa nya (at ng kanyang asawang si Ruth) sa American Toy Fair nung 1959.  Hango ang pangalan ng manika sa kanilang anak na si Barbara.  Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kritiko, dahil kung totoong tao ang manika, magkakaroon ito ng sukat na 39-21-33.  Walang nakahula na pagkatapos ng mahigit 35 taon, ang manika ay mananatiling isa sa pinakamabentang laruan.

 

Taon-taon, iba-iba ang nagiging damit ng laruan (huhuhu, kakainggit).  Dahil sa mga damit na to, ang kumpanyang Mattel ay ang pang-apat na gumagawa ng damit na pangbabae.  Kabilang sa mga nagdisenyo ng damit ng manika ay sila Valentino, Perri Ellis, Oscar de la Renta at marami pang world-famous designers.

 

Siyamnapung porsiento ng mga babaeng amerikano ang nagkaroon ng, at least, isang manikang ito. Dahil sa pagsikat, ang mag-asawang Elliot at Ruth ay nagpagawa ng lalaking manika na ipinangalan naman nila sa anak nilang lalaki na si Kenneth.

 

Nagkaron din ng maraming “career” ang manika.  Naging teacher, astronaut, veterinarian, soldier, singer, flight attendant at model.  Lumalabas din ito sa samu’t-saring patalastas, cartoons, books, at 3-D film.  Nagkaroon ang manika ng una nyang computer nuong 1985 (wwaahhh, sensei, daig ako).

 

Kung ilalatag sa lupa ang lahat ng manikang ito, palilibutan nya ang buong mundo ng 3 ½ na beses.  Ganyan kasikat at kabenta si Barbie.

 

 

Presidential Stufftoy

 

Nobyembre ng 1902 ng bumisita si Theodore Roosevelt, 26th president ng America, para ayusin ang gulo sa pagitan ng Mississippi at Louisiana.  Habang naroon, nangaso sya ng mga oso (bear-hunting) ngunit minalas na makatagpo lang isang isang batang oso.

 

Isang manunulat sa dyaryo na nagngangalang Clifford Berryman ang nakasaksi at gumawa ng cartoon kung saan ipinapakita ang presidente at ang batang oso.  Nakita ni Morris Michtom, may ari ng isang novelty store sa Boston, ang dyaryo at napukaw ang kanyang imahinasyon.  Sa tulong ng kanyang asawa, nagtahi sila ng mga manikang oso at mabilis nila itong naibenta.

 

Humingi ng pahintulot si Michtom sa presidente na gamitin nito ang kanyang palayaw sa pagbebenta ng mga stufftoy.  At ng pumayag ang pangulo, nagmass produce si Michtom katulong ng isang wholesaling company na Butler Brothers.  Hanggang ngayon, marami pa ring versions ng stufftoy ang lumalabas, pero ito ay nanatiling tinawag na Oso ng Pangulong Theodore, o sa maiksing salita – Teddy’s Bear.

 

Manikang Aktibista

 

Isang tauhan sa pangbatang libro ang nilikha ni Johnny Gruelle nuong 1915.  Ang tauhan sa libro ay isang manika na nakasuot ng asul at puti, ang buhok ay gawa sa yarn na kulay pula.  Bumenta ang libro, kasama ang manika, nuong 1918.  Ang libro ay nasundan nuong 1920 kung saan ang manika ay nagkaroon ng kaparehang lalake.

 

Nalikha ni Gruelle ang manika para sa kanyang anak na si Marcella.  At mula sa aklatan, kinuha ni Gruelle ang mga tula ni James Whitcomb Riley at pinagsama ang dalawang titulo – “The Raggedy Man” at “Little Orphan Annie”.  Sinabi nya sa kanyang anak na “Bakit hindi natin sya pangalan ng Raggedy Ann?”

 

Si Marcella ay namatay sa edad na 13 matapos itong mabakunahan sa paaralan para sa bulutong ng walang pahintulot sa kanyang magulang.  Sinisi ng autoridad ang problema sa puso ng bata, pero sinisi ng magulang ang bakuna.  Naging kalaban ng pagbabakuna si Gruelle, at kahit hindi kasing sikat ni Barbie o kasing benta ng Teddy’s Bear, ang manikang si Raggedy Anne ay tumayong simbolo ng Anti-Vaccination Movement.

 

-------------

 

Hihihi.

 

Yan na po muna ang blog q.  Busy si sensie miko sa computer nya eh, kaya po di ako makacngit.  Hihihi.

 

Hanggang sa muli.

 

Friko.

 

Si friko ay laging babad sa luha ng dati nyang amo.  Ibinigay sya nito kay Miko ng mapasaya ni Miko si FR.  Napalitan ng pangalan ang stufftoy na leon, subalit dahil sa kakulangan ng legal adoption papers, nangangamba si Miko na baka bawiin ang stuffriend nya, lalo na ngayong nagkakaron si friko ng mga fans at tumataas ang marketability.

 

Sunday, October 21, 2007

Hubad na Katotohanan

Hubad na Katotohanan by Friko

Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba?

Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na).

sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi.

Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob.

Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi.

Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba?

Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi.

Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.

Kwentong Stuff Toy

Kwentong Stufftoy by Friko

Hi blog.

Kuya Miko Made the First Move

Aq po si friko, ang stuff2y ni kuya miko (pro stuffriend ang twag nya sa kin, kc hndi nya daw me laruan). Baet nya po di ba?

Kgav, 4 d 1st time, kinausap aq ni kuya miko. Bale nagla2ba po xa nun, tapos kinuha nya aq sa sulok at pinaliguan. Habang sinasabon nya po ako (naka2liti, hihihi), kinausap nya aq. Ka2tuwa po d ba?

Mag-1 po kc c kua miko sa haus nya, tapos sav nya, hndi nman daw mukang baliw si marimar pag kinakausap si polgoso, kya ok nman daw n kausapin nya ko, wla kc xang ibang kausap, hihihi.

Mga Pangarap

Hbang nagsuswimming ako sa fabrc sofner (ang bango, hihihi) tinanong aq ni kuya miko kung ano pangarap q. Sav nya, nung grade 1 daw xa, gus2 nyang maging balyena, kso nadisapoint daw xa nung malaman nyang wlang awang pinagsa2mantalahan n2 ang mga hipon.

Gus2 qng mging writer, sav q ky kua miko.

"malaki ang pagka2-iba

ng gustong maging writer

sa gus2ng magsulat.

Maraming authors,

pro konti ang nakalikha

at nakapagbahagi

ng orig na composition nila"

-------------Kuya Miko, about writing

Kya po sinimulan ko muna magblog, hndi pra mging writer, kundi maibahagi po ang kwentong stufftoy.

Ano Ang Isusulat?

May msya at malungkot sa buhay ng isang stufftoy. Ang palagian wlang damit, ang hndi regular na paligo, ang mababad sa luha ng may-ari (pro hindi iyakin si kuya miko, hihihi, ung dating amo q ang lging umiiyak).

Payo sa kin ni sensei miko na dalasan qng magbahagi ng sulating nakakaaliw. Marami na raw po kasing kaasiman sa tunay na mundo, at marami din daw "rants" sa internet. Mas kaaya-aya daw magpangiti kesa magpasimangot, makpagbigay ng inspirasyon kesa makahawa ng "intolerance, cynicism, at discrimination". Hihihi. Naka2tuwa si sensei miko di ba?

P’noy Ako!

Tinanong q kay sensei miko kung anong salita ang gagamitin qng pagsulat. Sabi nya, bhala daw aq, pero xa, kadalasan, Filipino. Mahirap daw magsulat ng pinoy (dahil hindi daw xa sanay magtagalog, hihihi, makulit magyabang si sensei miko di ba?), at hindi daw globally competi2v (kya konti ang hits). Pro tulad daw ng hilig nya sa Old Latin, ayaw nya daw ma2tay ang salitang p’noy, kya laging pinipilit nyang maglikha ng sulating tagalog.

Made in China ako. Pero pinoy ang nagpalaki sa akin. Taglish magsalita ang dati kong amo, pero si sensei miko, bumabanat paminsan-minsan ng niponggo, servo-croatian, latin, Hebrew, Spanish at mandarin. Hihihi. Pro phrases (kdalasan translation lng ng "hi", "I love you", "how much" at "thank you") lng alam nya, hihihi. Samu’t-sari ang kinukutingting nya di ba?

Kya un po. Tagalog po ang gagamitin kong salita. Sana po, basahin nyo paminsan minsan ang blog ko, at retuhan nyo ko ng cute na stuffriend nyo. Hihihi. Gusto q po ung balbon at abuhin. Hihihi. Parang si sensie miko lng di ba?

Hanggang sa muli! Paalam!

Friko.

Si friko ay isang stufftoy na leon. Kabilang sa mga naging trabaho nya sa past life nya ay Duwag na Bodyguard ni Dorety, at Loverboi ni Ragedy Anne. Sa ngaun, gumagawa sya ng blog pagtulog ang kanyang amo at kung wala itong bisita.

Tuesday, October 9, 2007

Lipat bahay, bagong buhay

-Paunawa:  Wag seryosohin ang mga kayabangan, dala lang ng gutom-

Darn.  It's been so long since i last blog, parang ages ago na.  Well, as usual busy kasi ako.  Nakipagmeeting kasi me kay Bush, nagmamakaawa xa na wag ko na raw tibagin ung White House para sa ipinapagawa kong highway.  Kaya un na nga, pumayag ako, siguro ung Taj Majal na lang ang ipapatibag ko.

Anyway, lumipat na nga pala ako ng bahay.  U all know naman na umuulan na, eewwness kaya un, nabasa ang bubong ng haus namin.  Kaya lumipat me ng bagong haus, kasi di me comfortable matulog sa bahay na basa ang bubong.

so un na nga.  i transferred to a new place.  at pagdating ko, hindi pa ayus ang internet connection.  hassle talaga kaya tuloy di me makapagblog. 

and ung pulutong ng katulongs ko, di pa rin nakaka-move in.  inaayos pa kasi ung mga bathtub sa tigi-tigasang room nila.  yan tuloy, walang nagluluto, nagpapakain at nagpapaligo sa kin.  hayz.

--CUT--

sorry sa mga masugid na tagasubaybay, hehehe, ung writing sa taas eh ung communication style na ginagamit ko pag nang-iinis sa chatroom.

but its true.  i'm renting an appartment now for personal and business purposes.  2 storey and 2 rooms xa. ung isa pang sleeping, ung isa - work/war room. ung living room sa ibaba ang ginawa kong photostudio.

hirap pala ng home alone. 2x lang me kumakainoatmeal lang pangtanghalian at pancit canton lang sa hapunan.  nakakain lang me ng lutong bahay pag bumibisita si mama to cook and do my laundry.  hahaha

Don't get me wrong, i know how to cook and wash my own clothes (hindi me makaka-survive sa academy if not). ang prob lang eh ung entrophy (katamaran).  hehehe.

Now, i'm living alone, without an internet connection, and quite far sa bayan.  hopefully, makakapagconcentrate na me sa mga writings ko (kung hindi me maaddict sa nilalaro kong computer game).

and with that, mas maayos ko na ang categories ng mga articles ko dito (for my upcoming ambitious self-published book, wwhooppee!!).

Kwentong Miko is about my clumsy life (tulad ng mahulog sa manhole) and peculiarities (kumain ng taho habang ume-ebs).

General Nonsense is my blabber about the world.  Mga obserbasyon at opinyon (like history ng helmet o paalam Pluto).

A new category will be Miko's Manuals kung saan ang different experts ng multiple personality ko ay magbibigay ng guide on how to do things well (tulad ng How to commit suicide).

hindi ko na isasama ang Mikology (my personal view on religion).  hehehe, mahina kasi ang benta, saturated na kasi ang market at andami ng nag-iingay.

so friends and fans (nyahahaha), check my site from time to time.  comments will be greatly appreciated.

=)

Friday, July 13, 2007

The Storm and the Waves

Rain always call me outside the house, and bathing in it, I called out my friend. Wet, we went to the store and bought a bottle of Cali Shandy each. I asked my friend to come with me to the beach.

The storm made the waves much
bigger, something that we only see in other countries. It was brownish red with dirt mix in it, and totally fearsome.

My friend was freaking out when I sat on the breakwater. I let the wave clashed to me. Out balanced, I earned a few bruises, and lost one slipper. But I wanna do it again.

“Gago ka Miko, baka may lumulutang na bote dyan,” my friend cautioned me.

I smiled at him, and heed his advice. I walked in the nearby house where the waves still reach the yard. I stood at the back of the gate, held the railings, and braced myself for another
huge clash.

I looked at my friend, standing safely nearby, and I grinned, “
Try it.”

Encouraged, he stood beside me. And with me, we
screamed together for another blast.

And this time, I kept my eyes open, and look to my friend beside me. Around me was the brownish red water and bubbles abound. My friend’s eyes tightly shut, our whole body shivering, and after that wave, he looked at me, smiled, “
Thank you

I said, smiling, “Shut up, here comes another one.

--------------

I went home that day, with my white shirt hued to brownish red, with a few bruises, with one missing slipper,

but most of all, with my friend’s grateful smile permanently etched in my memory.



Wednesday, July 11, 2007

Anatomy of a Suicide Letter

Finaly, last part na to ng suicide theme ko for this month. Para sa hindi nakakaalam, check Part 1 and Part 2. Sa post na ito natin idi-discuss kung papano gumawa ng suicide letter. Kaya, read on!

Effective Writing and Suicide Letter
By: Dr. Miko Legaspi, PhD
Professor of Advance Literature and Salesman of Slightly-used Burial Gowns and Barongs

Now, convince ka na na magpapatiwakal ka (reasons) at nakapagplano ka na rin ng magandang method. Pero bago mo ituloy ang plano mo, kailangan mo munang gumawa ng Spectacular Suicide Letter.

Hahatiin natin ito sa dalawang part, ang content at presentation.

Presentation
Maari mong ipahayag ang saloobin mo sa maraming paraan. Ang makabago ay ang Death Video. Ang classic ay suicide letter.

Creative naman (pero ngaun masyado nang common) ang pagsusulat sa mirror, bathroom wall gamit ang sariling dugo. Effective ito dahil shocking (at gruesome, eeww) kaso, sabon at konting scrub lang, mabubura na ang makabagbag-damdaming saloobin mo. We need something that will remain for quite a long time.

Death video works fine, kaso mas matagal ang production kung ie-edit mo pa at lalagyan ng sounds and kick-ass
graphics. Pero biglang sikat ka dito lalo na kung malalagay mo sa Youtube.

So if you wanna go traditional, back to basic tayo sa letter. Maari kang gumamit ng colorful, flowery at scented paper with matching metallic glittering ink pen, kaso it terribly ruins the mood. Mas effective ang parchment or handmade papers. At kung may background ka sa calligraphy, use a fountain pen. Pwede mo ring sunugin ang gilid ng papel for a nice effect.

Content
Gawin mong maikli ang sulat mo. Dahil kung lalampas ng
3 pages ang suicide letter, maaring umupo pa sa gilid ng kama ang babasa, kumuha ng merienda, magkamot ng singit at pahikab-hikab na tapusin ang sinulat mo. You don’t want that to happen, do you? Kailangan pagkabasa nya, isang minuto lang, sisigaw na sya ng “Hinddeee!!!” Sabay papalahaw ng iyak.

Sample:
“Goodbye Philippines, Goodbye boring world!”

Generally, ilalabas mo lahat ng gripes at bitterness mo sa suicide letter. This is your chance na manisi at mangonsensya. Kaso, ang mang-away sa huling sulat mo isn’t going to win you friends and influence people. Palayain mo na ang mga friends at family mo sa guilt na sila naman talaga ang may kasalanan. Ang effective na paraan para gawin yan ay manisi ng iba, at the same time, makacontribute sa kapakanan ng sangkatauhan.

Sample:
“Goodbye Philippines, the shampoo commercial ‘ang lambot’ felt I was being mocked to death, so I choose to kill myself instead”

Sa paraan sa taas, maaari mong maipatigil ang pagpapalabas ng nakakainis na commercial. Other suggestion includes Barney and Friends o kaya a Miracle Crusade ng isang televangelist.

Dapat mo ring panatilihin ang humor at mystery. Hindi porke’t magsu-suicide ka na ay may karapatan ka nang maging boring at madrama.

Sample:
“Hi guys, I will just hang out in my room, literally, hahaha. Lolz”
Or
“Nagsuicide ako, di pa nila makita ang katawan ko, nasa ilalim yata ng kama mo. Hahaha.”

Yan, I hope I gave you enough ideas.

If you wish an easy way, magdownload ka ng Microsoft Word Suicide Wizard. It works like this:
Funny Pictures

O kaya, magcomment ka ng suicide note mo here in my site for my review and suggested revisions.

Till next time.

=)



Monday, July 2, 2007

Idiots Guide on Suicide

Sa previous blog ko, sinubukan nating sagutin ang mga posibleng dahilan kung bakit maganda ang ideyang pagpapakamatay. Kung nakapagdesisyon kang sapat na ang dahilan mo, read on!

Suicide For Dummies
By: Dr. Miko Legaspi, PhD
ProSuicide Activist and Dealer of Rent-to-Own Coffins

Matapos madetermine ang motive (see my previous blog :Click), atin ngayong pag-uusapan ang magandang method.

Tulad ng ibang arts, may mga elements ang Suicide. Ito ay ang mga sumusunod –

Reasonable
Dapat mayroong malinaw na dahilan kung bakit ka nagsuicide tulad ng namatayan ng
tuta, nanakawan ng lunch box, pinalo ni nanay. Pag walang malinaw na dahilan, maaring may ibang mapag-bintangan sa pagpanaw mo.

Suggestion: Ang classic/traditional way ay ang suicide letter (to be featured on my next blog). Ang uso ngaun ay
suicide video kung saan magpapaalam ka sa mga iiwan mo, with background music. Malaki ang commercial impact nito lalo na kung maiipelikula ang buhay mo.

Accomplishment
Dapat siguraduhing natugnas ka sa paraang pinili mo. Dahil kung hindi ka matetepok, hindi yun suicide kung hindi isa lamang suicide attempt, tulad na ang inahing baboy ay hindi ganap na litson.

Isa sa mga effective na paraan para masiguro ang success ng suicide attempt ay ang di pagpapa-obvious. Kung namumugto ang mata mo, sumisigaw ka ng “wwaahhh Life Sucks!!!” at papasok ka ng kwarto ng may dalang isang box ng sleeping pills, most likely mapipigilan ka ng mga nagpapakabayani at pakailamerong kakilala.

Suggestion: Bumili ng sleeping pills. Pumunta sa beach. Lumaklak ng sleeping pills. Mag-sunbathe. Habang nakahiga ka sa buhangin, walang mag-iisip na pigilan ka sa pagpapatiwakal mo. At bonus pa ang healthy-looking tan. =)

Suspense
Ang element ng suspense ay depende sa personality ng magsu-suicide. May mga gusto ng quick and painless. Meron din naman na ang gusto ay dahan-dahan, kung saan kumpleto mong mapapanood ang flashback ng buhay mo, makikita mo na some parts pala ay worth living, at maaari ka pang magback-out.

Suggestion: Magsabit ng tali sa leeg. Tumuntong sa seesaw. Ang nasa kabila ng seesaw ay bloke ng yelo na mas mabigat sayo. Exciting na habang natutunaw ang yelo, nalalapit ang iyong pagpanaw. Alternative, humiga sa sahig, magsabit ng kutsilyo sa kisame, itali ang kabilang dulo at lagyan ng kandila (kaso masyado ng gamit ang technique na to, ang korni pa).

After-effects
Siguraduhing hindi ka magmumukang katawa-tawa o katakot-takot sa burol mo. Tandaan, patay ka, hindi ka nagmumulto. Dapat mukhang natutulog lang. Siguradong maraming usisera at mapanuring mga mata ang sisilip sa kabaong mo. Better make sure you will start a make-up/fashion trend, at hindi isang disaster.

Suggestion: Make it imperative na ma-cremate kaagad ang body sa umpisa palang. Balutin mo ng bomba ang katawan mo, pumunta kasa sa casino, at makipaglaro ka sa mga corrupt na politicians. Pag natalo ka,
ka-boom! Pag-nanalo ka, hehehe, you might change your mind.


-------------

Marami pa sana ang element ng suicide. Pero magmumuka ng libro ito at hindi isang blog post.

Ano, inspired na ba kayo?

By the way, may kaibigan akong nagbi-breed ng pitbulls. Naghahanap sya ng buhay na taong pagprapraktisan ng mga aso nya. Baka interested yung iba dyan.

=)



Monday, June 25, 2007

Bakit ba dapat Magsuicide?

"Mag Suicide Ka Na"

Ito ang paborito kong payo pag nag-uumapaw ang drama ng mga kaibigan ko. Lately, napansin ko na dumadami ang blogs na may tema ng pagpapakamatay, kaya bilang contribution ko sa masa (
at pagsabay na rin sa uso), nagdraft ako ng comprehensive guide. For editing pa to, kaya your comments will be appreciated.

Suicide 101

Part I. Why Commit Suicide
Maraming dahilan para mag-suicide pero mahahati natin to sa tatlong areas.

Egocentric – pag egocentricity ang dahilan, ibig sabihin gusto mo ikaw ang Bida, at suicide ang solusyon pag di napagbigyan ang trippings mo.

Halimbawa
     
Iniwan ka ng syota mo – magsuicide ka na dahil nakakita ang mahal mo ng mas maganda, mas mabango, mas bata, mas mayaman, mas mabait, at kung ano pang mas (depending sa taste, may ex kasi na ang gusto eh mas matanda, mas madungis at kung ano-ano pa). Dapat kasi, ikaw na ang Pinaka at walang karapatan ang mahal mo na lumigaya sa iba.
    
     Kumplikado, Unfair, at Mahirap ang Buhay mo – magsuicide ka na dahil ang buhay mo ay parang pag-aaral ng Calculus gamit ang salitang hapon, at hindi ka marunong mag- Niponggo. Inisip mo kasi, dapat ang buhay mo ay parang hari na hindi mo na kailangang mag-isip, magtrabaho, o maligo. Kaya hindi ka na rin dapat mabuhay kasi nakakapagod huminga.
     
     Biktima ka ng kamalasan, karahasan, kababuyan, katangahan etc – magsuicide ka dahil may tao sa paligid mo na tanga at masama, at kakampi ni Kapalaran. Iniisip mo, dapat kasi lahat katropa mo ay anghel, kaya gusto mo ng maki-jamming kanila sa langit.

Marami pang pwedeng halimbawa ang area ng Egocentricity. Pero lahat ng kaso ay isang pangyayari kung saan ang “dapat” sa buhay mo
ay hindi nasunod.

Noble (daw) – ito naman ay marangal na dahilan. Kung ang egocentric reasons ay kadalasang papansin para mas maging relax ang buhay, ang Noble Suicide naman ay serbisyong totoo.

Halimbawa

     Environmentalist – feeling mo excess baggage ka sa mundo, pampagulo ka lang sa trapiko, taga produce ng carbon monoxide, o dagdag sa noise pollution.
     
     Patriotic – feeling mo, kailangan mong sumabak sa gyera o magmutiny o maging suicide bomber para sa mapang-aping bansa, gobyerno o baranggay tanod.

     Religious Fanatic – nakakarinig ka ng mga boses, nakakakita ng mga anghel, o nauto ka pari mo para gumawa ng will, beneficiary ang simbahan nyo at saka magsuicide by bombing other uto-uto of different religions.

Stupidity. Ito ang pagpapakamatay dahil sa katangahan.

Halimbawa
   -Back to Top-

Maraming dahilan talaga para mag-suicide, at kung immortal ka lang, ito ay kaaya-ayang maging libanganexpression of creativity, at maari ding pagkakitaan. Kadalasan, Instant Celebrity ka rin dito, kaso wala ka ng chance tumanggap ng awards o pumirma ng autograph. For sure, may mga magagalit sa’yo, at baka hindi ka na nila kausapin kahit kailan. Ganon talaga pagsikat, maraming maiinggit, naunahan mo kasi sila.


Next Lesson, How to Commit suicide.



Monday, June 11, 2007

Tiny Bubles

Dahil tinanghali na ako ng gising, dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Matapos magbuhos ng tubig sa ulo at saiirin ang huling patak ng shampoo, saka ko lang napansin na katiting na lang ang natitirang sabon.

Natatandaan ko pa nung
malaki pa ang sabon na ginagamit ko. Ramdam ko ang kapangyarihang maglinis. Na kahit hindi marumi, sasabunin mo kasi kaya mong sabunin. Pero ang sabon ko patuloy na lumiit. Functional but not enjoyable. Hanggangg maging kasing liit na lang ng chicklet. Na naging kasing liit ng tictac. Na naging kasing liit ng butil ng bigas.

Tiny bubbles (tiny bubbles)
In the wine (in the wine)
Make me happy (make me happy)
Make me feel fine (make me feel fine)
-------------Ho Don, <i>Tiny Bubbles</i>


Iniisip kong balikan ang stocks ko ng sabon na bigay ng kaibigan kong si Al (oi, tenks uli), pero ibig sabihin non eh magtutuyo pa ako, aakyat sa kwarto, at babalik sa loob ng banyo para ituloy ang paliligo. Hindi option yun sa taong male-late na.

Iinisip kong gamitin ang dishwashing soap sa kusina (na mas malapit sa banyo), pero parang malubha yun sa katawan sa paraang hindi ko maarok.

Iniisip kong gumamit ng shampoo, kasi parang sabon din naman, kaso naubos ko na sa buhok ang huling patak.

Kaya wala akong nagawa. Dinampot ko uli ang katiting na sabot. Ipinahid sa katawan, at dinalaw ako ni Kamalasan. Nalaglag pa ang huling hibla ng sabon. Pinilit ko ng damputin, pero natunaw sya kaagad.

Parang nakakaiyak. My soap failed me. Or somehow, I failed him.

Nag-water bath na lang ako. Matapos magbihis, saka ko lang naiisip kung pwede kayang ipampaligo ang toothpaste.



Monday, June 4, 2007

Pwede ang Pwede Na

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mapag-blog ng madalas ay sa kagustuhang maging 100% “worth reading” ang mga blogs ko. Buti na lang ipinaalala ng katropa kong si Scott Adams ang Golden Happiness Ratio.

“Golden Happiness Ratio
Is about 4/5 or 80% right
Also known as “good enough”
-------------Scott Adams, Good Happiness Ratio


Ang mga nagpu-push thru sa 100% ay kadalasang perfectionist (na kadalasan ay malaking pain in the @$$ sa sarili nya at sa mga tao sa paligid nya). Ang mga nasa 80-90% ay good enough. 70-80% ay borderline incompent at below
60% ay serial losers at environmental burdens.

Sa tingin ko, mas masaya – at mas successful – ang mga taong ok na sa 80%. Ang mga nagpapakahirap na abutin ang 100% ay madalang naman na nako-compensate ang effort nila. Pag nagawa mo good enough, sasabihan ka ng “thank you”, pag nagawa mo the best, sasabihan ka ng “thank you very much” (and I think the two extra word is not worth the additional 20% effort).

Sa trabaho, ang 100% job performance ay nangangahulugan ng kawalang oras sa surfing, chatting, at blogging. This makes me an unhappy/unsatisfied employee at nakakapagpapangit ng work results ko.

Nung nag-aaral ako, 85% na grade is good enough to maintain yung scholarship, pero kung sinagad ko, baka hindi ko natapos basahin ang favorite fantasy book series ko, hindi ako nakasideline sa publishing at hindi ko nadevelop ang super bonding sa mga kabarkada ko.

Imperfection of self also extends tolerance of other’s imperfection. Katulad nung nakaraang sabado kung saan nagkita kami ng bestfriend ko;

“Wow best, you outdone yourself ha.
Nung nakaraan, 1 hour and 20 minutes ka lang late,
Ngaun, 2 hours na!!!
Thank you dahil sa paghihintay sau
Dito sa national Bookstore
Natapos kong basahin ang
244 pages na graphic novel ni Neil Gaiman
-------------Miko, "Bakit ba On Time Ako, Eh Nasa Pinas Naman Ako? Atbpng Tanong"


Yan, sa tingin ko, 80% na tong blog na to. Pwede ko pang i-edit to para maging 85%, pero marami pa akong ibang gagawin, hehehe, kaya pwede na.




Wednesday, May 23, 2007

Famous Last Words

Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby (Click this blog==> "Patay Tayo Dyan").

Pero kahapon ko lang napag-isip isip, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi?

Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito:

"Don't end it like this. Tell them I said something."
-------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist
.

Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring)

"FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!"
-------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist


Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito:

"Consummatum est (It is finished)"
-------------JosƩ Rizal, Filipino Nationalist


Ayoko din naman na sobrang pormal:

"I believe we should adjourn this meeting to another place."
------Adam Smith, Political Economist


Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon:

"Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate"
-------------Miko in the wildlife together with a stupid friend
"Sigurado ba kayong red wire ang puputulin"
-------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad
"Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond"
-------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life
"Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?"
-------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball
"Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon"
-------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials
"Sorry, akala ko nasa business trip ka"
-------------Miko na nahuli =P


Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us.

"Last words are for fools who haven't said enough".
-------Karl Marx, Political Economist


Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?




Monday, April 30, 2007

PATAWAd

Nung nakaraang sabado, nag leader-leaderan ako sa Summer Swimming Party ng Tissue Clan kung saan isa ako sa founders (Bakit Tissue?  Hehehe, it deserves a blog of its own).  Madugo ang buhay sa Clan na yun, marahil ay dahil sa ibat-ibang personality ng mga founders, tulad nito:

"Miko - proud at naniniwalaang ang utot ay nakakapagpatibay ng bonding sa nakakaamoy at umuutot
Jecky - garapal umutot na kahit alam na ng lahat na sa kanya galing ang tunog, todo deny pa rin at ibibintang pa sa iba.
Juls - bumubula pag-umutot dahil kung ang iba ay napapaihi pag lumusong sa beach or pool, sya naman ay nagpapasabog.
Peter - mahiyain ang utot dahil ang hina ng tunog at bahagya syang ngingiti sau na dadaig kay Mona Lisa.
Brent - nasa loob ang utot."
-------------Miko, Observations on Personalities

Pero kahit na grabe ang pagkakaiba ng mga personalities namin, nakuha pa rin naming magsama-sama ng matiwasay (marahil sa regular bonding session na nilalabas ko).  Our friendship was tested more than a dozen over.  At ang pinakahuli at pinakamatindi ay ang away namin ng bestpren ko.  Hindi ko kasi kinaya ang sinabi sa kin ng dina-date ko after i came back from an overnight business trip.
"Hindi na kita kayang pakisamahan... mahal ko na ang bestpren mo... hihintayin ko sya dahil sabi nya, mahal nya ko"
------------W, Mga Pamatay na Pangbasted


Siempre, ang sakit nun, nakakapraning.  Pero wala namang masyadong nagbago sa min ng bestpren ko.  Nilagyan ko lang ng "a" ang bestpren kaya naging be
astprenblinock ko lang sya sa cellphone ko, at ineedit ang pictures na kunyari ay nakikipagsex sa baboy para ikalat sa internet (hehehe, joke ko lang ang huli, hindi ko naman tinuloy).

Pero after 3 months nga, back to normal na kami.  Breathe in Breathe out lang.  Parang walang nangyari.  Parang na-ututan lang, magagalit ka sa simula, then makakalimutan mo rin.  Tamang kulitan at asaran uli.

Isa yon sa natutunan ko sa mga bata.  Kahit lokohin, pagalitan, paluin... after ilang saglit lang, ok na.  Madali silang mag
patawad, then tatawa na pagkatapos.


Wednesday, April 11, 2007

The Power Of Tea

*************Parental Guidance for Sexual Content*************

Talagang nag-aalangan akong i-brodcast ang blog na to dahil parang mejo bastos. Alam nyo naman na karamihan ng blog ko ay wholesome at intellectually stimulating (see my Multi-tasking blog for a reference
). But due to an insistent demand sa isang tagasubaybay:

“it not rated naman eh. It’s a scientific breakthrough. It was discovered by dr. miko legaspi of the Institute of Herbal Medicine on Orgasmic Research…”
-------------Z, Message from Multiply Contact


Kaya sa ikakaginhawa ng lahat, eto na ang findings ko.

November 2006: Problem Inflamed
The subject (
miko) is regularly taking his daily dose of caffeinated substance (kape). Due to the inflammatory effects (mas matagal mawala ang mga pimples), termination of inducing the said substance is imperative. Switching to alternative substance will commence on the next experimentation.

December 2006: Solution and Discoveries
After elapsed time of 72 hours upon commencement of inducing the alternative substance (
tsaa) where caffeine is greatly reduced (4:10 ang ratio ng caffeine sa tsaa at kape), there are noticeable effects. As per observation, the trajectory of released spermatozoa (mga hopeful na baby mikos) is much higher with an estimated 8 to 10 inches flight/height increase (ung tilamsik, mas malayo ang nararating) as compared to previous experiences of the subject. This will prompt for further experimentation and comparative analysis.

January 2007: Quest for Truth
Research on related materials commenced. It was found out that the alternative substance (green tea) is rich in catechin polyphenols, particularly epigallocatechin gallate (EGCG). (
hindi ko alam kung ano ung mga yun, o kung ano ang relation nila sa tea at powerful orgasms. Hehehe, ang sarap lang isulat dito sa blog ko). After gathering enough background information, the environment for comparative analysis was set.
     1. Same time of day/night (
bago maligo at bago matulog)
     2. Same location (
sa banyo o sa bakanteng kwarto)
     3. Same porn materials (
magazine o dvd movie)
     4. Same inspirational special someone (hehehe)

The only controllable factors is substance intake where for the 1st 2 weeks coffee will be induced daily and green tea for the next half month.

February 2007: Knowledge Gained



The result is very convincing. After one month of experimentation, the test subject clearly shows development in shooting capacity. (
hahaha, hindi ibig sabihin na mahina akong bumuga dati, mas malakas lang ngaun. Hahaha). For further investatigation, this study will be distributed to other affiliated experimenters (kaya try nyo na, hehehe, para masigurado nga natin kung effective).

-------------

Yan guys, sana me napala kayo.
Now, you have the Knowledge,
Use the Power!!!
Just don’t forget,
“With Power, comes Responsibility”



Tuesday, March 13, 2007

Pag ang Boss ay Lagalag...

Noong una, ang alam ko lang na mahirap ay ang pagpasok ng maaga at pag-uwi ng gabi para laging ready sa iuutos ng boss ko (Japon sya, ang pasok na 9am ay ginagawa nyang 8:20 at ang uwian na 5:30pm ay nagiging 7:30pm). Bilang tapat na alalay, lagi akong nasa tabi nya (kaya, oo alam ko, mahirap magkaraoon ng boss na masipag).

Lalo pa lang mas mahirap pa gang boss mo ay lagalag.

Feb19-21: Cagayan De Oro, Facilitate Ship’s Familiarization.
Feb 21-22: Cebu, Tsuneshi Shipyard Visitation
Feb 23-24: Davao, National Maritime School Assessment
Mar 8-10: Iloilo, School Orientation / Allotee Circle Grand Gathering
-------------Miko, Business Trips


Mukang magandang tignan. Parang WOW! Ayus ang work, always travel.

The problem is, it’s WORK. Pangarap lang ang Island Hopping na bakasyon.

“All work is empty,
Save when there is love”
-------------Khalil Gibran, The Prophet.


Eto ang Resulta ng mga lakad na yon:

Cagayan Trip
Hotel: Southwind Hotel.
     Hindi naman kasing laki ng palaka ang mga lamok, tulad ng mga naeengkwentro ko sa pagcacamping. Still, ask the receptionist to spray mosquito killer in your room before staying there for the night.
Guide: L.N.C.
     The worst. Merong nagpangako sa kin dito sa Multiply na sya raw ang bahala sa kin pag nagpunta daw me Cagayan, kahit um-absent pa raw sya sa school. Ewan ko lang kung gaano kakila-kilabot ang hitsura ko non, that after meeting, bigla syang nagkaroon ng thesis, overnight group study, lolang strikto, at mga kaibigang hindi pwedeng humalili sa kanya para maigala ako sa syudad. Huhuhu. Hindi ko alam ang lugar, hindi ko alam ang dialect, it would be an adventure, but with limited time, gusto ko sana meron akong kasama.
Bottomline:
     Wag magtiwala sa ibang tao para magbook ng hotel. Wag na muling kontakin ang guide. Hehehe.

Cebu Trip
Hotel: Northwind Hotel.
     Hindi ko alam kung nanadya ang kapalaran at parang pinagtugma ang kasunod na pinuntahan kong hotel. At kahit lamang ang Ambassador Suite ng Northwind sa De Luxe Suite ng Soutwind, hindi sila nagkakalayo. Lalo na kung sinanay ka ng boss mo na sa Marriot at Marco Polo pag nasa Cebu ka.
Guide:
     Kung gaano ako minalas sa Cagayan, ang laking bawi naman ng swerte ko sa Cebu. Doon ko personal na nakilala ang pinaka-astig na host (taga rito din sya sa Multiply). Hindi nya ako pinabayaan mula ng sunduin nya ako sa hotel, ilibre ng dinner sa A’s Restaurant (with wine, san ka pa), i-tour sa Top’s (mountain overlooking Cebu, astig!!) hanggang paghatid nya sa kin at sa kasama ko sa airport. Saludo ako sa’yo!!! Siguro sadyang accommodating ang mga cebuano tulad ni Loverboi at Onenightstripper (hahaha, wag haluan ng kaberdehan). Nabansagan nga lang ako ng isa na Mr. Elimidater (pasensya na po talaga!!!).
Bottomline:
     Wag magpaalam sa boss kung saang hotel magbobook, dahil kung hindi sya kasama, titipirin ka. Hahaha. Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam. Hahaha. At sa mga nag-aruga sa kin dyan, maraming salamat. Sana wag kayong magsawa sa kakulitan ko. =P

Davao Trip
Hotel: Waterfront Insular Hotel.
    This one remains to be nice. At me improvement na ngaun. Kung dati ang keychain ng room key ay kasing laki ng plantsa (para talagang iwan mo sa lobby pag gumagala ka), ngaun, key card na lang!!! Laking ginhawa. =) (see my review section)
Guide: Jazmir
     Ayus ang guide, at dinala ako sa mga gimikan. Problema lang ang striktong mayor na nagbabawal ng gimik after 3am(?) I meet a couple of other acquaintances and been rejected (gladly) by someone you think who looks good (layogenic lang pala, hehehe, maganda sa malayo)..
Bottomline: A good one, next time pwede na akong magsolo gumala.

Iloilo Trip
Hotel: Amigo Terrace Hotel
     Maayos naman, just within the standards. Yun lang, walang view (unless mahilig kang tumitig sa malaking sign ng McDonalds).
Guide:
     Ang unang guide, accommodating, pati ang kasama nya, hehehe. Ang pangalawa, nakilala ko na dito sa Manila, kaya relax na ko. Maraming makikita sa MO2 Bar, parang sa Bacolod. Nakakatuwa ang mga higanteng pamaypay.
Bottomline:
     Madaling magpaikot-ikot. Hindi ako basta maliligaw.

-------------

Kaya ngaun, alam nyo na kung saan ako naglalagi at antagal kong nawala sa Multiply. Sa mga naka-miss sa kin, hehehe, I’m back. =)

“Sir? Bacolod? This 16-17?,” wwaaaahhhh!!! Anak ng Pating. Hindi na napirme dito sa Manila!!!
-------------Miko, Conversation with Boss

Tuesday, February 13, 2007

Masaya Akong Pagtyagaan Ka

Matapos ang isang masalimuot na yugto ng buhay ko, dumating din ang liwanag.

Nge. Ang corny.

“He brought all the clouds to my days,
But just like a ray of light,
You came my way one night”
-------------The Jetts, You Got It All


Sa totoo, matagal na syang dumating (bago pa mag June). Matagal na akong humahanga sa kanya… mula sa malayo. Naging mahina lang ang loob kong gumawa ng aksyon, natakot akong mareject.

Lumipas ang ilang buwan at nagkita kami. May kaibahan sya sa inaasahan ko, pero hindi nabawasan ang paghanga ko sa kanya. Parehas kaming nakainom ng sinabi nya sa ‘kin “bakit ngayon ka lang dumating?” bago nya ako hinalikan.

Nakipagkita sya sa kin pagkalipas ng ilang araw. Saka sya nagtapat:

“Nanghihinayang ako sa ‘yo.
Naiinggit ako kay W
Kasi nasa kanya ka na.
At naiinis din ako,
Kasi I had the opportunity
Kaso hindi ko nakita.
Malabo kasi mata ko.
-------------Shaw, Messages


Inamin kong meron akong nararamdaman sa kanya, mula noon hanggang ngayon. Pero tinanggihan ko ang ipinahayag nya. Dahil kahit wala akong “karelasyon” nong panahon na yon, meron akong inaasahang tao na mamahalin ko.

Pero iniwan din ako ng taong yon, sinukuan. At sa pagdadalamhati ko, dinamayan ako ni Shaw.

Alam kong merong karelasyon si Shaw nang mga panahon na yon. At wala akong inaasahan mula sa kanya, maliban sa maging kaibigan.

Pero nalaman kong nagkahiwalay sila ng boyfriend nya. Boyfriend nya na matagal nya ng kapiling. Boyfriend na nakasalo nya sa maraming bagay. Boyfriend na nagsasabing ibibigay ang lahat… na hindi ko kayang gawin.

Miko: Ang laki ng isinusugal mo sa kin. Tsk. Sana hindi kayo naghiwalaw ng bf mo. O kaya pumunta ka sa ibang nagkakagusto sayo. Hindi ko pa alam kung gaano katagal bago ko mabago ang sarili ko para maging karapat dapat na boyfriend.
Shaw: Tumigil ka nga. Isa lang ang alam ko... Masaya akong pinagtyatyagaan ka. Hindi ko mapipilit na magbago ka. Kaya sinasanay ko na lang ang sarili ko, hehehe, pain management lang yan.
-------------Shaw,
Conversations

Natuwa ako, kahit nag-aalala akong baka may dumating sa kanyang iba, at mangyari rin sa akin ang nangyari sa naunang boyfriend nya.

Pero handa akong sumugal, dahil sa kanya, muli, nakokontento akong tignan lang siya habang natutulog.

At nasasabi ko sa sarili ko:

“Hindi ako makapaniwala… kasama ko sya ngayon.”



Thursday, February 8, 2007

You Exist Loverboi

Marami akong kachat. Kakwentuhan. Kabolahan. Sa YM ko, naka categories lahat ng contacts, according to priority:

Family: 5            (Mga relatives)
X-F: 6                (Extended Family/Bondbrothers, kapatid sa tindi ng pinagsamahan)
Friends: 8           (Mga 2nd/3rd degree friends)
Batchmates
10    (Self-explanatory)
Dragonsworn 15  (Mga fans ng book na Wheel of Time)
Sideline 57         (Mga kachat. Kakwentuhan. Kabolahan).
-------------Miko, YM Contact List

I have a few friends (6 X-F + 8 Friends = 14 total). But that’s enough. I price quality over quantity. Pnipili ko talaga kung sino ang ilalagay ko sa categories nay un, dahil in a way, I would serve them.

Among the “sideline” there is a guy I regularly chat with… And got the chance to know him deeper than the others.

At first, hindi ko sineseryoso ang mga compliments nya, sinabi ko pa nga sa unang chat namin na “U r patronizing me”.

Pero sa madalas na pag-uusap, nakabuo ako sa isip ko kung sino sya. Na pagnaliligo, parehas kami ng parte na unang sinasabon (hahaha). Parehas kaming nalulungkot na ngayon, “the eyes are tinted and misted, no longer the windows of the soul.

When I got the chance to cross the distance between us, nakilala ko talaga sya. Sweet and accommodating. At sa maikling oras… we shared something special.

“Before
You are a fox
Like a hundred thousand
Other foxes.
But I have made you my friend,
And now you are
Unique in all the world.”
-------------Antoine de Saint-Exupery, ed. The Little Prince


Akala ko hanggang simula lang. Akala ko it will be as superficial as the rest.

Thank you loverboi, sa understanding (kahit magulo ako mag-isip), sa acceptance (kahit ang gagu-gagu ko), sa mga advice (kahit matigas ulo ko). Even with the distance, you proved to be a friend, though not physically, but importantly, in spirit.

Super belated happy birthday!!!



Wednesday, January 31, 2007

Not yet "happy"... but already... at peace.

Tapos na.

Breathe in – breathe out lang yan. Naiyak ko na lahat. Nakakahinga na ako ng maluwag.

“If pain must come,
may it come quickly.
Because I have a life to live,
And I need to live it
In the best way possible.
If he has to make a choice,
May he make it now.
Then I will either wait for him,
Or forget about him.
Waiting is painful,
Forgetting is painful,
But not knowing which to do,
Is the worst kind of suffering.”

-------------Paulo Coelho, By the River Piedra I Sat Down and Wept

Sinabi nya kagabi na suko na talaga sya. Na hindi nya na ako kayang pakisamahan. Na may mahal na raw syang iba.

Aminado ako na malaki ang kasalanan ko. Na nasaktan ko sya, ng sobra, ng maraming beses.

And person gave up. Sinukuan nya ako. Kung kelan nagsisimula na akong magmahal. Isang hakbang na lang, hindi nya pa inihakbang. Isang kirot na lang, hindi nya pa tiniis.

Binalak kong magpakatanga. Na mahalin sya kahit hindi nya na ako mahalin.

Gelo: Sasayangin mo lang ang oras mo.
Miko: Di bale nang masayang, ganon sya kahalaga sa kin.
Sheena: Eh kami? Hindi ba kami mahalaga sayo? Pwede ka lang magpagago, kung walang naghahangad ng oras mo.
Gelo: Gusto namin sya. Maayos syang kasama. Pero hindi nya pwedeng solohin ang oras mo. Pwede lang syang maging parte ng pamilyang binuo mo.
Dony: Pag nagpakatanga ka, pano pa kami makikinig sa advice mo na wag magpakatanga?
Partner: Be responsible for your actions naman, we are looking up to you as our model for growth. Wag mong sirain ung natitira mong credibility.
-------------The Family, Conversations with the Family

Isang buntong hininga.

Salamat sa mga tunay na sumoporta. Sa Family. Kay Billy, Lucky, Jecky, Juls, Noeh. Pati sa taong tumatawag sa king bossing, salamat sa quote LNC. Salamat sa mga online friends ko dito sa multiply.

It is finished.



Monday, January 15, 2007

Multi-Tasking

WARNING:  High Gross Level.  For mature readers only.


Kaninang umaga, nagawa ulit ang bagay na matagal ko ng hindi nagagawa.

Dahil inumaga na ako sa isang overnight drinking session with my barkada in Las PiƱas, nagmamadali akong naghanda sa pagpasok sa opisina para salubingin ang Manic Monday.  Bilang almusal, bumili ako ng taho, kumuha ng twalya at clean underwear at pumasok na sa banyo.

Umupo ako sa trono.

And yes, took a $h!t and ate taho at the same time.

Para kasi sa kin, $h!tting is one of the most boring thing to do.  Hindi talaga ako nag-eenjoy.  Kaya bago ako pumasok ng banyo, requirement talaga na meron akong mababasa just to pass the time.  Minsan, kahit nagmamadali na ako, ini-scan ko pa ang bookshelf ko to find a good book to read (or reread).  Pag hindi na kaya, at napilitan akong pumasok sa kasilyas ng walang bitbit, pinagtyatyagan ko nalang basahin ang ingredients na nakasulat sa likuran ng sachet ng shampoo.

Pagnakahanap naman ako ng magandang book, tinatamad na akong tumayo hanggat hindi ako natatatapos ang isang chapter.  thats when the time i brought new things inside the comfort room to make a little bit more... uhm, comfortable.

Mom:  San ka pupunta?
Miko:  E di sa banyo.
Mom:  E bat para saan yang juice at chichiria?  Me dala ka pang aklat.
Miko:  E di magbabasa, kakain, at tatae.  3 birds at one stone.
Mom:  Nyay, hirap talagang magkaron ng sira-ulong anak.
Miko:  Ang boring kaya sa loob.  next time, palagay tau ng music system.  hahaha.
-------------Mom, Conversations

Minsan naman, may nakakatuwang sensasyon ang ibinibigay ng pag-iri.  those are rare instances na parang meron pang
mamumuong tensyondahan dahang paglabaskasunod ay isang ginhawang nakakapagpalambot ng tuhod mo.  Sagabal nga lang sa pagnanamnam ng pakiramdam ang biglang tilamsik ng malamig na tubig sa sensitibong balat mo.

Pagnagkapera ako, ung talagang sa sobrang dami eh wala na akong mapagkagastusan, ipapa-carpet ko ang sahig ng banyo ko.  then merong magandang sound system.  

Sa ngaun, magazine/book stand na lang muna ang ilalagay ko.

Sa inyong lahat, enjoy $h!tting.  =)


Wednesday, January 10, 2007

Put ICE on your Cellphone

A recent article from the Toronto Star, "the ICE idea", is catching
on and it is a very simple, yet important method of contact for you
or a loved one in case of an emergency. As cell phones are carried by
the majority of the population, all you need to do is program the
number of a contact person or persons and store the name as "ICE".
The idea w as thought up by a paramedic who found that when they went
to the scenes of accidents, there were always mobile phones with
patients, but they didn't know which numbers to call.

He therefore thought that it would be a good idea if there was a
nationally recognized name to file "next of kin" under. Following a
disaster in London The East Anglian Ambulance Service has launched a
national "In case of Emergency (ICE)" campaign. The idea is that you
store the word "ICE" in your mobile phone address book, and with it
enter the number of the person you would want to be contacted "In
Case of Emergency ". In an emergency situation, Emergency Services
personnel and hospital staff would then be able to quickly find the
contact information under "ICE".

Please forward this. It won't take too many "forwards" before
everybody will know about this. It really could save your life, or
put a loved one's mind at rest. For more than one contact name simply
enter ICE1, ICE2, ICE3 etc.

A great idea that could make a difference!
-------------Anonymous, Forwarded E-mails


Really, its a great idea.  Hindi ko lang alam kung gaano ka-applicable ang sistemang ito sa pinas.

Being cynical, ang iniisip ko, pag nadisgrasya ka dito, at nakita ang cellphone mo, hindi kaya nakawin na lang ng makakita?  ang sama mang isipin, pero alam ko meron ng mga instances na ganon.

Another thing, halos lahat ng cellphone ngaun, kailangan na ng PIN para ma-unlock.  so meron mang good samaritan that would like to inform your family, mabubuwang sya sa panghuhula kung papano i-access ang cellphone mo.

So the system has a very slim chance of success.  But in case of disaster, that slim chance might make a difference!  

Cooperate!

=)

Monday, January 8, 2007

Help Me I'm Falling...

Hindi ko makakalimutan ang madilim na hapon na yon, 1832H January 7, 2007. Seven is the most mentioned number in the bible, (mentioned 54 times in Revelations alone) thus considered very lucky. Katatapos lang ng date ko with W so me and my Mommy Emma were going back home. The place, intersection ng Taft-Ayala.

Madalang ang FX na dumadaan, at dahil pagod na sa kakalakad, iminungkahi kong sumakay na sa unang jeep na darating. Paghinto ng medyo punong jeep sa tapat namin, nagsimula kaming lumapit ni Mommy.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang bigla ang mga kamay ko na nakahawak sa semento, ang kalsada kapantay ng aking dibdib. May malamig, basa, at maaligasgas na bumalot sa dalawang paa ko. Nagmadali akong umangat, wala pa ring ideya kung ano ang nangyari sa akin. Narinig ko na lang si Mommy Emma ng makita nya akong umaahon.

Oh, anong nangyari sa’yo? Hah? Akala ko napaluhod ka lang, nadapa… Kestengyawa, may bukas palang manhole dyan!
-------------Mommy Emma, Miko’s Memorable Moments

Waaahhh!!! Anak ng pating. Nahulog ako sa manhole!!!

Alam kong hindi ako pa ako mamatay (dahil hindi nag-flashback sa utak ko ang aking nakaraan), pero sa dami ng nakatingin sa akin, sana namatay na ako. Waahhhh!!! Di ko alam kung ang mga usisero sa humintong jeep eh natatawa, naaawa o naiiniis sa katangahan ko.

Tumalikod ako sa jeep na dapat sasakyan namin. Nagbilang ng pinsala. Isang galos sa binti, konting bugbog sa hita na siguradong magpapasa kinabukasan, kumikirot na kanang kamay, masakit na ilong dahil sa di kanais-nais na amoy sa aking mga pa, at higit sa lahat… sugatang pride.

Lintsak talaga. My first blog for this year. Let it not be a preview of things to come. Hahaha.