Wednesday, October 24, 2007

Stars of StufftoyLand

by Friko

 

Paris Hilton ng mga Stufftoy

 

Ipinakilala ni Elliot Handler, founder ng Mattel, Inc ang manikang ginawa nya (at ng kanyang asawang si Ruth) sa American Toy Fair nung 1959.  Hango ang pangalan ng manika sa kanilang anak na si Barbara.  Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kritiko, dahil kung totoong tao ang manika, magkakaroon ito ng sukat na 39-21-33.  Walang nakahula na pagkatapos ng mahigit 35 taon, ang manika ay mananatiling isa sa pinakamabentang laruan.

 

Taon-taon, iba-iba ang nagiging damit ng laruan (huhuhu, kakainggit).  Dahil sa mga damit na to, ang kumpanyang Mattel ay ang pang-apat na gumagawa ng damit na pangbabae.  Kabilang sa mga nagdisenyo ng damit ng manika ay sila Valentino, Perri Ellis, Oscar de la Renta at marami pang world-famous designers.

 

Siyamnapung porsiento ng mga babaeng amerikano ang nagkaroon ng, at least, isang manikang ito. Dahil sa pagsikat, ang mag-asawang Elliot at Ruth ay nagpagawa ng lalaking manika na ipinangalan naman nila sa anak nilang lalaki na si Kenneth.

 

Nagkaron din ng maraming “career” ang manika.  Naging teacher, astronaut, veterinarian, soldier, singer, flight attendant at model.  Lumalabas din ito sa samu’t-saring patalastas, cartoons, books, at 3-D film.  Nagkaroon ang manika ng una nyang computer nuong 1985 (wwaahhh, sensei, daig ako).

 

Kung ilalatag sa lupa ang lahat ng manikang ito, palilibutan nya ang buong mundo ng 3 ½ na beses.  Ganyan kasikat at kabenta si Barbie.

 

 

Presidential Stufftoy

 

Nobyembre ng 1902 ng bumisita si Theodore Roosevelt, 26th president ng America, para ayusin ang gulo sa pagitan ng Mississippi at Louisiana.  Habang naroon, nangaso sya ng mga oso (bear-hunting) ngunit minalas na makatagpo lang isang isang batang oso.

 

Isang manunulat sa dyaryo na nagngangalang Clifford Berryman ang nakasaksi at gumawa ng cartoon kung saan ipinapakita ang presidente at ang batang oso.  Nakita ni Morris Michtom, may ari ng isang novelty store sa Boston, ang dyaryo at napukaw ang kanyang imahinasyon.  Sa tulong ng kanyang asawa, nagtahi sila ng mga manikang oso at mabilis nila itong naibenta.

 

Humingi ng pahintulot si Michtom sa presidente na gamitin nito ang kanyang palayaw sa pagbebenta ng mga stufftoy.  At ng pumayag ang pangulo, nagmass produce si Michtom katulong ng isang wholesaling company na Butler Brothers.  Hanggang ngayon, marami pa ring versions ng stufftoy ang lumalabas, pero ito ay nanatiling tinawag na Oso ng Pangulong Theodore, o sa maiksing salita – Teddy’s Bear.

 

Manikang Aktibista

 

Isang tauhan sa pangbatang libro ang nilikha ni Johnny Gruelle nuong 1915.  Ang tauhan sa libro ay isang manika na nakasuot ng asul at puti, ang buhok ay gawa sa yarn na kulay pula.  Bumenta ang libro, kasama ang manika, nuong 1918.  Ang libro ay nasundan nuong 1920 kung saan ang manika ay nagkaroon ng kaparehang lalake.

 

Nalikha ni Gruelle ang manika para sa kanyang anak na si Marcella.  At mula sa aklatan, kinuha ni Gruelle ang mga tula ni James Whitcomb Riley at pinagsama ang dalawang titulo – “The Raggedy Man” at “Little Orphan Annie”.  Sinabi nya sa kanyang anak na “Bakit hindi natin sya pangalan ng Raggedy Ann?”

 

Si Marcella ay namatay sa edad na 13 matapos itong mabakunahan sa paaralan para sa bulutong ng walang pahintulot sa kanyang magulang.  Sinisi ng autoridad ang problema sa puso ng bata, pero sinisi ng magulang ang bakuna.  Naging kalaban ng pagbabakuna si Gruelle, at kahit hindi kasing sikat ni Barbie o kasing benta ng Teddy’s Bear, ang manikang si Raggedy Anne ay tumayong simbolo ng Anti-Vaccination Movement.

 

-------------

 

Hihihi.

 

Yan na po muna ang blog q.  Busy si sensie miko sa computer nya eh, kaya po di ako makacngit.  Hihihi.

 

Hanggang sa muli.

 

Friko.

 

Si friko ay laging babad sa luha ng dati nyang amo.  Ibinigay sya nito kay Miko ng mapasaya ni Miko si FR.  Napalitan ng pangalan ang stufftoy na leon, subalit dahil sa kakulangan ng legal adoption papers, nangangamba si Miko na baka bawiin ang stuffriend nya, lalo na ngayong nagkakaron si friko ng mga fans at tumataas ang marketability.

 

4 comments:

Jethro Yasis said...

hmmmm. mga bagong information. Galing mo talaga Frikong magresearch.

Miko Legaspi said...

hehehe, salamat daw sabi ni friko.

gab panzo said...

u write very well. *clap clap*

Miko Legaspi said...

salamat daw po, sabi ni friko. =)