-Paunawa: Wag seryosohin ang mga kayabangan, dala lang ng gutom-
Darn. It's been so long since i last blog, parang ages ago na. Well, as usual busy kasi ako. Nakipagmeeting kasi me kay Bush, nagmamakaawa xa na wag ko na raw tibagin ung White House para sa ipinapagawa kong highway. Kaya un na nga, pumayag ako, siguro ung Taj Majal na lang ang ipapatibag ko.
Anyway, lumipat na nga pala ako ng bahay. U all know naman na umuulan na, eewwness kaya un, nabasa ang bubong ng haus namin. Kaya lumipat me ng bagong haus, kasi di me comfortable matulog sa bahay na basa ang bubong.
so un na nga. i transferred to a new place. at pagdating ko, hindi pa ayus ang internet connection. hassle talaga kaya tuloy di me makapagblog.
and ung pulutong ng katulongs ko, di pa rin nakaka-move in. inaayos pa kasi ung mga bathtub sa tigi-tigasang room nila. yan tuloy, walang nagluluto, nagpapakain at nagpapaligo sa kin. hayz.
--CUT--
sorry sa mga masugid na tagasubaybay, hehehe, ung writing sa taas eh ung communication style na ginagamit ko pag nang-iinis sa chatroom.
but its true. i'm renting an appartment now for personal and business purposes. 2 storey and 2 rooms xa. ung isa pang sleeping, ung isa - work/war room. ung living room sa ibaba ang ginawa kong photostudio.
hirap pala ng home alone. 2x lang me kumakain. oatmeal lang pangtanghalian at pancit canton lang sa hapunan. nakakain lang me ng lutong bahay pag bumibisita si mama to cook and do my laundry. hahaha
Don't get me wrong, i know how to cook and wash my own clothes (hindi me makaka-survive sa academy if not). ang prob lang eh ung entrophy (katamaran). hehehe.
Now, i'm living alone, without an internet connection, and quite far sa bayan. hopefully, makakapagconcentrate na me sa mga writings ko (kung hindi me maaddict sa nilalaro kong computer game).
and with that, mas maayos ko na ang categories ng mga articles ko dito (for my upcoming ambitious self-published book, wwhooppee!!).
Kwentong Miko is about my clumsy life (tulad ng mahulog sa manhole) and peculiarities (kumain ng taho habang ume-ebs).
General Nonsense is my blabber about the world. Mga obserbasyon at opinyon (like history ng helmet o paalam Pluto).
A new category will be Miko's Manuals kung saan ang different experts ng multiple personality ko ay magbibigay ng guide on how to do things well (tulad ng How to commit suicide).
hindi ko na isasama ang Mikology (my personal view on religion). hehehe, mahina kasi ang benta, saturated na kasi ang market at andami ng nag-iingay.
so friends and fans (nyahahaha), check my site from time to time. comments will be greatly appreciated.
=)
6 comments:
Long time no blog Mik ah. Nice to know you're still up and about. lol. :)
thank thanks, hehehe, i'm on the move again. =)
oi miko! ikaw marunong MAGLUTO?? hahaha!
nga pala, ayus, may sarili ka ng place.. goodluck! post ka nman ng pics ng bago mong apartment.. =)
wahhhhh...gustong gusto ko na magkaroon ng sariling place....kainggit naman...
ako pa, magluto lang pala eh. hehehe. libangan ko nga un dati eh. hehehe. sa sobrang sarap ng luto ko, kilala xa bilang Luto ng Diyos. hahaha.
sige post ako minsan. lintsak, di ka naman dumadalaw sa shop eh, ilang beses na kong bumisita don, di ka nagpakita.
dalaw uli kau d2 sa bataan, para maexperience nyo naman ang bagong bahay ko. hahaha.
honga, ang sarap may sariling place, parang ang laya laya mo. hahaha. =)
Post a Comment