Friday, September 26, 2008

Warren

‘Di ko noon nakayang ipadama sa’yo
Ang nararamdaman ng pusong ito

He looks good. Aminado ako don. Bagay sa kanya ang goatee, para hindi sya magmukang masyadong bata. Magaling kumanta. Ayos, disenteng, pumorma. Hindi ako mahihiyang siya ang kauna-unahang lalaki na ipapakilala ko sa mga barkada ko as my “date”.

At hanggang ngayon ay naalala pa
Muntik na kitang minahal

Ang lakas ng tawa ko ng marinig ko sa kanya ang salitang “I Love You”. Pangalawang gabi palang naming magkasama. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig na ganoon kabilis.

“You cannot love who you do not truly know,” paliwanag ko sa kanya. Hindi ako ang sinasabihan nya ng pagmamahal, kundi ang ilusyon na ginawa nya about me. Sinabi nya na ipapakita nya daw na totoo ang pagmamahal nya. Hihintayin nya raw ako.

Ngayon ay aamin ko na
Na sana nga ay tayong dalawa

Six hours ang kadalasan nyang pag-hihintay sa labas ng office ko pagkatapos ng klase nya. Kakain lang kami. Maglalakad sa baywalk, tatambay sa CCP, bago ko sya ihatid sa sakayan ng bus pauwing Bulacan. Madalas syang magbigay ng regalo tulad ng damit. Pero hindi ko naman hiningi yon. Masaya at kontento na akong kasama sya. Sa bahay sya nagbisperas ng pasko at bagong-taon.

Bawat tanong mo’y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo’y di totoo

Pero sa tuwing sasabihin nyang mahal nya ako, “salamat” lang ang naisasagot ko. Nakikita ko naman sa kanya na seryoso sya. Pero pag binitawan ko rin ang salitang pag-ibig, mangangahulugan yon ng kapalit ng kalayaan ko. Pero hindi ko naisip na ang espasyong pinahahalagan ko, hindi pala tutumbas sa inuukopahan nya.

Di ko alam kung anong nangyari
Damdamin ko sa ‘yo’y di ko nasabi

Nalasing ako sa isang inuman. Nawalan ng control at naging mahina. Nahimasmasan lang ako ng makita ko syang nakatayo sa pinto, nakatingin sa akin habang hinahanap ko ang shorts ko, may ibang kasama sa kwarto na hubad din. Hinabol ko sya, at ng maabutan, tinanggap ko lahat ng suntok. Pero mas masakit ang mga salitang binitawan nya kaysa sa kamaong sinalo ko…

“May nagmamahal sa ‘king iba… pero ikaw ang pinili ko… kasi mahal kita! Pero ginago mo ko… tang-ina naman.” Iyak sya ng iyak. At kahit hindi sya maniwala, dumugo ng oras na yon ang puso ko.

Hanggang ang puso mo’y napagod
Sa paghihintay kaytagal

Nagkaayos din kami. At natutunan kong ilaan sa kanya ang atensyon at pag-aalaga na deserved nya. Pero parang hindi na sya tulad ng dati. May lamig na ang dating mainit nyang pagtingin.

At pagkagaling ko sa isang business trip, sinabi nyang hindi nya na ako kayang pakisamahan… na mahal nya na ang bestfriend ko. Ang bestfriend kong pinagsasabihan nya ng sama ng loob tungkol sa min. Ang bestfriend ko na sumuporta sa kanya.

Ang sakit. Kung kailan handa na ko, kung kailan ibibigay ko na sa kanya ang lahat.

Pero pinakita ko na matibay ako hanggang sa huli. Hinarap ko sila ng parang wala lang. At ng matalo ako sa isang laro, binigay sa aking dare na ikwento ko ang isang bagay na pinagsisisihan ko. Sabi ko, kakantahin ko na lang.

Kinanta ko ng buo, sa harap ng barkada. Nakahiga sya, ang ulo nya nakaunan sa hita ng bestfriend ko. Hindi ko napigilan ang luha.

Saka ko lang naisip
muntik na kitang minahal...

------------
emo theme for E(kwento) Mo Writing Contest. hehehe, di ko lang alam kung pasok. n_n true experience po yan.

Friday, September 19, 2008

Blogtasan: Traditional VS Bloggermania

LAKANDIWA

Magandang araw sa lahat, masugid na mambabasa
Isa pong Blogtalastasan, sinikap kong inihanda:
Ang Traditional na Media, noon pa man ay subok na,
Laban sa uso at bagong Blogging
to ang ating paksa.

Sa Traditional na Media, mga bagay na kasama
Dyaryo, radio at magazine, pati TV ay ang bida.
Sa kabilang panig naman, sinasabing BloggerMania
Dahil sa murang internet, nararating din ang masa.

Pagdating sa journalism, ano ba ang naaangkop?
Blogs na likha ng Netizen, doon ba tayo tututok?
O manatili sa luma, tradisyunal na at subok?
Halina
t ating alamin, bawal ang aantok-antok.

TRADITIONAL

Mayroon pa bang uubra, sa pahayag na tradisyon.
Masusing pagbabalita, ganap na imbestigasyon,
Mahigpit na pagsusuri, paglakap ng impormasyon,
Totohanang paglalahad, sinusumpaang propesyon.

Ikaw ba ay makikinig, sa taong ‘di mo kilala
At ang kanyang sinasabi, pagbasehan mo ng pasya?
Sa reporter na kilala, reputasyon ay subok na,
Sa walang kredibilidad, tayo na ay dumistansya.

BLOGOSPHERE
Will you say that is credible… ang news na pinagbibili?
And blogs that are cheap and free, at the same time walang puri?
You got it the wrong way, my friend, regarding credibility
For Old Media ay bumenta, balita ay pinipili.

Coz reporters are bayaran, many can be easily bought
“Say good things about our product, I’
ll give you more than your sahod,”
Unlike our concerned Netizens-> they worked, they wrote, they voiced, they stood,
Kahit walang bayad or “thanks”, they continue for the sake of Truth.

TRADITIONAL
Aba, wag kang magmalinis, ani moy walang napala,
Dahil din sa patalastas, ikaw rin ay kumikita,
Lahat ng sulok ng blogs mo, logo ng ibang kumpanya,
Laman ng latha mo, pili… Para sikat, magkakwarta.

‘Di tulad naming reporters, panganib ay sinusuong,
Kahit sa gitna ng g’
yera, buong tapang na nandoon,
Di mapipigil, ilan mang death threats at kidnap for ransom,
Samantalang mga bloggers, kampante sa kanilang “room”.

BLOGOSPHERE
Which is reliable, ang nagtatanong o dumadanas?
As reporters ask their questions, ang oras ay lumilipas,
Writing, editing, at proofreading bago nila ilabas,
While the offender and victim posted blog, video, or podcast.

Why in your frontpage, always na lang balitang kumakaway,
Kung hindi famous na pulitiko, litrato ng bangkay,
Your news are sensationalized, all the time na lang may away,
While we bloggers, we post ‘
bout almusal hanggang questions of LIFE.

TRADITIONAL
Bakit namin iimprenta tsismis ng kapitbahay nyo,
Kung meron namang tungkol sa Bwayang nahuli sa Damo?
Bakit ibo-broadcast ang bagong tirintas ng aso mo,
Hindi ba
t pasikip lamang, yong basura sa publiko?

Kaming mga alagad at tagapaglingkod ng masa
Latha’y serbisyong totoo, sa kapuso’t kapamilya,
Magsiwalat ng mali, o maggawad ng gantimpala,
Iangat ang kamalayan, ito’
y aming tanging nasa

BLOGOSPHERE
Duh! Sinong niloloko mo? Ratings lang ang iyong gusto.
Trail blazing news, you paused, then commercial ay ihahalo.
The wrongdoers, you blackmail first, if no pay, sumbong, xa talo,

Please spare me the bola, hindi poh ganyan ang serbisyo.

Hindi tulad namin, we write to express and not to impress,
May readers man o wala, we type away, we post regardless
Wala kaming target market. Figures and trends we don’
t asses,
This is my outlet, my life, my self, my soul. Cursed man me or blessed. ^_^

TRADITIONAL
Pagkamakasarili, sa iyong latha nakikita,
Basta makapagsulat, walang paki sa mambabasa,
Kalapastangan sa pagkatha, brutal na balarila
Si Webster man o Quezon, parehas kang itatatwa.

BLOGOSPHERE
Gosh, personalan na to, niyayari pati style ko,
Function over form, this is more correct, di lang nauuso,
Superficial writing, yan lang naman ang panlalaban mo
Pero ‘bout contents, my dear, kaming readers naman ang talo

TRADITIONAL
Matabil na bata, sarili’y tignan bago mangutya.,
Usapin na walang kwenta, sa sulatin mo ay sadya

BLOGOSPHERE
Buong katotohan ng Life, may kwenta man o wala,
Bigay ko, at hindi benta, sa masa aking gawa

TRADITIONAL
Kay Cesar ay kay Cesar, balitang tunay, dapat lang - bayad

BLOGOSPHERE
True service comes from the heart. News, talks, videos - libre lang dapat

TRADITIONAL
Sa balita, kami’y sapat!

BLOGOSPHERE
But in Life, you are kulelat!

LAKANDIWA (Paghahatol)
Sandali lang, awat muna! Ako naman ang bibida.
Kayong dalawa’y tumahimik, sa sulok magpalamig muna
Makinig kayo sa hatol, alamin ang aming pasya,
Traditional ba or Blogging? Ano ba ang mas mabisa?

Traditional na balita, produkto ng korporasyon,
Sa pagganap ng serbisyo, alagad ay isang lupon,
Nakakapagduda ang lathain dahil bayad ang propesyon,
Pero nakikita, sining ay nalinang at puno ng aksyon

Ang blogging naman libre, lahat ay isinasali,
Tsismis man ‘to o totoo, malimit na pinipili,
Ang ibang gawa may kalidad, ang iba nama’y irresponsible,
Kahit ano nilalagay, masama man o mabuti

Sa simulang panunuri, mukhang Masa ang natalo
Kapos ang kalidad ng Blog, at lugi ang peryodiko
Pero di magpapabaya, mam’mahayag na totoo
Ang Passion, Skills at Talent, sa masa iseserbisyo.

At sa ating pagtatapos, kayo na lang ang maghusga,
Sa laban nitong dalawa, sino ang dapat magbida?
Dahil sa aking paningin, patas at walang duda,
Parehas silang may hina, at lakas na ibubuga!

-------------

Nagiging makata si Kabayang Miko Legaspi pag umuulan ng kakornihan at ilang buwang hindi pakikipagdate. Ito ang kanyang opisyal na entry para sa BlogAwards Challenge #7. Taos-pusang pasasalamat kay Inhenyerong Nico Tolentino (project collaborator) para sa ibang linya ng latha sa itaas. ^_-

Sunday, September 14, 2008

Tumble Turn

“You need to learn to exhale, through your nose, for 5 seconds.”
-------------Random Instructions I Got From Life

I’ve been swimming since I was kid. And sa school na pinasukan ko nung college, 2 semester ang required na swimming class (basic and advance). Pero last Saturday, around 4pm, dun ko lang nakita ng personal ang tumble-turn.

One of the trainees here in my workplace executed it gracefully. Siguro, it was one of Fate’s Grand Design for them to join me sa weekly swimming routine ko. And again, Life conspired for me to witness and learn.

I learned (and I’m getting better at this) to swallow my pride, and ask for instructions, kahit na mas mataas ang position (job) ko sa nagtuturo sa akin.

…that expelling carbon dioxide thru your nose prevents the water from going in, like removal of garbage from your life prevents other unwanted trash to come.

…to tighten up (bow your head, clip your knees near your chest), and brace yourself for the tumble and turn.

…that your hands should wave opposite of your turn, dahil balancing can make you stable, and prevents your head from hitting the wall.

…and that chlorine hurts your eyes, but still you need it open. And , next time, to buy yourself a goggle if you can.

…and that you can’t perfect it the first time, and that water will get into your mouth, into your nose, into your ears. But the more you do it, the lesser it (pain, suffering) happens.

…and after a LOT of hours, two red eyes, clogged ears and bloated tummy, you pull yourself out of the pool grinning

You have that inner smile, not because there is a cutie in the pool, but because you learned… and that a hard-on didn’t count, coz what mattered is you’ve actually, genuinely grown.

Wednesday, September 10, 2008

Best Advice from Jank en Pon

Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila.


Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng Japan at Suu Ken (shoushiling) ng China. Naimbento ito bandang 19th century.


“Janken Pon

acchi muite hoi”

-------------Janken Original Chant


Hindi ko alam kung paano naging Jack en Poy ang Jaken Pon, at kung bakit ang talo ay unggoy, pero maraming bagay akong nalaman.


Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe.


Nalaman ko rin hindi all the time, you need just to cut, or just break, or just cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo.


“If the only tool you have is a hammer,

You tend to treat everything as a nail”

-------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes


Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo.


At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again.


Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli.


Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy. Sana maglaro tayong lahat. =)


-------------

Originally posted on my multiply site dated August 14, 2007

Thursday, September 4, 2008

Anu Na?

Sa mga nagtatanong kung buhay pa ko, yup, some aspect of my life still exist.

Work Life
Nakaka 2 months na ko in an office setting (again). Nagtatrabaho ako ngaun sa isang isolated community sa bundok, together with around 1000 people. 80% sa kanila, sumasaludo sa kin, bwahahah(evil laugh). Barya lang ang sahod, but it appeals to my god-complex. Hehehe.

Though my micro-business did not actually fail, hindi naman xa kumita according to my expectations. Na-achieve ko lang ang goal ko of learning what competencies I still lack. After a year or two, subok uli ako sa business. For now, I need a steady flow of cash.


Student Life
After work, diretso ako sa school. I’m taking required subjects para makapag masteral ng business administration. Taena, kakapagod. Parang dapat naka-dextrose ako lagi ng kape with extra-joss para daigin ko ang energizer rabbit.

Kung siga ako sa work, alipin naman ako ng isang all-powerful teacher. Subject: Accounting. Sabi nya, normal daw sa nag-aaral ng accounting ang nagsasalita mag-isa at laging kulang ang tulog. Terrifying dreams of turning into Smeagol / Gollum filled my nights after that comment. Pero I like that teacher nonetheless, hehehe, lalo na pag nag i-ego-trip sya. Hehehe.

Family Life
Well, my Sis informed me that Mam told Pap… that I.. uhm.. different. Hehehe. He still in abroad right now, at tuwing tatawag sya, hindi kami nag-uusap tulad ng dati. Mukang nahihirapan syang tanggapin na kaya hindi ako nakakabuntis dahil walang matris ang nakakaulayaw ko. Pap badly, pleadingly asked me to make a grandchild for him. Sorry to disappoint you Pap. Hingi na lang kayo dun sa isa kong kapatid na lalaki. I’m pretty sure he’s straight. Hhehehe.

Love Life
Bwahahaha! Sa mga pumusta ng 3, 4 or 5 months, talo na kayo!!! I’m on my 157th day of Zero Dating. Hehehe. Sa Sept 29, makaka half-year na ko. Hahahahehehehuhuhuhu. Taena, ang hirap. I terribly miss someone I can laugh with, cry with, fight with, make up with, to walk hand in hand with, be argue, to talk with. Hala, kumanta na. hehehe.

Effective ang Miko’s Manual ko regarding How to Avoid Dating, hehehe. Pwede ko kaya itong ipa-patent? :P

That’s it. Summary ng isang kwento sa buhay ni Miko for the past few weeks. Catch you all later. =)