Friday, September 19, 2008

Blogtasan: Traditional VS Bloggermania

LAKANDIWA

Magandang araw sa lahat, masugid na mambabasa
Isa pong Blogtalastasan, sinikap kong inihanda:
Ang Traditional na Media, noon pa man ay subok na,
Laban sa uso at bagong Blogging
to ang ating paksa.

Sa Traditional na Media, mga bagay na kasama
Dyaryo, radio at magazine, pati TV ay ang bida.
Sa kabilang panig naman, sinasabing BloggerMania
Dahil sa murang internet, nararating din ang masa.

Pagdating sa journalism, ano ba ang naaangkop?
Blogs na likha ng Netizen, doon ba tayo tututok?
O manatili sa luma, tradisyunal na at subok?
Halina
t ating alamin, bawal ang aantok-antok.

TRADITIONAL

Mayroon pa bang uubra, sa pahayag na tradisyon.
Masusing pagbabalita, ganap na imbestigasyon,
Mahigpit na pagsusuri, paglakap ng impormasyon,
Totohanang paglalahad, sinusumpaang propesyon.

Ikaw ba ay makikinig, sa taong ‘di mo kilala
At ang kanyang sinasabi, pagbasehan mo ng pasya?
Sa reporter na kilala, reputasyon ay subok na,
Sa walang kredibilidad, tayo na ay dumistansya.

BLOGOSPHERE
Will you say that is credible… ang news na pinagbibili?
And blogs that are cheap and free, at the same time walang puri?
You got it the wrong way, my friend, regarding credibility
For Old Media ay bumenta, balita ay pinipili.

Coz reporters are bayaran, many can be easily bought
“Say good things about our product, I’
ll give you more than your sahod,”
Unlike our concerned Netizens-> they worked, they wrote, they voiced, they stood,
Kahit walang bayad or “thanks”, they continue for the sake of Truth.

TRADITIONAL
Aba, wag kang magmalinis, ani moy walang napala,
Dahil din sa patalastas, ikaw rin ay kumikita,
Lahat ng sulok ng blogs mo, logo ng ibang kumpanya,
Laman ng latha mo, pili… Para sikat, magkakwarta.

‘Di tulad naming reporters, panganib ay sinusuong,
Kahit sa gitna ng g’
yera, buong tapang na nandoon,
Di mapipigil, ilan mang death threats at kidnap for ransom,
Samantalang mga bloggers, kampante sa kanilang “room”.

BLOGOSPHERE
Which is reliable, ang nagtatanong o dumadanas?
As reporters ask their questions, ang oras ay lumilipas,
Writing, editing, at proofreading bago nila ilabas,
While the offender and victim posted blog, video, or podcast.

Why in your frontpage, always na lang balitang kumakaway,
Kung hindi famous na pulitiko, litrato ng bangkay,
Your news are sensationalized, all the time na lang may away,
While we bloggers, we post ‘
bout almusal hanggang questions of LIFE.

TRADITIONAL
Bakit namin iimprenta tsismis ng kapitbahay nyo,
Kung meron namang tungkol sa Bwayang nahuli sa Damo?
Bakit ibo-broadcast ang bagong tirintas ng aso mo,
Hindi ba
t pasikip lamang, yong basura sa publiko?

Kaming mga alagad at tagapaglingkod ng masa
Latha’y serbisyong totoo, sa kapuso’t kapamilya,
Magsiwalat ng mali, o maggawad ng gantimpala,
Iangat ang kamalayan, ito’
y aming tanging nasa

BLOGOSPHERE
Duh! Sinong niloloko mo? Ratings lang ang iyong gusto.
Trail blazing news, you paused, then commercial ay ihahalo.
The wrongdoers, you blackmail first, if no pay, sumbong, xa talo,

Please spare me the bola, hindi poh ganyan ang serbisyo.

Hindi tulad namin, we write to express and not to impress,
May readers man o wala, we type away, we post regardless
Wala kaming target market. Figures and trends we don’
t asses,
This is my outlet, my life, my self, my soul. Cursed man me or blessed. ^_^

TRADITIONAL
Pagkamakasarili, sa iyong latha nakikita,
Basta makapagsulat, walang paki sa mambabasa,
Kalapastangan sa pagkatha, brutal na balarila
Si Webster man o Quezon, parehas kang itatatwa.

BLOGOSPHERE
Gosh, personalan na to, niyayari pati style ko,
Function over form, this is more correct, di lang nauuso,
Superficial writing, yan lang naman ang panlalaban mo
Pero ‘bout contents, my dear, kaming readers naman ang talo

TRADITIONAL
Matabil na bata, sarili’y tignan bago mangutya.,
Usapin na walang kwenta, sa sulatin mo ay sadya

BLOGOSPHERE
Buong katotohan ng Life, may kwenta man o wala,
Bigay ko, at hindi benta, sa masa aking gawa

TRADITIONAL
Kay Cesar ay kay Cesar, balitang tunay, dapat lang - bayad

BLOGOSPHERE
True service comes from the heart. News, talks, videos - libre lang dapat

TRADITIONAL
Sa balita, kami’y sapat!

BLOGOSPHERE
But in Life, you are kulelat!

LAKANDIWA (Paghahatol)
Sandali lang, awat muna! Ako naman ang bibida.
Kayong dalawa’y tumahimik, sa sulok magpalamig muna
Makinig kayo sa hatol, alamin ang aming pasya,
Traditional ba or Blogging? Ano ba ang mas mabisa?

Traditional na balita, produkto ng korporasyon,
Sa pagganap ng serbisyo, alagad ay isang lupon,
Nakakapagduda ang lathain dahil bayad ang propesyon,
Pero nakikita, sining ay nalinang at puno ng aksyon

Ang blogging naman libre, lahat ay isinasali,
Tsismis man ‘to o totoo, malimit na pinipili,
Ang ibang gawa may kalidad, ang iba nama’y irresponsible,
Kahit ano nilalagay, masama man o mabuti

Sa simulang panunuri, mukhang Masa ang natalo
Kapos ang kalidad ng Blog, at lugi ang peryodiko
Pero di magpapabaya, mam’mahayag na totoo
Ang Passion, Skills at Talent, sa masa iseserbisyo.

At sa ating pagtatapos, kayo na lang ang maghusga,
Sa laban nitong dalawa, sino ang dapat magbida?
Dahil sa aking paningin, patas at walang duda,
Parehas silang may hina, at lakas na ibubuga!

-------------

Nagiging makata si Kabayang Miko Legaspi pag umuulan ng kakornihan at ilang buwang hindi pakikipagdate. Ito ang kanyang opisyal na entry para sa BlogAwards Challenge #7. Taos-pusang pasasalamat kay Inhenyerong Nico Tolentino (project collaborator) para sa ibang linya ng latha sa itaas. ^_-

18 comments:

[chocoley] said...

I think Traditional media couldn't compare with BlogMedia.

One because traditional, as you've said has a concise and comprehensive way of giving out the reality and exactly the truth within each news.

On the other hand blogging is a way of living ones' life opinion.. basically it's all abt personal output, but there are blogging activities tht engages into partly traditional way.

The Mikologist said...

@dazed

thanks for comments. well, as i said, they have their strengths and weaknesses. n_n

PoPoY said...

hindi talaga ako manunulat. basta kung anong nasa isip ko, yun na lang, its either u love it or u hate it. lols :)

salamat sa pagdaan sa aking site. nakakatuwa.:)

Anonymous said...

Hmmm... Bat naman may four months pa? :)

The Mikologist said...

@popoy
walang anuman,
salamat din sa pagbisita.

@bino
six months, hahaha. its my weird goal. n_n

_ice_ said...

i think walang dapat manalao o matalo o karapat dapat, ang pagsusulat ay isang talento na dapat nating ibahagi sa mga tao..

kung san ka man kampi dapat panindigan nalang nila.. basta ako kung ano nasa puso ko susundin ko wahahahah

tol tnx really for dropping by sa blog ko.. really appreciate it..

The Mikologist said...

@ice

i agree, kaya nga patas ang hatol ko, hehehe.

no prob po. i'll visit from time to time.

n_n

wanderingcommuter said...

dumugo bigla ang ilong ko!!!

The Mikologist said...

@wandering

hahaha,
sorry naman.

n_n

Ayel said...

wow! galing nito ah. I'm gonna tell my co-teacher to drop by your blog, too. she's lookin' for some unorthodox piece for balagtasan. Blogtasan...why not?

thanks for takin a peek at mine ---> http://ariellalisan.org

The Mikologist said...

@ariel

thanks. i'm glad you appreciated.

n_n

Abou said...

ha ha ha

hindi ko naisip ung mga hirit dito he he.

katuwa naman

The Mikologist said...

@abou,
hehehe

salamat salamat

Juzzie said...

napadaan..

traditional is traditional,.,
madami pa din ang tumatangkilik..
lalo na sa mga nakakatanda..

yet ok din ang blogworld...
one click. go!
its for those peepz na walang time, and always on the run..

hehe

nice readings uv got here..
coolness ^_^

Jerick said...

actually, hindi ko binasa yung entire post kasi mahaba sya. pero bigyan kita ng 1.0 for effort.

new blog ito noh? good luck sa blogosphere!

.::. Vanny .:. said...

nice post.. ;)

yeah.. just like wat dey said, walang panalo at walang talo sa traditional or bloggermania.

ang mahalaga, parehong nakakatulong sa kapwa.. ;)

bloghopping! =)

[chocoley] said...

Hey droppin' by again :)

The Mikologist said...

@juz
yup, hindi basta basta maglalaho ang traditional, and blogging will have its place din.

@curb,
hehehe, sorry, meron kasing minimum words para sa entry. thanks for the points. n_n

@vanny
good intention brings good result, most of the time.

@daze
salamat sa pagbisita.

n_n