Wednesday, September 10, 2008

Best Advice from Jank en Pon

Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila.


Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng Japan at Suu Ken (shoushiling) ng China. Naimbento ito bandang 19th century.


“Janken Pon

acchi muite hoi”

-------------Janken Original Chant


Hindi ko alam kung paano naging Jack en Poy ang Jaken Pon, at kung bakit ang talo ay unggoy, pero maraming bagay akong nalaman.


Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe.


Nalaman ko rin hindi all the time, you need just to cut, or just break, or just cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo.


“If the only tool you have is a hammer,

You tend to treat everything as a nail”

-------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes


Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo.


At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again.


Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli.


Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy. Sana maglaro tayong lahat. =)


-------------

Originally posted on my multiply site dated August 14, 2007

3 comments:

_ice_ said...

hi there

salamat sa idea.. bagong kaalaman na naman ito
hahahaha

musta?

drop by ka naman sa blog ko

http://sedfre21.blogspot.com

[chocoley] said...

Haha, tht's a funy read, care of ex-links? XD

The Mikologist said...

@ice,
yup, i'll keep on dropping by. =)

@dazedblu
i'm glad you appreciate it. =)