Thursday, September 4, 2008

Anu Na?

Sa mga nagtatanong kung buhay pa ko, yup, some aspect of my life still exist.

Work Life
Nakaka 2 months na ko in an office setting (again). Nagtatrabaho ako ngaun sa isang isolated community sa bundok, together with around 1000 people. 80% sa kanila, sumasaludo sa kin, bwahahah(evil laugh). Barya lang ang sahod, but it appeals to my god-complex. Hehehe.

Though my micro-business did not actually fail, hindi naman xa kumita according to my expectations. Na-achieve ko lang ang goal ko of learning what competencies I still lack. After a year or two, subok uli ako sa business. For now, I need a steady flow of cash.


Student Life
After work, diretso ako sa school. I’m taking required subjects para makapag masteral ng business administration. Taena, kakapagod. Parang dapat naka-dextrose ako lagi ng kape with extra-joss para daigin ko ang energizer rabbit.

Kung siga ako sa work, alipin naman ako ng isang all-powerful teacher. Subject: Accounting. Sabi nya, normal daw sa nag-aaral ng accounting ang nagsasalita mag-isa at laging kulang ang tulog. Terrifying dreams of turning into Smeagol / Gollum filled my nights after that comment. Pero I like that teacher nonetheless, hehehe, lalo na pag nag i-ego-trip sya. Hehehe.

Family Life
Well, my Sis informed me that Mam told Pap… that I.. uhm.. different. Hehehe. He still in abroad right now, at tuwing tatawag sya, hindi kami nag-uusap tulad ng dati. Mukang nahihirapan syang tanggapin na kaya hindi ako nakakabuntis dahil walang matris ang nakakaulayaw ko. Pap badly, pleadingly asked me to make a grandchild for him. Sorry to disappoint you Pap. Hingi na lang kayo dun sa isa kong kapatid na lalaki. I’m pretty sure he’s straight. Hhehehe.

Love Life
Bwahahaha! Sa mga pumusta ng 3, 4 or 5 months, talo na kayo!!! I’m on my 157th day of Zero Dating. Hehehe. Sa Sept 29, makaka half-year na ko. Hahahahehehehuhuhuhu. Taena, ang hirap. I terribly miss someone I can laugh with, cry with, fight with, make up with, to walk hand in hand with, be argue, to talk with. Hala, kumanta na. hehehe.

Effective ang Miko’s Manual ko regarding How to Avoid Dating, hehehe. Pwede ko kaya itong ipa-patent? :P

That’s it. Summary ng isang kwento sa buhay ni Miko for the past few weeks. Catch you all later. =)

5 comments:

[chocoley] said...

Hey there, droppin' by XD
anyways good luck!

Kris Canimo said...

Parang dapat naka-dextrose ako lagi ng kape with extra-joss para daigin ko ang energizer rabbit.

^^ tawa ako ng tawa dito. well, what can i say. magpapasko na, papayag ka bang dateless pa rin?

The Mikologist said...

@dazedblu, thanks for droppin by! =)

@prose, hehehe, i'm glad i made you laugh. yup, i will definitely experience cold xmas. hahaha.

Ely said...

pahiram rin niyang manual mo. hehe

The Mikologist said...

@ely,
hahaha,
oo ba.

=)