Hubad na Katotohanan by Friko
Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba?
Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na).
sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi.
Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob.
Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi.
Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba?
Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi.
Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.
No comments:
Post a Comment