Ano bang meron sa Blogging?
Bakit sa kalamigan ng madaling araw tulad ngayon ay inilalatag ko sa word processor ang isang piraso ng aking utak para ibahagi sa sinumang sinawimpalad na babasa ng sinulat ko?
Maraming rason, maliban sa pagbebenta ng mamahaling bags, gamot na pampaputi, mga cute na alagaing hayop o panandaliang aliw. At mayroon pang mas makabuluhang blog kesa pagsagot ng sari-saring personal survey.
To Feel
Sumusulat ng blog para magpa-impress sa mga mambabasa na kaya kong magtipon ng basura at sa kada 100 na reader, may tsansa na may 1 magkokomento ng paghanga. Sa papuri na yon, parang bata akong maadik sa kendi at muling magsusulat ng panibago.
Write -> receive comment -> feel good -> write again.
Paminsan minsan, tuwing magkukulay bughaw ang buwan at mag-aalign ang mga planeta, may isang taong gugustuhing makilala sa personal ang writer ng isang blog, at sa mas rare na pagkakataon, isang super sexy at uber hot na chick/rooster ang makakadate ko.
Dito ako magsisimulang magkakaroon ng sariling buhay at madalang ng makakapagblog. Saka lilipas ang matamis (o mapait) na karanasan, magpapahinga sa totoong mundo, magbabakasyon sa cyberspace upang isaad ang karanasan para sa iba.
And that’s another purpose of blogging –
To Share.
Sa iba ay quotes, sa iba ay jokes, sa iba ay larawan ng kinababaliwan nilang pornstar. May nagbabahagi ng sariling karanasan, mayroong nagkukwento ng karanasan ng iba. Meron din namang mag-aari ng gawa ng iba. Orihinal man o imitasyon, maganda man o negatibo ang layunin, ang resulta pa rin ay ang makapagbahagi.
Anong paki ko kung hindi ikaw ang sumulat ng joke, o kaya nagcompose ng essay. So what din kung ni-repost mo ang blog ko at sinabi mong gawa mo (papakulam na lang kita, hehehe). Basta alam ko, nag enjoy akong basahin ang blog, na nakaibsan ng konti ang paghihirap sa mundo. O kaya nakapagturo ng isang bagay na makakatulong sa hinaharap.
“Our lives are connected
by a thousand invisible threads,
and along these sympathetic fibers,
our actions run as causes
and return to us as results."
------------- Herman Melville
To Grow
Sa mga pagpapalakas ng loob at papuri (kritisismo), sa pagtanggap at pagbahagi ng karanasan, umuunlad ako bilang manunulat… bilang Miko.
Maraming parte sa akin ang nalilinang (kahit puro porno ang ina-upload ng iba jan, hehehe), at ang buhay ko ay nagiging makulay (hindi lang dahil sa sabaw ng gulay. Hala, kakorni. Hahaha).
Bilang pagtatapos, ang blog na to ay pasasalamat. Sa mga nagpadala ng mensahe na nami-miss nila ang writings ko (dahil paborito nilang okrayin) at kahit sa mga lurkers na pasilip-silip lang (hoy, magkoment naman kayo, hehehe, even a stumbling speech may strengthen a weak tongue, mga banat. Hahaha).
Kayo, bakit kayo nagblo-blog?
19 comments:
hmmm....basically the main reason why i blog is i want to vent out what i think and feel during that day...hindi kasi ako masyado vocal lalo na pag masama ang loob ko...and sometimes gusto ko magshare ng kwento sa ibang tao...yun lang naman... :D
yup, writing in general,
and blogging in particular
is an outlet
be it constrained emotions
or creative expressions.
=)
keep blogging! =)
hehehe! naman! nakakatakot lang kapag nahack ang site mo or whatever....tapos biglang pinagbubura lahat ng ginawa mo...baka umiyak ako...hehehehe
yun lang.
buti di pa ko naha-hack.
sana di mangyari.
=(
its basically to keep track of my journey. both for me and for my friends.
these days, its a luxury to spend time with all your sets of friends eh...
so whenever they ask about me, id just go and say, check out my site/blog.
=)
cheers!
tuloy-tuloy na ba ito...
tagal mong namahinga sa blogging!
hope to read more from you!
I blog because if there's something I feel that I can't say it out on top of my lungs, i should say this is the avenue!
Other than that I have friends here that I wanna share my story.
siguro this is one of the best reasons for blogging.
pero, i blog so that i can express what i feel, what i experience, and what i learn. and para na siyang naging journal, that i can look back into. hehe.
Blogging keeps my stress level at bay. :)
yup,
journal or diary,
para sa mga taong concern
at nagpapahalaga sau.
=)
hahaha,
sana nga tuloy tuloy na
ang taga ko ring nabakante
kinakalawang na yata ang
kapirasong utak ko,
hahaha
thanks for dropping by.
=)
what you can't voice out,
you can write
=)
a tangible record of what you are
or what you have been
for you
or for anyone who would read.
=)
true,
hahaha,
nakakaaliw magmukang may alam
tapos may taong mauuto ka,
hahaha
jokes lang
=)
Ako? mahilig lang akong magbasa. Tulad ng mga Kwentong Miko, minsan pati na rin ang kwento ng alaga nyang bear. :)
pag inspire nako magblog...
hahaha
i like ur writings...
simple pero rock! haha...
keep posting poh...
I'm not a writter but when I start pressing the keys I also release the tension, stress, my feelings in general.
aba, soxal,
hahaha,
=)
Post a Comment