Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala. Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin. Basta patuloy akong makakita.
Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata. Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako. Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka.
Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila. Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin. Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook. Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe.
Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan. Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila. Makikita rin kung sila ang merong itinatago.
Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan. Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes. Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa.
Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal. In most ways its brighter… and calming. At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya.
“'Cause there's somethin' in the way
you look at me
It's as if my heart knows
you're the missing piece
You make me believe
that there's nothing
in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way
you look at me”
-------------Christian Bautista, The Way You Look at Me
O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn. Nyahaha. Till next time na lang uli.
=)
15 comments:
Oh yeah, the eyes says a lot.
I have a friend, she is strong, the smiles on her face is something that you really can't tell that she's faking it, but then when you look into her eyes you know she's struggling and there's something wrong.
In the eyes, I can as well tell everything someone wants to tell me... I also consider them as a signal... U know what I mean.
Love the Blog loverboi. I know bunso will love this too.
hahaha, in general naman ang blog,
no specific person involve
(wuxu, hahaha)
=)
this remind me of someone who told me once... habang lasing na lasing kami pareho hehe!
'minahal ko ang kalungkutan na nakatago sa mga mata mo'
adik di ba!!! hahaha!
pero after he told me that... yun, minahal ko siya hahaha!
para quits kami! hahaha...
winks!
=)
sa akin hindi...hehe!
mas matatakot ako kung 'YUN' ang mawala.
patay tayo nun hahaha!
marami ang malulungkot maliban sa sarili mo hahaha.
ngek,
hahaha
ang asim naman non?
sa dami ng mamahalin sau
ung kalungkutan/kaasiman mo pa,
hahaha
hala,
hahaha
pagnawala si "my precious"
marami ngang malulungkot
but sooner or later naman
mawawala talaga un,
mahihimlay sa pagtulog
at hindi na muling magigising,
kaya i don't attach too much on that.
hahaha.
kakaiba di ba hahaha!
kaya panalo siya!
winks =)
pano ka di maaatach dun,
eh 24/7 na nakalaylay yun sayo nyahaha!
kaya ako pinaka-binabantayan ko talaga siya
mahirap na haha!
nyahaha.
physically naka attached lang,
sau, emotionally and spirtually
don na yata umikot ang mundo mo
bilang S-- God
nyhahaha.
right! anong silbi ng pagtawag
mo saken na S--- God
kung kokontrahin kita.
dahil kaibigan kita
hahayaan kita haha!
winks ;)
nyahaha,
ginawa na natng chatroom 2,
wala ng ibang dumalaw
hahaha.
hayaan mo sila
reunion to eh hahaha!
nyahaha
after been so long.=)
That is one hell of a cool message, dude. Keep it up! You rock! ^_^
thanks thanks =)
Post a Comment