Monday, June 4, 2007

Pwede ang Pwede Na

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mapag-blog ng madalas ay sa kagustuhang maging 100% “worth reading” ang mga blogs ko. Buti na lang ipinaalala ng katropa kong si Scott Adams ang Golden Happiness Ratio.

“Golden Happiness Ratio
Is about 4/5 or 80% right
Also known as “good enough”
-------------Scott Adams, Good Happiness Ratio


Ang mga nagpu-push thru sa 100% ay kadalasang perfectionist (na kadalasan ay malaking pain in the @$$ sa sarili nya at sa mga tao sa paligid nya). Ang mga nasa 80-90% ay good enough. 70-80% ay borderline incompent at below
60% ay serial losers at environmental burdens.

Sa tingin ko, mas masaya – at mas successful – ang mga taong ok na sa 80%. Ang mga nagpapakahirap na abutin ang 100% ay madalang naman na nako-compensate ang effort nila. Pag nagawa mo good enough, sasabihan ka ng “thank you”, pag nagawa mo the best, sasabihan ka ng “thank you very much” (and I think the two extra word is not worth the additional 20% effort).

Sa trabaho, ang 100% job performance ay nangangahulugan ng kawalang oras sa surfing, chatting, at blogging. This makes me an unhappy/unsatisfied employee at nakakapagpapangit ng work results ko.

Nung nag-aaral ako, 85% na grade is good enough to maintain yung scholarship, pero kung sinagad ko, baka hindi ko natapos basahin ang favorite fantasy book series ko, hindi ako nakasideline sa publishing at hindi ko nadevelop ang super bonding sa mga kabarkada ko.

Imperfection of self also extends tolerance of other’s imperfection. Katulad nung nakaraang sabado kung saan nagkita kami ng bestfriend ko;

“Wow best, you outdone yourself ha.
Nung nakaraan, 1 hour and 20 minutes ka lang late,
Ngaun, 2 hours na!!!
Thank you dahil sa paghihintay sau
Dito sa national Bookstore
Natapos kong basahin ang
244 pages na graphic novel ni Neil Gaiman
-------------Miko, "Bakit ba On Time Ako, Eh Nasa Pinas Naman Ako? Atbpng Tanong"


Yan, sa tingin ko, 80% na tong blog na to. Pwede ko pang i-edit to para maging 85%, pero marami pa akong ibang gagawin, hehehe, kaya pwede na.




16 comments:

charlie E said...

asus, magchachat ka lang e... hehe! see u later miks.. gym lang kmi.. ;)

GeLo Ronquillo said...

waw... namiss ko magbasa ng posts mo. =P

Cicero Lubaton said...

yup! pwede na ito... good job! you've reach the 80% benchmark! ;) worth reading pa rin ang post mo dude!! :)

Miko Legaspi said...

hahaha, halata ba? hehehe. =)

daan ako sa inyo mga 9pm pa. =)

Miko Legaspi said...

talaga? hehehe, thanks.

Miko Legaspi said...

hahaha, salamat salamat. =)

jayd ramos said...

nice one. loves it! =)

Miko Legaspi said...

hehehe thanks

deja j said...

may point ka. kudos for that. hehe ^_^

Miko Legaspi said...

thank you thank you. hahaha. why do your best when good is good enough? hahaha. =) parang sisisantihan ako ng boss ko pag nakita to. nyahahaha.

'BillyBoi' ' said...

interesting.
but you were perfect hahahaha

Miko Legaspi said...

nyahahaha. lakas mambola. =)

Alex in Wonderland said...

it really bothered you? hahaha

Miko Legaspi said...

hahaha, hindi naman po. =)

Jay Tanpoco said...

nice one!

Miko Legaspi said...

thanks po