Monday, June 11, 2007

Tiny Bubles

Dahil tinanghali na ako ng gising, dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Matapos magbuhos ng tubig sa ulo at saiirin ang huling patak ng shampoo, saka ko lang napansin na katiting na lang ang natitirang sabon.

Natatandaan ko pa nung
malaki pa ang sabon na ginagamit ko. Ramdam ko ang kapangyarihang maglinis. Na kahit hindi marumi, sasabunin mo kasi kaya mong sabunin. Pero ang sabon ko patuloy na lumiit. Functional but not enjoyable. Hanggangg maging kasing liit na lang ng chicklet. Na naging kasing liit ng tictac. Na naging kasing liit ng butil ng bigas.

Tiny bubbles (tiny bubbles)
In the wine (in the wine)
Make me happy (make me happy)
Make me feel fine (make me feel fine)
-------------Ho Don, <i>Tiny Bubbles</i>


Iniisip kong balikan ang stocks ko ng sabon na bigay ng kaibigan kong si Al (oi, tenks uli), pero ibig sabihin non eh magtutuyo pa ako, aakyat sa kwarto, at babalik sa loob ng banyo para ituloy ang paliligo. Hindi option yun sa taong male-late na.

Iinisip kong gamitin ang dishwashing soap sa kusina (na mas malapit sa banyo), pero parang malubha yun sa katawan sa paraang hindi ko maarok.

Iniisip kong gumamit ng shampoo, kasi parang sabon din naman, kaso naubos ko na sa buhok ang huling patak.

Kaya wala akong nagawa. Dinampot ko uli ang katiting na sabot. Ipinahid sa katawan, at dinalaw ako ni Kamalasan. Nalaglag pa ang huling hibla ng sabon. Pinilit ko ng damputin, pero natunaw sya kaagad.

Parang nakakaiyak. My soap failed me. Or somehow, I failed him.

Nag-water bath na lang ako. Matapos magbihis, saka ko lang naiisip kung pwede kayang ipampaligo ang toothpaste.



33 comments:

Cobes Clavano said...

Funny! hehehe...

Mark Feliciano Suba Timbang said...

wapak...
sige dude try mo...
wapak...
katawa...

John Marron lim said...

ahaha funny ang kulet

Jhon Biel said...

kaw talaga... wakeke

Karel Cordova said...

haha!ang kulit!!!why not?baka pwede nga toothpaste!..

-nabski- Hernandez said...

haha.. try mo nga. pero feeling ko ang init2x nun

Carlo Ponio said...

ang kuhlet.... ehehehe... facial wash kaya? pwede?

charlie E said...

e di amuy palku ka pa nyan mikong??? hahaha! ;D

alphie garing said...

dont use colgate total or fresh confidence. hehe!

Karel Cordova said...

may ganung advice pa talaga?ahehe.. ^_^

Miko Legaspi said...

hahaha, kulit nga. nagmamadali kasi ako. hahaha. ligo na lang uli mamya. =P at least tollerable ang late ko ngaun sa office.

oi charles, amuy palku ka jan. hahaha.tuyot nga ako eh. =P

alphie garing said...

yeah, may kulay kc ung mga nabanggit ko. Tska mas harsh sa balat un. hehe!

Miko Legaspi said...

nyahahaha. sabi ko na nga ba, may nakauna na sa kin. hahaha.

Karel Cordova said...

hehe..ok ok.. ^_^
nice one! ^_^

JOsh Castro said...

Hmmm. I like this blog, very profound dude. Pwede mag-isip deeper meaning yun nakakabasa but in reality, ordinary kwento lang pala. Wehehee.

Miko Legaspi said...

salamat. sa totoo, merong parts nga jan na talagang naiiyak ako. hahaha. thanks for the appreciation. =)

Cicero Lubaton said...

oh my! may nakakaiyak pala talaga na part,,, o baka nahilam ka lang ng tiny sabon mo..hehe.. ;p

Miko Legaspi said...

hahaha. hindi po ung kwento literally ang nakakaiyak, ung analogy po nya. hahaha.

juan paolo fernandez said...

naiyak?... pathetic! hehehe!

Alex in Wonderland said...

try oatmeal pangtanggal ng kati-kati habang wala pang sabon, for real!

Miko Legaspi said...

hindi ako naiyak,
naiiyak po.
parang its something
very saddening.
enough to make you cry,
but you didn't.

eto po kasi ang analogy
sa relationship
buong buo sa simula
something that really makes you happy.

then after sometime
bumabagsak sa routine.
workable pa rin,
pero di na ganon ka enjoyable.

hanggang pawala ng pawala ang passion.

you start to think na merong similar around,
kaso ur current situation hinders you to pursue,
merong pwedeng substitute,
but you fear it might hurt you a lot in the end
for reasons you do not know.

at the end,
you ended up
alone.

juan paolo fernandez said...

dapat ba akong maiyak! hahaha!

ako!
iniiwasan ko na
ang maging emosyonal!
umasa na magiging maganda
ang kahihinatnan.
hindi dahil sa natatakot...
ako'y umiiwas lang!
baka balang araw
ako ay masaktan.
Oo, masaya...
sa ngayon!
subalit, hanggan kelan?..
hanggan saan?...
at pagkatapos...
ako?...ano, at nasaan?

nakakaiyak nga...(huhuhu!)

pathetic!lol!

Rancid Silan said...

hahahan nakakakawa naman ito

Miko Legaspi said...

emo ba? hahaha

Miko Legaspi said...

yup, thanks. i've been hearing about it a lot. =)

Rancid Silan said...

Alam konamas magandaang salts scrub
Hehhehehehehehee

Miko Legaspi said...

yup, i've used that before. =)

Jay Tanpoco said...

very inspiring! hehe..kaya bgo po aq maligo ay titingnan q muna if mali pa ang sabon! thanks for the lesson

Miko Legaspi said...

hahaha, thanks.

ivan ... said...

you make my day !!!! very funny !!!!

Miko Legaspi said...

hahaha, salamat po. =)

azenith garcia said...

haha...wala kng mgawa????walang flow ang kwento pero mdyo funny...na corny..hehe.lolz....

Health tips

Miko Legaspi said...

nyehehe,
3 years na tong blog na to!