Noong una, ang alam ko lang na mahirap ay ang pagpasok ng maaga at pag-uwi ng gabi para laging ready sa iuutos ng boss ko (Japon sya, ang pasok na 9am ay ginagawa nyang 8:20 at ang uwian na 5:30pm ay nagiging 7:30pm). Bilang tapat na alalay, lagi akong nasa tabi nya (kaya, oo alam ko, mahirap magkaraoon ng boss na masipag).
Lalo pa lang mas mahirap pa gang boss mo ay lagalag.
Feb19-21: Cagayan De Oro, Facilitate Ship’s Familiarization.
Feb 21-22: Cebu, Tsuneshi Shipyard Visitation
Feb 23-24: Davao, National Maritime School Assessment
Mar 8-10: Iloilo, School Orientation / Allotee Circle Grand Gathering
-------------Miko, Business Trips
Mukang magandang tignan. Parang WOW! Ayus ang work, always travel.
The problem is, it’s WORK. Pangarap lang ang Island Hopping na bakasyon.
“All work is empty,
Save when there is love”
-------------Khalil Gibran, The Prophet.
Eto ang Resulta ng mga lakad na yon:
Cagayan Trip
Hotel: Southwind Hotel.
Hindi naman kasing laki ng palaka ang mga lamok, tulad ng mga naeengkwentro ko sa pagcacamping. Still, ask the receptionist to spray mosquito killer in your room before staying there for the night.
Guide: L.N.C.
The worst. Merong nagpangako sa kin dito sa Multiply na sya raw ang bahala sa kin pag nagpunta daw me Cagayan, kahit um-absent pa raw sya sa school. Ewan ko lang kung gaano kakila-kilabot ang hitsura ko non, that after meeting, bigla syang nagkaroon ng thesis, overnight group study, lolang strikto, at mga kaibigang hindi pwedeng humalili sa kanya para maigala ako sa syudad. Huhuhu. Hindi ko alam ang lugar, hindi ko alam ang dialect, it would be an adventure, but with limited time, gusto ko sana meron akong kasama.
Bottomline:
Wag magtiwala sa ibang tao para magbook ng hotel. Wag na muling kontakin ang guide. Hehehe.
Cebu Trip
Hotel: Northwind Hotel.
Hindi ko alam kung nanadya ang kapalaran at parang pinagtugma ang kasunod na pinuntahan kong hotel. At kahit lamang ang Ambassador Suite ng Northwind sa De Luxe Suite ng Soutwind, hindi sila nagkakalayo. Lalo na kung sinanay ka ng boss mo na sa Marriot at Marco Polo pag nasa Cebu ka.
Guide:
Kung gaano ako minalas sa Cagayan, ang laking bawi naman ng swerte ko sa Cebu. Doon ko personal na nakilala ang pinaka-astig na host (taga rito din sya sa Multiply). Hindi nya ako pinabayaan mula ng sunduin nya ako sa hotel, ilibre ng dinner sa A’s Restaurant (with wine, san ka pa), i-tour sa Top’s (mountain overlooking Cebu, astig!!) hanggang paghatid nya sa kin at sa kasama ko sa airport. Saludo ako sa’yo!!! Siguro sadyang accommodating ang mga cebuano tulad ni Loverboi at Onenightstripper (hahaha, wag haluan ng kaberdehan). Nabansagan nga lang ako ng isa na Mr. Elimidater (pasensya na po talaga!!!).
Bottomline:
Wag magpaalam sa boss kung saang hotel magbobook, dahil kung hindi sya kasama, titipirin ka. Hahaha. Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam. Hahaha. At sa mga nag-aruga sa kin dyan, maraming salamat. Sana wag kayong magsawa sa kakulitan ko. =P
Davao Trip
Hotel: Waterfront Insular Hotel.
This one remains to be nice. At me improvement na ngaun. Kung dati ang keychain ng room key ay kasing laki ng plantsa (para talagang iwan mo sa lobby pag gumagala ka), ngaun, key card na lang!!! Laking ginhawa. =) (see my review section)
Guide: Jazmir
Ayus ang guide, at dinala ako sa mga gimikan. Problema lang ang striktong mayor na nagbabawal ng gimik after 3am(?) I meet a couple of other acquaintances and been rejected (gladly) by someone you think who looks good (layogenic lang pala, hehehe, maganda sa malayo)..
Bottomline: A good one, next time pwede na akong magsolo gumala.
Iloilo Trip
Hotel: Amigo Terrace Hotel
Maayos naman, just within the standards. Yun lang, walang view (unless mahilig kang tumitig sa malaking sign ng McDonalds).
Guide:
Ang unang guide, accommodating, pati ang kasama nya, hehehe. Ang pangalawa, nakilala ko na dito sa Manila, kaya relax na ko. Maraming makikita sa MO2 Bar, parang sa Bacolod. Nakakatuwa ang mga higanteng pamaypay.
Bottomline:
Madaling magpaikot-ikot. Hindi ako basta maliligaw.
-------------
Kaya ngaun, alam nyo na kung saan ako naglalagi at antagal kong nawala sa Multiply. Sa mga naka-miss sa kin, hehehe, I’m back. =)
“Sir? Bacolod? This 16-17?,” wwaaaahhhh!!! Anak ng Pating. Hindi na napirme dito sa Manila!!!
-------------Miko, Conversation with Boss
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
Wow! ang dami ng business trip! waaa! inggit mode ako!
hehehe, kakainggit kung bakasyon, pero kung trabaho, huhuhu
at least, you're going places, dba? ^_^
Anong gimikan sa davao napuntahan mo miko?
ikot ikot sa the venue at rizal prominade (?) =)
wala bang out of the country??? hehe! Mag isa ka lang ba na kasama boss mo pag nag a-out of town kayo?
hahaha! ayos lng yan...pero dpt ang trabho ineenjoy para hndi maging malagim ang buhay trabahador...=)
isang beses lng me nag-out of the country. Sep 11, sa Singapore. Ang tagal ko ring nagstay don, kulang-kulang 4 hours. (wwwaahhhhh!!! mas mahaba pa ung total travel time (6 hours)). =P
supposedly yes. hehehe. bumabawi me after work. bait naman ng boss ko.
"Miko San, if you like to go out, go."
-------------MK, Conversations with Boss
gud for you!! hehe! lubusin ang ilang oras n pgkalugmok sa ligaya!!! Cge paalam ka lng..."May I go out, boss?" haha! parang sa cr lng pupunta - estudyante...hihihi
nyahahaha.
naalala ko one time, madaling araw na ko nakabalik. nagpang-abot kami sa breakfast.
Boss: Did you go out last night?
Miko: Yes, sir. I just returned.
Boss: Next time no need for you to book hotel, cheaper for the company.
-------------MK, Conversations with Boss
HAHAHA!!! Bleh! Natawa ko dun ah!!! Haha!!! Kumag un ah!!! Sabhin mo lang pakialaman!!! Hehe! O kaya pwde ren! Ipacash mo n lng yung gmitin s booking! harhar!!
Promenade. You're guide dint bring you to pops? Parang kilala ko yung tourguide mo. hehe
hahaha, ayus nga ung boss ko eh, tolerating. hahaha
one time, he even paid for my condom. Nnyyaaahahahahahaha
hahaha, talaga? sana ikaw na lang nagguide sa kin. =P
nice., mas mainam namang may work kesa sa wala diba??
ayus!
hehehe. sure next time. You shouldv went to POPS miko, it's the hottest club in davao.
Waterfront has improved indeed. Miss ko na buffet nila sa cafe uno. Tabi lang ng waterfront village namin. hehehe
niverdrawde: hehehe, good point.
girlhalf: hahaha, ang habang comment. hahaha
boardshorts: yehey. hehehe. hope i will have a greater time pagbalik ko. =)
asan ka ba ngayon... waaah! la ako kausap... boring!
cebu cebu cebu.
make it happen :::::
hahaha, lets wait and see. =)
Post a Comment