Monday, December 11, 2006

Mahalaga pa ba ang ligawan?

Is courtship neccessary?

Yes. Courtship is an important stage for both parties to know each other without premature commitment.
 
 6

No. Courtship is obsolete.
 
 1

No. Courtship is full of pretention.
 
 1

Maybe. Depending on the seriousness of both parties.
 
 4

Other Answer.
 
 1

There is (was) a person i'm dating.  Gusto nya na na maging kami, and a couple of times sinabi nya na mahal nya ako.

I just laugh it off.  we only know each other for less than a month, and for me that person barely knows me.  i believe na ang sinasabihan nya ng "i love you" ay hindi ako, kundi ang illusion na ginawa nya about me.

Then, last thursday, i went to cebu.  when i came back last saturday, nakareceive ako ng group message.

"Ang saya dito sa antipolo, kasama ko bf ko"
-------------J., Text Messages

I know the other guy.  My date and I met him last tu
esday, so if i'm going to analyze, they only know each other for 5 days.

i'm not the type of guy that usually regret what i did, lalo na pag sa tingin ko pinag-isipan kong mabuti ang ginawa ko.  but this experience made me think, hard, if courtship is still necessary.

wat do u think?

Monday, December 4, 2006

The Most Insensitive Man in The World

Ako na yata talaga ang pinaka-insensitive na tao sa buong mundo...

CASE 1
friend1: hey...
friend1: remember my ex girlfriend..
.
miko: huh? wat about her?
friend1: hmm...
friend1: nagpunta sya d2 kagabi
friend1: and kinausap si KUYA MAC (ung kasama ko d2)

miko: okies
friend1: sabi sa kanya.... magingat daw ako palagi...
friend1: frat member ung ex ko... haha.. pinagbabantaan na aq
friend1: hehhehe

miko: nye
friend1: kya.... wala lng....
friend1: hahah
friend1: malay mo ipatira nya aq sa co-member nya eh di patay...

miko: well, life is short talaga, hahaha
miko: dalawin mo ko pag namatay ka ha.
miko: :)

friend1: nyeh....
friend1: aos ang comment ha...
friend1: anyway... thanx

miko: sorry, i don't take threats seriously. i received a lot of that. and i don't care about dying. i might welcome death as i would welcome life.
friend1: okie.. wer different... so thanx for dat
miko: :)
miko: maraming beses na me akong muntikan mamatay, o patayin.
miko: nakakasawa na nga rin minsan, lagi na lang close call.
miko: hindi naman natutuloy.
miko: pag namatay ba ako, gusto mo dalawin kita?
miko: :)

friend1: /:)
friend1: sorry pero hnd ko na a-appreciate ung mga msg mo
friend1: :-<
friend1: ur so mean u know...
friend1: ur so so mean
friend1: hmmmpppp


-------------Chatting with a Friend

CASE 2
Masakit ang tyan ng friend ko while we are having conversations on the phone.  Sinabi nya na wag ko daw syang masyadong patawanin.  So i just gave him advice.
"Uminom ka ng antacid.  Then punta ka sa room mo and lock the door.  Lie down face flat on your bed, stuck out ur ass, at umutot ka ng umutot.  kabag lang yan."
My friend was laughing hard on the other line.  It doesn't seem as funny here but back then, i knew he was trying hard to stop himself from laughing.  Then I add:
"And one more thing, use ur cellphone to record a video of it, hehehe.  I wanna see it.  hahahaa".
We both laughing at that time, close to tears...
Then later that night, he was sent to the hospital.  Mild ulcer or something.
When i found out, i just texted him saying:
"Di pala kaya ng pagtuwad =)"
He told me a day later na nagtampo daw sya sa text ko.  He expected I care more than that.
-------------Conversations with a friend

CASE 3
And as usual, the last is not the least.  Just last saturday, i did the unthinkable.  I brought my 17 yo date in a ktv bar with my friends, got drunk, flirt with a newcomer, and KISS that person beside my date!!!

I'm not writing this because i'm proud.

I'm writing this because i'm really sorry...

this is a public apology to all those people whose life unfortunately crossed with mine.  lalo na sau Bunso... im sorry...
 

Monday, November 13, 2006

Mikology 101

Ang unang God-Concept
na na-form sa akin ay ang Christian God.
Hindi naman ako nagsisisi
Dahil kung sa Hindu country ako lumaki
Baka ang nasalin sa aking God-Concept
ay isang kulay bughaw na Elepante.

Nangyari lamang na dumating sa buhay ko
ang stage na tinawag kong Unlearning.

Now, I look at Books, including the Bible
without a preconceive notion that "God is Good".
I search the contents of the Message
with a question in my mind "Who or What is God?"

Thus I become a Seeker.

Hindi po ako miembro ng anumang relihiyon
na nakakasigurado ng nakaraan at ng hinaharap
ayon sa aklat na kanilang nabasa
at sa itinuro ng kanilang pastor.

Totoo bang may Diyos
At mabuti ba sya?

Hindi ko alam.
Immortal ba ang Tao?
Hindi ko alam.

Pero intensyon kong alamin.

Hindi lang po Biblia ang binabasa ko
Tinitignan ko rin ang Soul Concept ng Buddhism
O kaya ang kawalan ng God Concept ng Atheism
Maski ang Nonantropomorphical God ng Paganism

Nagtatanong ako
"Bakit ako maniniwala na ang tao ay mula sa alikabok,
at hindi nag-evolve mula sa apes?"
Nag-iisip ako
"Kung ang konsepto ng Diyos sa Hustisya
ay iba sa konsepto ng Tao,
Maaari kayang iba rin ang konsepto ng Diyos
Sa langit, impierno, kaligtasan, kaparusahan at iba pa?
Kaninong interpretasyon ang nararapat tanggapin?
At ano ang basehan?"

Pagbabasehan ko ba ang agham, lohika at pilosopiya?
O ang sarili kong pamantayan ng tama at mali?
O isa sa mga sinaunang aklat?
O sa taong humihiyaw, umiiyak at minsa'y kumikisay sa harap ko?

Marami pong katanungan
na hinanapan ko ng sagot, ng may sinseridad.
Hindi ko inaasahan lahat ng tanong
ay masasagot,
At kung paparuhasan ako ng isa sa mga Diyos
Dahil nagduda ako sa kanya,
Matatanggap ko yon,
Kesa naniwala ako unang taong nambola sa akin.
-------------Miko, Comment on Blogs
Originally posted on Peledik's Site


Friday, November 3, 2006

I'm back!!!

It's been awhile since i last blogged.  my whole month of october was uber busy.  here was my sked:

"Oct14-15: Camping w/ JP in cavite; Visit Mommy elma
Oct16: Monday Bowling till 9pm, dinner in makati for Mommy emma's bday
Oct17: Practice Photography with Khaito
Oct18: Date ***
Oct19: Gym Session, Rest naman
Oct20: Friday Bowling till 9pm. BNDC Haus Party
Oct2-22: Monthly visitation in Bataan
Oct23: Monday bowling till 9pm
Oct24: Report preparation
Oct25-29: Business trip in Bacolod
Oct 30-31: Cas Wedding in Bicol (practice hosting, photography, event coordination)

kung ito-total mo, ang araw ko (afterwork ha) ay nai-spend sa business practice (12%), extra work (27%), social (18%), family (12%) physical (23%) at lovelife?(8%) for the 2nd half of october."

-------------Miko, Montly Report to Partner

Upon analysis, marami akong nareceive sa schedule ko.  experience points in time management (sana malapit na akong mag lvl up), sari-saring skill points (photography, event planning and coordination, etc), development sa relationships (yup, i believe we're getting closer), 
at financial challenges (wwaahhhh, wala na akong pera!!! hahah)

This month of November will probably be a stage of 
recovery (kailangang magsideline at rumampa uli), reflection (blogging and journaling) at rest (in peace, hehehe).

sa mga naka miss ng blogs ko, fret not, i'm back.
at sa mga hindi, hehehe, lagot kayo, andito na uli ako para magpasakit ng ulo.


Wednesday, October 18, 2006

Intellectual Property

Break muna tayo sa love.

I was browsing my friendster account last night and i've seen a very familiar blog.  "The Wrapper and The Gift".  Hhhmm, funny, i have a blog of that title.

And so I scanned it, and yikes!!!  Akin nga.  Unless yung isinulat yung ni-quote kong kaibigan na si Ms. Pia eh kaibigan at kasamahan nya rin sa office.

The other guy didn't credit me for it.  At aaminin ko, parang masama ang loob ko.  Mabuti na lang, nabasa ko ang konsepto ng meme sets at chaos theory (hehehe, kung anong relevance nito, mahabang ipaliwanag) kaya tumakbo sa utak ko ang quote na to:

"viator est non gravis , tantum nuntius"*
-------------Frankie, from the Movie: Stigmata

Then, I felt kinda proud.  That at least three persons (one in friendster, one made a link in his site, and other reposted the entire blog crediting me) admired my blog enough to be reposted.

Kaya sa mga susunod ba, go on lang.  You have my blessing.  



_
____________
*it is in latin meaning "The messenger is not important, only the message".  I tried to look for the Aramaic quote (dahil mas astig pakinggan kasi walang vowels)  pero di ko makita yung script.

Thursday, October 12, 2006

LoveLoveLoveLoveLoveLove

I love pasta, i love basketball, i love my dog, i love reading.  love love love.
Sa dalas ng pagbanggit ng salitang to, parang wala ng kabuluhan.
Naaalala ko non yung usapan namin ng isang opisyal ko.  

3/OJepoy: Alam mo, ginawa kasing alipin ang mga tao non, yung mga Mayans at pinagmina sila ng ginto ng mga aliens para sa spaceship nila na nag-i-intergalactic travel.  Umalis na ung mga aliens na un pero up to this day, mahalaga pa rin ang ginto sa tin."
Miko:  Hahaha, pathetic ung istorya na yun sir.  Kaya mahalaga ang ginto, kasi kokonti lng sya.  Scarcity creates value.  Tulad ng asin.  Dati, makakabili ka ng ginto kapalit ng asin.  Dati, ang sahod ng mga roman soldiers ay asin, kaya nga ang salary ay galing sa salitang salerium, na nag-ugat sa salt.  Ngayong napadali ng mag-produce ng asin, tinatapon na lang.  Kung magkakalat ang ginto sa paligid, mawawalan na to ng halaga.
-------------J. Canton, Conversations with Colleagues

Ngayon, sa sobrang normal na pagsasabi ng "I love you", wala na tong value, wala ng meaning.  Yung iba, parang routine na nila.  Magtetxt ng "I love you" sa umaga, magtetxt ng "I love you" sa gabi.  Pati tanghali, at kahit madaling araw.  Minsan, naiisip ko, naka-template na un sa cellphone.

Ang iba naman, ginawa na yatang bisyo o libangan ang pagsasabi nito.  They will tell it with anyone they "feel" close to, kahit kakikilala pa lang, may kasama pang "muahh!"

Whenever somebody tells me they love me (believe it or not, may mga minalas nga nagsasabi sa kin, hehehe), I tell them I do not believe.  Lalo na ung mga kakikilala ko pa lang.

"
You cannot love who you do not truly know,
And you cannot be loved if you're not truly known
"
-------------M. Scott Peck, The Road Less Travelled

When I began my venture to uncover, as much as I can, the mysteries of love, isa sa mga nauna kong naging commitment ang i-limit ang pagsasabi ng "i Love".  I will not say i love you to a thing, a pet, a hobby, or a stranger.  Hindi ako namimigay ng "i love you", for love is a precious gift, that you can't mass produce and give to everybody.


------------------------------------------------------------------------------------------
next blog:  Samu't Saring Kahulugan



Wednesday, October 11, 2006

Do We Need to Define Love?

Marami akong nakilala na sapat na raw ang kaalaman nila tungkol sa pag-ibig.  Na hindi nila kinakailangan pang pag-aralan ito.

Kontento na sila na magpalutang-lutang sa ibabaw, at paglaluruan ng mga alon.

"I do not need to learn love.  I know love, cause I feel love."
-------------Dony, Conversations with a Friend

But more often than not, a big wave comes in, and it will push you deeper into the depth, the mysteries of love.  Sometimes, you get a glimpse of the beuty underneath.  And sometimes, you only see the shock and pain that the wave brought, making you lose sight, and faith, on true love.

May mga tao naman na handang huminga ng malalim, pigilin ito kahit na sandali, upang masisid ang kailaliman ng misteryo, at madiskubre ang itinatagong kagandahan ng pag-ibig.

Ang blog na to ay hindi para sa lahat.  Sabi nga ng mga psychologist, mahirap payuhan ang mga taong komportable.  Natutunan kong tanggihan na bigyan ng advice ang mga taong kinikilig-kilig pa.

Ang blog na to ay para sa mga pagod na at sugatan.  Sa mga sawa na.  Sa mga takot ng muling sumubok.

---to be continued.

Tuesday, October 10, 2006

Lets Talk about the "L" word.

Akala ko nung highschool ako, alam ko na ang kahulugan ng pag-ibig.  Na kaya kong humarap sa isang tao at buong katapatang sasabihin sa kanya, na mahal ko sya.

Nung nagcollege ako, nawala ang kakahayang iyon.  Nagduda ako sa existence ng Love.  Narealize ko na ang iniisip ko palang pag-ibig at ang pag-ibig na iniisip ng kapareha ko ay hindi magkatulad.  Narealize ko na napakarami pala ng kahulugan ng pag-ibig.  At ang iba dito, contradicting.

"Love to some is like a cloud,
To some as strong as steel.
To some, a way of living,
To some a way to feel.
Some say love is holding on,
And some say letting go.
Some say love is everything,
And some say they don't know."

-------------John Denver, Perhaps Love

I lost my faith in love, for in my logic, how can something that contradict itself exist?  But doubt is the begining of true faith.  And what I have lost, I regained tenfold.

It is only when we forget all our learning that we begin to know.
-------------Henry David Thoreau

It is my intention, for the following blogs, that I would share what I learned to all of you.

Friday, October 6, 2006

Walking in The Rain

My exercise routine is to run from V2 Cruz (near La Salle, where I Stay) to San Marcelino - Nakpil (where I workout) for warm up, and walk back again for cool down.

But last night, just before I finished pumping some iron, the rain fell.

I thought, should I wait till it stopped?  But then I decided to go on what I usually do, I walk back home.

I was drenched.  Talking bout a real cool down.  and this song kept playing inside my head:

"The first time I saw you
You were standing in the rain
There was something about you
That made me look again
The way that you let the rain
Fall down on you
The way that you smile
When your eyes met mine"
------------Wiseguys, The First Time I Saw You


While walking, I remembered my shampoo ran out the day before.  And so I entered the Ministop near Quirino, where the saleslady didn't hide her surprise.

"Hindi naman kayo basa nyan Sir,"
I said, "Huh?  Hehehe, halata pala"
------------Ministop Saleslady, Conversations with Strangers.



And she laugh when I bought a shampoo.  Maybe she thought I would use it in my hair immediately.

Thursday, October 5, 2006

On Pleasure.

"God's your prankster, my boy.  Think of it. He gives man instincts. He gives you this extraordinary gift and then, I swear to you -- for his own amusement -- his own private, cosmic gag reel -- he sets the rules in opposition. It's the goof of all time. Look but don't touch. Touch but don't taste.  Taste but don't swallow. And while you're jumping from one foot to the other he's laughing his sick fucking ass off! He's a tight-ass. He's a sadist. He's an absentee landlord!
Worship that? Never."
-------------Milton, Devil's Advocate



Monday, October 2, 2006

Ms. Britney, My Officemate from Hell

Last Friday, one of my officemate really pissed me off.

Because of black-out, I can’t use my computer. So I went to one of my officemate, Mr. Garcia and just talk to him bout partying and stuff. Just then, I heard from the back:

Hey, Mike (my officemate), hindi ka ba busy? Trabaho naman dyan!
------------Ms. Britney Tyson (not her actual name) to Mr. Garcia, Officemate from Hell

Though she sounds like she’s jesting, we all know she was referring to me.

Yes, I got nothing to do. Yes, I was just wasting time. Yes, the company was paying me for it. And that’s the point, it is the company, not her, that’s paying me. Why the hell she doesn’t mind her own business.

I did not retort, though. I desperately psyche myself up not to say something mean. I just tried to understand her. She’s ugly, she’s old, she’s single, she have tons of work and she doesn’t earn much. One last critic from me might make her think that all forces in the universe conspired against her. Hahaha. Ah, yes, she can be proud of her foreign boyfriend (this is still unconfirmed humor). Well, I’ve seen the taste of some foreigners here, hehehe, exotic.

So I walked leisurely, whistling. I didn’t retort. Showing her that I got nothing to do (and the fact that I earn higher) is enough.

Whoah, I am ev
il.

Wednesday, September 27, 2006

Patay Tayo D'yan


During lunch time, napag-usapan namin ng parents ko at isang tita ang impending doom ng lola ko. She have breast cancer and undergoing chemotherapy sa US. Sabi ko sa parents ko, "sakto, isa ito sa mga paborito kong topic habang humigop ng sabaw at ngumunguya."

so casually, we talked it over. nothing anyone here in the philippines can do anything about it, other than praying that is. and since my religion is mikology, death for me is as natural as birth, pagkain at pagtulog. hindi sensationalized, pero meron pa ring celebration tulad ng lamay at libing.

Don't get me wrong, I love my granny, she's really cool. just last year, nakipaglive-in sya ulit sa dati nyang boyfriend (she outlive her two previous husband, including my granpa). Now that she's dying, magpapacute daw sya sa min and would like to talk about funeral arrangements.

Kaso, mahal ang overseas call, kaya kami na lang daw ang magbrainstorm dito sa pinas, at i-email na lang namin ung mapag-uusapan.

Personally, hindi ko alam ang taste ng granny ko sa magiging lamay nya, at
kung malaman ko man, for sure, magkaiba kami non, mejo classical kasi sya and that's too old-fashioned for me. So, i just told my family what I want to happen when I die.

#1. Gusto ko, cremated ako sa lamay pa lang. Nakaka-concious yata ung pagtitinginan ka ng tao habang nasa kabaong. Baka mamya, mang-okray pa sila. I don't wanna hear "Tignan mo oh, lalo syang pumayat" or "Hindi yata marunong ung make-up artist" or such things, di ba. Another reason kung bakit cremated, takot kasi ako sa bulate.
Iniimagine ko pa lang na pinapapak ako ng maggots, nnggiii, nakakakilabot.

#2. Maintain proper decorum. Ayoko ng may nagyoyosi malapit sa kin, everybody knows i hate smokers near me. Ayoko din ng may pasugal. Lamay ko po ung pupuntahan nila, hindi casino. Nagreact naman si mama ko, "bakit pa maglalamay eh nasa garapon ka na naman". Sabi ko, "Duh, siempre kahit nasa garapon na ko, meron pa rin dapat despidida, a farewell party that they won't forget!"

#3. Guest must enjoy their visit. Mahilig akong maglaro at magmagic ng baraha kaya dapat readily available ang playing cards para walang dull moments. Sa huling gabi ng lamay, ipapalabas ung Goodbye Video ko. Korny na kasi ung death letters.

#4. Ayaw ko ng may papalahaw ng iyak (mom, this is for you). Takaw eksena kasi un, dapat ako ang bida. sabi naman ng mama ko, "Nye, pano kaya un kung gusto ko umiyak ng malakas." i said, "Ma, nakakahiya kaya yun. Baka isipin ng ibang tao, namatayan ka ng anak." sabi nya, "Toinks!"

That lunch took 1 and half hour to finish, but we all know we accomplished something =)



Friday, September 22, 2006

Bwisit na Baha.


Konting ulan, baha.

Yan ang buhay dito sa Manila. At mukang nagkasundo ang kapalaran para pahirapan ako ng konti. Ang tinutuluyan kong lugar ay hindi pinapasok ng padyak (tribike/sidecar) kaya wala akong choice kundi sumuong sa baha papasok sa opisina.

Wearing polo, black jacket, silk necktie, itutupi ko ang slacks na pantalon at magsa-sandals (hindi pwede flipflops, baka humulos sa paa ko) para maglakad sa bahang hanggang tuhod.

Minsan, maraming naastigan sa pormang yon. They think its kinda heroic for a guy na tiisin ang ganong discomfort for the sake of his job. Biruin mo, ilang mapanganib na bagay ang haharapin mo tulad ng open manhole at lumulutang na patay na daga (i don't know which is more dangerous, certainly the latter is way more frightening).

I walked from my place hanggang sakayan ng jeep malapit sa La Salle Taft. Pansin ko na maraming tumitingin hanggang sa loob ng sinakyan kong jeep. Maybe i look cool wearing corporate uniform, a little wet, smiling a lot, looking that i don't mind the weather, the flood, or the rest of hassles. Yung dalawang estudyante, nagbubulungan pa. Halata naman ako ang pinagbubulungan.

"Let the stormy clouds chase
Everyone from the place
Come on with the rain
I've a smile on my face
I'll walk down the lane
With a happy refrain
Singing, singing in the rain"

-------------Jamie Cullum, Singing in the Rain

Hindi ko sila pinansin. Pagbaba ko, sinabi sa kin ng isang mamang nag-aabang sa go signal ng stop light:

"Brod, bukas zipper mo."
-------------Mamang Nakayellow w/ stripes, Conversations w/ Strangers

WWWAAAAHHH!!! Bwisit!!! Bakit pa nagkaroon ng Baha!!!!!


Friday, September 15, 2006

History of Helmet



Isang kaibigan ang nagdudusa ngaun sa bigat ng kanyang problema. Dahil daw nagmomotor sya sa byahe papunta sa trabaho at pabalik sa bahay, nakakangalay daw sa leeg ang helmet. And since hindi lahat ay may kapasidad maunawaan ang kadahilan ng ulo ng kanyang pagdurusa, nagtanong sya kung para saan ba tong helmet.

Ito ang sagot ko, ayon sa masusing pananaliksik:


History of Helmet
Ang mga Assyrians at Persians nong unang panahon ang gumamit ng helmet.
gawa sa balat ng hayop at konting bakal ang komposisyon nito. nong panahon kasi na yon, uso pa ang pag-ulan ng pana mula sa karatig na bayan, at hindi sapat ang payong para sa kanila. At dahil sa fashion sense, nabawasan ng nabawasan ang leather at napalitan ng metal.

Maraming pinauso ang Romans na design ng helmet, merong panglegionaire, me panggladiator. Mayrong gawa sa tanso, sa pilak at
kahit ginto. Kung may basehan ang RPGs tulad ng final fantasy sa helmet na
gawa sa diyamante, perlas at kung ano pa, walang nakakasigurado.

then, nung sumikat ang japanese action series (bioman, maskman, fiveman etc.) nagkaron ng major improvements. mas nagmukang astig ang helmet, mas naging trendy. sa sobrang ganda ng helmet, ang mga japanese superheroes ay nagsusuot nito habang lumalaban, nagpopose for a group picture, at kahit nakasakay sa enclosed-hard-armored ultra-weapon-powered car, jet, submarine o kahit nasa loob ng sasakyang humuhukay sa lupa.

then naisip ng mga talent managers at show producers na magastos ang mga 5 men team superheroes. dahil kadalasan, bibigyan mo ang bawat isa ng kanya-kanyang sasakyan (na dapat pang magbuo ng isang malaking robot). so nagcost-cutting sila at ginawa si shaider, mask rider black, etc. at dahil soloist ang mga bagong hereos na to, motorbike na lang ang binigay sa kanila
.

nakarating din sa west ang mapormang style ng helmet. kahit na merong impenetrable magnetic force field, naghehelmet pa rin si Magneto. it really makes him look cool
!

siempre dahil nakikita sa tv, maraming taong gumaya. bumili rin sila ng helmet para magmukang astig, o para hindi makikilala pagbumili ng gulay for dinner. hindi kasi magandang sumakay sa motorbike tapos may bitbit kang basket na may patola, kamatis at talong.

nagsimulang pumasok ang helmet sa mainstream
product. tapos ginawa ng marketing department na iinclude ang bonus na safety factor para makumbinsi ang ayaw sumunod sa uso. nagboom ang helmet industry. naging "in" na ito sa masa,

then the world push for laws requiring every motorcyclist to wear helmet.

at dahil ang mga tao ay natural ding pasaway, merong mga anti-helmet group. pero justified naman ung reasons nila. dahil nga ang pangalawang purpose ng helmet is to conceal identity (ang una para magmukang astig), ginagamit na rin ng mga villains ang helmet katulad ng mga superheroes. Kaya sa Pagadian City, Philippines ipinatupad ni Mayor Samuel Co ang executive order #72 ukol sa Helmet Ban. Ayon kasi sa lokal na pagsusuri, ang mga snatcher, carnappers, kidnappers, dognappers, redsnappers, hired killers at kung ano-ano pang masamang elemento ng mundo ay nakahelmet when doing their evil deeds. tsk. hindi nila naisip na with great helmet comes great responsibility. Ngaun, pati ang karatig siyudad na Dipolog City ay pinag-iisipan na rin mag-join sa "Helmet Ban".

Sa ngaun, hindi pa rin tapos ang istorya ng helmet. Panahon na lang ang makakapagsabi kung ano ang kahihitnan nito, at ang magiging epekto nito sa pang-araw araw nating pamumuhay.



Wednesday, September 13, 2006

Work of Art / Facts and Figures


Inspired by Gadgetsguru of DeviantArt.com

Monday, August 28, 2006

Paalam, Pluto



Nung isang lingo pa pala, pero kagabi ko lang nalaman, na-demote pala ang Pluto sa pagiging planeta.

Ayon daw sa bagong regulasyon, may tatlong requirements for one body to qualify as a planet:

1. kailangan na umiikot ito sa araw
2. kailangan sapat ang kanyang gravity para hatakin ang sarili at magmukang bilog.
3. at kailangan, solo nya ang orbit nya.


Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld),
na-reclassify itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.

Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30 minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.

Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni Mickey Mouse ayon sa Disney.

Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang Pluto around 1930).

Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang darating at papangalanang dwarf planet.

Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3 ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta... kaming lahat, mamimiss ka namin!




Saturday, August 26, 2006

Warning

Let me at least warn you.

What follows is my own radical views regarding religion.  Marami kasing nagtatanong, bakit meron akong sariling religion.  At katulad ng nasabi ko sa first post ko, I would explain it here.

Maybe I explained it rather extensively.  And some would claim it harsh, ignorant, arrogant, and even brutal.

I would be called an infidel, heretic, or blasphemer.  Pero kung maiilinya ako sa hilera nila Galileo, Darwin, Leonardo and the rest, it would be an honor.

Warning lang po.  =)  If somebody can't take the heat, get out.  =)

Ang Parusa

Katulad ng nakakarami, lumaki ako sa paligid ng mga taong nakakaalam, nakakasigurado.  Sigurado daw sila kung paano nagsimula ang lahat.  Itinuro sa kanila na isang araw nang Lunes, nagkaroon ng liwanag, at sa loob ng anim na araw, nalikha ang sangsinukob. 

 

Hindi lang simula ang alam nila, alam din nila ang wakas.  Katulad ng kasiguraduhan nila sa nakaraan, sigurado rin sila sa mangyayari sa hinaharap.  Kung saan ang lahat ng nautas at nabubuhay ay haharap sa isang hukom.  Ang iba ay makakapasa, ang karamihan, bokya.

 

Ang mga sumemplang ay may one way trip.  Ibababad sila sa kumukulong langis, tutuhugin ng malaking tinidor, at iba-barbeque sa apoy.  And this would go on for eternity.

 

Pardon, but for me, that’s bull$hit.  Sa aking pagkakaunawa, ang pagpaparusa ay may dalawa lang na purpose.  Deterrence at Reformation, pigilan ang isang tao na gumawa ng kasalanan o kaya baguhin ang taong nakagawa ng kasalanan.

 

Pero ang konsepto ng eternal punishment serves no other purpose than simply to punish, for eternity, period.  Ewan ko sa iba, pero para sa akin, that’s barbarism.  To think that a just, merciful, and loving Being created this set-up…  I’m not buying it.

 

Kung papipiliin ako, Konsepto ng Heaven at Eternal Punishment o Konsepto ng Reincarnation, I would always choose the latter.  Dahil sa eastern philosophy na to, mamatay tayo, tapos mabubuhay muli.  Kailangang nating magsumikap to attain the enlightenment, saka mamatay uli. 

 

Kung na-bingo mo ang ginawa ni Sidharta (Buddha), premyo mo ang Nirvana, kung hindi naman, meron kang “better luck next time”.  Pero yung pinakasikat na relihiyon dito, maraming hihingin sa iyo, kapalit ng one time chance lang. 


Narinig ko na binigyan naman tayo ng choice.  Free Will daw.  Malaya kang sumunod o sumuway.  Ang tingin ko don ay tulad ng isang holdaper na tinututukan ka ng baril.  "Ibigay mo ang pera/cellphone mo".  May choice kang sumunod o sumuway. Pero pag di ka sumunod, bam!


"I am an omnibenevolent Father, follow my counsel.  I love you, my child.  But if you do not follow me, burn baby burn."  =)

Ang Kaligtasan

Part II – Ang Kaligtasan

 

Nang magkaroon ako ng sariling pang-unawa sa ibig sabihin ng eternal punishment, badtrip to the max!  Dahil it follows pala na sa Great Exam, bukod sa kailangan mong magsunog ng kilay, kailangan mo pa rin pala ng backer.

 

Ang ipinamana pala sa akin na relihiyon ay may isang “anak ng Diyos” na sinolo ang kaligtasan, na kung sino man daw ang hindi dadaan sa kanya, hindi makakarating sa “Ama”.  Pag nagduda ka at hindi naniwala, tepok ka.

 

To live a moral and honest life – to keep your contracts, to take care of wife and child – to make a happy home – to be a good citizen, a patriot, a just and thoughtful man, [without faith] was simply a respectable way of going to hell

-------------Robert G. Ingersoll, Why I Am an Agnostic

 

Mabuti pa ang aso, kakahol, kakain, iihi sa mga poste, at matapos ang oras nya, mamatay.  Yun na yon.  Pero ang tao, kailangang matuto ng maraming bagay, magtrabaho, mamuhay ng mapayapa, at matapos ang oras nya, mamatay…

 

At matapos mamatay, meron pang Deal or No Deal, kung saan bubuksan na ang huling briefcase.  2 million o piso? 

 

Ang agnostic, hindi na matatakot kung saan sya babagsak, dahil nag-deal na sya sa banker.  Minabuti nyang harapin ang kasalukuyan, ang kasiguraduhan.  Totoong nawalan sya ng tsansa sa langit, pero sigurado sya na hindi sya mapupunta sa impierno.

Theism, Atheism, Agnosticism and Fanaticism

Part III – Theism, Atheism, Agnosticism and Fanaticism

?> 

Ang agnosticism ay isang konsepto, hindi relihiyon.  Ang agnostic ay isang tao na naniniwala na ang existence of God can neither be proved nor disproved, on the basis of current evidence.  Ang theist ng ano mang religion ay magsasabing, “Totoo, merong Diyos”, ang atheist naman ay magbibitaw ng “Kalokohan, walang diyos.”

 

Ang isasagot naman ng Agnostic kung meron bang diyos o wala, “Hindi namin alam, at wala kaming paki.”

 

It doesn’t matter kung ano ang relihiyon mo, o kung gaano ka kareligious.  But there is a clear line between being a theist and being fanatic.  Dahil kung tatanungin ako, ano mang Crusades o Jihad ay walang katuturan at kapararakan.

 

"Imagine there's no country, it isn't hard to do
Nothing to kill or die for and no religion too
Imagine all the people living life in peace..."

-------------

John Lennon, Imagine

 

Hindi na ako kailangang kumbisihin na totoo ang diyos nila, o mas malakas ang diyos nila sa ibang diyos.  Dahil sa tingin ko para lang silang mga bata na nagtatalo kung sino ang mas magaling na superhero, si Superman o si Son Gokou.  At kahit sinong adult na makikipag-away dahil sa relihiyon nya, would still look like, at least to me, an immature child playing childish games using wicked weapons.  Ipilit nya mang totoo at magaling ang kanyang tagapagligtas, I would be dumb to believe that his superhero really existed, unless he has sufficient empirical evidence.

Mikology

Part IV – Mikology

?> 

My religion is deeply personal.  This is the path I travel toward, what I believe to be, spiritual growth.

 

Logos means study, Miko is my chosen name.  Mikology is (1) studies of Miko, and (2) study of Miko about himself.  Marami akong nakita at nakilala na taglay ang kanilang pinamang relihiyon.  Kung ang magulang nila ay muslim, sila ay Muslim.  Kung lumaki sila sa paligid ng mga taong naniniwala kay Yahweh, iyon na ang naging relihiyon nila.

 

But it is also written, to seek the ?>kingdom of God.  At ang main word doon ay SEEK, hindi maniwala sa unang taong magsasabi ng kung ano.  Totoong mas madaling maniwala sa iba, sa nakakatanda, sa isang tao with authority, o kaya sa isang ancient book.  But to close my eyes and leap blindly, hindi ko yon magagawa. 

 

Totoo rin na mahirap maghanap ng enlightenment, mag-aral ng ibang philosophy, tumanggap ng basic truths.  Mahirap magbago ng lumang paniniwala, at lalo ang magbago ng nakagawian.  Kaya siguro nasabi na:

 

Laziness is the root of all evil

-------------

M. Scott Peck, The Road Less Traveled

 

Meron bang Diyos?

Hindi ko alam.

Imortal ba ang Tao?

Hindi ko alam.

 

Ito lang ang alam ko, hindi ako dapat humusga ng ibang tao kung sa langit o impierno sila mapupunta ayon sa aking pamantayan.  Alam ko na ang pagpatay ay labag sa batas.  Alam ko na ang ritwal ng pagsawsaw ng daliri sa “banal na tubig” kung saan maaring maraming mikrobyo na magdudulot ng sakit ay hindi makakapagpasigurado sa akin ng kaligtasan.

 

Alam ko na hindi dapat maging dahilan ang kaibahan ng paniniwala pagdating sa pagtulong sa kapwa o pagbigay at pagtanggap ng pag-ibig.

 

Marami akong hindi alam.  At siguradong hindi ko malalaman ang lahat-lahat.  Pero ang relihiyon ko na Mikology ay laging nagpapaalala sa akin na patuloy na mag-aral at sumuri, at panatilihing bukas ang isipan.

 

Tuesday, August 15, 2006

Facial Badly Needed


i have a date tonight.  but my face terribly needs an overhaul.

ang diamond peel ay nagkakahalaga ng 3,000 pesos sa isang session.  kung aabot to ng 10 sessions (which is the case as of this moment), ang total financial damage ay 30k.  yikes!  thats too much.

"kung mahirap ka at pangit ka, wala ka raw kasalanan.  pero kung may pera ka at pangit ka pa rin, kasalanan mo na yon."
-------------Ms. Pia, a friend

meron syang punto, but it doesn't mean she's entirely correct.  sa paglilibot ko sa gabi, marami akong nakita at nakilala na punong-puno ng super-facial-ity.  na sa unang tingin, they're attractive, hot.  pero pagnakasama mo na, hollow.  parang puro icing lang, wlang laman.

meron din naman akong nakasama na talented, artistic, deep thinkers.  but, maybe due to arrogance, naglagi sila sa mundo nila.  pinabayaan ang sarili.  at kung titignan mo, ang hitsura nila ay isang malaking babala na wag mong subukang mapalapit.

"...talk with crowds and [/but] keep your virtue,
...walk with kings--nor [/but do not] lose the common touch
"
-------------Rudyard Kipling, If

maraming nag-iisip na masama na gamitin ang kapangyarihan ng imahe.  but this kind of power (image) like any other (mind, money, etc.) is not right or wrong, the intention of the person usually is.  kung may produkto ka na pinaniniwalaan mong para sa ikakabuti ng maraming tao, babalutan mo ba ito ng tae?  certainly not.  you would carefully and artistically package it, then you advertise.

but let the wrapper only be a projection of the gift, because when one solely focus on the wrapper itself, one commits the sin of vanity.  maganda ngang tignan, pero wla nmang halaga ang laman.

Nakakamatay bang Mag Gym ng Puyat?


nagising ako sa alarm ng cellphone ko.  6am.  kaya ang unang tanong na pumasok sa utak ko ngaung araw na ito, "To snooze or not to snooze?"

anong oras nga ba ako nakatulog kagabi... natapos ko ung dragonball sa animax, that is 0030H to 0100H. nagbungkal ng makakain sa kusina.  nyay, mga 2am na me natulog.

4 hours sleep. hindi pa ako nakapaggym kahapon.  waaahhh. kuha ng damit, face towel.  pera. takbo. gym. then pump some iron.  my body doesn't look good yet.  but its getting there albeit slowly.

look good?  who said your doing it to look good? its for fitness, a healthy lifestyle.
don't kid yourself.  ur just vain. you like being liked, being admired.  hekhekhek.

pump pump pump.  masyado na yata akong puyat.  i'm hearing strange voices.  pump pump pump.  opps, 7am na, gotta run back home, papasok pa sa office.
---
waahhh!! 1815H pa lang?  dragging na ko.  gusto ko nang matulog.  hhohhuumm.  antok na ko to the max.  mahirap magkaron ng masipag na boss, kailangan mong sabayang mag overtime.  whew!

nga pla, magpapa-facial pa ko.
hekhekhek, sabi ko na nga ba, vanity is my favorite sin.

huh? i really need to sleep.  may date pa ko bukas.

Tuesday, August 8, 2006

In My Dreams

Rating:★★★★
Category:Music
Genre: Blues
Artist:Reo Speedwagon
There was a time some time ago
When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day
But now when the morning light shines in
It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay
I used to thank the lord when Id wake
For life and love and the golden sky above me
But now I pray the stars will go on shinin, you see in my dreams you love me

Daybreak is a joyful time
Just listen to the songbird harmonies, oh the harmonies
But I wish the dawn would never come
I wish there was silence in the trees, oh the trees
If only I could stay asleep, at least I could pretend youre thinkin of me
cause nighttime is the one time I am happy, you see in my dreams

Chorus:
We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I dont know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams

I keep hopin one day Ill awaken, and somehow you'll be lying by my side
And as I wonder if the dawn is really breakin
You touches me and suddenly Im alive
-----
i was waiting for a jeep when this song was played in a restaurant near me. then, boom! i can relate. for a couple of days now i'm dreaming to be with that person. sigh.

Friday, August 4, 2006

The Name


My given name is Michaelle S. Legaspi. Yes, mukang Michelle ang spelling I’ve been jested on this countless times. Gusto daw kasi ng parents ko na Michael ang pangalan, pero malas daw ang 7 letters sa panganay na anak (according to my granny) kaya dinagdagan nila ng extra two letters. Upon further analysis, I found that etymology of Michael rooted from the name M’HaEl literally means “Who as God”. Remember Michael Archangel? Most angels end with EL in their names like Gabriel, Uriel, Zepkiel, etc. Since meron extra “le” sa pangalan ko, hehehe, I have the balance between the angel and the devil.


Nung bata ako, “King” ang palayaw ko. Hindi ko pa natatanong kung bakit ganon ang tawag sa kin ng tito at tita ko. May tumatawag sa kin ng “Mike”, meron “Kel”, at “Mikee (mayki)


Sa academy, tinawag naman akong “Legs” dahil sa apelyido ko. Then may tumatawag sa kin na “Raguel(meaning tagapaghiganti ng Panginoon) dahil sa isang mahabang kwento ko tungkol sa isang detective angel na si Raguel ang bida. Then Raistlin naman ang tawag sa kin ng mga kalaro ko ng roleplaying games.


I have this close friend na sa six years naming pagkakaibigan ay samu’t-saring pangalan na ang tinawag sa kin. Tinawag nya akong “chopstikz” dahil ang payat ko daw. Tapos pinalitan nya ng “caterpie” dahil takot ako sa bulate. Pagpinaparamdam nya sa kin ang pagiging kuya tuwing pagagalitan nya ko, tawag nya sa kin ay “mi-ke-li-to” na lagi pang may nauunang “hoy”. “Hoy mikelito, ayusin mo nga buhay mo!” Hehehe. Ang latest na tawag nya ngaun ay “badz”. Don’t ask.


With all the names I had, yung ngaun ang pinakagusto ko. Miko. Ito ang tinawag sa kin ng boss kong japon dahil meron ng “Mike” dito sa opisina. Miko rin ang character ko sa online game na KHAN. At ang religion ko eh “mikology” (more about that next time).

So remember it. Miko. Yan ang pangalan ng future boyfriend mo.

Toinks!