Saturday, August 26, 2006

Ang Kaligtasan

Part II – Ang Kaligtasan

 

Nang magkaroon ako ng sariling pang-unawa sa ibig sabihin ng eternal punishment, badtrip to the max!  Dahil it follows pala na sa Great Exam, bukod sa kailangan mong magsunog ng kilay, kailangan mo pa rin pala ng backer.

 

Ang ipinamana pala sa akin na relihiyon ay may isang “anak ng Diyos” na sinolo ang kaligtasan, na kung sino man daw ang hindi dadaan sa kanya, hindi makakarating sa “Ama”.  Pag nagduda ka at hindi naniwala, tepok ka.

 

To live a moral and honest life – to keep your contracts, to take care of wife and child – to make a happy home – to be a good citizen, a patriot, a just and thoughtful man, [without faith] was simply a respectable way of going to hell

-------------Robert G. Ingersoll, Why I Am an Agnostic

 

Mabuti pa ang aso, kakahol, kakain, iihi sa mga poste, at matapos ang oras nya, mamatay.  Yun na yon.  Pero ang tao, kailangang matuto ng maraming bagay, magtrabaho, mamuhay ng mapayapa, at matapos ang oras nya, mamatay…

 

At matapos mamatay, meron pang Deal or No Deal, kung saan bubuksan na ang huling briefcase.  2 million o piso? 

 

Ang agnostic, hindi na matatakot kung saan sya babagsak, dahil nag-deal na sya sa banker.  Minabuti nyang harapin ang kasalukuyan, ang kasiguraduhan.  Totoong nawalan sya ng tsansa sa langit, pero sigurado sya na hindi sya mapupunta sa impierno.

3 comments:

XXXX YYYY said...

u can be a good philosophy teacher!..& i respect ur philosophy and views in life..

Miko Legaspi said...

thank you very much. very few traverse this part of my blogs, hehehe.

XXXX YYYY said...

welcome =)cguro d lng nila gaano e2 naapreciate..mahilig rin kc ako sa philo..i really like my philo subjects when i was in college..lalo na pag matalino yung teacher