Saturday, August 26, 2006

Ang Parusa

Katulad ng nakakarami, lumaki ako sa paligid ng mga taong nakakaalam, nakakasigurado.  Sigurado daw sila kung paano nagsimula ang lahat.  Itinuro sa kanila na isang araw nang Lunes, nagkaroon ng liwanag, at sa loob ng anim na araw, nalikha ang sangsinukob. 

 

Hindi lang simula ang alam nila, alam din nila ang wakas.  Katulad ng kasiguraduhan nila sa nakaraan, sigurado rin sila sa mangyayari sa hinaharap.  Kung saan ang lahat ng nautas at nabubuhay ay haharap sa isang hukom.  Ang iba ay makakapasa, ang karamihan, bokya.

 

Ang mga sumemplang ay may one way trip.  Ibababad sila sa kumukulong langis, tutuhugin ng malaking tinidor, at iba-barbeque sa apoy.  And this would go on for eternity.

 

Pardon, but for me, that’s bull$hit.  Sa aking pagkakaunawa, ang pagpaparusa ay may dalawa lang na purpose.  Deterrence at Reformation, pigilan ang isang tao na gumawa ng kasalanan o kaya baguhin ang taong nakagawa ng kasalanan.

 

Pero ang konsepto ng eternal punishment serves no other purpose than simply to punish, for eternity, period.  Ewan ko sa iba, pero para sa akin, that’s barbarism.  To think that a just, merciful, and loving Being created this set-up…  I’m not buying it.

 

Kung papipiliin ako, Konsepto ng Heaven at Eternal Punishment o Konsepto ng Reincarnation, I would always choose the latter.  Dahil sa eastern philosophy na to, mamatay tayo, tapos mabubuhay muli.  Kailangang nating magsumikap to attain the enlightenment, saka mamatay uli. 

 

Kung na-bingo mo ang ginawa ni Sidharta (Buddha), premyo mo ang Nirvana, kung hindi naman, meron kang “better luck next time”.  Pero yung pinakasikat na relihiyon dito, maraming hihingin sa iyo, kapalit ng one time chance lang. 


Narinig ko na binigyan naman tayo ng choice.  Free Will daw.  Malaya kang sumunod o sumuway.  Ang tingin ko don ay tulad ng isang holdaper na tinututukan ka ng baril.  "Ibigay mo ang pera/cellphone mo".  May choice kang sumunod o sumuway. Pero pag di ka sumunod, bam!


"I am an omnibenevolent Father, follow my counsel.  I love you, my child.  But if you do not follow me, burn baby burn."  =)

2 comments:

'BillyBoi' ' said...

we really don't know, it's up to him :)

Miko Legaspi said...

yep. we really don't know. so as the priest who claims it.