Part IV – Mikology
?>
My religion is deeply personal. This is the path I travel toward, what I believe to be, spiritual growth.
Logos means study, Miko is my chosen name. Mikology is (1) studies of Miko, and (2) study of Miko about himself. Marami akong nakita at nakilala na taglay ang kanilang pinamang relihiyon. Kung ang magulang nila ay muslim, sila ay Muslim. Kung lumaki sila sa paligid ng mga taong naniniwala kay Yahweh, iyon na ang naging relihiyon nila.
But it is also written, to seek the ?>
Totoo rin na mahirap maghanap ng enlightenment, mag-aral ng ibang philosophy, tumanggap ng basic truths. Mahirap magbago ng lumang paniniwala, at lalo ang magbago ng nakagawian. Kaya siguro nasabi na:
“Laziness is the root of all evil”
-------------
M. Scott Peck, The Road Less Traveled
Meron bang Diyos?
Hindi ko alam.
Imortal ba ang Tao?
Hindi ko alam.
Ito lang ang alam ko, hindi ako dapat humusga ng ibang tao kung sa langit o impierno sila mapupunta ayon sa aking pamantayan. Alam ko na ang pagpatay ay labag sa batas. Alam ko na ang ritwal ng pagsawsaw ng daliri sa “banal na tubig” kung saan maaring maraming mikrobyo na magdudulot ng sakit ay hindi makakapagpasigurado sa akin ng kaligtasan.
Alam ko na hindi dapat maging dahilan ang kaibahan ng paniniwala pagdating sa pagtulong sa kapwa o pagbigay at pagtanggap ng pag-ibig.
Marami akong hindi alam. At siguradong hindi ko malalaman ang lahat-lahat. Pero ang relihiyon ko na Mikology ay laging nagpapaalala sa akin na patuloy na mag-aral at sumuri, at panatilihing bukas ang isipan.
1 comment:
naks! MIKOLOGY! hehehe...
Post a Comment