Monday, August 28, 2006
Paalam, Pluto
Nung isang lingo pa pala, pero kagabi ko lang nalaman, na-demote pala ang Pluto sa pagiging planeta.
Ayon daw sa bagong regulasyon, may tatlong requirements for one body to qualify as a planet:
1. kailangan na umiikot ito sa araw
2. kailangan sapat ang kanyang gravity para hatakin ang sarili at magmukang bilog.
3. at kailangan, solo nya ang orbit nya.
Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld), na-reclassify itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.
Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30 minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.
Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni Mickey Mouse ayon sa Disney.
Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang Pluto around 1930).
Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang darating at papangalanang dwarf planet.
Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3 ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta... kaming lahat, mamimiss ka namin!
Labels:
astronomy,
currentevents,
factsandfigures,
humor,
kwentongmiko,
trivia
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
haha! nice post ah! i've heard about this the other day i tot it was just a joke! wel, "paalam nga pluto" ^_^
thnx =) online u ah, kaa-upload ko lng. lolz.
basta ko ang alam ko the sun is the center of the solar system and moving around it are the planets (ndi naman specified kung ilan diba?)
honga. hehehe. marami kayang personally and deeply affected sa pagbabagon to? katulad ko? lolz!!
ang sabi nila b4 kapag may nakita kang nagt'twinkle sa kalangitan, star yun 'pag hindi.. planet yun! d naman kaya unfair e2 kay pluto??
i should have wrote that, hahaha.
Meron pang papalitan dahil inalis ang Pluto - the Celestial Acronym!! M-V-E-M-J-S-U-N-P
It can be taken as any of the ff:
"'M'y 'v'ery 'e'ager 'm'other 'j'ust 's'ent 'u's 'n'ew 'p'resents" - something from highschool
"'M'ang 'V'ictor 'E'spinosa!! 'M'ag-'j'ogging 's'a 'u'maga 'n'ang 'p'awisan ka!!" - SinEskwela circa 1990
Yung second mnemonic device, may pinapahiwatig na tenth planet starting with the letter 'K' yata. :-p Pero magsusuffer ang parehong mnemonic device kasi hanging ang sentences nila pag inalis yung 'P' equivalent na words.
Tsk tsk... kabalbalan tlga!! Sabi nga ng mga lolo ko, "If it ain't broken, don't fix it." Nde naman broken ang Solar System, inalis pa c Pluto. Lagot tayo sa Lord of the Underworld!!!
hahaha,
"If it ain't broken,
why won't i?"
ganon siguro iniisip nila.
=)
impressive to read this far. hehehe.
I've been laughing and keeping my nose from bleeding, but its been a fun read. :D Di ko na nga lahng kinaya. Hahaha...
hahaha. skip mikology stuff. maraming umiiwas don, hahaha.
Mas matindi ba yung nosebleed? :-p Haha... may warning pa nga eh.
hahaha. yup. highest level yata un. hahaha.
Tara, gawa tyo Fantasy Shot on Pluto!! xD
Post a Comment