Isang kaibigan ang nagdudusa ngaun sa bigat ng kanyang problema. Dahil daw nagmomotor sya sa byahe papunta sa trabaho at pabalik sa bahay, nakakangalay daw sa leeg ang helmet. And since hindi lahat ay may kapasidad maunawaan ang kadahilan ng ulo ng kanyang pagdurusa, nagtanong sya kung para saan ba tong helmet.
Ito ang sagot ko, ayon sa masusing pananaliksik:
History of Helmet
Ang mga Assyrians at Persians nong unang panahon ang gumamit ng helmet. gawa sa balat ng hayop at konting bakal ang komposisyon nito. nong panahon kasi na yon, uso pa ang pag-ulan ng pana mula sa karatig na bayan, at hindi sapat ang payong para sa kanila. At dahil sa fashion sense, nabawasan ng nabawasan ang leather at napalitan ng metal.
Maraming pinauso ang Romans na design ng helmet, merong panglegionaire, me panggladiator. Mayrong gawa sa tanso, sa pilak at
kahit ginto. Kung may basehan ang RPGs tulad ng final fantasy sa helmet na
gawa sa diyamante, perlas at kung ano pa, walang nakakasigurado.
then, nung sumikat ang japanese action series (bioman, maskman, fiveman etc.) nagkaron ng major improvements. mas nagmukang astig ang helmet, mas naging trendy. sa sobrang ganda ng helmet, ang mga japanese superheroes ay nagsusuot nito habang lumalaban, nagpopose for a group picture, at kahit nakasakay sa enclosed-hard-armored ultra-weapon-powered car, jet, submarine o kahit nasa loob ng sasakyang humuhukay sa lupa.
then naisip ng mga talent managers at show producers na magastos ang mga 5 men team superheroes. dahil kadalasan, bibigyan mo ang bawat isa ng kanya-kanyang sasakyan (na dapat pang magbuo ng isang malaking robot). so nagcost-cutting sila at ginawa si shaider, mask rider black, etc. at dahil soloist ang mga bagong hereos na to, motorbike na lang ang binigay sa kanila.
nakarating din sa west ang mapormang style ng helmet. kahit na merong impenetrable magnetic force field, naghehelmet pa rin si Magneto. it really makes him look cool!
siempre dahil nakikita sa tv, maraming taong gumaya. bumili rin sila ng helmet para magmukang astig, o para hindi makikilala pagbumili ng gulay for dinner. hindi kasi magandang sumakay sa motorbike tapos may bitbit kang basket na may patola, kamatis at talong.
nagsimulang pumasok ang helmet sa mainstream product. tapos ginawa ng marketing department na iinclude ang bonus na safety factor para makumbinsi ang ayaw sumunod sa uso. nagboom ang helmet industry. naging "in" na ito sa masa,
then the world push for laws requiring every motorcyclist to wear helmet.
at dahil ang mga tao ay natural ding pasaway, merong mga anti-helmet group. pero justified naman ung reasons nila. dahil nga ang pangalawang purpose ng helmet is to conceal identity (ang una para magmukang astig), ginagamit na rin ng mga villains ang helmet katulad ng mga superheroes. Kaya sa Pagadian City, Philippines ipinatupad ni Mayor Samuel Co ang executive order #72 ukol sa Helmet Ban. Ayon kasi sa lokal na pagsusuri, ang mga snatcher, carnappers, kidnappers, dognappers, redsnappers, hired killers at kung ano-ano pang masamang elemento ng mundo ay nakahelmet when doing their evil deeds. tsk. hindi nila naisip na with great helmet comes great responsibility. Ngaun, pati ang karatig siyudad na Dipolog City ay pinag-iisipan na rin mag-join sa "Helmet Ban".
Sa ngaun, hindi pa rin tapos ang istorya ng helmet. Panahon na lang ang makakapagsabi kung ano ang kahihitnan nito, at ang magiging epekto nito sa pang-araw araw nating pamumuhay.
14 comments:
ahhh..
ikaw talaga Miko...
wwaahhh!!! nakakabadtrip, meron akong pics to support my argument =P pero di ko ma-upload!! waahh!!
tsk, di ko talaga magawa magpost. chk nyo na lang ung attachmetn.
teka parang ako yun ah!
lolz
pwede ka rin ka pala maging history teacher..hehe..it's in4mativ though
hehehe, mahilig talaga me magturo... err, mambola, hahaha.
*nosebleed* Hehehe...
hahaha, pasensya na. =P geek mode ako nyan. hahaha.
Haha, oks lang un! Nakita ko lng Final Fantasy at Magneto binasa ko na. *geek din* hahaha
nyahaha =)
nakakaasar! akala ko totoong historyng assyrians empire!
err, totoo naman na assyrians ang unang gumamit ng ancient helmets. hehehe.
Post a Comment