Friday, September 22, 2006

Bwisit na Baha.


Konting ulan, baha.

Yan ang buhay dito sa Manila. At mukang nagkasundo ang kapalaran para pahirapan ako ng konti. Ang tinutuluyan kong lugar ay hindi pinapasok ng padyak (tribike/sidecar) kaya wala akong choice kundi sumuong sa baha papasok sa opisina.

Wearing polo, black jacket, silk necktie, itutupi ko ang slacks na pantalon at magsa-sandals (hindi pwede flipflops, baka humulos sa paa ko) para maglakad sa bahang hanggang tuhod.

Minsan, maraming naastigan sa pormang yon. They think its kinda heroic for a guy na tiisin ang ganong discomfort for the sake of his job. Biruin mo, ilang mapanganib na bagay ang haharapin mo tulad ng open manhole at lumulutang na patay na daga (i don't know which is more dangerous, certainly the latter is way more frightening).

I walked from my place hanggang sakayan ng jeep malapit sa La Salle Taft. Pansin ko na maraming tumitingin hanggang sa loob ng sinakyan kong jeep. Maybe i look cool wearing corporate uniform, a little wet, smiling a lot, looking that i don't mind the weather, the flood, or the rest of hassles. Yung dalawang estudyante, nagbubulungan pa. Halata naman ako ang pinagbubulungan.

"Let the stormy clouds chase
Everyone from the place
Come on with the rain
I've a smile on my face
I'll walk down the lane
With a happy refrain
Singing, singing in the rain"

-------------Jamie Cullum, Singing in the Rain

Hindi ko sila pinansin. Pagbaba ko, sinabi sa kin ng isang mamang nag-aabang sa go signal ng stop light:

"Brod, bukas zipper mo."
-------------Mamang Nakayellow w/ stripes, Conversations w/ Strangers

WWWAAAAHHH!!! Bwisit!!! Bakit pa nagkaroon ng Baha!!!!!


12 comments:

racky lamson said...

hahaha...wag u na cchin ang baha...

Miko Legaspi said...

thanks. hehehe, tama ka, hindi ko dapat sisihin ang environment. bwisin na mga babae un, hindi agad sinabi sa kin. waahhh!!! joke lng =) i'm over it na.

adam lino said...

what an experience bro... cool attire but open zipper is a different story... i know u handled it bery well... cool!!!

Miko Legaspi said...

hehehe, don't worry, i carried it well. =)

XXXX YYYY said...

lol.. hahha.. pano' naman 'di magkakabha eh alos walang mga plants.. tas de semento pa halos lahat.. at kung may halaman man, aun, nakakulong pa rin.. sa semento! hahha.. great experience bud!

Joshua Caleb Roa said...

hahaha.. damn the rain.

*** James *** said...

next time wag magmamadali pag alis ng bahay check kung lahat ay naisara.. hehehe

but honestly, i love rain coz i can sleep well.. hihihi pero minsan nagiging madrama :P

Miko Legaspi said...

hehehe, kinda pathetic, but memorable =)

Miko Legaspi said...

i love the rain, not the flood. hehehe. sa province namin, madalang ang umuulan ng hindi ako naliligo in it.

XXXX YYYY said...

i guess u hav to change the subject to bwisit na zipper nyahaha..naaliw ako dun ha

Miko Legaspi said...

hehehe, kaso pag binago ko, wla ng suspense, hehehe.

XXXX YYYY said...

oo nga naman..