Tuesday, November 25, 2008

Trip 3 - Involving 2 Similar Missions on Same Day, Just few hours apart

Start:     Dec 18, '08 10:00a
Location:     Manila, then Q.C.
Well, I don't wanna elaborate
kung ano ang business trip ko,
just putting the date here
para if and when you ask me out,
ma-confirm mo kung free time un
hahaha.

kapal muks
basta priority ang mga missions,
i can't disclose what those missions are
if i tell you, i have to kill you,
hahahaha

for no one in particular

Trip 2 - Involving a Japanese Representative and some gifted childrens

Start:     Dec 6, '08 5:00p
Location:     Malate
Well, I don't wanna elaborate
kung ano ang business trip ko,
just putting the date here
para if and when you ask me out,
ma-confirm mo kung free time un
hahaha.

kapal muks
basta priority ang mga missions,
i can't disclose what those missions are
if i tell you, i have to kill you,
hahahaha

for no one in particular

Business Trip

Start:     Nov 28, '08 10:00a
Location:     Bataan
Well, I don't wanna elaborate
kung ano ang business trip ko,
just putting the date here
para if and when you ask me out,
ma-confirm mo kung free time un
hahaha.

kapal muks
basta priority ang mga missions,
i can't disclose what those missions are
if i tell you, i have to kill you,
hahahaha

for no one in particular

Sunday, November 23, 2008

The Right To Grow

Ito ang Unang Right, but it doesn't mean other (following) rights are inferior. Check this Preamble for intro, continue reading for explanation of this right.

Both partners must allow
Each other the freedom to grow
Even that freedom
Is a threat to the relationship

Pag pinipigilan ng isang partner na makamit ang fullest potential ng other party, pinapakawala nito ang pinaka “undermining force” sa isang relationship. Parang sinasabi nya: Dapat kang manatili kung sino mang gusto ko na maging ikaw. You must always stay the same. Ang purpose mo sa buhay ay kung ano man ang tingin ko dito. And your growth is a threat to me.

Ang paglalagay ng restrictions sa pagyabong ng kapareha mo ay isang malaking pagkakamali. Relationship should be a place where two people share the experience of helping each other become more than they were when their relationship started. Hindi ito kulungan. Hindi hostage ang partner, at hindi ransom ang Love na ginagamit na kondisyon as long as the other party stays the same.

And loving is not just permitting, tolerating, understanding and supporting. Sabi nga ni St. Exupery, “love is leading you gently back to yourself”. You should love NOT ONLY what the other is, but also what he can BECOME.

Pag naramdaman mo na may parte ka ng sarili mo na gustung-gusto mo pero napipilitan kang itago sa partner mo, then the relationship is in serious trouble. Hindi ba masakit, ang masabihan ka ng kapareha mo na “Pinigilan mo akong maging Ako.”

Threatening man sa simula, helping your partner grow and find himself always makes a relationship stronger. Ang partner ay magiging less dependent and less possessive. Mananatili sila sa relationship kasi gusto talaga nila na magsama. Kahit na malaya at may karapatan sila na magtagal o umalis, pinili nila na manatili and to grow old together.

-------------
For R.M., hindi ako in-luv, hehehe, just sharing what i have that you want to learn. Photocredits to imShrimp from deviantart.

Friday, November 21, 2008

Basic Rights - Preamble

Wala. I surfed and checked, pero hindi ko makita ang hinahanap ko.

Siguro nabaon na sa limot, or possibly outdated na at hindi na applicable sa ngayon. But I don’t want to lose it in antiquity. Kahit for record purposes lang, gusto kong ma-retain ang mga concepts na ‘to.

I’m talking about the “Basic Rights” sa isang relationship. Hehehe, being single, I know I’m not in the position to discuss these things. Nevertheless, I believe the messenger is not important, only the message.

There are Ten (10) Basic Rights in a Relationship. I will discuss nine, and hope everyone will find out the tenth without me telling it. n_n It will be in a series, starting with this preamble.

So, letsgedidong!

Everyone's Basic Rights

Lahat tayo tao (maliban sa iba jan, joke!) and that simple fact makes us heir to the noblest aspirations, basest instincts, ang ma-attract sa kagandahan, potensyal na manakit o gumanti, at ang kapasidad na magmahal at magsakripisyo.

Lahat tayo ay ipinanganak ng may pare-parehas na karapatan. At atin ang karapatang ito whether we assert them or not, mag-isa man o meron tayong karelasyon. Ito ay natural na karapatan, and our claim to them is our life itself at ang paniniwala natin sa pagkakapantay-pantay. Our right to express and satisfy our rights always depends upon our respect for the rights of others.

Hindi mo pwedeng pwersahin ang isang tao na isuko ang karapatan nya, kahit minsan, nasusukol mo sya. Ang tao lang na pwedeng magsuko ng karapatan ay yung taong nagmamay-ari nito. Ang pagsukong iyon ay dapat panandalian lang. Isang part ng “give and take” sa isang balanseng relasyon.

Pag tuluyan nating isuko ang karapatan natin para sa ibang tao, we only violate ourselves, become less of a person and in the end undermine the relationship itself. Laging may bayad ang pagsuko ng karapatan. At kung isinuko mo ito ng hindi bukal, o napwersa ka lang labag sa gusto mo, kadalasan meron lihim na hinanakit. It’s a pain that always comes from giving away a part of ourselves we need in order to feel like a complete human being.

Ang matagal na kinikimkim na hinanakit dahil sa natapakang karapatan ay nagiging lihim na negatibong pwersa na naghahanap ng paglahad. Dumadaloy ito sa relasyon, kumakapit sa mga walang kwentang pagtatalo, pinalalaki ang maliit na galit at dinudungisan ang anumang maganda.

Ang mga karapatan sa isang relasyon ay ang parehas na karapatan na tinatamasa mo bago mo pa man nakilala ang kapareha mo. Hindi bina-bargain ang karapatan. They simply exist.

Isa sa tungkulin ng relasyon ay makilala at maprotektahan ang karapatan ng bawat isa.


-------------
Pahinga muna ang kwentong miko, hehehe, lets talk about L-O-V-E para meron tayong ibigay sa pasko. n_n Thanks to R.M. for inspiring me to write this, and photocredits for fading-lily from deviantart.

Wednesday, October 29, 2008

Di.Vi.Ded iAm

Hearty: Oh God! Oh God! OH MY EFFIN GOD! I Can’t believe this is happening!

Eyesy: SShheett! He really looks absolute gorgeous.

Lipsy: Naglalaway na ko, wwaahhhh!!!

Brainy: Order! Order! This Body must maintain proper decorum! Hearty, you are getting unruly again. Tell me what is the status. Handy, please take the minutes of this meeting.

Hearty: Uhm, Mr. President, do you recall "Ultimate Crush"? ‘Di po ba iniisnab po natin sya sa Campus nun?

Brainy: Yes, I remember him. Napagkasunduan ng Body na to na iwasan sya dahil he looks too good… and we don’t want to join his ‘Fans Club”. Sakit lang un sa ulo, as everyone agreed. Now, what about him?

Hearty: Er… Correction your Honor. Hindi po napagkasunduan na iwasan sya, not in the sense na there is a conscious effort to avoid him. We just agreed we are going to be… uhm, indifferent.

Brainy: So? What’s your point?

Hearty: Eh, ngayun po, sya ang gumawa ng first move! Waahhh. Ang bilis ng tibok ko. Ano na po ang gagawin natin Mr. President?

Brainy: Have you run the Emotional Assessment Test?

Hearty: I made initial testing, your Honor. Tulog pa po si Birdy, at sobrang baba po ng arousal level. Definitely it is not LDE (Lust-Driven Emotion).

Brainy: That’s good. At least Handy is doing a good "job" keeping Birdy satisfied for now… Is there anything else?

Hearty: Your honor, I believe we have a serious case of IDE (Infatuation-Driven Emotion). We have several cases of Dream Infringement, Wishful Thinkings, and Day Dreamings.

Brainy: I’m quite aware of that, thank you. I receive reports that some schedules-for-idle-times are being override by Wishful Thinkings and Day Dreamings..

Hearty: It’s really difficult, your honor. Sometimes… it’s painfully, hard. I want him bad... and I want him soon. Hindi ako umasa nung pinaintindi mo sa Body na we don’t have a chance… Pero ngaun, now that he made the first move... Ayokong pakawalan ang opportunity.

Brainy: Naiintindihan ko. Sige, I will conduct full assessment of his character profile. You understand it’s a protocol that all Date Prospects should pass screening, don’t you? Good.

Hearty: Thank you, your honor.

Brainy: And most important thing. We still have the Zero Dating Goal. Eyesy, stop rolling, and Facey, don’t frown like that, baka mahipan ka ng masamang hangin.

Remember when we fell in line to ride a roller coaster? I told everypart that it is unreasonable, in fact, insane, to wait for hhhouuurrss just to experience less than fifteen minutes of joyous fear.

Hearty: Yes your honor, naalala ko yon. At naaalala ko rin na sinabi nyo, after nung ride, that it was worth the wait.

Brainy: Yes, I said that. And I’m telling it to you again. I know Dating him would be meaningful and fulfilling, but just like falling in line for the coaster ride, falling in love means to Wait too.

Hearty: I understand your Honor. You’re handling this pretty well. I’m glad you won in Body Election.

Brainy: I’m glad too. Its hard, but we all know I need to fulfill the responsibility, lest Birdy will take charge, hahaha. We don’t like that to happen, do we? Like what’s happening with some of the guys out there.

Hearty: Hahaha.

Brainy: n_n Ok, if there are no more issues, meeting adjourned. Have you got all that, Handy?

Handy: Yes sir. But if I may add… I like to say I’m eagerly looking forward to holding somebody else’s hand at night, instead of just fooling around with Birdy.

Brainy: Hehehe. We will come to that. Ok, everyparts, back to work.

Stomach: Sa wakas! Kain na tayo, gutom na ko.

Meeting adjourned ast 1255H
Minutes by Handy

-----------
Dahil mag-isa lang si Miko sa office, regular na nakikipagmeeting ang utak nya sa ibang parte ng katawan, basta lang ba may makausap. Pasalamat kay Engr. Tolentino para sa titulo.

Tuesday, October 14, 2008

Tatlong Bj

Nakatatlong BJ ako.
Dalawa sa umaga,
At isa sa hapon.

At bakit hindi?
Maliban sa masarap na sariwang juice,
Malinamnam din naman ang meat.

Eto ang masarap gawin
Lalo na pag nalasing.

Later ko na found out na marami palang mapapala sa BJ-

1. Mabilis na treatment for exhaustion at hang-over. Ang potassium, sodium, calcium and magnesium levels nito ay makakapagreplace ng nawalang electrolytes sa katawan.

2. Meron itong mataas na antas ng Lauric acid. Isang mabisang anti-viral, anti-fungal at anti-bacterial liquid.

3. At isa pa (kadahilan siguro kaya ako hyperactive), naiistimulate nito ang pagrelease ng thyroidal hormones, na nagiging sanhi ng mabilis na metabolic rate, at siempre, high energy levels.

Totoo ngang the Coconut Tree is a the Tree of Life, dahil ibinibigay nya ang masustansya at murang Buko Juice.

So ano pang hinihintay nyo, BJ na!

n_n

Thursday, October 2, 2008

Miko Version 3.1

Manufacturing Date: Sept 25, 1982
Release Date: March 26, 2009 (six months to go!)


====PRODUCT DESCRIPTION===
Ht. 5’7.5, Wt 110lbs,
Lean frame.
Comes in tan color during summer season
though normally fair to white.

===FEATURES====
ActiveLove.CB
Miko 3.1 has a unique love algorithm that ensures personal growth of the user. ActiveLove.CB is Commitment Based concept that doesn’t fluctuate as Feeling Based love algorithm of other units.

Honesty.Com is one of the core system feature and will be the foundation of all task. Miko 3.1 has a built-in AntiLiar Device that will immediately delete malicious lies once detected. One time reboot is possible but will auto uninstall if user is thoroughly lie infected.

Various Tools
Miko 3.1 has improved tools. Core Values Listing optimize prioritization during multitasking that ensures sufficient allocation of resources (mostly time and energy) to user. DreamWeaving incorporates preset dream/goals with user’s own that promotes lifetime support and compatibility. The MorphAdapter allows Miko 3.1 to automatically download patches and updates system registry for maximum compatibility.

===IMPORTANT===

==System Requirements==
OS: Honesty Premium
(Incompatible with Home Editions where other units make alibis or lies)
Hard Drives: Manila-Pampanga-Bataan
UA (User’s Age) 20-28. Older units are incompatible with regards to Miko 3.1 authority handling software and idle time preference (like playing computer games)


===Price===
Equal sharing of expenses (though usually generous),


===---===Installation (Date) Guide===---===
1. If AutoDetect Miko 3.1 did not contact you, message Miko and schedule a set-up (non sense going deeper in cyberspace only to find out both are personally uncomfortable/incompatible).

2. Install Disc 1: Dinner. Talk, screening. (Movies are distractive, so as games, etc. Overnights are extremely rare and greatly discourage. Prompting may cause severe system failure.)

3. If Disc 1 was successfully installed, install disc 2. If not, MikoLite Version will be installed instead. Full version may take time to adapt but with decreased chance of success.

4. Install Disc 2: Meet other Units, Perform Beta Test on Different Field (Miko3.1 will meet user’s friends and vice-versa to observe how each interact with others. Also establish network support. Risk of Data-Theft may occur (may mga friends kasi akong cute, baka don mapunta ung user, hehehe).

5. Install Disc 3: Discuss Terms of Agreement. Major incompatibilities may result to system failure. Minor incompatibilities may be fixed via patches and regular updates.

6. Installation complete. Full version of Miko3.1 will start running in peak performance.


===---===Known Incompatibility Issues===---===

Major:
Transgenders: No offense, just system preference.
Bisexuals: In the sense that these units are still hopeful to settle with a female adapter making installation of Miko 3.1 temporary.
Infected Programs: Units with STDs, Drug dependency, Psychotic disorders should reformat first.
Code Violators: Oath-breakers, Liars, Cheaters, Thieves.

Minor:
Smokers, late-comers, whiners, sissies
More as installation progress


For order or inquiries, contact Miko in
Friendster: Hyper_yaoi@yahoo.com
www.mikolegaspi.multiply.com

Older versions not available. For revision history, check blogs in multiply account.

------------------------------------------------
hehehe, walang mapost, so i put-up my profile. n_n

Friday, September 19, 2008

Blogtasan: Traditional VS Bloggermania

LAKANDIWA

Magandang araw sa lahat, masugid na mambabasa
Isa pong Blogtalastasan, sinikap kong inihanda:
Ang Traditional na Media, noon pa man ay subok na,
Laban sa uso at bagong Blogging
to ang ating paksa.

Sa Traditional na Media, mga bagay na kasama
Dyaryo, radio at magazine, pati TV ay ang bida.
Sa kabilang panig naman, sinasabing BloggerMania
Dahil sa murang internet, nararating din ang masa.

Pagdating sa journalism, ano ba ang naaangkop?
Blogs na likha ng Netizen, doon ba tayo tututok?
O manatili sa luma, tradisyunal na at subok?
Halina
t ating alamin, bawal ang aantok-antok.

TRADITIONAL

Mayroon pa bang uubra, sa pahayag na tradisyon.
Masusing pagbabalita, ganap na imbestigasyon,
Mahigpit na pagsusuri, paglakap ng impormasyon,
Totohanang paglalahad, sinusumpaang propesyon.

Ikaw ba ay makikinig, sa taong ‘di mo kilala
At ang kanyang sinasabi, pagbasehan mo ng pasya?
Sa reporter na kilala, reputasyon ay subok na,
Sa walang kredibilidad, tayo na ay dumistansya.

BLOGOSPHERE
Will you say that is credible… ang news na pinagbibili?
And blogs that are cheap and free, at the same time walang puri?
You got it the wrong way, my friend, regarding credibility
For Old Media ay bumenta, balita ay pinipili.

Coz reporters are bayaran, many can be easily bought
“Say good things about our product, I’
ll give you more than your sahod,”
Unlike our concerned Netizens-> they worked, they wrote, they voiced, they stood,
Kahit walang bayad or “thanks”, they continue for the sake of Truth.

TRADITIONAL
Aba, wag kang magmalinis, ani moy walang napala,
Dahil din sa patalastas, ikaw rin ay kumikita,
Lahat ng sulok ng blogs mo, logo ng ibang kumpanya,
Laman ng latha mo, pili… Para sikat, magkakwarta.

‘Di tulad naming reporters, panganib ay sinusuong,
Kahit sa gitna ng g’
yera, buong tapang na nandoon,
Di mapipigil, ilan mang death threats at kidnap for ransom,
Samantalang mga bloggers, kampante sa kanilang “room”.

BLOGOSPHERE
Which is reliable, ang nagtatanong o dumadanas?
As reporters ask their questions, ang oras ay lumilipas,
Writing, editing, at proofreading bago nila ilabas,
While the offender and victim posted blog, video, or podcast.

Why in your frontpage, always na lang balitang kumakaway,
Kung hindi famous na pulitiko, litrato ng bangkay,
Your news are sensationalized, all the time na lang may away,
While we bloggers, we post ‘
bout almusal hanggang questions of LIFE.

TRADITIONAL
Bakit namin iimprenta tsismis ng kapitbahay nyo,
Kung meron namang tungkol sa Bwayang nahuli sa Damo?
Bakit ibo-broadcast ang bagong tirintas ng aso mo,
Hindi ba
t pasikip lamang, yong basura sa publiko?

Kaming mga alagad at tagapaglingkod ng masa
Latha’y serbisyong totoo, sa kapuso’t kapamilya,
Magsiwalat ng mali, o maggawad ng gantimpala,
Iangat ang kamalayan, ito’
y aming tanging nasa

BLOGOSPHERE
Duh! Sinong niloloko mo? Ratings lang ang iyong gusto.
Trail blazing news, you paused, then commercial ay ihahalo.
The wrongdoers, you blackmail first, if no pay, sumbong, xa talo,

Please spare me the bola, hindi poh ganyan ang serbisyo.

Hindi tulad namin, we write to express and not to impress,
May readers man o wala, we type away, we post regardless
Wala kaming target market. Figures and trends we don’
t asses,
This is my outlet, my life, my self, my soul. Cursed man me or blessed. ^_^

TRADITIONAL
Pagkamakasarili, sa iyong latha nakikita,
Basta makapagsulat, walang paki sa mambabasa,
Kalapastangan sa pagkatha, brutal na balarila
Si Webster man o Quezon, parehas kang itatatwa.

BLOGOSPHERE
Gosh, personalan na to, niyayari pati style ko,
Function over form, this is more correct, di lang nauuso,
Superficial writing, yan lang naman ang panlalaban mo
Pero ‘bout contents, my dear, kaming readers naman ang talo

TRADITIONAL
Matabil na bata, sarili’y tignan bago mangutya.,
Usapin na walang kwenta, sa sulatin mo ay sadya

BLOGOSPHERE
Buong katotohan ng Life, may kwenta man o wala,
Bigay ko, at hindi benta, sa masa aking gawa

TRADITIONAL
Kay Cesar ay kay Cesar, balitang tunay, dapat lang - bayad

BLOGOSPHERE
True service comes from the heart. News, talks, videos - libre lang dapat

TRADITIONAL
Sa balita, kami’y sapat!

BLOGOSPHERE
But in Life, you are kulelat!

LAKANDIWA (Paghahatol)
Sandali lang, awat muna! Ako naman ang bibida.
Kayong dalawa’y tumahimik, sa sulok magpalamig muna
Makinig kayo sa hatol, alamin ang aming pasya,
Traditional ba or Blogging? Ano ba ang mas mabisa?

Traditional na balita, produkto ng korporasyon,
Sa pagganap ng serbisyo, alagad ay isang lupon,
Nakakapagduda ang lathain dahil bayad ang propesyon,
Pero nakikita, sining ay nalinang at puno ng aksyon

Ang blogging naman libre, lahat ay isinasali,
Tsismis man ‘to o totoo, malimit na pinipili,
Ang ibang gawa may kalidad, ang iba nama’y irresponsible,
Kahit ano nilalagay, masama man o mabuti

Sa simulang panunuri, mukhang Masa ang natalo
Kapos ang kalidad ng Blog, at lugi ang peryodiko
Pero di magpapabaya, mam’mahayag na totoo
Ang Passion, Skills at Talent, sa masa iseserbisyo.

At sa ating pagtatapos, kayo na lang ang maghusga,
Sa laban nitong dalawa, sino ang dapat magbida?
Dahil sa aking paningin, patas at walang duda,
Parehas silang may hina, at lakas na ibubuga!

-------------

Nagiging makata si Kabayang Miko Legaspi pag umuulan ng kakornihan at ilang buwang hindi pakikipagdate. Ito ang kanyang opisyal na entry para sa BlogAwards Challenge #7. Taos-pusang pasasalamat kay Inhenyerong Nico Tolentino (project collaborator) para sa ibang linya ng latha sa itaas. ^_-

Sunday, September 14, 2008

Tumble Turn

“You need to learn to exhale, through your nose, for 5 seconds.”
-------------Random Instructions I Got From Life

I’ve been swimming since I was kid. And sa school na pinasukan ko nung college, 2 semester ang required na swimming class (basic and advance). Pero last Saturday, around 4pm, dun ko lang nakita ng personal ang tumble-turn.

One of the trainees here in my workplace executed it gracefully. Siguro, it was one of Fate’s Grand Design for them to join me sa weekly swimming routine ko. And again, Life conspired for me to witness and learn.

I learned (and I’m getting better at this) to swallow my pride, and ask for instructions, kahit na mas mataas ang position (job) ko sa nagtuturo sa akin.

…that expelling carbon dioxide thru your nose prevents the water from going in, like removal of garbage from your life prevents other unwanted trash to come.

…to tighten up (bow your head, clip your knees near your chest), and brace yourself for the tumble and turn.

…that your hands should wave opposite of your turn, dahil balancing can make you stable, and prevents your head from hitting the wall.

…and that chlorine hurts your eyes, but still you need it open. And , next time, to buy yourself a goggle if you can.

…and that you can’t perfect it the first time, and that water will get into your mouth, into your nose, into your ears. But the more you do it, the lesser it (pain, suffering) happens.

…and after a LOT of hours, two red eyes, clogged ears and bloated tummy, you pull yourself out of the pool grinning

You have that inner smile, not because there is a cutie in the pool, but because you learned… and that a hard-on didn’t count, coz what mattered is you’ve actually, genuinely grown.

Wednesday, September 10, 2008

Best Advice from Jank en Pon

Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila.


Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng Japan at Suu Ken (shoushiling) ng China. Naimbento ito bandang 19th century.


“Janken Pon

acchi muite hoi”

-------------Janken Original Chant


Hindi ko alam kung paano naging Jack en Poy ang Jaken Pon, at kung bakit ang talo ay unggoy, pero maraming bagay akong nalaman.


Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe.


Nalaman ko rin hindi all the time, you need just to cut, or just break, or just cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo.


“If the only tool you have is a hammer,

You tend to treat everything as a nail”

-------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes


Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo.


At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again.


Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli.


Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy. Sana maglaro tayong lahat. =)


-------------

Originally posted on my multiply site dated August 14, 2007

Thursday, September 4, 2008

Anu Na?

Sa mga nagtatanong kung buhay pa ko, yup, some aspect of my life still exist.

Work Life
Nakaka 2 months na ko in an office setting (again). Nagtatrabaho ako ngaun sa isang isolated community sa bundok, together with around 1000 people. 80% sa kanila, sumasaludo sa kin, bwahahah(evil laugh). Barya lang ang sahod, but it appeals to my god-complex. Hehehe.

Though my micro-business did not actually fail, hindi naman xa kumita according to my expectations. Na-achieve ko lang ang goal ko of learning what competencies I still lack. After a year or two, subok uli ako sa business. For now, I need a steady flow of cash.


Student Life
After work, diretso ako sa school. I’m taking required subjects para makapag masteral ng business administration. Taena, kakapagod. Parang dapat naka-dextrose ako lagi ng kape with extra-joss para daigin ko ang energizer rabbit.

Kung siga ako sa work, alipin naman ako ng isang all-powerful teacher. Subject: Accounting. Sabi nya, normal daw sa nag-aaral ng accounting ang nagsasalita mag-isa at laging kulang ang tulog. Terrifying dreams of turning into Smeagol / Gollum filled my nights after that comment. Pero I like that teacher nonetheless, hehehe, lalo na pag nag i-ego-trip sya. Hehehe.

Family Life
Well, my Sis informed me that Mam told Pap… that I.. uhm.. different. Hehehe. He still in abroad right now, at tuwing tatawag sya, hindi kami nag-uusap tulad ng dati. Mukang nahihirapan syang tanggapin na kaya hindi ako nakakabuntis dahil walang matris ang nakakaulayaw ko. Pap badly, pleadingly asked me to make a grandchild for him. Sorry to disappoint you Pap. Hingi na lang kayo dun sa isa kong kapatid na lalaki. I’m pretty sure he’s straight. Hhehehe.

Love Life
Bwahahaha! Sa mga pumusta ng 3, 4 or 5 months, talo na kayo!!! I’m on my 157th day of Zero Dating. Hehehe. Sa Sept 29, makaka half-year na ko. Hahahahehehehuhuhuhu. Taena, ang hirap. I terribly miss someone I can laugh with, cry with, fight with, make up with, to walk hand in hand with, be argue, to talk with. Hala, kumanta na. hehehe.

Effective ang Miko’s Manual ko regarding How to Avoid Dating, hehehe. Pwede ko kaya itong ipa-patent? :P

That’s it. Summary ng isang kwento sa buhay ni Miko for the past few weeks. Catch you all later. =)

Monday, August 18, 2008

Kissing Dating Goodbye

Part 1: The Rationale

Oo na, sige, aminado na ako, I’ve been a serial-dater. But most of what I had were just casual dates. Meet-ups lang. Friendly getting-to-know convertsation. It doesn’t always end up in bed, but some serious ones began on it. Hehehe.

Isang guy sa multiply ang nagbansag sa akin na I’m an elimidater. And for the umpteenth time, sorry uli. Hindi ko talaga sinasadya na pagsabay-sabayin i-meet ang pang 7:30, ang pang 8:00, ang pang 8:30, etc nang 10:00pm when I visited your city. Nagkataon lang talaga na naextend ang pinapagawa ng boss ko. And knowing na I had to flew back by morning, kailangan ko talagang magpokus on who I want to spend that entire night with. Hahaha. (ouch, I’m already saying sorry, no need to stomp on my tail everyone).

But times do change. At sa maniwala man kayo o hindi, may mga gabing nagpapapuyat sa akin ang Little Voice, telling me to seek personal growth, and that having a hard-on doesn’t count.

This same pesky voice had been annoying me since time immemorial. Na kesyo mas maganda daw at normal ang gumising ng 6:00am kesa magsimulang matulog. At mas productive nga naman na i-spend ang 90% computer use sa work kesa magsurf/chat sa dating sites. Na mas healthy ang ratio of 4:1 ng food vs beer kesa other way around.

At dahil kakatapos lang ng 2nd Longest Dating ko (staggering 13 months), which frustratingly ended badly, I think its about time I listen. And so, I come up with this project I will go into details on my following posts. Antagal ko na rin namang hindi gumagawa ng series.

I know this project won’t get me a Noble prize, lalo namang hindi ako magkakaron ng ginintuang hoola-hoop sa tuktuk ng ulo ko. Definitely somebody will throw irritating insults and dubious laughs. I don't care. I just think, somehow, that this quote really matters:

“Plant your own garden,
And decorate your own soul,
Instead of waiting [seeking] someone
To bring you flowers”
-------------Veronica Shoffstall, After A While

Hehehe, kaya for one year, I will do just that. Mag garden ng self. Sana after, I can find that guy who I can annoy for the rest of my life with.
Wish me luck! =)

-------------
Originally posted in Kwentong Miko in Multiply and being continued here.

Monday, August 4, 2008

What's In a Name, That Makes It a Rose?

My given name is Michaelle S. Legaspi. Yes, mukang Michelle ang spelling I’ve been jested on this countless times. Gusto daw kasi ng parents ko na Michael ang pangalan, pero malas daw ang 7 letters sa panganay na anak (according to my granny) kaya dinagdagan nila ng extra two letters. Upon further analysis, I found that etymology of Michael rooted from the name M’HaEl literally means “Who as God” Remember Michael Archangel? Most angels end with EL in their names like Gabriel, Uriel, Zepkiel, etc. Since meron extra “le” sa pangalan ko, hehehe, I have the balance between the angel and the devil.


Nung bata ako, “King” ang palayaw ko. Hindi ko pa natatanong kung bakit ganon ang tawag sa kin ng tito at tita ko. May tumatawag sa kin ng “Mike”, meron “Kel”, at “Mikee (mayki)

Sa academy, tinawag naman akong “Legs” dahil sa apelyido ko. Then may tumatawag sa kin na “Raguel” (meaning tagapaghiganti ng Panginoon) dahil sa isang mahabang kwento ko tungkol sa isang detective angel na si Raguel ang bida. Then Raistlin naman ang tawag sa kin ng mga kalaro ko ng roleplaying games.

I have this close friend na sa six years naming pagkakaibigan ay samu’t-saring pangalan na ang tinawag sa kin. Tinawag nya akong “chopstikz” dahil ang payat ko daw. Tapos pinalitan nya ng “caterpie” dahil takot ako sa bulate. Pagpinaparamdam nya sa kin ang pagiging kuya tuwing pagagalitan nya ko, tawag nya sa kin ay “mi-ke-li-to” na lagi pang may nauunang “hoy”. “Hoy mikelito, ayusin mo nga buhay mo!” Hehehe. Ang latest na tawag nya ngaun ay “badz”. Don’t ask.

With all the names I had, yung ngaun ang pinakagusto ko. Miko. Ito ang tinawag sa kin ng boss kong japon dahil meron ng “Mike” dito sa opisina. Miko rin ang character ko sa online game na KHAN. At ang religion ko eh “mikology” (more about that next time).

So remember it. Miko. Yan ang pangalan ng future boyfriend mo.

Toinks!

Monday, May 12, 2008

Mga Formulae Sa Buhay

Sabi ni lolo Albert Einstein,


"Equations are more important to me, because politics is for the present, but an equation is something for eternity."


So since hindi ko pa afford ang human cloning, at I’m too young for self-induced cryogenic process, I’ll start making formulae para maging immortal.  So far, ito pa lang ang nagawa ko.

Attractiveness = (Amount of Available Light) / Level of Intoxication - Number of Hotties
This formula became evident nung madalas pa akong gumigimik.  Pag nasa bar ka na may kadiliman, at mejo marami ka ng nainom, at kaunti lang ang cute sa paligid mo, then suddenly, the person besides you starting to look pretty.   Part na to ng strategy ng isang friend ko na hindi naman kagandahan, kaya kung dumating sya sa party eh lango at losyang na ang karamihan.  Sure thing, lagi xang nate-take home.  God have mercy sa taker when they wake up late morning.  (Pahabol, ang mga pa-late-late, panget!).



Soul mate = Proximity + Compatibility + Attractiveness2
Hindi ka ba  nagtataka kung bakit ang sinasabing soulmate ng kaibigan mo happen to live a few blocks away?  Sa dinami dami ng milyong tao, bakit hindi tibetan monk ang soulmate mo, o kaya kahit ang isang sikat na artista.  Naobserbahan ko na ang sinasabing soulmate ng mga kakilala ko eh yung mejo malapit lang sa kanila, (riding distance), kaperas nila sa ibang bagay, at type na type nila.  This formula would proved wrong pag nakameet na ako ng taong magsasabi sa akin ng "Miko, eto picture ng soulmate ko, yuck noh?"



Secret = (Information x Number of Those who know) x Number of Those who Don't Know

Sabi nila, ang secret daw ay thing you tell to one person at a time.  So halimbawa, sikreto nyo ng bestfriend mo na may relasyon kayo.  Then, sasabihin mo tong "secret" na to sa isang trusted na kaibigan mo, na sikreto nyo to at tatlo lang kayong nakakaalam.  Then sasabihin mo pa to sa isa mo pang pinagkakatiwalaang kaibigan, at the same time yung bestfriend mo sa pinagkakatiwalaan nyang kaibigan, and at the same time yung pinagkakatiwalaang kaibigan ng trusted friend mo.  Ganyan ang secret, na ang kaibahan lang sa "announement" ay kung ilang bagsakan.



Tsismis = Reality / Degree ng Word Transfer.

Kung witness ka, masasabi mo na totoo ang isang pangyayari.  Pag naikwento mo sa iba ang nakita mo o naexperience mo, masasabi nating ito ay balita (1st Degree).  Ang formula sa itaas ay nagpapayahag na ang reality or truth is inversely proportional sa degree ng word transfer.  Si Nena ay na naempacho, at nalaman ng nanay na ikinuwento sa katulolng na masakit ang tiyan, na ikinuwento ng katulong sa kapitbahay na masakit ang tyan at nasusuka.  After one week, alam na nang lahat na buntis si Nena, at malamang si Nonoy na nagdedeliver ng dyaryo ang ama.  Kaya for me, its either Experience ko, or News from people who witness or experience it themselves, at kasunod ay Tsismis na.



Hindi ko pa sana ipo-post to, dahil nagde-devise pa ko ng ibang formula, kaya lang wala na akong mapost na blog for the week, kaya eto na.

Share kau ng formulae nyo!

Thursday, May 1, 2008

Pano Magshopping sa Quiapo

A couple of weeks ago, nawalan ako ng wallet sa Quiapo na pambili ko sana ng supplies for my microbusiness.  My sympathetic friends comforted me saying:

"Aaawww. 
Ang tanga moh. 
Ang tagal mong tumira dito sa manila,

hindi ka nawawalan ng pera sa Quiapo,
naglagi ka lang sa probinxa,
naging tanga ka na."
-------------Sheena, Comforting Words of Wisdom

Now, to ensure na hindi na mauulit ito, at para na rin sa ating mga readers na matagal ng gustong masubukan mamili ng DVD / Installers / Photosupplies / Porns sa Quiapo, follow my manual.

Quiapo Shopping Guide
by:  Miko Legaspi
Street Scholar and Old Time Victim


Tip #1  Magmukang Busabos
This tip works well tulad sa "How to Avoid Dating Manual" ko (click here).  Dapat magmuka kang mas mahirap sa tindero ng fishbol.  Take not, ang tindero don ay naka N series na cellphone na nabili sa SM (Sa Magnanakaw).  Kung meron kang old model na cp (yung parang plantsa sa bigat at hitsura), pwede mo itong bitbitin at idisplay as props.  Ito ay magsisilbing senyales na you're cheap, outdated, and carrying deadly weapon to those who dare.


Tip #2  Wag isunod or isabay ang date sa Quaipo
Kung magpapacute ka after Quiapo, ang tendency eh maporma ka during or right after.  Mag-ingat kang mabuti dahil magiging mainit din ang mga mata sa iyo ng mga snatchers at laslas baggers.  Dito ako nagkamali kasi I met with someone right before I went to Quiapo.  Kaya for the first time, pumunta ako ng Quiapo na naka jeans, coincedentally, for the first time din, some asshole took my wallet.  Thanks for my stupidity.


Tip #3  Ipaghiwalay-hiwalay ang mga pera.
Commonsense na ang "Don't put all your eggs in one basket".  Kaya nung nawalan ako, meron pa akong natirang 1 sampung piso, 1 limang piso, at 3 piso na barya para pamasahe papunta sa kaibigan ko sa Malate para umutang ng pamasahe pauwi ng probinsya.   Para mas mababa ang risk sa iyo, i diversify mo (naks, parang portfolio) ang paglalagyan mo ng pera.  Pwedeng 200pesos sa kanang bulsa, 200 pesos sa kabila, another sa loob ng bag, another sa loob ng brief.  Kung kaya mong i-roll ang bills at ipasok sa ilong mo, by all means do it.  Make sure to bring a tweezer to pull it out.  Privately para tanggapin pa ng tindera ang pera mo.


Tip #4 Wag tatanggap ng kahit anong Libre
Ang simbahan ay pugad ng mapagkawang gawa at religious na business man.  Kung ano-anong rosaryo, pins, anting-anting ang ibibigay sa iyo.  Libre ito.  Pero sa oras na tumanggap ka, required kang magdonate ng mga at least 200 pesos.  Stay a good 10 feet from these people.  Kahit glance lang from your perepheral vision, pagnakita ka nila, that constitute a deal.  It also applies sa mga tindero ng cedula na hindi mo naman magagamit when you apply for NBI Clearance sa Carriedo.


Tip #5 One Minute Food Rule Doesn't Work
Pag nalaglag ang kinakain mo sa kahit saang parte ng Quiapo (or any LRT station for that matter), ang "Wala pang isang minuto" ay hindi epektibo.  Three feet pa lang above the ground, may deadly germs na.  Don't mind the guys that would pick it up and eat it later.  Ipaubaya mo na sa kanila yon.  Sadyang naging mabait ang evolution sa kanila at binigyan sila ng mas germ-resistant na sikmura.  Sorry na lang tayong mga poorly evolved species.


Tip #6 Maligo Right After
Pagkauwi mo sa bahay (or tinutuluyan mo), subukan mong mangulangot.  Kulay itim 'di ba?  Yan ang tinatawag na alikasok (alikabok at usok na pinagsama).  Kaya maligo ka muna bago mo isalang ang bagong porn na nabili mo.  Try to add 3 drops of muriatic acid, 2 teaspoon ng panglinis ng silver at kalahating tasa ng liquid sosa kada isang balde ng kumukulong tubig for the best bath ever.


So thats it!  Follow those advise for a hassle free shopping.  Good luck and we'll pray for you.   

Kayo, may iba pa ba kayong tip when shopping sa Quiapo?

Wednesday, April 30, 2008

How to Avoid Dating

By:  Miko Legaspi
Reformed Convicted Serial Dater

Kung nais mo ang mag-ipon ng mga dahilan kung bakit dapat ka munang magdelay ng dating, I recommend book ni pareng Joshua Harris titled “I Kissed Dating Goodbye”.  Medyo Christian-based nga lang ang approach nito pero workable naman.

This piece isn’t about “why” not date, its about HOW.  Kung hindi ka komportableng humiram ng powers mula sa itaas para makaiwas sa mga tukso, read on for a fool-proof procedures para ang mga tukso na ang umiwas sau.  These are simple undating plans that you could follow, ignore them at your own peril.

Plan #1:
Mag-mukang Busabos.

In this very superficial ADHD world, ang mag mukang taong grasa is the best way for those pesky suitors to avoid you.  Hindi sapat ang mukhang-bagong-gising na buhok, its already a hairstyle.  Kailangan mo rin ng hindi paliligo at pagto-tooth brush.  Pag may nag do-donate na sau ng sabon, it means your on the right track.

Ang problema mo dito is when you decide to reenter the dating scene.  Kung nagkaron ka ng seryosong kaso ng halitosis qualifying you for Guiness Book record, mahirap ng bawiin yon. 

Plan #2:
Maging Ermitanyo

Wag mag-unli.  Wag magchat.  Wag magcheck ng social/dating sites.  Iparating sa mga umaaligid na dater na ang pinakamabilis na paraan para makontak ka ay sa local na umalohokan (town-crier) o kaya ay homing-pigeon.  Physically moving to another location is a nice start, like somewhere in Tibet.

Ito ay mabisang paraan at hindi kasing irreversible tulad ng Plan #1.  This plan is what I currently follows.  Madalang mag load, once a week lang magcheck ng g4m, downelink at special account sa friendster.

Plan #3:
Optimize Time-Management

Eto ang pinaka productive na plan.  Instead of battling your dates upfront, you chase other goals that leave you energy drained to entertain anyone.  Having a workaholic / perfectionist boss would help.  Kailangan mapuno ang organizer mo down to a fraction of a second.  Pwede ka lang kausapin ng mga persistent dater habang umihi ka (taking a $hit needs concentration kaya hindi pwede).  Dinner is a big no-no dahil you need to combine it with other focus-intensive activities like your juggling practice or turning water into wine. 

Following this plan, I increased my net worth 15 percent in one month (negative something na lang ito ngaun, konting buwan pa magiging positive na, hehehe).

Plan #4:
Have a Lousy Personality

Pag nakorner ka ng isang dater,  being a bore or mean would do the trick.  One example is to talk only about yourself.  Like this: 

Miko:  About me, about me, about me, about me.
Dater:  Err…
Miko:  Ok, now its your turn =)
Dater:  (Whew!) Uhm…
Miko:  Tell me what do you think about me?  =)

Ingat lang din sa reputation points, coz like plan #1, baka mahirapan ka sa comeback mo. 

Plan #5
Be a MasterBater

Recent studies show masturbating 5 times a week reduce the risk of prostate cancer, relieves depression and lead to a higher sense of self-worth.  Imagine mo kung gagawin mo itong 5 times a day.  Malamang sa loob lang ng isang lingo, hindi ka na tatablan ng bala o kaya matututo ka na ring lumipad!  Pero ang main goal natin jan e maubos ang bala mo.  Para sa mga makikipag date sau na ang habol lang ay shag, maipaparamdam mo sa kanila na wala ka ng “ibubuga”.

So far, yan pa lang ang naiisip kong plans to avoid dating.  Share kayo ng plan nyo how to stay (temporarily) single.  =)  Lalo na ung mga single jan without effort from their part, their advice is very welcome.  =)

Saturday, March 29, 2008

Project: Zero Dating for One Year

Part 1:  The Rationale

Oo na, sige, aminado na ako, I’ve been a serial-dater.  But most of what I had were just casual dates.  Meet-ups lang.  Friendly getting-to-know convertsation.  It doesn’t always end up in bed, but some serious ones began on it.  Hehehe.

Isang guy dito sa multiply ang nagbansag sa akin na I’m an elimidater.  And for the umpteenth time, sorry uli.  Hindi ko talaga sinasadya na pagsabay-sabayin i-meet ang pang 7:30, ang pang 8:00, ang pang 8:30, etc nang 10:00pm when I visited your city.  Nagkataon lang talaga na naextend ang pinapagawa ng boss ko.  And knowing na I had to flew back by morning, kailangan ko talagang magpokus on who I want to spend that entire night with.  Hahaha.  (ouch, I’m already saying sorry, no need to stomp on my tail everyone).
 
But times do change.  At sa maniwala man kayo o hindi, may mga gabing nagpapapuyat sa akin ang Little Voice, telling me to seek personal growth, and that having a hard-on doesn’t count.

This same pesky voice had been annoying me since time immemorial.  Na kesyo mas maganda daw at normal ang gumising ng 6:00am kesa magsimulang matulog.  At mas productive nga naman na i-spend ang 90% computer use sa work kesa magsurf/chat sa dating sites.  Na mas healthy ang ratio of 4:1 ng food vs beer kesa other way around.

 At dahil kakatapos lang ng 2nd Longest Dating ko, which frustratingly ended badly, I think its about time I listen.  And so, I come up with this project I will go into details on my following posts.  Antagal ko na rin namang hindi gumagawa ng series.

 I know this project won’t get me a Noble prize, lalo namang hindi ako magkakaron ng ginintuang hoola-hoop sa tuktuk ng ulo ko.  I just think, somehow, that this quote really matters:

 “Plant your own garden,
And decorate your own soul,
Instead of waiting [seeking] someone
To bring you flowers”
-------------Veronica Shoffstall, After A While

Hehehe, kaya for one year, I will do just that.  Mag garden ng self.  Sana after, I can find that guy who I can annoy for the rest of my life with.

Wish me luck!  =)

Wednesday, March 5, 2008

Honesty

Pasenxa na mga readers, gripping (nagma-maasim) lang ako.  Today, I ended a one year long dating.  Hindi ko na-describe maiigi un sa last blog ko, but it was a very meaningful and fulfilling experience.  It was indeed a roller coaster ride… with tears, blood and laughter along the way.  I really thought we could make it.

If you search for tenderness
It isn't hard to find
You can have the love you need to live
But if you look for truthfulness
You might just as well be blind
It always seems to be so hard to give

Sabi ng bestfriend ko, masyado daw akong idealistic.  I shouldn’t expect anyone will be honest with you all the time.  Pero alam niyang kaya un.  Dahil he is an honest guy.  And he knows me to be true, with a dozen of our friends who will not resort in lying unless buhay na ang nakataya.  For us, its not an idealism, its normal.  But I’ve seen a lot of liars, I hang out with them, some even became good friends.  It don’t matter to me much that they lie.

But to you, whom I gave a part of my heart, its only the thing that I asked.

Honesty is such a lonely word
Everyone is so untrue
Honesty is hardly ever heard
And mostly what I need from you

My ex-date is a great guy.  Nakasundo nya ang barkada ko, ang family ko.  But most of all, he was patient, he was kind, and caring.  He looks good too.  And funny.  Meron din xang mga flaws like everybody has.  But those I can tolerate.

Some people say terrible things about him.  They claim that they witnessed… experienced… proved that he don’t deserved to be cared for, to be loved.  Hindi ako nakinig.  I gave him absolute trust, something I rarely give to anyone.  I accepted and tolerated all technicalities, all worming around, all borderline-lies.  But when I experienced being lied to, for the second time, a lie without loophole… plain, hard, sharp lie, the part of my heart I gave bleed, numbed, died.

I can always find someone
To say they sympathize
If I wear my heart out on my sleeve
But I don't want some pretty face
To tell me pretty lies
All I want is someone to believe

I considered the year we spent together.  Ang mga moments na tahimik lang kaming magkayakap sa batuhan sa tabi ng dagat ng Manila Bay, ang lamayan sa paglalaro ng DotA, long dinners where we talk endlessly about anything, hawak-kamay at maghalikan kahit saan, ang sandalan sa bus at kahit anong sasakyan.  Those times na panatag ang puso, at nararamdaman mong kontento ka. 

I considered the storms we faced, survived, overcame.  Ang mga petty quarrels, or week long fights.  Ang mga walking out, and those silent cries till dawn.

I considered the what-ifs.  What if I can’t find another one, and can’t start a new beginning?  What if I am really just being too idealistic?  What if he do deserved a third chance?

I can find a lover
I can find a friend
I can have security
Until the bitter end
Anyone can comfort me
With promises again
I know, I know

Kinapa ko ang parte ng puso ko na binigay ko sa kanya, na isinoli nya na ngaun.  And like trust and crystal ball, it was once cracked, now its shattered, irreparably broken.  And when I do fix a broken heart, the broken pieces just wound me even more.

When I'm deep inside of me
Don't be too concerned
I won't ask for nothin' while I'm gone
But when I want sincerity
Tell me where else can I turn
Because you're the one I depend upon

Shaw, I have no regrets.  At kung babalik ako sa past, sa part when I first decided to date you, I still would.  And maniwala ka man o hindi that I care, Shaw, I still do. 

I just couldn’t give my heart to you anymore.