Monday, August 4, 2008

What's In a Name, That Makes It a Rose?

My given name is Michaelle S. Legaspi. Yes, mukang Michelle ang spelling I’ve been jested on this countless times. Gusto daw kasi ng parents ko na Michael ang pangalan, pero malas daw ang 7 letters sa panganay na anak (according to my granny) kaya dinagdagan nila ng extra two letters. Upon further analysis, I found that etymology of Michael rooted from the name M’HaEl literally means “Who as God” Remember Michael Archangel? Most angels end with EL in their names like Gabriel, Uriel, Zepkiel, etc. Since meron extra “le” sa pangalan ko, hehehe, I have the balance between the angel and the devil.


Nung bata ako, “King” ang palayaw ko. Hindi ko pa natatanong kung bakit ganon ang tawag sa kin ng tito at tita ko. May tumatawag sa kin ng “Mike”, meron “Kel”, at “Mikee (mayki)

Sa academy, tinawag naman akong “Legs” dahil sa apelyido ko. Then may tumatawag sa kin na “Raguel” (meaning tagapaghiganti ng Panginoon) dahil sa isang mahabang kwento ko tungkol sa isang detective angel na si Raguel ang bida. Then Raistlin naman ang tawag sa kin ng mga kalaro ko ng roleplaying games.

I have this close friend na sa six years naming pagkakaibigan ay samu’t-saring pangalan na ang tinawag sa kin. Tinawag nya akong “chopstikz” dahil ang payat ko daw. Tapos pinalitan nya ng “caterpie” dahil takot ako sa bulate. Pagpinaparamdam nya sa kin ang pagiging kuya tuwing pagagalitan nya ko, tawag nya sa kin ay “mi-ke-li-to” na lagi pang may nauunang “hoy”. “Hoy mikelito, ayusin mo nga buhay mo!” Hehehe. Ang latest na tawag nya ngaun ay “badz”. Don’t ask.

With all the names I had, yung ngaun ang pinakagusto ko. Miko. Ito ang tinawag sa kin ng boss kong japon dahil meron ng “Mike” dito sa opisina. Miko rin ang character ko sa online game na KHAN. At ang religion ko eh “mikology” (more about that next time).

So remember it. Miko. Yan ang pangalan ng future boyfriend mo.

Toinks!

3 comments:

Kris Canimo said...

can you say that again? MIKO ang name ng future boyfriend ko? Naku. Ganda naman ng name. Hahaha LOL. mas gusto ko ung mikee, personally. parang napakabait. :)

Are you new to blogging? O etong blog na ito lang ang bago mo. ;) Bago pa rin ako sa blogosphere. Kaya, see you around. X links tayo ah. Thanks na rin sa comments.

The Mikologist said...

nyahaha, mikee ung tawag sa kin nung mabait pa ko. pero i prefer Miko talaga, kasi i'm b-a-d. =P

more than a year pa lang akong nagba-blog. check my previous one here.

un lang, di ko alam ang X link. hehehe.

Kris Canimo said...

XLINK= exchange links :) gets? add kita sa blogroll mo, add mo ko. ayun.

add na kita sa links ko. ;), MIKO.