Monday, August 28, 2006
Paalam, Pluto
Nung isang lingo pa pala, pero kagabi ko lang nalaman, na-demote pala ang Pluto sa pagiging planeta.
Ayon daw sa bagong regulasyon, may tatlong requirements for one body to qualify as a planet:
1. kailangan na umiikot ito sa araw
2. kailangan sapat ang kanyang gravity para hatakin ang sarili at magmukang bilog.
3. at kailangan, solo nya ang orbit nya.
Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld), na-reclassify itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.
Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30 minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.
Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni Mickey Mouse ayon sa Disney.
Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang Pluto around 1930).
Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang darating at papangalanang dwarf planet.
Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3 ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta... kaming lahat, mamimiss ka namin!
Saturday, August 26, 2006
Warning
Let me at least warn you.
What follows is my own radical views regarding religion. Marami kasing nagtatanong, bakit meron akong sariling religion. At katulad ng nasabi ko sa first post ko, I would explain it here.
Maybe I explained it rather extensively. And some would claim it harsh, ignorant, arrogant, and even brutal.
I would be called an infidel, heretic, or blasphemer. Pero kung maiilinya ako sa hilera nila Galileo, Darwin, Leonardo and the rest, it would be an honor.
Warning lang po. =) If somebody can't take the heat, get out. =)
Ang Parusa
Katulad ng nakakarami, lumaki ako sa paligid ng mga taong nakakaalam, nakakasigurado. Sigurado daw sila kung paano nagsimula ang lahat. Itinuro sa kanila na isang araw nang Lunes, nagkaroon ng liwanag, at sa loob ng anim na araw, nalikha ang sangsinukob.
Hindi lang simula ang alam nila, alam din nila ang wakas. Katulad ng kasiguraduhan nila sa nakaraan, sigurado rin sila sa mangyayari sa hinaharap. Kung saan ang lahat ng nautas at nabubuhay ay haharap sa isang hukom. Ang iba ay makakapasa, ang karamihan, bokya.
Ang mga sumemplang ay may one way trip. Ibababad sila sa kumukulong langis, tutuhugin ng malaking tinidor, at iba-barbeque sa apoy. And this would go on for eternity.
Pardon, but for me, that’s bull$hit. Sa aking pagkakaunawa, ang pagpaparusa ay may dalawa lang na purpose. Deterrence at Reformation, pigilan ang isang tao na gumawa ng kasalanan o kaya baguhin ang taong nakagawa ng kasalanan.
Pero ang konsepto ng eternal punishment serves no other purpose than simply to punish, for eternity, period. Ewan ko sa iba, pero para sa akin, that’s barbarism. To think that a just, merciful, and loving Being created this set-up… I’m not buying it.
Kung papipiliin ako, Konsepto ng Heaven at Eternal Punishment o Konsepto ng Reincarnation, I would always choose the latter. Dahil sa eastern philosophy na to, mamatay tayo, tapos mabubuhay muli. Kailangang nating magsumikap to attain the enlightenment, saka mamatay uli.
Kung na-bingo mo ang ginawa ni Sidharta (Buddha), premyo mo ang Nirvana, kung hindi naman, meron kang “better luck next time”. Pero yung pinakasikat na relihiyon dito, maraming hihingin sa iyo, kapalit ng one time chance lang.
Narinig ko na binigyan naman tayo ng choice. Free Will daw. Malaya kang sumunod o sumuway. Ang tingin ko don ay tulad ng isang holdaper na tinututukan ka ng baril. "Ibigay mo ang pera/cellphone mo". May choice kang sumunod o sumuway. Pero pag di ka sumunod, bam!
"I am an omnibenevolent Father, follow my counsel. I love you, my child. But if you do not follow me, burn baby burn." =)
Ang Kaligtasan
Part II – Ang Kaligtasan
Nang magkaroon ako ng sariling pang-unawa sa ibig sabihin ng eternal punishment, badtrip to the max! Dahil it follows pala na sa Great Exam, bukod sa kailangan mong magsunog ng kilay, kailangan mo pa rin pala ng backer.
Ang ipinamana pala sa akin na relihiyon ay may isang “anak ng Diyos” na sinolo ang kaligtasan, na kung sino man daw ang hindi dadaan sa kanya, hindi makakarating sa “Ama”. Pag nagduda ka at hindi naniwala, tepok ka.
“To live a moral and honest life – to keep your contracts, to take care of wife and child – to make a happy home – to be a good citizen, a patriot, a just and thoughtful man, [without faith] was simply a respectable way of going to hell”
-------------Robert G. Ingersoll, Why I Am an Agnostic
Mabuti pa ang aso, kakahol, kakain, iihi sa mga poste, at matapos ang oras nya, mamatay. Yun na yon. Pero ang tao, kailangang matuto ng maraming bagay, magtrabaho, mamuhay ng mapayapa, at matapos ang oras nya, mamatay…
At matapos mamatay, meron pang Deal or No Deal, kung saan bubuksan na ang huling briefcase. 2 million o piso?
Ang agnostic, hindi na matatakot kung saan sya babagsak, dahil nag-deal na sya sa banker. Minabuti nyang harapin ang kasalukuyan, ang kasiguraduhan. Totoong nawalan sya ng tsansa sa langit, pero sigurado sya na hindi sya mapupunta sa impierno.
Theism, Atheism, Agnosticism and Fanaticism
Part III – Theism, Atheism, Agnosticism and Fanaticism
?>
Ang agnosticism ay isang konsepto, hindi relihiyon. Ang agnostic ay isang tao na naniniwala na ang existence of God can neither be proved nor disproved, on the basis of current evidence. Ang theist ng ano mang religion ay magsasabing, “Totoo, merong Diyos”, ang atheist naman ay magbibitaw ng “Kalokohan, walang diyos.”
Ang isasagot naman ng Agnostic kung meron bang diyos o wala, “Hindi namin alam, at wala kaming paki.”
It doesn’t matter kung ano ang relihiyon mo, o kung gaano ka kareligious. But there is a clear line between being a theist and being fanatic. Dahil kung tatanungin ako, ano mang Crusades o Jihad ay walang katuturan at kapararakan.
"Imagine there's no country, it isn't hard to do
Nothing to kill or die for and no religion too
Imagine all the people living life in peace..."
-------------
John Lennon, Imagine
Hindi na ako kailangang kumbisihin na totoo ang diyos nila, o mas malakas ang diyos nila sa ibang diyos. Dahil sa tingin ko para lang silang mga bata na nagtatalo kung sino ang mas magaling na superhero, si Superman o si Son Gokou. At kahit sinong adult na makikipag-away dahil sa relihiyon nya, would still look like, at least to me, an immature child playing childish games using wicked weapons. Ipilit nya mang totoo at magaling ang kanyang tagapagligtas, I would be dumb to believe that his superhero really existed, unless he has sufficient empirical evidence.
Mikology
Part IV – Mikology
?>
My religion is deeply personal. This is the path I travel toward, what I believe to be, spiritual growth.
Logos means study, Miko is my chosen name. Mikology is (1) studies of Miko, and (2) study of Miko about himself. Marami akong nakita at nakilala na taglay ang kanilang pinamang relihiyon. Kung ang magulang nila ay muslim, sila ay Muslim. Kung lumaki sila sa paligid ng mga taong naniniwala kay Yahweh, iyon na ang naging relihiyon nila.
But it is also written, to seek the ?>
Totoo rin na mahirap maghanap ng enlightenment, mag-aral ng ibang philosophy, tumanggap ng basic truths. Mahirap magbago ng lumang paniniwala, at lalo ang magbago ng nakagawian. Kaya siguro nasabi na:
“Laziness is the root of all evil”
-------------
M. Scott Peck, The Road Less Traveled
Meron bang Diyos?
Hindi ko alam.
Imortal ba ang Tao?
Hindi ko alam.
Ito lang ang alam ko, hindi ako dapat humusga ng ibang tao kung sa langit o impierno sila mapupunta ayon sa aking pamantayan. Alam ko na ang pagpatay ay labag sa batas. Alam ko na ang ritwal ng pagsawsaw ng daliri sa “banal na tubig” kung saan maaring maraming mikrobyo na magdudulot ng sakit ay hindi makakapagpasigurado sa akin ng kaligtasan.
Alam ko na hindi dapat maging dahilan ang kaibahan ng paniniwala pagdating sa pagtulong sa kapwa o pagbigay at pagtanggap ng pag-ibig.
Marami akong hindi alam. At siguradong hindi ko malalaman ang lahat-lahat. Pero ang relihiyon ko na Mikology ay laging nagpapaalala sa akin na patuloy na mag-aral at sumuri, at panatilihing bukas ang isipan.
Tuesday, August 15, 2006
Facial Badly Needed
i have a date tonight. but my face terribly needs an overhaul.
ang diamond peel ay nagkakahalaga ng 3,000 pesos sa isang session. kung aabot to ng 10 sessions (which is the case as of this moment), ang total financial damage ay 30k. yikes! thats too much.
"kung mahirap ka at pangit ka, wala ka raw kasalanan. pero kung may pera ka at pangit ka pa rin, kasalanan mo na yon."
-------------Ms. Pia, a friend
meron syang punto, but it doesn't mean she's entirely correct. sa paglilibot ko sa gabi, marami akong nakita at nakilala na punong-puno ng super-facial-ity. na sa unang tingin, they're attractive, hot. pero pagnakasama mo na, hollow. parang puro icing lang, wlang laman.
meron din naman akong nakasama na talented, artistic, deep thinkers. but, maybe due to arrogance, naglagi sila sa mundo nila. pinabayaan ang sarili. at kung titignan mo, ang hitsura nila ay isang malaking babala na wag mong subukang mapalapit.
"...talk with crowds and [/but] keep your virtue,
...walk with kings--nor [/but do not] lose the common touch"
-------------Rudyard Kipling, If
maraming nag-iisip na masama na gamitin ang kapangyarihan ng imahe. but this kind of power (image) like any other (mind, money, etc.) is not right or wrong, the intention of the person usually is. kung may produkto ka na pinaniniwalaan mong para sa ikakabuti ng maraming tao, babalutan mo ba ito ng tae? certainly not. you would carefully and artistically package it, then you advertise.
but let the wrapper only be a projection of the gift, because when one solely focus on the wrapper itself, one commits the sin of vanity. maganda ngang tignan, pero wla nmang halaga ang laman.
Nakakamatay bang Mag Gym ng Puyat?
nagising ako sa alarm ng cellphone ko. 6am. kaya ang unang tanong na pumasok sa utak ko ngaung araw na ito, "To snooze or not to snooze?"
anong oras nga ba ako nakatulog kagabi... natapos ko ung dragonball sa animax, that is 0030H to 0100H. nagbungkal ng makakain sa kusina. nyay, mga 2am na me natulog.
4 hours sleep. hindi pa ako nakapaggym kahapon. waaahhh. kuha ng damit, face towel. pera. takbo. gym. then pump some iron. my body doesn't look good yet. but its getting there albeit slowly.
look good? who said your doing it to look good? its for fitness, a healthy lifestyle.
don't kid yourself. ur just vain. you like being liked, being admired. hekhekhek.
pump pump pump. masyado na yata akong puyat. i'm hearing strange voices. pump pump pump. opps, 7am na, gotta run back home, papasok pa sa office.
---
waahhh!! 1815H pa lang? dragging na ko. gusto ko nang matulog. hhohhuumm. antok na ko to the max. mahirap magkaron ng masipag na boss, kailangan mong sabayang mag overtime. whew!
nga pla, magpapa-facial pa ko.
hekhekhek, sabi ko na nga ba, vanity is my favorite sin.
huh? i really need to sleep. may date pa ko bukas.
Tuesday, August 8, 2006
In My Dreams
Rating: | ★★★★ |
Category: | Music |
Genre: | Blues |
Artist: | Reo Speedwagon |
When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day
But now when the morning light shines in
It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay
I used to thank the lord when Id wake
For life and love and the golden sky above me
But now I pray the stars will go on shinin, you see in my dreams you love me
Daybreak is a joyful time
Just listen to the songbird harmonies, oh the harmonies
But I wish the dawn would never come
I wish there was silence in the trees, oh the trees
If only I could stay asleep, at least I could pretend youre thinkin of me
cause nighttime is the one time I am happy, you see in my dreams
Chorus:
We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I dont know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams
I keep hopin one day Ill awaken, and somehow you'll be lying by my side
And as I wonder if the dawn is really breakin
You touches me and suddenly Im alive
-----
i was waiting for a jeep when this song was played in a restaurant near me. then, boom! i can relate. for a couple of days now i'm dreaming to be with that person. sigh.
Friday, August 4, 2006
The Name
My given name is Michaelle S. Legaspi. Yes, mukang Michelle ang spelling I’ve been jested on this countless times. Gusto daw kasi ng parents ko na Michael ang pangalan, pero malas daw ang 7 letters sa panganay na anak (according to my granny) kaya dinagdagan nila ng extra two letters. Upon further analysis, I found that etymology of Michael rooted from the name M’HaEl literally means “Who as God”. Remember Michael Archangel? Most angels end with EL in their names like Gabriel, Uriel, Zepkiel, etc. Since meron extra “le” sa pangalan ko, hehehe, I have the balance between the angel and the devil.
Nung bata ako, “King” ang palayaw ko. Hindi ko pa natatanong kung bakit ganon ang tawag sa kin ng tito at tita ko. May tumatawag sa kin ng “Mike”, meron “Kel”, at “Mikee (mayki)”
Sa academy, tinawag naman akong “Legs” dahil sa apelyido ko. Then may tumatawag sa kin na “Raguel” (meaning tagapaghiganti ng Panginoon) dahil sa isang mahabang kwento ko tungkol sa isang detective angel na si Raguel ang bida. Then Raistlin naman ang tawag sa kin ng mga kalaro ko ng roleplaying games.
I have this close friend na sa six years naming pagkakaibigan ay samu’t-saring pangalan na ang tinawag sa kin. Tinawag nya akong “chopstikz” dahil ang payat ko daw. Tapos pinalitan nya ng “caterpie” dahil takot ako sa bulate. Pagpinaparamdam nya sa kin ang pagiging kuya tuwing pagagalitan nya ko, tawag nya sa kin ay “mi-ke-li-to” na lagi pang may nauunang “hoy”. “Hoy mikelito, ayusin mo nga buhay mo!” Hehehe. Ang latest na tawag nya ngaun ay “badz”. Don’t ask.
With all the names I had, yung ngaun ang pinakagusto ko. Miko. Ito ang tinawag sa kin ng boss kong japon dahil meron ng “Mike” dito sa opisina. Miko rin ang character ko sa online game na KHAN. At ang religion ko eh “mikology” (more about that next time).
So remember it. Miko. Yan ang pangalan ng future boyfriend mo.
Toinks!