Tuesday, November 17, 2009
Ang Kapalaran ni Miko Ayon sa Manghuhula
“Dahil Water ka at Earth ang taon ngaun,
Hindi magiging maganda ang love life mo.
Laging makikialam ang career.”
At tumpak ang hula nya. Dahil February 2009, pinadala ako sa Japan ng company ko ngaun. At sunod-sunod na business trip for the whole six months. Ayus ang career, it’s really taking off. But lovelife? Zero. November na ngaun, at malabo naman ang mga prospect.
During lunch today - Nov 18 2009 - I asked again the Fortune Teller.
“Dahil water ka at metal next year,
Makakakita ka ng success sa hahanapin mo.
At tandaan mo tong sasabihin ko,
Apat na taon kang mamamayagpag
Basta’t maging honest ka lang at wag maging negative.”
Wahahaha!!! May ganun! Xet! Sobra naman akong natuwa. Honesty and Positivity? Well, yakang-yaka yun.
In preparation for my upcoming lovelife next year, hinihingi ko sa Universe ang Guy na kukulitin ko for four years (and hopefully for life) hehehe. Eto ang hinahanap ko:
AYOKO ng maarte at reklamador.
GUSTO ko ng maisasama ko sa bundok, mapapahiga ko sa banig at mapapakain ng tuyo o sardinas.
AYOKO ng tamad at walang trabaho. wala akong pakialam sa sasahudin nya,
GUSTO ko lang, pag nakita kami ng ibang tao, walang mag-iisip na may money involved.
AYOKO ng astig or mas maangas sa akin.
GUSTO ko ung hindi masyadong halata, pero he knows he is the "lady" in the relationship.
AYOKO ng malaki ang katawan.
GUSTO ko yung mejo payat. yung tipo na pag-nagkasauntukan kami, hindi ako dehado. (i'm not violent, contingency plans lang, hehehe).
and finally,
AYOKO ng sobrang gwapo. hindi ako kampante.
GUSTO ko yung pwede kong maiwan sa gimikan ng walang masyadong makikipag-flirt sa kanya.
Yan na Universe. Mukang pang X’mas Gift ang hinihingi ko, pero kahit late, mahihintay ko. Hehehe
-------------
Items "I'm Looking for a Guy" is a reposted entry in my Downelink account. Photocredits to cemac from deviantart.com
Wednesday, October 28, 2009
On Love and Relationship
After a While
by Veronica Shoffstall
After a while you learn
The subtle difference between
Holding a hand and chaining a soul
Dito ako madalas na nadadale, hahaha. Marami kasing nagpapanggap na nagmamahal, but they mistaking to Love and to Own. Maraming humihintong magmahal, dahil hindi sila minamahal.
I remember one time, i said, "I love you."
the other person said, "I'm sorry, I can't"
at sabi ko, "That is irrelevant. ang sabi ko mahal kita, sinong may sabing dapat mahalin mo ako?"
and when that person smiled, our relationship continues till now, 7 years and counting. But sure way it's different from everyone thinks. n_n
And you learn that love doesn't mean leaning
And company doesn't always mean security.
And you begin to learn
That kisses aren't contracts
And presents aren't promises
Isa lang ang lesson dito. Wag mag-assume! Maraming taong napa-praning pero friendship, companionship or libog lang pala ang gusto sa kanila ng iba. Iba't-iba ang level ng pag-aasume. Eto ay ang sumusunod.
Level 1 - Eto ang pinaka mababang level. Ni-view lang ng crush mo ang profile mo, in-assume na na na me gusto rin xa sau.
Level 2 - Nginitian ka, at meron kayong small talks. Feeling mo, misis ka na nya.
Level 3 - You did hang-out sa coffee shop or bars. Tapos mang-aaway ka pag may nakita kang pinapa-cute-an nya.
Level 4 - Me "nangyari" na sa inyo isang beses after 3 bottles of beer. Nag-eempake ka na kinabukasan to move in his apartment.
Level 5 - Highest level. Eto ang the best. Halos manhid ka na. You are more than friends na, pero you still believe your less than lovers.
Kaya para sa kin, it's better na maging manhid, kesa mag-assume (formula is assumption = expectation + disappointment + pahiya ka noh?).
And you begin to accept your defeats
With your head up and your eyes ahead
With the grace of an adult
Not the grief of a child
Eto naman ang anti-asim at anti-ampalaya lecture. Sa tuwing maha-heartbroken ka, isang buntong hininga lang yan. Na parang natalo sa jack-en-poi. Sabi ni Paolo Coelho, you just need seven days to grieve, after nun, nag-iinarte ka na lang. (Ang record ko is 3 days, hahaha).
And you learn
To build all your roads on today
Because tomorrow's ground is
Too uncertain for plans
And futures have a way
Of falling down in mid flight
Eto ang lesson ng living in the present. Wag bayaang ma-trap sa past, wag bayaang ma-stuck sa future. Today is a gift, that's why they call it present.
After a while you learn
That even sunshine burns if you get too much
Eto ang ipinayo ko sa girlfriend ng barkada ko na masyadong possesive. Nagtaka sya kung bakit sya pinagpalit ng friend ko, despite ginawa nya ang lahat. I told her, "yon ang problema mo, ginawa mo ang lahat. $$$$, girlfriend ka lang. hindi ka yaya, bodyguard, nanay, drinking buddy, labandera, kusinera or what-else ng barkada ko. girlfriend ka, you should just be like one."
So you plant your own garden
And decorate your own soul
Instead of waiting
For someone to bring you flowers
Eto ang loving-yourself part, and my favorite. Kanina i received a message from a guy whom i'm considering to date. He noticed na parang dumadalang daw ang messages ko. Nagpapaalam na raw ba ako? O sumusuko? Natatawa lang ako. Hahaha. Yes, i'm waiting for him na maka-move on sya from his previous relationship, but it doesn't mean na sa kanya na iikot ang mundo ko.
And you learn
That you really can endure (Yes!)
That you are really strong (Sobra!)
And you really do have worth (Precious!)
And you learn and you learn (addict sa learning)
With every good bye you learn.
yan, goodbye daw. sana you have learned something.
till next time. n_n
Monday, October 26, 2009
To All the Boys
Remember last time (no, not at bandcamp) I decided to work on the mountains? I spent close to a year na malayo-layo sa sibilisasyon. That’s during my Zero Dating Goal. And sadly, that earned me to work on another project, sa dagat naman. Since I got back from Japan last Feb, my career took off most of my time away from the web and over the sea.
Gladly, its just 2 batches of 3 months each that thankfully ended a couple of days ago.
This blog though is not about my career, but are character sketches of those cadets I trained for the past few months to whom I said farewell. Here it goes:
Kambal sa Kieme
Parehas kayong magaling. Academics at practical. Pati sa boxing hirap ako sa inyo. Pero masyado kayong low profile. Salamat sa boxing, kahit masakit sa katawan, tumubo din yata ang muscles ko (dati parang pantal lang, ngayon manas na, hahaha). Pero kahit parehas kaung magaling, magpakitang gilas pa rin kayo. The old adage is sound, “out of sight, out of mind”.
Poker Face
Hindi tayo close, we both know that. Siguro dahil awkward. Maraming nakatingin at nakakahalata na I find you really good looking. Hahaha. Pasensya kung mejo iniisnab kita. Kailangan yun. Its my way to show fairness sa lahat ng mga kadete ko. You got skills, and muka namang self-motivated. Problem is you seem afraid of competition, or afraid of losing. Don’t get it in the way of learning! Whether it’s boxing, poker, or quiz bee. You won’t win if you won’t try.
Stupid Monster
Hehehe, apir sa original number one member ng fans club ko. It’s flattering na Idol mo ko. Pero nung nalaman kong lagi mong tinitignan ang pictures nating dalawa after mag-jogging sa CCP… parang… ibang level yun. Nagworry ako na baka mamya magsimula ka ng mag-alay ng bulaklak sa paanan ko at himas-himasin ako ng panyo. Hahaha. Seriously, that’s the reason why I told (and shown you) some of my bad side. Now you know I’m just human… with strength and weaknesses just like you. And if you find me great, you can be like that too. Btw, anong rafe ang pinagsasabi mo? Wahahaha.
Gullible Goblin
Hehe what can I say… sinusulat ko to ng kaharap ka. Hehehe. Nasabi ko na yata sau ang lahat during late night talks at tuwing mag-aaway bati tayo, hahaha. The three months is like a hardwood for us. It took time to alight, but burns brighter and last longer. Thank you. I will just remind you, wag masyadong magpaka-loner. And YOU are what you decide to become. Life is an endless search of self-discovery. Wag kang matakot sa realizations, at magchange when it calls you.
Worthless Mammal
You’re the first and the only MYMAN. Kala ko hindi mo matatagalan ang pagiging bossy, pasaway at pagiging spoiled ko. Salamat sa pagpe-prepare ng early breakfast at midnight snack. Sa pagpapainom ng gamut pag may sakit ako. Sa pagremind ng everything, from sleeping schedule, drinking time-outs, financial assessment, intimate dates at kung ano-ano pang paglook-after na nagawa mo. The three months would be unimaginably terrible without you. At kahit hindi ko binabanggit, you know naman I appreciate it very much. Domo Arigato Gozaimasu.
Sa mga hindi ko nabanggit, salamat sa mga time na nagpapatintero tau sa ulan, sa mga kalaro ko ng balikbayan, sa mga poker players (nabusog ako sa tubig), sa pusoy-dos (buti hindi permanent ang uling sa mukha), sa boxing, tennis, bowling at golf (iuuwi ko na ang wii, hehehe). Sa mga kainuman, kakulitan, kabolahan. Sa mga sakit sa ulo, sa mga nagregalo.
The evaluation says our sponsors are “almost satisfied”. For me, that’s tantamount to failure. Pero katulad nga ng sinasabi ko sa inyo, success as the world measures it is too easy. We chose what is harder to come by. We chose meaning in our lives. Dahil as what our program shown, we achieve a Total and Meaningful Shipboard Experience.
I have faith in you to continue fanning the flames. Lets raise our industry as a Whole.
Monday, October 19, 2009
Farewell Messages
i've been away for mmmoonnntthhss now. i was not able to blog sa gitna ng laot because of my previous project.
so, this is my first blog after that 3 month project, and its not even about that...
it's about those people, in a short time, grew up with me. hope u'll not be offended na ipo-post ko ang farewell messages nyo sa kin. Starting with:
"The certain end is near
and the parting time I fear
Thank you sir for us all
the experiences, imparting knowledge
and above all, the genuine relationship
we've nurtured. Salamat Sir Miko.
This may be the end, but at the rear behind
all these, there you are, with holding your
unperishable teachings as we go ascend.
-------------Laguna Boy
"Ehem sir! emo un nasa taas, di ko kaya gumawa ng ganyan. gusto ko lang sabihin na life is suffering because of other people. (walang mag-eexam kung walang magpapaexam). hehehe. pero ok lang, pinatatag ako ng mga pagsubok. bumagsak man o hindi, i'm still here and ready to face the next challenge.
But the most important thing is, pinakita mong hindi kami iba sau. nagkamali ka lang siguro sa pagpili ng myman mo. hahaha. un lang, salamat sa mga bagong kaalaman at kasabihan. no goodbyes sir. till next time.
-------------Mr. C
"Veritas. Liberabit, vos" the truth shall st you free. thank you sir, for enligthening me how legacy defines the purpose of life. you let me realized that the rose is not beautiful wtihout its thorns. Thank you. au revoir.
------------Posh
"Miko.san.
Salamat dahl nakilala kita sa maikling panahon even to you rafe me sometimes. i really appreciate. Thank you so much for everything.
Dapat makikita pa tayo" Ok!!!
-------------Stupid Monster
It's not one great deed that proves your importance...
It's the little good things that you impart day by day that counts.
3 months might be short, but ur impact will last long
-------------Wii Legend
and finally, but not the least:
"I won't say goodbye, i won't say i will miss you, all i can say is thank you. for 3 months nagkasama tayo, nagkakwentuhan, nagkatabi sa pagtulog, kasama sa mga gimiks lalo na sa mga first experience ko together with you na never in my life ko malilimutan, and i know its not the end at marami pa tayo pagsasamahan. i will not be around you for awhile but our hearts will be connected forever. Thank you.
-------------Gullible Goblin
yan na lang. hahaha. ung farewell ko sa kanila on my next blog post.
Sunday, June 14, 2009
Malaya na Ako
Pusang-gala, parang mapapaluha ako,
kahapon, March 26, 2009, natapos na rin ang Zero Dating Goal for One Year ko!!!! taena! n_n heheh, ano kayo ngaun?! Kala nyo di ko kakayanin. n_n
Para sa mga hindi ko fans, recent visitors or first timers (bakit ngaun lang kayo) na hindi pa nakakaalam kung bakit ako tinopak na magpursigeng maging single sa loob ng isang taon, check this;
Five Things I Learned From Not Dating
by: Lt. Miko Legaspi, PN (Palaging Nagtatago)
Task Force Single
5. Maraming Productive Alternatives
Sa pamamagitan ng hindi pakikipagdate, marami ka palang pwedeng mapalang kapakipakinabang na bagay. Nakapaglunsad ako ng isang malaking project (June). Nakapagdesign (september) launched (october) at administered (to present) ng isang website. Nakapagcoordinate ng events (july homecoming, november 3 schools party, january fun run). Nakaattend ng mga occassions (2 lamay at 17 na kasal). Nakapaglibot (november boracay, february japan). nakapagbasa ng 20+ na books. naging president ng isang non-profit org (january to present). nakapagpanimula ng extension service sa 2 orphanage (february). napagbati ang mga naggiyerang bansa, nameet ang mga bagong presidente at napigilan ang global warming (imbento ko na lang yung 3 yun, hehehe).
the point is, lahat tayo ay may 24 hours a day. spending it on something means denying that same Time (and resources and energy) from something else.
4. Maging Matino.
Sa mga nakakakilala sa kin at mga nakakaalam ng “adventures” ko, grabe, anlaki ng pagbabago. Kung dati i have 2 shags a week (na kadalasan pa ay magkaibang tao), naka 4 shags lang ako (total 5 if you consider buko juice as shag) for the past 350+ days! imagine that!!! That is only 3% of my minimal annual quota. hahaha. Ganon ka-effective ang Strategic Plan ko kung pano umiwas. For my guide, visit this.
para sa mga nag-iisip na shag=date, i would argue there’s a big difference, but it merits a blog of its own, kaya hindi ko na ididiscuss on this entry.
3. There is A Stage!
Natutunan ko rin (actually, na-apply ko ang old-aged-lesson) about stages. sabi dito, may mga stages na hinahakbangan ang maturity. like baby stage, puberty, teenage, etc. pagnilampasan mo raw ang isang stage (halimbawa, teenager ka pero super concentrate ka sa trabaho), maari mong naising balikan ang stage na yun kahit hindi na appropriate sa edad mo.
isang example nito ang mga superjutanders na gimik pa rin ng gimik halos araw-araw. tapos sila pa ang mahilig makipag-away pag hindi sila bumebenta. i really think if they want to sell, they should sit on their rocking chairs at home and write novels. hehehe. mean!
in my case, i believe nakagraduate na ko sa Gimik mode. i realized the difference ng gumigimik sa gimikero. kaya nakakapagpadagdag ng pagiging good boy ko (or simpleng workaholic lang), hehehe.
2. Mataas Talaga ang Pride
Isa sa pinakamalaking motivation ko para matapos ang Zero Dating Goal ay ang pride ko. Walang naniniwala (except those na kilala na ko for more than 10 years) na kakayanin kong hindi makipagdate sa loob ng isang taon. Nyehehehe. Who’s laughing now (beaming with pride). n_n
They say Pride is a Sin. pero i don’t think so. Pag hindi ka nakipagbati sa kaaway mo dahil kasalanan nya, that’s pride. Pag hindi ka nakipag-ayos kahit kasalanan mo, that’s arrogance. Pag ngumiti ka kahit nasasaktan, showing grace despite of defeat, that is pride. Pride motivates you to defend your dignity and honor, to keep going kahit alam ng lahat na nahihirapan ka, and to protect yourself sa mga mananakit sau. that is Pride. just make sure you are not mistaking it from something else.
1. Kaya Kong Mag-Commit.
Finally, ito ang pinakamalaking lesson (actually, proof) that i can commit. May mga taong dumating while i’m on my goal. And some of them are really worthy. Yung isa nga, when he arrived, nasabi ko na “syet, ito na yata ang taong makakapagpabago sa Zero Dating Goal ko”. Check this
“There is no chance, no destiny, no fate
that can circumvent or hinder or control
the firm resolve of a determined soul”
————-Ella Wilcox, Miko’s Kollected Kuotes
Tiniis ko sya, sobra. Ngayon, may bf na sya. Wahahaha! Inggit ako. Pero ganon talaga. By knowing i can resist someone, means that i can do it again pag commited na ako tapos may mga bagong susulpot. My would-be partner will be secured in knowing hindi ako maagaw ng kahit sino. hehehe.
Ang kalaban ko na lang ay inertia. Parang i've been alone for so long i'm comfortable with it. T_T
Pero kailangan na, hehehe. Sino kaya ang idi-date ko?
n_n
------------
this is a repost from my Downelink account dated March 27, 2009
right after my Zero Dating Goal was achieved
sorry ngaun ko lang napost d2. hehehe
Tuesday, April 14, 2009
My Japan Pics
Wednesday, February 25, 2009
May Sakit Ako
Climate change from summer to post-winter to summer in such a short time.
Lagnat laki lang. It means he is (finally) growing up!
Emotion based. Baka namimiss nya yung kainuman nyang kawaii jap guy.
Pinaparusahan sya ni God kasi he is a bad, bad boy.
Kahit payatot ako, hindi naman ako sakitin. At alam ko, hindi pa expired yung flu-shots that I took last July 2008 (annual ang effectiveness non). So bakit kaya mainit ang pakiramdam ko, masakit ang ulo, at naiimagine ko na merong mga mikrobyong sinusunog ng katawan ko (kaya high temperature). At twice, TWICE, ko nang napanaginipan ang patalastas ng Yakult, including the close-up video of live lacto-basilus-shirota strain (tama ba spelling). Grabe!
Up till now, hindi pa ako umiinom ng gamot. I always try to take everything naturally. Gargle with diluted salt in hot-water. Drink plenty of fluids. At puro BJ pa lang me so far (Buko Juice). Kailangan kong gumaling before Sunday to watch NCC (Cheering Competition). T_T
Pero pag di na talaga kaya, desperate times calls for desperate measures: I would need a strong dosage of Yacapsule, Kispirin at Biogesex!
Sino kaya pwedeng maging nurse ko. Hehehe.
Monday, February 23, 2009
Finally, Back from Japan
Checklist #1: See Sakura
Lagi akong nakakakita ng Cherry Blossoms sa mga animè. Pero pusang-alows, hindi pa season ng sakura nung pumunta ako don, huhuhu. kaya un, puro mga punong tuyot ang naabutan ko, kahit na sa Sakurajima (Cherry Blossom Island), wala akong nakita. huhuhu. Trivia: Sakurajima ay dating Island, kaso ngaun peninsula na dahil sa pagputok ng bulkan nuong 1916 at pagkabit nito sa kalapit na lupa.
Result: Failed.
Checklist #2: Experience Onsen
Isa pang famous sa Japan ay ang hot springs kung saan marami naliligo ng nude. Hahaha. Tuwa na sana ako nung nasa schedule ko ang pagligo sa isang onsen sa Sakurajima. It was a very refreshing experience. What amusing is, dito kailangan mo munang maglinis (with water and soap) bago ka lumusong sa onsen. Huh? Ligo muna bago magbabad? Yup, that's it.
Tatlong water baths ang nilusungan ko, ung isa may massage bubbles, yung isa may small electric current (grabe to pramis) at lastly ung maraming minerals like calcium and sulfur. One of my best experience to, parang nalusaw lahat ng stress ko.
Result: Success!!! Except seeing old jap men naked. Nggiii, kakakilabot. Ako yata ang pinakabata don sa onsen (except the 4 year old kid na anak ng isang visitor). hayz.
Checklist #3: Visit Shibuya District
I've read from some magazines na ito ang Fashion Capital ng Japan. At mura pa daw ang mga damit. Halos lahat daw ng tao dito fashionista. Hindi ko naman plan na makipagsabayan sa kanila (you all know zero ang fashion sense ko, hehehe). Gusto ko lang sa mag-picture picture.
Result: Failed. Dumating kami ng Tokyo almost 2330H na. Nagvideoke na lang kami sa Warabi City till morning.
Checklist #4: Drink Shoucho
I love wines. Ewan ko ba kung ano kinahiligan ko sa kanila. Basta, i like tasting wines from different places. Eh nakatikim na ko ng sake (rice wine) before, so akala ko ok na. Till I tasted Shoucho (sweet-potato wine). hehehe. At ang mixture? Hot Water. Parang Gin lang ng 'pinas, pero walang sabit. sarap.
Result: Success! I brought one back here hehehe. Sarap nito lalo na pag may pulutan na kilawing tanigue. yummy!
Checklist #5: Ride Bullet Train
Proud ang mga Japanese sa mga trains nila. May mga palabas pa nga akong napanod na many of them watch model trains round and round. Prang meditative. Mabilis nga ang mga bullet trains.
Result: Success. Pero when i took one from Kagoshima to Fokouka, mejo disappointing ang views. Tagos kasi ang train sa mountains and hills, kaya more often than not, wala kang makita.
Checklist #6: Shop for Souvenirs
Grabe, andami kong gustong bilin. Mula sa Japanese Fans, some artworks, at kung ano-ano pa. pero tae, ang mamahal. Paper dolls nga lang at keychains, almost 300 pesos na. wala naman akong dalang maraming yen. Bumili na lang ako ng model magnetic trains for around 1k. hehehe. kuripot talaga ako.
Result: Success. Considering I shop for experiences, not things. n_n
Checklist #7: Drink with Kawaii Japguy
I really lurve chinky eyes. Di ko alam kung bakit ang lakas ng appeal sa akin ng mga chinito. Grabe, hahaha. parang nasa candy store ako when i was in Japan. Kahit saan ako tumingin, may at least isang cute. hahaha. I never thought na may makakasundo ako don, dahil hirap sila sa english. Till my last night. hehehe.
Result: Success. Hehehe. I don't wanna give out the details. Turn off lang kasi supot. hahahaha.
That's IT! It basically sums up my whole 6 day trip in Japan. n_n sa mga naka-miss sa akin, I'm back. hehehe.
Pero wala akong dalang pasalubong ha.
n_n
ja nè
Summer Breeze - Jason Mraz
Tuesday, February 10, 2009
All Work, No Play?
Monday, January 12, 2009
Ang Islander Kong Tsinelas
I wear my usual thing. shirt, shorts and slippers. At dahil probinxa naman, hindi ko ine-expect na may mga customer na dala ang arrogance of most Big City Dwellers.
Pag pasok ko, tinignan ako ng dalawang badets (bading na teen-ager) mula ulo hanggang paa. and from my perepheral vision, nakita kong tumaas ang kilay nila, maybe wondering anong ginagawa ko sa loob ng coffee shop. Baka inisip nila na magso-solicit ako or something.
"kumusta naman ang Islander," i heard one of them said, sabay tawa ng dalawang baklita sa couch.
gusto ko rin sanang matawa non. hahaha. suot ko ang Islander kong tsinelas (my other pair of slippers are only used for swimming). at kung iku-kumpara nga ako sa dalawang badet na naka-havaianas, muka talaga akong gusgusin.
hindi ko alam kung magkano ang isang pares ng havaianas. i never bothered to ask. i know i can afford it. but why should i?
Keep one small independent corner of your mind
that calls nonsense by its right name,
that holds to the things you know to be true,
and that laughs at pretentiousness
even when it is exciting and fashionable with your contemporaries.
-------------John Gardner, Commence Address to Sidwell Friends School
sa konting barya na natitipid ko by choosing Islander over Havianas, or Carter Briefs over Bench. or kung ano-ano pang bagay for consumption, is the same money i spend for things that truly matters.
Maraming taong bumibili para sa gutom nilang Ego. Busog naman ang Ego ko (halata naman sa kayabangan ko, hahaha), kaya ibang bagay ang pinagkakagastusan ko.
Gumastos ako ng tuition para sa isang subject na hindi required pero gusto ko lang matutunan (siempre, continuous ang gastos dahil pumapasok ako). Gumastos ako para makapunta sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan (to add to my Tour Belt). Ngaun, may pinag-iipunan ako para i-donate sa CRIBs Foundation, isang bahay ampunan (kung sinong interested jan, kontakin ako, hehehe).
Again, hindi masama na magsuot ng havaianas, o magpagupit sa bench fixx instead sa f-salon. ang point ko lang, you have a deeper obligation to yourself to balance the material aspect with something more profound. and we all have at least a little social responsibility.
hala.
anu ba yan. kung ano-ano na ang na-ikwento ko dahil sa Islander kong tsinelas. Pero it really takes a lot of Kapal ng mukha at Tibay ng pagkatao to wear it in Starbucks (which i did last january 4, hahaha).
Kapal ng Orig. Tibay ng Orig. (uhm, makakakuha kaya ako ng endorsement revenue d2? hehehe).
-------------
oi, seryoso ung alok ko sa Cribs Foundation ha. sinong gustong magparticipate, message me. n_n
Thursday, January 8, 2009
The Party Animal
It will be just my personal, biased, preference for the person i'm going to date (and my 2x a week blog quota).
Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng "Zero Dating for One Year Goal" ko, i can't help not to scan dating sites (g4m, downelink, friendster, multiply - jan lang ako may account) of possible guys to date. hahaha. A large number of people in those site however have one characteristic na hindi compatible sa 'kin.
The Party Animal
Nag-search ako sa wikipedia kung saan nagmula ang concept na party animal. pero walang kwenta ang result. Sa thefreedictionary.com sinabi na ang party animal ay isang tao na sobrang hilig magparty, at s/he goes to as many as possible.
Maraming party animal na proud. Makikita mo sa website nila that they "Live to Party" at "Work Hard and Party Harder". i'm not going to say its bad or its wrong. katulad nga ng sinabi ko sa taas, it will be just my personal biased preference.
You see, meron na akong isang daga (named - Mikki) who outlive two of his partners, isang myna bird (named BabyLoves) na lagi nag-che-cheer sa brother ko pag naglalaban kami sa videoke, isang askal na gray puppy (named BluEyes) na obviously kulay asul ang mata, 4 na nameless goldfishes na lumalangoy with a sharkfish and a janitorfish. (and R.I.P pla kay Fluffy and Fliffy, the two bunnies which one was helplessly devoured by a neighbor's dog, and which the other died out of grief).
our house is practically a zoo (not that i count myself as a monkey), and something tells me that adding a party-animal doesn't sound appealing.
Hindi ko gusto ng partner na uubos ng sahod sa isang party (na kahit scraps ng chichiria walang madadala para kay Mikki), napapaligiran ng taong bangag sa coccaine or ecstasy, at uuwi ng lasing, susuka at magkakalat, matutulog maghapon, at iritable pag-gising.
I admit i experience that (except the drug and smokes). I admit it is nice. Addictive.
Pero tulad ng isang pagkain, Partying is the icing on a cake. Matamis. Pero hindi nakakabusog. Mapapasayaw ka, mawawala sa sarili, sa ingay ng musika, but it deafened the silence of your Soul. Maraming kulay, liwanag, at mga mukhang maganda sa paningin, but it blinds you to the beauty of sunrise, or the smiles of the people who truly matters.
O siguro talagang probinxano lang ako at heart. Pero i still hold on to my preference. Ok lang ang gumigimik, pero ayoko sa gimikero. I already have lots of animals.
Who would need a high(er)-maintennance one?
n_n
Monday, January 5, 2009
Bagong Taon ay Magbagong Buhay
Bagong Taon (Trivia muna)
Yes, you might say i'm joining the New-Year-Whatever (resolution, goals, etc.) pero parang ganon na nga. Traditionally, dapat March ang New-Year-Whatever dahil nung unang panahon (Old Roman Calendar), March ang start ng Bagong Taon (kaya ang September ay pang seven, ang October ay pang-eight, and so on and so forth).
Nang mamuno ang mga consul ng Rome, pina-uso ni Julius Caesar ang Julian Calendar nung 47BC. Ginawang unang buwan ang January (na pang 11 month dapat). At nang mag-expand ang West, pati ang ibang parte ng mundo ay nagpa-uto na ang New Year nga ay January 1. Taong 1600 nang makigaya ang Scotland, 1700 naman nakisali ang Russia at ang pahuli-huling bansa na naki-uso ay ang Thailand nuong 1941.
Miko's New Year Traditions
Required sa family ko na mag-spent ako ng New Year sa bahay hangga't hindi pa ko nag-aasawa. At dahil hindi pa legal sa Pilipinas ang magpakasal sa mga pinalad na taong katulad ko, mukang i'll be spending every New Year with my family. hehehe.
Isa sa personal tradition ko ang paggawa ng Dreams List o listahan ng mga pangarap. Usually, i maintain a 100+ Dreams per year. Ito ang mga bagay na gusto kong mabili, mga lugar na mapuntahan, o mga eksena na gusto kong ma-experience. Some are grand (magkaroon ng sariling building) and some are trivial (matulog sa damuhan ng isang restricted area hehehe). Some are long range (own 3 business before i turn 30) and some are almost routine (4 campings this year).
Last year (2008), I made a lot of progress. Mejo umangat ng konti ang Net Worth ko. I finished one semester earning valuable knowledge (wala akong paki sa grades, hehehe, mas mahalaga ang natutunan). I added two never-been-to places (Pangasinan and Cabanatuan) on my Tour Belt. and finally "coming-out" to my father (more on that next time) for my Family-Related Area. hehehe.
Partial List of 2009 Dreams
1. Start Dating. This year, matatapos na ang ZERO DATING GOAL yyuuhhhuuu!!! wwaahhh. nakakaiyak. hahaha. konting buwan na lang ng pagtitiis. hahaha. yung mga naghihintay jan (kapal), get ready na. hahaha.
2. Publish 4 Magazines. hehehe. eto part job, part personal. n_n I will do my best to publish magazines catered to specific group.
3. Raise net worth 20% of current value. hala. hahaha. this is on business side. hehehe, para may bala pag nakikipag-date
4. Four campings. Naka dalawa lang ako last year. gusto ko apat for this year. and in related area, i will add another (at least) 2 places on my Tour Belt. hehehe
5. Put up a non-profit org to develop business proficiency of some college students. hahaha. baka sa susunod, world peace na. hahaha.
6. Blog at least 2x a week!!! sorry sa mga uber-delays. pero i'll do my best talaga to post more often now.
well, that's all for now. secret na ung iba. hehehe
till next time na lang ulit. belated happy holidays!!! cheers!