Monday, January 5, 2009

Bagong Taon ay Magbagong Buhay

Break muna tayo sa "Basic Rights" Series. For the benefit of those whose missing Kwentong Miko, eto na muna. n_n

Bagong Taon (Trivia muna)
Yes, you might say i'm joining the New-Year-Whatever (resolution, goals, etc.) pero parang ganon na nga. Traditionally, dapat March ang New-Year-Whatever dahil nung unang panahon (Old Roman Calendar), March ang start ng Bagong Taon (kaya ang September ay pang seven, ang October ay pang-eight, and so on and so forth).

Nang mamuno ang mga consul ng Rome, pina-uso ni Julius Caesar ang Julian Calendar nung 47BC. Ginawang unang buwan ang January (na pang 11 month dapat). At nang mag-expand ang West, pati ang ibang parte ng mundo ay nagpa-uto na ang New Year nga ay January 1. Taong 1600 nang makigaya ang Scotland, 1700 naman nakisali ang Russia at ang pahuli-huling bansa na naki-uso ay ang Thailand nuong 1941.

Miko's New Year Traditions
Required sa family ko na mag-spent ako ng New Year sa bahay hangga't hindi pa ko nag-aasawa. At dahil hindi pa legal sa Pilipinas ang magpakasal sa mga pinalad na taong katulad ko, mukang i'll be spending every New Year with my family. hehehe.

Isa sa personal tradition ko ang paggawa ng Dreams List o listahan ng mga pangarap. Usually, i maintain a 100+ Dreams per year. Ito ang mga bagay na gusto kong mabili, mga lugar na mapuntahan, o mga eksena na gusto kong ma-experience. Some are grand (magkaroon ng sariling building) and some are trivial (matulog sa damuhan ng isang restricted area hehehe). Some are long range (own 3 business before i turn 30) and some are almost routine (4 campings this year).

Last year (2008), I made a lot of progress. Mejo umangat ng konti ang Net Worth ko. I finished one semester earning valuable knowledge (wala akong paki sa grades, hehehe, mas mahalaga ang natutunan). I added two never-been-to places (Pangasinan and Cabanatuan) on my Tour Belt. and finally "coming-out" to my father (more on that next time) for my Family-Related Area. hehehe.

Partial List of 2009 Dreams
1. Start Dating. This year, matatapos na ang ZERO DATING GOAL yyuuhhhuuu!!! wwaahhh. nakakaiyak. hahaha. konting buwan na lang ng pagtitiis. hahaha. yung mga naghihintay jan (kapal), get ready na. hahaha.

2. Publish 4 Magazines. hehehe. eto part job, part personal. n_n I will do my best to publish magazines catered to specific group.

3. Raise net worth 20% of current value. hala. hahaha. this is on business side. hehehe, para may bala pag nakikipag-date

4. Four campings. Naka dalawa lang ako last year. gusto ko apat for this year. and in related area, i will add another (at least) 2 places on my Tour Belt. hehehe

5. Put up a non-profit org to develop business proficiency of some college students. hahaha. baka sa susunod, world peace na. hahaha.

6. Blog at least 2x a week!!! sorry sa mga uber-delays. pero i'll do my best talaga to post more often now.

well, that's all for now. secret na ung iba. hehehe


till next time na lang ulit. belated happy holidays!!! cheers!

No comments: