Wednesday, October 24, 2007

Stars of StufftoyLand

by Friko

 

Paris Hilton ng mga Stufftoy

 

Ipinakilala ni Elliot Handler, founder ng Mattel, Inc ang manikang ginawa nya (at ng kanyang asawang si Ruth) sa American Toy Fair nung 1959.  Hango ang pangalan ng manika sa kanilang anak na si Barbara.  Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kritiko, dahil kung totoong tao ang manika, magkakaroon ito ng sukat na 39-21-33.  Walang nakahula na pagkatapos ng mahigit 35 taon, ang manika ay mananatiling isa sa pinakamabentang laruan.

 

Taon-taon, iba-iba ang nagiging damit ng laruan (huhuhu, kakainggit).  Dahil sa mga damit na to, ang kumpanyang Mattel ay ang pang-apat na gumagawa ng damit na pangbabae.  Kabilang sa mga nagdisenyo ng damit ng manika ay sila Valentino, Perri Ellis, Oscar de la Renta at marami pang world-famous designers.

 

Siyamnapung porsiento ng mga babaeng amerikano ang nagkaroon ng, at least, isang manikang ito. Dahil sa pagsikat, ang mag-asawang Elliot at Ruth ay nagpagawa ng lalaking manika na ipinangalan naman nila sa anak nilang lalaki na si Kenneth.

 

Nagkaron din ng maraming “career” ang manika.  Naging teacher, astronaut, veterinarian, soldier, singer, flight attendant at model.  Lumalabas din ito sa samu’t-saring patalastas, cartoons, books, at 3-D film.  Nagkaroon ang manika ng una nyang computer nuong 1985 (wwaahhh, sensei, daig ako).

 

Kung ilalatag sa lupa ang lahat ng manikang ito, palilibutan nya ang buong mundo ng 3 ½ na beses.  Ganyan kasikat at kabenta si Barbie.

 

 

Presidential Stufftoy

 

Nobyembre ng 1902 ng bumisita si Theodore Roosevelt, 26th president ng America, para ayusin ang gulo sa pagitan ng Mississippi at Louisiana.  Habang naroon, nangaso sya ng mga oso (bear-hunting) ngunit minalas na makatagpo lang isang isang batang oso.

 

Isang manunulat sa dyaryo na nagngangalang Clifford Berryman ang nakasaksi at gumawa ng cartoon kung saan ipinapakita ang presidente at ang batang oso.  Nakita ni Morris Michtom, may ari ng isang novelty store sa Boston, ang dyaryo at napukaw ang kanyang imahinasyon.  Sa tulong ng kanyang asawa, nagtahi sila ng mga manikang oso at mabilis nila itong naibenta.

 

Humingi ng pahintulot si Michtom sa presidente na gamitin nito ang kanyang palayaw sa pagbebenta ng mga stufftoy.  At ng pumayag ang pangulo, nagmass produce si Michtom katulong ng isang wholesaling company na Butler Brothers.  Hanggang ngayon, marami pa ring versions ng stufftoy ang lumalabas, pero ito ay nanatiling tinawag na Oso ng Pangulong Theodore, o sa maiksing salita – Teddy’s Bear.

 

Manikang Aktibista

 

Isang tauhan sa pangbatang libro ang nilikha ni Johnny Gruelle nuong 1915.  Ang tauhan sa libro ay isang manika na nakasuot ng asul at puti, ang buhok ay gawa sa yarn na kulay pula.  Bumenta ang libro, kasama ang manika, nuong 1918.  Ang libro ay nasundan nuong 1920 kung saan ang manika ay nagkaroon ng kaparehang lalake.

 

Nalikha ni Gruelle ang manika para sa kanyang anak na si Marcella.  At mula sa aklatan, kinuha ni Gruelle ang mga tula ni James Whitcomb Riley at pinagsama ang dalawang titulo – “The Raggedy Man” at “Little Orphan Annie”.  Sinabi nya sa kanyang anak na “Bakit hindi natin sya pangalan ng Raggedy Ann?”

 

Si Marcella ay namatay sa edad na 13 matapos itong mabakunahan sa paaralan para sa bulutong ng walang pahintulot sa kanyang magulang.  Sinisi ng autoridad ang problema sa puso ng bata, pero sinisi ng magulang ang bakuna.  Naging kalaban ng pagbabakuna si Gruelle, at kahit hindi kasing sikat ni Barbie o kasing benta ng Teddy’s Bear, ang manikang si Raggedy Anne ay tumayong simbolo ng Anti-Vaccination Movement.

 

-------------

 

Hihihi.

 

Yan na po muna ang blog q.  Busy si sensie miko sa computer nya eh, kaya po di ako makacngit.  Hihihi.

 

Hanggang sa muli.

 

Friko.

 

Si friko ay laging babad sa luha ng dati nyang amo.  Ibinigay sya nito kay Miko ng mapasaya ni Miko si FR.  Napalitan ng pangalan ang stufftoy na leon, subalit dahil sa kakulangan ng legal adoption papers, nangangamba si Miko na baka bawiin ang stuffriend nya, lalo na ngayong nagkakaron si friko ng mga fans at tumataas ang marketability.

 

Sunday, October 21, 2007

Hubad na Katotohanan

Hubad na Katotohanan by Friko

Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba?

Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na).

sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi.

Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob.

Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi.

Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba?

Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi.

Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.

Kwentong Stuff Toy

Kwentong Stufftoy by Friko

Hi blog.

Kuya Miko Made the First Move

Aq po si friko, ang stuff2y ni kuya miko (pro stuffriend ang twag nya sa kin, kc hndi nya daw me laruan). Baet nya po di ba?

Kgav, 4 d 1st time, kinausap aq ni kuya miko. Bale nagla2ba po xa nun, tapos kinuha nya aq sa sulok at pinaliguan. Habang sinasabon nya po ako (naka2liti, hihihi), kinausap nya aq. Ka2tuwa po d ba?

Mag-1 po kc c kua miko sa haus nya, tapos sav nya, hndi nman daw mukang baliw si marimar pag kinakausap si polgoso, kya ok nman daw n kausapin nya ko, wla kc xang ibang kausap, hihihi.

Mga Pangarap

Hbang nagsuswimming ako sa fabrc sofner (ang bango, hihihi) tinanong aq ni kuya miko kung ano pangarap q. Sav nya, nung grade 1 daw xa, gus2 nyang maging balyena, kso nadisapoint daw xa nung malaman nyang wlang awang pinagsa2mantalahan n2 ang mga hipon.

Gus2 qng mging writer, sav q ky kua miko.

"malaki ang pagka2-iba

ng gustong maging writer

sa gus2ng magsulat.

Maraming authors,

pro konti ang nakalikha

at nakapagbahagi

ng orig na composition nila"

-------------Kuya Miko, about writing

Kya po sinimulan ko muna magblog, hndi pra mging writer, kundi maibahagi po ang kwentong stufftoy.

Ano Ang Isusulat?

May msya at malungkot sa buhay ng isang stufftoy. Ang palagian wlang damit, ang hndi regular na paligo, ang mababad sa luha ng may-ari (pro hindi iyakin si kuya miko, hihihi, ung dating amo q ang lging umiiyak).

Payo sa kin ni sensei miko na dalasan qng magbahagi ng sulating nakakaaliw. Marami na raw po kasing kaasiman sa tunay na mundo, at marami din daw "rants" sa internet. Mas kaaya-aya daw magpangiti kesa magpasimangot, makpagbigay ng inspirasyon kesa makahawa ng "intolerance, cynicism, at discrimination". Hihihi. Naka2tuwa si sensei miko di ba?

P’noy Ako!

Tinanong q kay sensei miko kung anong salita ang gagamitin qng pagsulat. Sabi nya, bhala daw aq, pero xa, kadalasan, Filipino. Mahirap daw magsulat ng pinoy (dahil hindi daw xa sanay magtagalog, hihihi, makulit magyabang si sensei miko di ba?), at hindi daw globally competi2v (kya konti ang hits). Pro tulad daw ng hilig nya sa Old Latin, ayaw nya daw ma2tay ang salitang p’noy, kya laging pinipilit nyang maglikha ng sulating tagalog.

Made in China ako. Pero pinoy ang nagpalaki sa akin. Taglish magsalita ang dati kong amo, pero si sensei miko, bumabanat paminsan-minsan ng niponggo, servo-croatian, latin, Hebrew, Spanish at mandarin. Hihihi. Pro phrases (kdalasan translation lng ng "hi", "I love you", "how much" at "thank you") lng alam nya, hihihi. Samu’t-sari ang kinukutingting nya di ba?

Kya un po. Tagalog po ang gagamitin kong salita. Sana po, basahin nyo paminsan minsan ang blog ko, at retuhan nyo ko ng cute na stuffriend nyo. Hihihi. Gusto q po ung balbon at abuhin. Hihihi. Parang si sensie miko lng di ba?

Hanggang sa muli! Paalam!

Friko.

Si friko ay isang stufftoy na leon. Kabilang sa mga naging trabaho nya sa past life nya ay Duwag na Bodyguard ni Dorety, at Loverboi ni Ragedy Anne. Sa ngaun, gumagawa sya ng blog pagtulog ang kanyang amo at kung wala itong bisita.

Tuesday, October 9, 2007

Lipat bahay, bagong buhay

-Paunawa:  Wag seryosohin ang mga kayabangan, dala lang ng gutom-

Darn.  It's been so long since i last blog, parang ages ago na.  Well, as usual busy kasi ako.  Nakipagmeeting kasi me kay Bush, nagmamakaawa xa na wag ko na raw tibagin ung White House para sa ipinapagawa kong highway.  Kaya un na nga, pumayag ako, siguro ung Taj Majal na lang ang ipapatibag ko.

Anyway, lumipat na nga pala ako ng bahay.  U all know naman na umuulan na, eewwness kaya un, nabasa ang bubong ng haus namin.  Kaya lumipat me ng bagong haus, kasi di me comfortable matulog sa bahay na basa ang bubong.

so un na nga.  i transferred to a new place.  at pagdating ko, hindi pa ayus ang internet connection.  hassle talaga kaya tuloy di me makapagblog. 

and ung pulutong ng katulongs ko, di pa rin nakaka-move in.  inaayos pa kasi ung mga bathtub sa tigi-tigasang room nila.  yan tuloy, walang nagluluto, nagpapakain at nagpapaligo sa kin.  hayz.

--CUT--

sorry sa mga masugid na tagasubaybay, hehehe, ung writing sa taas eh ung communication style na ginagamit ko pag nang-iinis sa chatroom.

but its true.  i'm renting an appartment now for personal and business purposes.  2 storey and 2 rooms xa. ung isa pang sleeping, ung isa - work/war room. ung living room sa ibaba ang ginawa kong photostudio.

hirap pala ng home alone. 2x lang me kumakainoatmeal lang pangtanghalian at pancit canton lang sa hapunan.  nakakain lang me ng lutong bahay pag bumibisita si mama to cook and do my laundry.  hahaha

Don't get me wrong, i know how to cook and wash my own clothes (hindi me makaka-survive sa academy if not). ang prob lang eh ung entrophy (katamaran).  hehehe.

Now, i'm living alone, without an internet connection, and quite far sa bayan.  hopefully, makakapagconcentrate na me sa mga writings ko (kung hindi me maaddict sa nilalaro kong computer game).

and with that, mas maayos ko na ang categories ng mga articles ko dito (for my upcoming ambitious self-published book, wwhooppee!!).

Kwentong Miko is about my clumsy life (tulad ng mahulog sa manhole) and peculiarities (kumain ng taho habang ume-ebs).

General Nonsense is my blabber about the world.  Mga obserbasyon at opinyon (like history ng helmet o paalam Pluto).

A new category will be Miko's Manuals kung saan ang different experts ng multiple personality ko ay magbibigay ng guide on how to do things well (tulad ng How to commit suicide).

hindi ko na isasama ang Mikology (my personal view on religion).  hehehe, mahina kasi ang benta, saturated na kasi ang market at andami ng nag-iingay.

so friends and fans (nyahahaha), check my site from time to time.  comments will be greatly appreciated.

=)