Ito ang mga naramdaman ko ng malaman kong HIV+ ang isa sa mga kakilala ko. In my line of work, required kami sa regular medical check-up. At ang paungas-ungas na testing center na pinuntahan nya, walang konsiderasyon na brinodcast ang condition nya.
Sana hindi ko na lang nalaman. Hindi ko alam kung papano mag-re-react sa harap nya. Will I act normally, like nothing is wrong? Or will I show care and concern para maramdaman nyang I’m here not to discriminate but to help? If I choose the latter, hindi ba sya mahiya, sa akin at sa sarili nya, and make matters worst.
Hindi naman ako natatakot mahawa sa kanya (dahil wala naman akong planong may ibang “mamagitan” sa amin). Hindi ko lang talaga alam ang tamang pakikitungo at papano ako makakatulong.
Side facts:
“Hindi nakukuha ang HIV
mula sa paghahalikan, pagbebeso-beso,
laway, yakapan, pag-ubo,
pawis, luha, hatsing o pagbahing,
pakikipagkamayan, paghihiraman ng mga damit,
pakikisalo sa pagkain, paghiram ng mga kubyertos,
kagat ng lamok, pagtabi sa pagtulog,
at paggamit ng kubeta."
------------Wikipedia
With these in mind, hindi ako kinakabahan. Lalo na kung ia-apply natin agad ang ABCDE to minimize risk of contracting any form of STD.
A: Abstinence. Sa lalaking tagalog, it means “magkamay”. Hehehe. Dati, ang philosophy ko, kung walang babaeng available, at kung may cute guy naman na pwede, bakit ako magsosolo? (wahahaha, but that was before ako makabili ng murang maturity sa Quiapo). Now I believe, kung hindi ako sure na safe sya, at hindi ko talaga sya gusto, it’s better na magsolo kesa magkasakit.
B: Be Faithful. Hindi na uso ang paramihan ng makakasex ngaun. I would like to promote patagalan. How long is your… (no, not your package) longest relationship. It’s not the quantity of the people that you had or the flowers you traveled to, but the quality of the relationship and the sweetness of its nectar.
C: (Correct) Condom Use. This one should be non-negotiable. Pag walang supot, walang kan*ot (No ID, No Entry? Hehehe). Sometimes, it’s always better to bring this little rubber armor of yours. Kesa biglaan kang makipag-inuman… at malasing.. and who knows how crazy you can get when you’re drunk.
D: (Don’t Use) Drugs. Zero tolerance ako dito (pati smoking). So walang syringes na pumapasok sa katawan ko (except the vaccines that my company can think of). And those poppers and Es... Bahala na kayo.
E: Early Diagnosis and Treatment. Maliban sa company ko na regular required medical check-up, I have my friends/sponsors na lagi akong kinukulit sa check-up. “Pinag-aaral ka namin. We’re investing on you, so you can’t die on us yet.” Thoughtful friends no?
So bottom-line, let us all be aware about this threat. HIV and AIDS are truly here! Hindi ito tsismis na mapapanood mo lang sa TV or mababasa sa mga blog (na katulad ng site ko). Hindi ito kaya ng biogesic, surgery, dasal at kung ano pang treatment. Now, it is as real as the person next to me.
Ingat?!
17 comments:
ako rin may kakilala who tested positive. i think it is a responsible thing to do - to get tested regularly kahit maingat tayo. and the more people get used to the idea that it is ok to be tested, the faster we could stop the spread of HIV. i had my test sa social hygiene clinic sa manila, sa tapat ng san lazaro hospital. it's free. mabilis lang, around 15 minutes nandun na yung results.
worry no more may drug na to cure but not 100% but to avoid spreading the disease
ako napaparanoid baka meron. . .
agree!
wag tayong pakasiguro.
get that test,
and you'll have peace of minde.
i heard about it.
pero hindi ko pa confirmed ang report.
way back 2006, meron na daw vaccine
and last year, meron na raw antivirus.
pero hindi ko pa sure,
puro "raw" pa lang.
check ko uli.
pa-check up ka na!
para sau din yan.
ung kakilala mo ba iyong na feature dati sa tv? na super broadcast siya sa public nung positive? hala... dapat everyone should still care for the person who is HIV+ pero dapat hindi OA, ung tipong bigyan siya ng more sound environment and company..
ako merong ibang version sa alphabet na C na instead of Condom ay make a CHASTE LIVING or make a vow of chastity. Its not popular but well tested.
if you are a friend... u dont need to say a word.. Just be there if in case he needs your help... that is the importance of friendship... coz this time you are also responsible not only for him but for other people as well.. just be considerate and learn th value of friendship. Thats ok...
nope.
hindi sya na-tv.
na-broadcast sya in a way na nalaman ng ibang peers nya
without his permission.
yep we care,
kaso it's difficult to express that concern.
T_T
uhm...
similar na po kasi sya sa abstinence.
n_n
thanks,
i appreciate the advice.
n_n
It will take getting used to - for you and your friend. Hayaan mong daanan niya ang stages ng grief. Kailangan yun eh. S/he'll get over it. Alam naman niyang andyan ka lang.
http://saintbarry.wordpress.com/2009/12/24/when-it-actually-meant-something-more-than-for-a-headache/
good advice barry,
thanks.
ang mean nito! bawal kaya yun!
agree agree.
we're thinking of the legal repercussions nga.
hows ur life kua mikz dalang mgparamdam ahh. . . . tke cre . . . i know ur such a busy person ........
Post a Comment