Monday, January 12, 2009

Ang Islander Kong Tsinelas

A couple of weeks ago, pumasok ako sa isang coffee shop to pass the time (dahil i'm waiting na matapos ang pinapagawa kong corporate-give-aways). Nag-i-scan ako sa journal ko to get inspiration for blog to post.

I wear my usual thing. shirt, shorts and slippers. At dahil probinxa naman, hindi ko ine-expect na may mga customer na dala ang arrogance of most Big City Dwellers.

Pag pasok ko, tinignan ako ng dalawang badets (bading na teen-ager) mula ulo hanggang paa. and from my perepheral vision, nakita kong tumaas ang kilay nila, maybe wondering anong ginagawa ko sa loob ng coffee shop. Baka inisip nila na magso-solicit ako or something.

"kumusta naman ang Islander," i heard one of them said, sabay tawa ng dalawang baklita sa couch.

gusto ko rin sanang matawa non. hahaha. suot ko ang Islander kong tsinelas (my other pair of slippers are only used for swimming). at kung iku-kumpara nga ako sa dalawang badet na naka-havaianas, muka talaga akong gusgusin.

hindi ko alam kung magkano ang isang pares ng havaianas. i never bothered to ask. i know i can afford it. but why should i?

Keep one small independent corner of your mind
that calls nonsense by its right name,
that holds to the things you know to be true,
and that laughs at pretentiousness
even when it is exciting and fashionable with your contemporaries.
-------------John Gardner, Commence Address to Sidwell Friends School

sa konting barya na natitipid ko by choosing Islander over Havianas, or Carter Briefs over Bench. or kung ano-ano pang bagay for consumption, is the same money i spend for things that truly matters.

Maraming taong bumibili para sa gutom nilang Ego. Busog naman ang Ego ko (halata naman sa kayabangan ko, hahaha), kaya ibang bagay ang pinagkakagastusan ko.

Gumastos ako ng tuition para sa isang subject na hindi required pero gusto ko lang matutunan (siempre, continuous ang gastos dahil pumapasok ako). Gumastos ako para makapunta sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan (to add to my Tour Belt). Ngaun, may pinag-iipunan ako para i-donate sa CRIBs Foundation, isang bahay ampunan (kung sinong interested jan, kontakin ako, hehehe).

Again, hindi masama na magsuot ng havaianas, o magpagupit sa bench fixx instead sa f-salon. ang point ko lang, you have a deeper obligation to yourself to balance the material aspect with something more profound. and we all have at least a little social responsibility.

hala.

anu ba yan. kung ano-ano na ang na-ikwento ko dahil sa Islander kong tsinelas. Pero it really takes a lot of Kapal ng mukha at Tibay ng pagkatao to wear it in Starbucks (which i did last january 4, hahaha).

Kapal ng Orig. Tibay ng Orig. (uhm, makakakuha kaya ako ng endorsement revenue d2? hehehe).

-------------
oi, seryoso ung alok ko sa Cribs Foundation ha. sinong gustong magparticipate, message me. n_n

Thursday, January 8, 2009

The Party Animal

Hindi ako magra-rant. At hindi rin ako magse-sermon. n_n

It will be just my personal, biased, preference for the person i'm going to date (and my 2x a week blog quota).

Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng "Zero Dating for One Year Goal" ko, i can't help not to scan dating sites (g4m, downelink, friendster, multiply - jan lang ako may account) of possible guys to date. hahaha. A large number of people in those site however have one characteristic na hindi compatible sa 'kin.

The Party Animal

Nag-search ako sa wikipedia kung saan nagmula ang concept na party animal. pero walang kwenta ang result. Sa thefreedictionary.com sinabi na ang party animal ay isang tao na sobrang hilig magparty, at s/he goes to as many as possible.

Maraming party animal na proud. Makikita mo sa website nila that they "Live to Party" at "Work Hard and Party Harder". i'm not going to say its bad or its wrong. katulad nga ng sinabi ko sa taas, it will be just my personal biased preference.

You see, meron na akong isang daga (named - Mikki) who outlive two of his partners, isang myna bird (named BabyLoves) na lagi nag-che-cheer sa brother ko pag naglalaban kami sa videoke, isang askal na gray puppy (named BluEyes) na obviously kulay asul ang mata, 4 na nameless goldfishes na lumalangoy with a sharkfish and a janitorfish. (and R.I.P pla kay Fluffy and Fliffy, the two bunnies which one was helplessly devoured by a neighbor's dog, and which the other died out of grief).

our house is practically a zoo (not that i count myself as a monkey), and something tells me that adding a party-animal doesn't sound appealing.

Hindi ko gusto ng partner na uubos ng sahod sa isang party (na kahit scraps ng chichiria walang madadala para kay Mikki), napapaligiran ng taong bangag sa coccaine or ecstasy, at uuwi ng lasing, susuka at magkakalat, matutulog maghapon, at iritable pag-gising.

I admit i experience that (except the drug and smokes). I admit it is nice. Addictive.

Pero tulad ng isang pagkain, Partying is the icing on a cake. Matamis. Pero hindi nakakabusog. Mapapasayaw ka, mawawala sa sarili, sa ingay ng musika, but it deafened the silence of your Soul. Maraming kulay, liwanag, at mga mukhang maganda sa paningin, but it blinds you to the beauty of sunrise, or the smiles of the people who truly matters.

O siguro talagang probinxano lang ako at heart. Pero i still hold on to my preference. Ok lang ang gumigimik, pero ayoko sa gimikero. I already have lots of animals.

Who would need a high(er)-maintennance one?

n_n

Monday, January 5, 2009

Bagong Taon ay Magbagong Buhay

Break muna tayo sa "Basic Rights" Series. For the benefit of those whose missing Kwentong Miko, eto na muna. n_n

Bagong Taon (Trivia muna)
Yes, you might say i'm joining the New-Year-Whatever (resolution, goals, etc.) pero parang ganon na nga. Traditionally, dapat March ang New-Year-Whatever dahil nung unang panahon (Old Roman Calendar), March ang start ng Bagong Taon (kaya ang September ay pang seven, ang October ay pang-eight, and so on and so forth).

Nang mamuno ang mga consul ng Rome, pina-uso ni Julius Caesar ang Julian Calendar nung 47BC. Ginawang unang buwan ang January (na pang 11 month dapat). At nang mag-expand ang West, pati ang ibang parte ng mundo ay nagpa-uto na ang New Year nga ay January 1. Taong 1600 nang makigaya ang Scotland, 1700 naman nakisali ang Russia at ang pahuli-huling bansa na naki-uso ay ang Thailand nuong 1941.

Miko's New Year Traditions
Required sa family ko na mag-spent ako ng New Year sa bahay hangga't hindi pa ko nag-aasawa. At dahil hindi pa legal sa Pilipinas ang magpakasal sa mga pinalad na taong katulad ko, mukang i'll be spending every New Year with my family. hehehe.

Isa sa personal tradition ko ang paggawa ng Dreams List o listahan ng mga pangarap. Usually, i maintain a 100+ Dreams per year. Ito ang mga bagay na gusto kong mabili, mga lugar na mapuntahan, o mga eksena na gusto kong ma-experience. Some are grand (magkaroon ng sariling building) and some are trivial (matulog sa damuhan ng isang restricted area hehehe). Some are long range (own 3 business before i turn 30) and some are almost routine (4 campings this year).

Last year (2008), I made a lot of progress. Mejo umangat ng konti ang Net Worth ko. I finished one semester earning valuable knowledge (wala akong paki sa grades, hehehe, mas mahalaga ang natutunan). I added two never-been-to places (Pangasinan and Cabanatuan) on my Tour Belt. and finally "coming-out" to my father (more on that next time) for my Family-Related Area. hehehe.

Partial List of 2009 Dreams
1. Start Dating. This year, matatapos na ang ZERO DATING GOAL yyuuhhhuuu!!! wwaahhh. nakakaiyak. hahaha. konting buwan na lang ng pagtitiis. hahaha. yung mga naghihintay jan (kapal), get ready na. hahaha.

2. Publish 4 Magazines. hehehe. eto part job, part personal. n_n I will do my best to publish magazines catered to specific group.

3. Raise net worth 20% of current value. hala. hahaha. this is on business side. hehehe, para may bala pag nakikipag-date

4. Four campings. Naka dalawa lang ako last year. gusto ko apat for this year. and in related area, i will add another (at least) 2 places on my Tour Belt. hehehe

5. Put up a non-profit org to develop business proficiency of some college students. hahaha. baka sa susunod, world peace na. hahaha.

6. Blog at least 2x a week!!! sorry sa mga uber-delays. pero i'll do my best talaga to post more often now.

well, that's all for now. secret na ung iba. hehehe


till next time na lang ulit. belated happy holidays!!! cheers!