Monday, August 18, 2008
Kissing Dating Goodbye
Oo na, sige, aminado na ako, I’ve been a serial-dater. But most of what I had were just casual dates. Meet-ups lang. Friendly getting-to-know convertsation. It doesn’t always end up in bed, but some serious ones began on it. Hehehe.
Isang guy sa multiply ang nagbansag sa akin na I’m an elimidater. And for the umpteenth time, sorry uli. Hindi ko talaga sinasadya na pagsabay-sabayin i-meet ang pang 7:30, ang pang 8:00, ang pang 8:30, etc nang 10:00pm when I visited your city. Nagkataon lang talaga na naextend ang pinapagawa ng boss ko. And knowing na I had to flew back by morning, kailangan ko talagang magpokus on who I want to spend that entire night with. Hahaha. (ouch, I’m already saying sorry, no need to stomp on my tail everyone).
But times do change. At sa maniwala man kayo o hindi, may mga gabing nagpapapuyat sa akin ang Little Voice, telling me to seek personal growth, and that having a hard-on doesn’t count.
This same pesky voice had been annoying me since time immemorial. Na kesyo mas maganda daw at normal ang gumising ng 6:00am kesa magsimulang matulog. At mas productive nga naman na i-spend ang 90% computer use sa work kesa magsurf/chat sa dating sites. Na mas healthy ang ratio of 4:1 ng food vs beer kesa other way around.
At dahil kakatapos lang ng 2nd Longest Dating ko (staggering 13 months), which frustratingly ended badly, I think its about time I listen. And so, I come up with this project I will go into details on my following posts. Antagal ko na rin namang hindi gumagawa ng series.
I know this project won’t get me a Noble prize, lalo namang hindi ako magkakaron ng ginintuang hoola-hoop sa tuktuk ng ulo ko. Definitely somebody will throw irritating insults and dubious laughs. I don't care. I just think, somehow, that this quote really matters:
“Plant your own garden,
And decorate your own soul,
Instead of waiting [seeking] someone
To bring you flowers”
-------------Veronica Shoffstall, After A While
Hehehe, kaya for one year, I will do just that. Mag garden ng self. Sana after, I can find that guy who I can annoy for the rest of my life with.
Wish me luck! =)
-------------
Originally posted in Kwentong Miko in Multiply and being continued here.
Monday, August 4, 2008
What's In a Name, That Makes It a Rose?
My given name is Michaelle S. Legaspi. Yes, mukang Michelle ang spelling I’ve been jested on this countless times. Gusto daw kasi ng parents ko na Michael ang pangalan, pero malas daw ang 7 letters sa panganay na anak (according to my granny) kaya dinagdagan nila ng extra two letters. Upon further analysis, I found that etymology of Michael rooted from the name M’HaEl literally means “Who as God” Remember Michael Archangel? Most angels end with EL in their names like Gabriel, Uriel, Zepkiel, etc. Since meron extra “le” sa pangalan ko, hehehe, I have the balance between the angel and the devil.
Nung bata ako, “King” ang palayaw ko. Hindi ko pa natatanong kung bakit ganon ang tawag sa kin ng tito at tita ko. May tumatawag sa kin ng “Mike”, meron “Kel”, at “Mikee (mayki)”
Sa academy, tinawag naman akong “Legs” dahil sa apelyido ko. Then may tumatawag sa kin na “Raguel” (meaning tagapaghiganti ng Panginoon) dahil sa isang mahabang kwento ko tungkol sa isang detective angel na si Raguel ang bida. Then Raistlin naman ang tawag sa kin ng mga kalaro ko ng roleplaying games.
I have this close friend na sa six years naming pagkakaibigan ay samu’t-saring pangalan na ang tinawag sa kin. Tinawag nya akong “chopstikz” dahil ang payat ko daw. Tapos pinalitan nya ng “caterpie” dahil takot ako sa bulate. Pagpinaparamdam nya sa kin ang pagiging kuya tuwing pagagalitan nya ko, tawag nya sa kin ay “mi-ke-li-to” na lagi pang may nauunang “hoy”. “Hoy mikelito, ayusin mo nga buhay mo!” Hehehe. Ang latest na tawag nya ngaun ay “badz”. Don’t ask.
With all the names I had, yung ngaun ang pinakagusto ko. Miko. Ito ang tinawag sa kin ng boss kong japon dahil meron ng “Mike” dito sa opisina. Miko rin ang character ko sa online game na KHAN. At ang religion ko eh “mikology” (more about that next time).
So remember it. Miko. Yan ang pangalan ng future boyfriend mo.
Toinks!