Thursday, January 24, 2008

I Got Lost In Your Eyes

Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala.  Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin.  Basta patuloy akong makakita.

 

Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata.  Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako.  Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka.

 

Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila.  Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin.  Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook.  Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe.

 

Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan.  Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila.  Makikita rin kung sila ang merong itinatago.

 

Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan.  Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes.  Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa.

 

Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal.  In most ways its brighter… and calming.  At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya.

 

'Cause there's somethin' in the way

you look at me
It's as if my heart knows

you're the missing piece
You make me believe

that there's nothing

in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way

you look at me”

-------------Christian Bautista, The Way You Look at Me

 

O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn.  Nyahaha.  Till next time na lang uli.

 

=)

Tuesday, January 22, 2008

Y Blog?

Ano bang meron sa Blogging? 

 

Bakit sa kalamigan ng madaling araw tulad ngayon ay inilalatag ko sa word processor ang isang piraso ng aking utak para ibahagi sa sinumang sinawimpalad na babasa ng sinulat ko?

 

Maraming rason, maliban sa pagbebenta ng mamahaling bags, gamot na pampaputi, mga cute na alagaing hayop o panandaliang aliw.  At mayroon pang mas makabuluhang blog kesa pagsagot ng sari-saring personal survey.

 

To Feel

Sumusulat ng blog para magpa-impress sa mga mambabasa na kaya kong magtipon ng basura at sa kada 100 na reader, may tsansa na may 1 magkokomento ng paghanga.  Sa papuri na yon, parang bata akong maadik sa kendi at muling magsusulat ng panibago. 

 

Write -> receive comment -> feel good -> write again.

 

Paminsan minsan, tuwing magkukulay bughaw ang buwan at mag-aalign ang mga planeta, may isang taong gugustuhing makilala sa personal ang writer ng isang blog, at sa mas rare na pagkakataon, isang super sexy at uber hot na chick/rooster ang makakadate ko. 

 

Dito ako magsisimulang magkakaroon ng sariling buhay at madalang ng makakapagblog.  Saka lilipas ang matamis (o mapait) na karanasan, magpapahinga sa totoong mundo, magbabakasyon sa cyberspace upang isaad ang karanasan para sa iba.

 

And that’s another purpose of blogging –

 

To Share.

Sa iba ay quotes, sa iba ay jokes, sa iba ay larawan ng kinababaliwan nilang pornstar.  May nagbabahagi ng sariling karanasan, mayroong nagkukwento ng karanasan ng iba.  Meron din namang mag-aari ng gawa ng iba.  Orihinal man o imitasyon, maganda man o negatibo ang layunin, ang resulta pa rin ay ang makapagbahagi. 

 

Anong paki ko kung hindi ikaw ang sumulat ng joke, o kaya nagcompose ng essay.  So what din kung ni-repost mo ang blog ko at sinabi mong gawa mo (papakulam na lang kita, hehehe).  Basta alam ko, nag enjoy akong basahin ang blog, na nakaibsan ng konti ang paghihirap sa mundo.  O kaya nakapagturo ng isang bagay na makakatulong sa hinaharap.

 

“Our lives are connected

by a thousand invisible threads,

and along these sympathetic fibers,

our actions run as causes

and return to us as results."

------------- Herman Melville

 

To Grow

Sa mga pagpapalakas ng loob at papuri (kritisismo), sa pagtanggap at pagbahagi ng karanasan, umuunlad ako bilang manunulatbilang Miko. 

 

Maraming parte sa akin ang nalilinang (kahit puro porno ang ina-upload ng iba jan, hehehe), at ang buhay ko ay nagiging makulay (hindi lang dahil sa sabaw ng gulay.  Hala, kakorni.  Hahaha). 

 

 

Bilang pagtatapos, ang blog na to ay pasasalamat.  Sa mga nagpadala ng mensahe na nami-miss nila ang writings ko (dahil paborito nilang okrayin) at kahit sa mga lurkers na pasilip-silip lang (hoy, magkoment naman kayo, hehehe, even a stumbling speech may strengthen a weak tongue, mga banat.  Hahaha). 

 

Kayo, bakit kayo nagblo-blog?