"Miko - proud at naniniwalaang ang utot ay nakakapagpatibay ng bonding sa nakakaamoy at umuutot
Jecky - garapal umutot na kahit alam na ng lahat na sa kanya galing ang tunog, todo deny pa rin at ibibintang pa sa iba.
Juls - bumubula pag-umutot dahil kung ang iba ay napapaihi pag lumusong sa beach or pool, sya naman ay nagpapasabog.
Peter - mahiyain ang utot dahil ang hina ng tunog at bahagya syang ngingiti sau na dadaig kay Mona Lisa.
Brent - nasa loob ang utot."-------------Miko, Observations on Personalities
Pero kahit na grabe ang pagkakaiba ng mga personalities namin, nakuha pa rin naming magsama-sama ng matiwasay (marahil sa regular bonding session na nilalabas ko). Our friendship was tested more than a dozen over. At ang pinakahuli at pinakamatindi ay ang away namin ng bestpren ko. Hindi ko kasi kinaya ang sinabi sa kin ng dina-date ko after i came back from an overnight business trip.
"Hindi na kita kayang pakisamahan... mahal ko na ang bestpren mo... hihintayin ko sya dahil sabi nya, mahal nya ko"
------------W, Mga Pamatay na Pangbasted
Siempre, ang sakit nun, nakakapraning. Pero wala namang masyadong nagbago sa min ng bestpren ko. Nilagyan ko lang ng "a" ang bestpren kaya naging beastpren, blinock ko lang sya sa cellphone ko, at ineedit ang pictures na kunyari ay nakikipagsex sa baboy para ikalat sa internet (hehehe, joke ko lang ang huli, hindi ko naman tinuloy).
Pero after 3 months nga, back to normal na kami. Breathe in Breathe out lang. Parang walang nangyari. Parang na-ututan lang, magagalit ka sa simula, then makakalimutan mo rin. Tamang kulitan at asaran uli.
Isa yon sa natutunan ko sa mga bata. Kahit lokohin, pagalitan, paluin... after ilang saglit lang, ok na. Madali silang magpatawad, then tatawa na pagkatapos.