Wednesday, September 27, 2006
Patay Tayo D'yan
During lunch time, napag-usapan namin ng parents ko at isang tita ang impending doom ng lola ko. She have breast cancer and undergoing chemotherapy sa US. Sabi ko sa parents ko, "sakto, isa ito sa mga paborito kong topic habang humigop ng sabaw at ngumunguya."
so casually, we talked it over. nothing anyone here in the philippines can do anything about it, other than praying that is. and since my religion is mikology, death for me is as natural as birth, pagkain at pagtulog. hindi sensationalized, pero meron pa ring celebration tulad ng lamay at libing.
Don't get me wrong, I love my granny, she's really cool. just last year, nakipaglive-in sya ulit sa dati nyang boyfriend (she outlive her two previous husband, including my granpa). Now that she's dying, magpapacute daw sya sa min and would like to talk about funeral arrangements.
Kaso, mahal ang overseas call, kaya kami na lang daw ang magbrainstorm dito sa pinas, at i-email na lang namin ung mapag-uusapan.
Personally, hindi ko alam ang taste ng granny ko sa magiging lamay nya, at
kung malaman ko man, for sure, magkaiba kami non, mejo classical kasi sya and that's too old-fashioned for me. So, i just told my family what I want to happen when I die.
#1. Gusto ko, cremated ako sa lamay pa lang. Nakaka-concious yata ung pagtitinginan ka ng tao habang nasa kabaong. Baka mamya, mang-okray pa sila. I don't wanna hear "Tignan mo oh, lalo syang pumayat" or "Hindi yata marunong ung make-up artist" or such things, di ba. Another reason kung bakit cremated, takot kasi ako sa bulate.
Iniimagine ko pa lang na pinapapak ako ng maggots, nnggiii, nakakakilabot.
#2. Maintain proper decorum. Ayoko ng may nagyoyosi malapit sa kin, everybody knows i hate smokers near me. Ayoko din ng may pasugal. Lamay ko po ung pupuntahan nila, hindi casino. Nagreact naman si mama ko, "bakit pa maglalamay eh nasa garapon ka na naman". Sabi ko, "Duh, siempre kahit nasa garapon na ko, meron pa rin dapat despidida, a farewell party that they won't forget!"
#3. Guest must enjoy their visit. Mahilig akong maglaro at magmagic ng baraha kaya dapat readily available ang playing cards para walang dull moments. Sa huling gabi ng lamay, ipapalabas ung Goodbye Video ko. Korny na kasi ung death letters.
#4. Ayaw ko ng may papalahaw ng iyak (mom, this is for you). Takaw eksena kasi un, dapat ako ang bida. sabi naman ng mama ko, "Nye, pano kaya un kung gusto ko umiyak ng malakas." i said, "Ma, nakakahiya kaya yun. Baka isipin ng ibang tao, namatayan ka ng anak." sabi nya, "Toinks!"
That lunch took 1 and half hour to finish, but we all know we accomplished something =)
Friday, September 22, 2006
Bwisit na Baha.
Konting ulan, baha.
Yan ang buhay dito sa Manila. At mukang nagkasundo ang kapalaran para pahirapan ako ng konti. Ang tinutuluyan kong lugar ay hindi pinapasok ng padyak (tribike/sidecar) kaya wala akong choice kundi sumuong sa baha papasok sa opisina.
Wearing polo, black jacket, silk necktie, itutupi ko ang slacks na pantalon at magsa-sandals (hindi pwede flipflops, baka humulos sa paa ko) para maglakad sa bahang hanggang tuhod.
Minsan, maraming naastigan sa pormang yon. They think its kinda heroic for a guy na tiisin ang ganong discomfort for the sake of his job. Biruin mo, ilang mapanganib na bagay ang haharapin mo tulad ng open manhole at lumulutang na patay na daga (i don't know which is more dangerous, certainly the latter is way more frightening).
I walked from my place hanggang sakayan ng jeep malapit sa La Salle Taft. Pansin ko na maraming tumitingin hanggang sa loob ng sinakyan kong jeep. Maybe i look cool wearing corporate uniform, a little wet, smiling a lot, looking that i don't mind the weather, the flood, or the rest of hassles. Yung dalawang estudyante, nagbubulungan pa. Halata naman ako ang pinagbubulungan.
"Let the stormy clouds chase
Everyone from the place
Come on with the rain
I've a smile on my face
I'll walk down the lane
With a happy refrain
Singing, singing in the rain"
-------------Jamie Cullum, Singing in the Rain
Hindi ko sila pinansin. Pagbaba ko, sinabi sa kin ng isang mamang nag-aabang sa go signal ng stop light:
"Brod, bukas zipper mo."
-------------Mamang Nakayellow w/ stripes, Conversations w/ Strangers
WWWAAAAHHH!!! Bwisit!!! Bakit pa nagkaroon ng Baha!!!!!
Friday, September 15, 2006
History of Helmet
Isang kaibigan ang nagdudusa ngaun sa bigat ng kanyang problema. Dahil daw nagmomotor sya sa byahe papunta sa trabaho at pabalik sa bahay, nakakangalay daw sa leeg ang helmet. And since hindi lahat ay may kapasidad maunawaan ang kadahilan ng ulo ng kanyang pagdurusa, nagtanong sya kung para saan ba tong helmet.
Ito ang sagot ko, ayon sa masusing pananaliksik:
History of Helmet
Ang mga Assyrians at Persians nong unang panahon ang gumamit ng helmet. gawa sa balat ng hayop at konting bakal ang komposisyon nito. nong panahon kasi na yon, uso pa ang pag-ulan ng pana mula sa karatig na bayan, at hindi sapat ang payong para sa kanila. At dahil sa fashion sense, nabawasan ng nabawasan ang leather at napalitan ng metal.
Maraming pinauso ang Romans na design ng helmet, merong panglegionaire, me panggladiator. Mayrong gawa sa tanso, sa pilak at
kahit ginto. Kung may basehan ang RPGs tulad ng final fantasy sa helmet na
gawa sa diyamante, perlas at kung ano pa, walang nakakasigurado.
then, nung sumikat ang japanese action series (bioman, maskman, fiveman etc.) nagkaron ng major improvements. mas nagmukang astig ang helmet, mas naging trendy. sa sobrang ganda ng helmet, ang mga japanese superheroes ay nagsusuot nito habang lumalaban, nagpopose for a group picture, at kahit nakasakay sa enclosed-hard-armored ultra-weapon-powered car, jet, submarine o kahit nasa loob ng sasakyang humuhukay sa lupa.
then naisip ng mga talent managers at show producers na magastos ang mga 5 men team superheroes. dahil kadalasan, bibigyan mo ang bawat isa ng kanya-kanyang sasakyan (na dapat pang magbuo ng isang malaking robot). so nagcost-cutting sila at ginawa si shaider, mask rider black, etc. at dahil soloist ang mga bagong hereos na to, motorbike na lang ang binigay sa kanila.
nakarating din sa west ang mapormang style ng helmet. kahit na merong impenetrable magnetic force field, naghehelmet pa rin si Magneto. it really makes him look cool!
siempre dahil nakikita sa tv, maraming taong gumaya. bumili rin sila ng helmet para magmukang astig, o para hindi makikilala pagbumili ng gulay for dinner. hindi kasi magandang sumakay sa motorbike tapos may bitbit kang basket na may patola, kamatis at talong.
nagsimulang pumasok ang helmet sa mainstream product. tapos ginawa ng marketing department na iinclude ang bonus na safety factor para makumbinsi ang ayaw sumunod sa uso. nagboom ang helmet industry. naging "in" na ito sa masa,
then the world push for laws requiring every motorcyclist to wear helmet.
at dahil ang mga tao ay natural ding pasaway, merong mga anti-helmet group. pero justified naman ung reasons nila. dahil nga ang pangalawang purpose ng helmet is to conceal identity (ang una para magmukang astig), ginagamit na rin ng mga villains ang helmet katulad ng mga superheroes. Kaya sa Pagadian City, Philippines ipinatupad ni Mayor Samuel Co ang executive order #72 ukol sa Helmet Ban. Ayon kasi sa lokal na pagsusuri, ang mga snatcher, carnappers, kidnappers, dognappers, redsnappers, hired killers at kung ano-ano pang masamang elemento ng mundo ay nakahelmet when doing their evil deeds. tsk. hindi nila naisip na with great helmet comes great responsibility. Ngaun, pati ang karatig siyudad na Dipolog City ay pinag-iisipan na rin mag-join sa "Helmet Ban".
Sa ngaun, hindi pa rin tapos ang istorya ng helmet. Panahon na lang ang makakapagsabi kung ano ang kahihitnan nito, at ang magiging epekto nito sa pang-araw araw nating pamumuhay.
Labels:
factsandfigures,
humor,
kwentongmiko,
statistics,
trivia
Wednesday, September 13, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)