Tuesday, November 25, 2008

Trip 3 - Involving 2 Similar Missions on Same Day, Just few hours apart

Start:     Dec 18, '08 10:00a
Location:     Manila, then Q.C.
Well, I don't wanna elaborate
kung ano ang business trip ko,
just putting the date here
para if and when you ask me out,
ma-confirm mo kung free time un
hahaha.

kapal muks
basta priority ang mga missions,
i can't disclose what those missions are
if i tell you, i have to kill you,
hahahaha

for no one in particular

Trip 2 - Involving a Japanese Representative and some gifted childrens

Start:     Dec 6, '08 5:00p
Location:     Malate
Well, I don't wanna elaborate
kung ano ang business trip ko,
just putting the date here
para if and when you ask me out,
ma-confirm mo kung free time un
hahaha.

kapal muks
basta priority ang mga missions,
i can't disclose what those missions are
if i tell you, i have to kill you,
hahahaha

for no one in particular

Business Trip

Start:     Nov 28, '08 10:00a
Location:     Bataan
Well, I don't wanna elaborate
kung ano ang business trip ko,
just putting the date here
para if and when you ask me out,
ma-confirm mo kung free time un
hahaha.

kapal muks
basta priority ang mga missions,
i can't disclose what those missions are
if i tell you, i have to kill you,
hahahaha

for no one in particular

Sunday, November 23, 2008

The Right To Grow

Ito ang Unang Right, but it doesn't mean other (following) rights are inferior. Check this Preamble for intro, continue reading for explanation of this right.

Both partners must allow
Each other the freedom to grow
Even that freedom
Is a threat to the relationship

Pag pinipigilan ng isang partner na makamit ang fullest potential ng other party, pinapakawala nito ang pinaka “undermining force” sa isang relationship. Parang sinasabi nya: Dapat kang manatili kung sino mang gusto ko na maging ikaw. You must always stay the same. Ang purpose mo sa buhay ay kung ano man ang tingin ko dito. And your growth is a threat to me.

Ang paglalagay ng restrictions sa pagyabong ng kapareha mo ay isang malaking pagkakamali. Relationship should be a place where two people share the experience of helping each other become more than they were when their relationship started. Hindi ito kulungan. Hindi hostage ang partner, at hindi ransom ang Love na ginagamit na kondisyon as long as the other party stays the same.

And loving is not just permitting, tolerating, understanding and supporting. Sabi nga ni St. Exupery, “love is leading you gently back to yourself”. You should love NOT ONLY what the other is, but also what he can BECOME.

Pag naramdaman mo na may parte ka ng sarili mo na gustung-gusto mo pero napipilitan kang itago sa partner mo, then the relationship is in serious trouble. Hindi ba masakit, ang masabihan ka ng kapareha mo na “Pinigilan mo akong maging Ako.”

Threatening man sa simula, helping your partner grow and find himself always makes a relationship stronger. Ang partner ay magiging less dependent and less possessive. Mananatili sila sa relationship kasi gusto talaga nila na magsama. Kahit na malaya at may karapatan sila na magtagal o umalis, pinili nila na manatili and to grow old together.

-------------
For R.M., hindi ako in-luv, hehehe, just sharing what i have that you want to learn. Photocredits to imShrimp from deviantart.

Friday, November 21, 2008

Basic Rights - Preamble

Wala. I surfed and checked, pero hindi ko makita ang hinahanap ko.

Siguro nabaon na sa limot, or possibly outdated na at hindi na applicable sa ngayon. But I don’t want to lose it in antiquity. Kahit for record purposes lang, gusto kong ma-retain ang mga concepts na ‘to.

I’m talking about the “Basic Rights” sa isang relationship. Hehehe, being single, I know I’m not in the position to discuss these things. Nevertheless, I believe the messenger is not important, only the message.

There are Ten (10) Basic Rights in a Relationship. I will discuss nine, and hope everyone will find out the tenth without me telling it. n_n It will be in a series, starting with this preamble.

So, letsgedidong!

Everyone's Basic Rights

Lahat tayo tao (maliban sa iba jan, joke!) and that simple fact makes us heir to the noblest aspirations, basest instincts, ang ma-attract sa kagandahan, potensyal na manakit o gumanti, at ang kapasidad na magmahal at magsakripisyo.

Lahat tayo ay ipinanganak ng may pare-parehas na karapatan. At atin ang karapatang ito whether we assert them or not, mag-isa man o meron tayong karelasyon. Ito ay natural na karapatan, and our claim to them is our life itself at ang paniniwala natin sa pagkakapantay-pantay. Our right to express and satisfy our rights always depends upon our respect for the rights of others.

Hindi mo pwedeng pwersahin ang isang tao na isuko ang karapatan nya, kahit minsan, nasusukol mo sya. Ang tao lang na pwedeng magsuko ng karapatan ay yung taong nagmamay-ari nito. Ang pagsukong iyon ay dapat panandalian lang. Isang part ng “give and take” sa isang balanseng relasyon.

Pag tuluyan nating isuko ang karapatan natin para sa ibang tao, we only violate ourselves, become less of a person and in the end undermine the relationship itself. Laging may bayad ang pagsuko ng karapatan. At kung isinuko mo ito ng hindi bukal, o napwersa ka lang labag sa gusto mo, kadalasan meron lihim na hinanakit. It’s a pain that always comes from giving away a part of ourselves we need in order to feel like a complete human being.

Ang matagal na kinikimkim na hinanakit dahil sa natapakang karapatan ay nagiging lihim na negatibong pwersa na naghahanap ng paglahad. Dumadaloy ito sa relasyon, kumakapit sa mga walang kwentang pagtatalo, pinalalaki ang maliit na galit at dinudungisan ang anumang maganda.

Ang mga karapatan sa isang relasyon ay ang parehas na karapatan na tinatamasa mo bago mo pa man nakilala ang kapareha mo. Hindi bina-bargain ang karapatan. They simply exist.

Isa sa tungkulin ng relasyon ay makilala at maprotektahan ang karapatan ng bawat isa.


-------------
Pahinga muna ang kwentong miko, hehehe, lets talk about L-O-V-E para meron tayong ibigay sa pasko. n_n Thanks to R.M. for inspiring me to write this, and photocredits for fading-lily from deviantart.