Monday, November 13, 2006

Mikology 101

Ang unang God-Concept
na na-form sa akin ay ang Christian God.
Hindi naman ako nagsisisi
Dahil kung sa Hindu country ako lumaki
Baka ang nasalin sa aking God-Concept
ay isang kulay bughaw na Elepante.

Nangyari lamang na dumating sa buhay ko
ang stage na tinawag kong Unlearning.

Now, I look at Books, including the Bible
without a preconceive notion that "God is Good".
I search the contents of the Message
with a question in my mind "Who or What is God?"

Thus I become a Seeker.

Hindi po ako miembro ng anumang relihiyon
na nakakasigurado ng nakaraan at ng hinaharap
ayon sa aklat na kanilang nabasa
at sa itinuro ng kanilang pastor.

Totoo bang may Diyos
At mabuti ba sya?

Hindi ko alam.
Immortal ba ang Tao?
Hindi ko alam.

Pero intensyon kong alamin.

Hindi lang po Biblia ang binabasa ko
Tinitignan ko rin ang Soul Concept ng Buddhism
O kaya ang kawalan ng God Concept ng Atheism
Maski ang Nonantropomorphical God ng Paganism

Nagtatanong ako
"Bakit ako maniniwala na ang tao ay mula sa alikabok,
at hindi nag-evolve mula sa apes?"
Nag-iisip ako
"Kung ang konsepto ng Diyos sa Hustisya
ay iba sa konsepto ng Tao,
Maaari kayang iba rin ang konsepto ng Diyos
Sa langit, impierno, kaligtasan, kaparusahan at iba pa?
Kaninong interpretasyon ang nararapat tanggapin?
At ano ang basehan?"

Pagbabasehan ko ba ang agham, lohika at pilosopiya?
O ang sarili kong pamantayan ng tama at mali?
O isa sa mga sinaunang aklat?
O sa taong humihiyaw, umiiyak at minsa'y kumikisay sa harap ko?

Marami pong katanungan
na hinanapan ko ng sagot, ng may sinseridad.
Hindi ko inaasahan lahat ng tanong
ay masasagot,
At kung paparuhasan ako ng isa sa mga Diyos
Dahil nagduda ako sa kanya,
Matatanggap ko yon,
Kesa naniwala ako unang taong nambola sa akin.
-------------Miko, Comment on Blogs
Originally posted on Peledik's Site


Friday, November 3, 2006

I'm back!!!

It's been awhile since i last blogged.  my whole month of october was uber busy.  here was my sked:

"Oct14-15: Camping w/ JP in cavite; Visit Mommy elma
Oct16: Monday Bowling till 9pm, dinner in makati for Mommy emma's bday
Oct17: Practice Photography with Khaito
Oct18: Date ***
Oct19: Gym Session, Rest naman
Oct20: Friday Bowling till 9pm. BNDC Haus Party
Oct2-22: Monthly visitation in Bataan
Oct23: Monday bowling till 9pm
Oct24: Report preparation
Oct25-29: Business trip in Bacolod
Oct 30-31: Cas Wedding in Bicol (practice hosting, photography, event coordination)

kung ito-total mo, ang araw ko (afterwork ha) ay nai-spend sa business practice (12%), extra work (27%), social (18%), family (12%) physical (23%) at lovelife?(8%) for the 2nd half of october."

-------------Miko, Montly Report to Partner

Upon analysis, marami akong nareceive sa schedule ko.  experience points in time management (sana malapit na akong mag lvl up), sari-saring skill points (photography, event planning and coordination, etc), development sa relationships (yup, i believe we're getting closer), 
at financial challenges (wwaahhhh, wala na akong pera!!! hahah)

This month of November will probably be a stage of 
recovery (kailangang magsideline at rumampa uli), reflection (blogging and journaling) at rest (in peace, hehehe).

sa mga naka miss ng blogs ko, fret not, i'm back.
at sa mga hindi, hehehe, lagot kayo, andito na uli ako para magpasakit ng ulo.