Pusang-gala, parang mapapaluha ako, kahapon, March 26, 2009, natapos na rin ang Zero Dating Goal for One Year ko!!!! taena! n_n heheh, ano kayo ngaun?! Kala nyo di ko kakayanin. n_n
Para sa mga hindi ko fans, recent visitors or first timers (bakit ngaun lang kayo) na hindi pa nakakaalam kung bakit ako tinopak na magpursigeng maging single sa loob ng isang taon, check this;
Five Things I Learned From Not Dating by: Lt. Miko Legaspi, PN (Palaging Nagtatago) Task Force Single
5. Maraming Productive Alternatives
Sa pamamagitan ng hindi pakikipagdate, marami ka palang pwedeng mapalang kapakipakinabang na bagay. Nakapaglunsad ako ng isang malaking project (June). Nakapagdesign (september) launched (october) at administered (to present) ng isang website. Nakapagcoordinate ng events (july homecoming, november 3 schools party, january fun run). Nakaattend ng mga occassions (2 lamay at 17 na kasal). Nakapaglibot (november boracay, february japan). nakapagbasa ng 20+ na books. naging president ng isang non-profit org (january to present). nakapagpanimula ng extension service sa 2 orphanage (february). napagbati ang mga naggiyerang bansa, nameet ang mga bagong presidente at napigilan ang global warming (imbento ko na lang yung 3 yun, hehehe).
the point is, lahat tayo ay may 24 hours a day. spending it on something means denying that same Time (and resources and energy) from something else.
4. Maging Matino.
Sa mga nakakakilala sa kin at mga nakakaalam ng “adventures” ko, grabe, anlaki ng pagbabago. Kung dati i have 2 shags a week (na kadalasan pa ay magkaibang tao), naka 4 shags lang ako (total 5 if you consider buko juice as shag) for the past 350+ days! imagine that!!! That is only 3% of my minimal annual quota. hahaha. Ganon ka-effective ang Strategic Plan ko kung pano umiwas. For my guide, visit this.
para sa mga nag-iisip na shag=date, i would argue there’s a big difference, but it merits a blog of its own, kaya hindi ko na ididiscuss on this entry.
3. There is A Stage!
Natutunan ko rin (actually, na-apply ko ang old-aged-lesson) about stages. sabi dito, may mga stages na hinahakbangan ang maturity. like baby stage, puberty, teenage, etc. pagnilampasan mo raw ang isang stage (halimbawa, teenager ka pero super concentrate ka sa trabaho), maari mong naising balikan ang stage na yun kahit hindi na appropriate sa edad mo.
isang example nito ang mga superjutanders na gimik pa rin ng gimik halos araw-araw. tapos sila pa ang mahilig makipag-away pag hindi sila bumebenta. i really think if they want to sell, they should sit on their rocking chairs at home and write novels. hehehe. mean!
in my case, i believe nakagraduate na ko sa Gimik mode. i realized the difference ng gumigimik sa gimikero. kaya nakakapagpadagdag ng pagiging good boy ko (or simpleng workaholic lang), hehehe.
2. Mataas Talaga ang Pride
Isa sa pinakamalaking motivation ko para matapos ang Zero Dating Goal ay ang pride ko. Walang naniniwala (except those na kilala na ko for more than 10 years) na kakayanin kong hindi makipagdate sa loob ng isang taon. Nyehehehe. Who’s laughing now (beaming with pride). n_n
They say Pride is a Sin. pero i don’t think so. Pag hindi ka nakipagbati sa kaaway mo dahil kasalanan nya, that’s pride. Pag hindi ka nakipag-ayos kahit kasalanan mo, that’s arrogance. Pag ngumiti ka kahit nasasaktan, showing grace despite of defeat, that is pride. Pride motivates you to defend your dignity and honor, to keep going kahit alam ng lahat na nahihirapan ka, and to protect yourself sa mga mananakit sau. that is Pride. just make sure you are not mistaking it from something else.
1. Kaya Kong Mag-Commit.
Finally, ito ang pinakamalaking lesson (actually, proof) that i can commit. May mga taong dumating while i’m on my goal. And some of them are really worthy. Yung isa nga, when he arrived, nasabi ko na “syet, ito na yata ang taong makakapagpabago sa Zero Dating Goal ko”. Check this
“There is no chance, no destiny, no fate that can circumvent or hinder or control the firm resolve of a determined soul” ————-Ella Wilcox, Miko’s Kollected Kuotes
Tiniis ko sya, sobra. Ngayon, may bf na sya. Wahahaha! Inggit ako. Pero ganon talaga. By knowing i can resist someone, means that i can do it again pag commited na ako tapos may mga bagong susulpot. My would-be partner will be secured in knowing hindi ako maagaw ng kahit sino. hehehe.
Ang kalaban ko na lang ay inertia. Parang i've been alone for so long i'm comfortable with it. T_T
Pero kailangan na, hehehe. Sino kaya ang idi-date ko?
n_n
------------ this is a repost from my Downelink account dated March 27, 2009 right after my Zero Dating Goal was achieved sorry ngaun ko lang napost d2. hehehe
Office guy by day, student by noon, blogger by night.
Pick your choice of blog to read:
Kwentong Miko is my personal blogs peppered with my twisted views of reality.
Manic Manuals is the Ultimate Guide in life and everything which mainly says "don't take everything seriously".
Click one, you know you want to.
=)