Wednesday, February 25, 2009

May Sakit Ako

Bakit kaya may sakit si Miko?

Climate change from summer to post-winter to summer in such a short time.
 
 3

Lagnat laki lang. It means he is (finally) growing up!
 
 1

Emotion based. Baka namimiss nya yung kainuman nyang kawaii jap guy.
 
 7

Pinaparusahan sya ni God kasi he is a bad, bad boy.
 
 8

I don’t feel well.  Since I return here in Pinas after my 6 days business trip in Japan, parang ang sama na ng pakiraramdam ko.   

Kahit payatot ako, hindi naman ako sakitin.  At alam ko, hindi pa expired yung flu-shots that I took last July 2008 (annual ang effectiveness non).  So bakit kaya mainit ang pakiramdam ko, masakit ang ulo, at naiimagine ko na merong mga mikrobyong sinusunog ng katawan ko (kaya high temperature). At twice, TWICE, ko nang napanaginipan ang patalastas ng Yakult, including the close-up video of live lacto-basilus-shirota strain (tama ba spelling).  Grabe! 

Up till now, hindi pa ako umiinom ng gamot.  I always try to take everything naturally.  Gargle with diluted salt in hot-water.  Drink plenty of fluids.  At puro BJ pa lang me so far (Buko Juice).    Kailangan kong gumaling before Sunday to watch NCC (Cheering Competition).  T_T  

Pero pag di na talaga kaya, desperate times calls for desperate measures:   I would need a strong dosage of Yacapsule, Kispirin at Biogesex!  

Sino kaya pwedeng maging nurse ko.  Hehehe.

Monday, February 23, 2009

Finally, Back from Japan

Grabe, around 4 degrees sa Tokyo.  Tapos sa Kagoshima, umuulan pa.  But still, may mga nacheckan naman ako sa Checklist ko.  hehehe.  (Background song is Summer Breeze by Jason Mraz.  Sobrang na-miss ko ang init ng 'pinas kaya ito ang nsa utak ko nung nasa japan ako.)  Pictures to follow.  n_n

Checklist #1:  See Sakura

Lagi akong nakakakita ng Cherry Blossoms sa mga animè.  Pero pusang-alows, hindi pa season ng sakura nung pumunta ako don, huhuhu.  kaya un, puro mga punong tuyot ang naabutan ko, kahit na sa Sakurajima (Cherry Blossom Island), wala akong nakita.  huhuhu.  Trivia:  Sakurajima ay dating Island, kaso ngaun peninsula na dahil sa pagputok ng bulkan nuong 1916 at pagkabit nito sa kalapit na lupa.
Result:  Failed.


Checklist #2:  Experience Onsen
Isa pang famous sa Japan ay ang hot springs kung saan marami naliligo ng nude.  Hahaha.  Tuwa na sana ako nung nasa schedule ko ang pagligo sa isang onsen sa Sakurajima.  It was a very refreshing experience.  What amusing is, dito kailangan mo munang maglinis (with water and soap) bago ka lumusong sa onsen.  Huh?  Ligo muna bago magbabad?  Yup, that's it. 

Tatlong water baths ang nilusungan ko, ung isa may massage bubbles, yung isa may small electric current (grabe to pramis) at lastly ung maraming minerals like calcium and sulfur.  One of my best experience to, parang nalusaw lahat ng stress ko. 

Result:  Success!!!  Except seeing old jap men naked.  Nggiii, kakakilabot.  Ako yata ang pinakabata don sa onsen (except the 4 year old kid na anak ng isang visitor).  hayz.


Checklist #3:  Visit Shibuya District
I've read from some magazines na ito ang Fashion Capital ng Japan.  At mura pa daw ang mga damit.  Halos lahat daw ng tao dito fashionista.  Hindi ko naman plan na makipagsabayan sa kanila (you all know zero ang fashion sense ko, hehehe).  Gusto ko lang sa mag-picture picture.

Result:  Failed.  Dumating kami ng Tokyo almost 2330H na.  Nagvideoke na lang kami sa Warabi City till morning.

Checklist #4:  Drink Shoucho
I love wines.  Ewan ko ba kung ano kinahiligan ko sa kanila.  Basta, i like tasting wines from different places.  Eh nakatikim na ko ng sake (rice wine) before, so akala ko ok na.  Till I tasted Shoucho (sweet-potato wine).  hehehe.  At ang mixture?  Hot Water.  Parang Gin lang ng 'pinas, pero walang sabit.  sarap. 

Result:  Success!  I brought one back here hehehe.  Sarap nito lalo na pag may pulutan na kilawing tanigue.  yummy!


Checklist #5:  Ride Bullet Train
Proud ang mga Japanese sa mga trains nila.  May mga palabas pa nga akong napanod na many of them watch model trains round and round.  Prang meditative.  Mabilis nga ang mga bullet trains. 

Result:  Success.  Pero when i took one from Kagoshima to Fokouka, mejo disappointing ang views.  Tagos kasi ang train sa mountains and hills, kaya more often than not, wala kang makita.


Checklist #6:  Shop for Souvenirs
Grabe, andami kong gustong bilin.  Mula sa Japanese Fans, some artworks, at kung ano-ano pa.  pero tae, ang mamahal.  Paper dolls nga lang at keychains, almost 300 pesos na.  wala naman akong dalang maraming yen.  Bumili na lang ako ng model magnetic trains for around 1k.  hehehe.  kuripot talaga ako.

Result:  Success.  Considering I shop for experiences, not things.  n_n


Checklist #7:  Drink with Kawaii Japguy

I really lurve chinky eyes.  Di ko alam kung bakit ang lakas ng appeal sa akin ng mga chinito.  Grabe, hahaha.  parang nasa candy store ako when i was in Japan.  Kahit saan ako tumingin, may at least isang cute.  hahaha.  I never thought na may makakasundo ako don, dahil hirap sila sa english.  Till my last night.  hehehe.

Result:  Success.  Hehehe.  I don't wanna give out the details.  Turn off lang kasi supot.  hahahaha.

That's IT!  It basically sums up my whole 6 day trip in Japan.  n_n  sa mga naka-miss sa akin, I'm back.  hehehe. 

Pero wala akong dalang pasalubong ha.

n_n

ja nè



Summer Breeze - Jason Mraz

Tuesday, February 10, 2009

All Work, No Play?




Hayz.
Haggard na ko.
For the past few weeks,
lagi akong lumuluwas ng Manila
para maayos ang papeles ko for my Japanese Trip.
T_T