Monday, June 4, 2007

Pwede ang Pwede Na

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mapag-blog ng madalas ay sa kagustuhang maging 100% “worth reading” ang mga blogs ko. Buti na lang ipinaalala ng katropa kong si Scott Adams ang Golden Happiness Ratio.

“Golden Happiness Ratio
Is about 4/5 or 80% right
Also known as “good enough”
-------------Scott Adams, Good Happiness Ratio


Ang mga nagpu-push thru sa 100% ay kadalasang perfectionist (na kadalasan ay malaking pain in the @$$ sa sarili nya at sa mga tao sa paligid nya). Ang mga nasa 80-90% ay good enough. 70-80% ay borderline incompent at below
60% ay serial losers at environmental burdens.

Sa tingin ko, mas masaya – at mas successful – ang mga taong ok na sa 80%. Ang mga nagpapakahirap na abutin ang 100% ay madalang naman na nako-compensate ang effort nila. Pag nagawa mo good enough, sasabihan ka ng “thank you”, pag nagawa mo the best, sasabihan ka ng “thank you very much” (and I think the two extra word is not worth the additional 20% effort).

Sa trabaho, ang 100% job performance ay nangangahulugan ng kawalang oras sa surfing, chatting, at blogging. This makes me an unhappy/unsatisfied employee at nakakapagpapangit ng work results ko.

Nung nag-aaral ako, 85% na grade is good enough to maintain yung scholarship, pero kung sinagad ko, baka hindi ko natapos basahin ang favorite fantasy book series ko, hindi ako nakasideline sa publishing at hindi ko nadevelop ang super bonding sa mga kabarkada ko.

Imperfection of self also extends tolerance of other’s imperfection. Katulad nung nakaraang sabado kung saan nagkita kami ng bestfriend ko;

“Wow best, you outdone yourself ha.
Nung nakaraan, 1 hour and 20 minutes ka lang late,
Ngaun, 2 hours na!!!
Thank you dahil sa paghihintay sau
Dito sa national Bookstore
Natapos kong basahin ang
244 pages na graphic novel ni Neil Gaiman
-------------Miko, "Bakit ba On Time Ako, Eh Nasa Pinas Naman Ako? Atbpng Tanong"


Yan, sa tingin ko, 80% na tong blog na to. Pwede ko pang i-edit to para maging 85%, pero marami pa akong ibang gagawin, hehehe, kaya pwede na.




Wednesday, May 23, 2007

Famous Last Words

Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby (Click this blog==> "Patay Tayo Dyan").

Pero kahapon ko lang napag-isip isip, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi?

Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito:

"Don't end it like this. Tell them I said something."
-------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist
.

Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring)

"FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!"
-------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist


Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito:

"Consummatum est (It is finished)"
-------------José Rizal, Filipino Nationalist


Ayoko din naman na sobrang pormal:

"I believe we should adjourn this meeting to another place."
------Adam Smith, Political Economist


Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon:

"Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate"
-------------Miko in the wildlife together with a stupid friend
"Sigurado ba kayong red wire ang puputulin"
-------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad
"Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond"
-------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life
"Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?"
-------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball
"Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon"
-------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials
"Sorry, akala ko nasa business trip ka"
-------------Miko na nahuli =P


Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us.

"Last words are for fools who haven't said enough".
-------Karl Marx, Political Economist


Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?




Monday, April 30, 2007

PATAWAd

Nung nakaraang sabado, nag leader-leaderan ako sa Summer Swimming Party ng Tissue Clan kung saan isa ako sa founders (Bakit Tissue?  Hehehe, it deserves a blog of its own).  Madugo ang buhay sa Clan na yun, marahil ay dahil sa ibat-ibang personality ng mga founders, tulad nito:

"Miko - proud at naniniwalaang ang utot ay nakakapagpatibay ng bonding sa nakakaamoy at umuutot
Jecky - garapal umutot na kahit alam na ng lahat na sa kanya galing ang tunog, todo deny pa rin at ibibintang pa sa iba.
Juls - bumubula pag-umutot dahil kung ang iba ay napapaihi pag lumusong sa beach or pool, sya naman ay nagpapasabog.
Peter - mahiyain ang utot dahil ang hina ng tunog at bahagya syang ngingiti sau na dadaig kay Mona Lisa.
Brent - nasa loob ang utot."
-------------Miko, Observations on Personalities

Pero kahit na grabe ang pagkakaiba ng mga personalities namin, nakuha pa rin naming magsama-sama ng matiwasay (marahil sa regular bonding session na nilalabas ko).  Our friendship was tested more than a dozen over.  At ang pinakahuli at pinakamatindi ay ang away namin ng bestpren ko.  Hindi ko kasi kinaya ang sinabi sa kin ng dina-date ko after i came back from an overnight business trip.
"Hindi na kita kayang pakisamahan... mahal ko na ang bestpren mo... hihintayin ko sya dahil sabi nya, mahal nya ko"
------------W, Mga Pamatay na Pangbasted


Siempre, ang sakit nun, nakakapraning.  Pero wala namang masyadong nagbago sa min ng bestpren ko.  Nilagyan ko lang ng "a" ang bestpren kaya naging be
astprenblinock ko lang sya sa cellphone ko, at ineedit ang pictures na kunyari ay nakikipagsex sa baboy para ikalat sa internet (hehehe, joke ko lang ang huli, hindi ko naman tinuloy).

Pero after 3 months nga, back to normal na kami.  Breathe in Breathe out lang.  Parang walang nangyari.  Parang na-ututan lang, magagalit ka sa simula, then makakalimutan mo rin.  Tamang kulitan at asaran uli.

Isa yon sa natutunan ko sa mga bata.  Kahit lokohin, pagalitan, paluin... after ilang saglit lang, ok na.  Madali silang mag
patawad, then tatawa na pagkatapos.


Wednesday, April 11, 2007

The Power Of Tea

*************Parental Guidance for Sexual Content*************

Talagang nag-aalangan akong i-brodcast ang blog na to dahil parang mejo bastos. Alam nyo naman na karamihan ng blog ko ay wholesome at intellectually stimulating (see my Multi-tasking blog for a reference
). But due to an insistent demand sa isang tagasubaybay:

“it not rated naman eh. It’s a scientific breakthrough. It was discovered by dr. miko legaspi of the Institute of Herbal Medicine on Orgasmic Research…”
-------------Z, Message from Multiply Contact


Kaya sa ikakaginhawa ng lahat, eto na ang findings ko.

November 2006: Problem Inflamed
The subject (
miko) is regularly taking his daily dose of caffeinated substance (kape). Due to the inflammatory effects (mas matagal mawala ang mga pimples), termination of inducing the said substance is imperative. Switching to alternative substance will commence on the next experimentation.

December 2006: Solution and Discoveries
After elapsed time of 72 hours upon commencement of inducing the alternative substance (
tsaa) where caffeine is greatly reduced (4:10 ang ratio ng caffeine sa tsaa at kape), there are noticeable effects. As per observation, the trajectory of released spermatozoa (mga hopeful na baby mikos) is much higher with an estimated 8 to 10 inches flight/height increase (ung tilamsik, mas malayo ang nararating) as compared to previous experiences of the subject. This will prompt for further experimentation and comparative analysis.

January 2007: Quest for Truth
Research on related materials commenced. It was found out that the alternative substance (green tea) is rich in catechin polyphenols, particularly epigallocatechin gallate (EGCG). (
hindi ko alam kung ano ung mga yun, o kung ano ang relation nila sa tea at powerful orgasms. Hehehe, ang sarap lang isulat dito sa blog ko). After gathering enough background information, the environment for comparative analysis was set.
     1. Same time of day/night (
bago maligo at bago matulog)
     2. Same location (
sa banyo o sa bakanteng kwarto)
     3. Same porn materials (
magazine o dvd movie)
     4. Same inspirational special someone (hehehe)

The only controllable factors is substance intake where for the 1st 2 weeks coffee will be induced daily and green tea for the next half month.

February 2007: Knowledge Gained



The result is very convincing. After one month of experimentation, the test subject clearly shows development in shooting capacity. (
hahaha, hindi ibig sabihin na mahina akong bumuga dati, mas malakas lang ngaun. Hahaha). For further investatigation, this study will be distributed to other affiliated experimenters (kaya try nyo na, hehehe, para masigurado nga natin kung effective).

-------------

Yan guys, sana me napala kayo.
Now, you have the Knowledge,
Use the Power!!!
Just don’t forget,
“With Power, comes Responsibility”



Tuesday, March 13, 2007

Pag ang Boss ay Lagalag...

Noong una, ang alam ko lang na mahirap ay ang pagpasok ng maaga at pag-uwi ng gabi para laging ready sa iuutos ng boss ko (Japon sya, ang pasok na 9am ay ginagawa nyang 8:20 at ang uwian na 5:30pm ay nagiging 7:30pm). Bilang tapat na alalay, lagi akong nasa tabi nya (kaya, oo alam ko, mahirap magkaraoon ng boss na masipag).

Lalo pa lang mas mahirap pa gang boss mo ay lagalag.

Feb19-21: Cagayan De Oro, Facilitate Ship’s Familiarization.
Feb 21-22: Cebu, Tsuneshi Shipyard Visitation
Feb 23-24: Davao, National Maritime School Assessment
Mar 8-10: Iloilo, School Orientation / Allotee Circle Grand Gathering
-------------Miko, Business Trips


Mukang magandang tignan. Parang WOW! Ayus ang work, always travel.

The problem is, it’s WORK. Pangarap lang ang Island Hopping na bakasyon.

“All work is empty,
Save when there is love”
-------------Khalil Gibran, The Prophet.


Eto ang Resulta ng mga lakad na yon:

Cagayan Trip
Hotel: Southwind Hotel.
     Hindi naman kasing laki ng palaka ang mga lamok, tulad ng mga naeengkwentro ko sa pagcacamping. Still, ask the receptionist to spray mosquito killer in your room before staying there for the night.
Guide: L.N.C.
     The worst. Merong nagpangako sa kin dito sa Multiply na sya raw ang bahala sa kin pag nagpunta daw me Cagayan, kahit um-absent pa raw sya sa school. Ewan ko lang kung gaano kakila-kilabot ang hitsura ko non, that after meeting, bigla syang nagkaroon ng thesis, overnight group study, lolang strikto, at mga kaibigang hindi pwedeng humalili sa kanya para maigala ako sa syudad. Huhuhu. Hindi ko alam ang lugar, hindi ko alam ang dialect, it would be an adventure, but with limited time, gusto ko sana meron akong kasama.
Bottomline:
     Wag magtiwala sa ibang tao para magbook ng hotel. Wag na muling kontakin ang guide. Hehehe.

Cebu Trip
Hotel: Northwind Hotel.
     Hindi ko alam kung nanadya ang kapalaran at parang pinagtugma ang kasunod na pinuntahan kong hotel. At kahit lamang ang Ambassador Suite ng Northwind sa De Luxe Suite ng Soutwind, hindi sila nagkakalayo. Lalo na kung sinanay ka ng boss mo na sa Marriot at Marco Polo pag nasa Cebu ka.
Guide:
     Kung gaano ako minalas sa Cagayan, ang laking bawi naman ng swerte ko sa Cebu. Doon ko personal na nakilala ang pinaka-astig na host (taga rito din sya sa Multiply). Hindi nya ako pinabayaan mula ng sunduin nya ako sa hotel, ilibre ng dinner sa A’s Restaurant (with wine, san ka pa), i-tour sa Top’s (mountain overlooking Cebu, astig!!) hanggang paghatid nya sa kin at sa kasama ko sa airport. Saludo ako sa’yo!!! Siguro sadyang accommodating ang mga cebuano tulad ni Loverboi at Onenightstripper (hahaha, wag haluan ng kaberdehan). Nabansagan nga lang ako ng isa na Mr. Elimidater (pasensya na po talaga!!!).
Bottomline:
     Wag magpaalam sa boss kung saang hotel magbobook, dahil kung hindi sya kasama, titipirin ka. Hahaha. Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam. Hahaha. At sa mga nag-aruga sa kin dyan, maraming salamat. Sana wag kayong magsawa sa kakulitan ko. =P

Davao Trip
Hotel: Waterfront Insular Hotel.
    This one remains to be nice. At me improvement na ngaun. Kung dati ang keychain ng room key ay kasing laki ng plantsa (para talagang iwan mo sa lobby pag gumagala ka), ngaun, key card na lang!!! Laking ginhawa. =) (see my review section)
Guide: Jazmir
     Ayus ang guide, at dinala ako sa mga gimikan. Problema lang ang striktong mayor na nagbabawal ng gimik after 3am(?) I meet a couple of other acquaintances and been rejected (gladly) by someone you think who looks good (layogenic lang pala, hehehe, maganda sa malayo)..
Bottomline: A good one, next time pwede na akong magsolo gumala.

Iloilo Trip
Hotel: Amigo Terrace Hotel
     Maayos naman, just within the standards. Yun lang, walang view (unless mahilig kang tumitig sa malaking sign ng McDonalds).
Guide:
     Ang unang guide, accommodating, pati ang kasama nya, hehehe. Ang pangalawa, nakilala ko na dito sa Manila, kaya relax na ko. Maraming makikita sa MO2 Bar, parang sa Bacolod. Nakakatuwa ang mga higanteng pamaypay.
Bottomline:
     Madaling magpaikot-ikot. Hindi ako basta maliligaw.

-------------

Kaya ngaun, alam nyo na kung saan ako naglalagi at antagal kong nawala sa Multiply. Sa mga naka-miss sa kin, hehehe, I’m back. =)

“Sir? Bacolod? This 16-17?,” wwaaaahhhh!!! Anak ng Pating. Hindi na napirme dito sa Manila!!!
-------------Miko, Conversation with Boss

Tuesday, February 13, 2007

Masaya Akong Pagtyagaan Ka

Matapos ang isang masalimuot na yugto ng buhay ko, dumating din ang liwanag.

Nge. Ang corny.

“He brought all the clouds to my days,
But just like a ray of light,
You came my way one night”
-------------The Jetts, You Got It All


Sa totoo, matagal na syang dumating (bago pa mag June). Matagal na akong humahanga sa kanya… mula sa malayo. Naging mahina lang ang loob kong gumawa ng aksyon, natakot akong mareject.

Lumipas ang ilang buwan at nagkita kami. May kaibahan sya sa inaasahan ko, pero hindi nabawasan ang paghanga ko sa kanya. Parehas kaming nakainom ng sinabi nya sa ‘kin “bakit ngayon ka lang dumating?” bago nya ako hinalikan.

Nakipagkita sya sa kin pagkalipas ng ilang araw. Saka sya nagtapat:

“Nanghihinayang ako sa ‘yo.
Naiinggit ako kay W
Kasi nasa kanya ka na.
At naiinis din ako,
Kasi I had the opportunity
Kaso hindi ko nakita.
Malabo kasi mata ko.
-------------Shaw, Messages


Inamin kong meron akong nararamdaman sa kanya, mula noon hanggang ngayon. Pero tinanggihan ko ang ipinahayag nya. Dahil kahit wala akong “karelasyon” nong panahon na yon, meron akong inaasahang tao na mamahalin ko.

Pero iniwan din ako ng taong yon, sinukuan. At sa pagdadalamhati ko, dinamayan ako ni Shaw.

Alam kong merong karelasyon si Shaw nang mga panahon na yon. At wala akong inaasahan mula sa kanya, maliban sa maging kaibigan.

Pero nalaman kong nagkahiwalay sila ng boyfriend nya. Boyfriend nya na matagal nya ng kapiling. Boyfriend na nakasalo nya sa maraming bagay. Boyfriend na nagsasabing ibibigay ang lahat… na hindi ko kayang gawin.

Miko: Ang laki ng isinusugal mo sa kin. Tsk. Sana hindi kayo naghiwalaw ng bf mo. O kaya pumunta ka sa ibang nagkakagusto sayo. Hindi ko pa alam kung gaano katagal bago ko mabago ang sarili ko para maging karapat dapat na boyfriend.
Shaw: Tumigil ka nga. Isa lang ang alam ko... Masaya akong pinagtyatyagaan ka. Hindi ko mapipilit na magbago ka. Kaya sinasanay ko na lang ang sarili ko, hehehe, pain management lang yan.
-------------Shaw,
Conversations

Natuwa ako, kahit nag-aalala akong baka may dumating sa kanyang iba, at mangyari rin sa akin ang nangyari sa naunang boyfriend nya.

Pero handa akong sumugal, dahil sa kanya, muli, nakokontento akong tignan lang siya habang natutulog.

At nasasabi ko sa sarili ko:

“Hindi ako makapaniwala… kasama ko sya ngayon.”



Thursday, February 8, 2007

You Exist Loverboi

Marami akong kachat. Kakwentuhan. Kabolahan. Sa YM ko, naka categories lahat ng contacts, according to priority:

Family: 5            (Mga relatives)
X-F: 6                (Extended Family/Bondbrothers, kapatid sa tindi ng pinagsamahan)
Friends: 8           (Mga 2nd/3rd degree friends)
Batchmates
10    (Self-explanatory)
Dragonsworn 15  (Mga fans ng book na Wheel of Time)
Sideline 57         (Mga kachat. Kakwentuhan. Kabolahan).
-------------Miko, YM Contact List

I have a few friends (6 X-F + 8 Friends = 14 total). But that’s enough. I price quality over quantity. Pnipili ko talaga kung sino ang ilalagay ko sa categories nay un, dahil in a way, I would serve them.

Among the “sideline” there is a guy I regularly chat with… And got the chance to know him deeper than the others.

At first, hindi ko sineseryoso ang mga compliments nya, sinabi ko pa nga sa unang chat namin na “U r patronizing me”.

Pero sa madalas na pag-uusap, nakabuo ako sa isip ko kung sino sya. Na pagnaliligo, parehas kami ng parte na unang sinasabon (hahaha). Parehas kaming nalulungkot na ngayon, “the eyes are tinted and misted, no longer the windows of the soul.

When I got the chance to cross the distance between us, nakilala ko talaga sya. Sweet and accommodating. At sa maikling oras… we shared something special.

“Before
You are a fox
Like a hundred thousand
Other foxes.
But I have made you my friend,
And now you are
Unique in all the world.”
-------------Antoine de Saint-Exupery, ed. The Little Prince


Akala ko hanggang simula lang. Akala ko it will be as superficial as the rest.

Thank you loverboi, sa understanding (kahit magulo ako mag-isip), sa acceptance (kahit ang gagu-gagu ko), sa mga advice (kahit matigas ulo ko). Even with the distance, you proved to be a friend, though not physically, but importantly, in spirit.

Super belated happy birthday!!!