Showing posts with label lessonsinlife. Show all posts
Showing posts with label lessonsinlife. Show all posts

Tuesday, January 5, 2010

“I’m HIV Positive”

Kinilabutan ako.  Parang napunta uli ako sa Lithuania ng December (-17 Degrees Celsius).  I considered the effect – Anxiety, Hatred, Depression, Suicidal Tendency.  May taning na agad ang buhay, for someone so young.  Nakakapangilid ng luha.  

Ito ang mga naramdaman ko ng malaman kong HIV+ ang isa sa mga kakilala ko.  In my line of work, required kami sa regular medical check-up.  At ang paungas-ungas na testing center na pinuntahan nya, walang konsiderasyon na brinodcast ang condition nya.  

Sana hindi ko na lang nalaman.  Hindi ko alam kung papano mag-re-react sa harap nya.  Will I act normally, like nothing is wrong? Or will I show care and concern para maramdaman nyang I’m here not to discriminate but to help?  If I choose the latter, hindi ba sya mahiya, sa akin at sa sarili nya, and make matters worst.  

Hindi naman ako natatakot mahawa sa kanya (dahil wala naman akong planong may ibang “mamagitan” sa amin).  Hindi ko lang talaga alam ang tamang pakikitungo at papano ako makakatulong.  

Side facts:
“Hindi nakukuha ang HIV
mula sa paghahalikan, pagbebeso-beso,
laway, yakapan, pag-ubo,
pawis, luha, hatsing o pagbahing,
pakikipagkamayan, paghihiraman ng mga damit,
pakikisalo sa pagkain, paghiram ng mga kubyertos,
kagat ng lamok, pagtabi sa pagtulog,
at paggamit ng kubeta."
------------Wikipedia  

With these in mind, hindi ako kinakabahan.  Lalo na kung ia-apply natin agad ang ABCDE to minimize risk of contracting any form of STD.  

A:  Abstinence.  Sa lalaking tagalog, it means “magkamay”.  Hehehe.  Dati, ang philosophy ko, kung walang babaeng available, at kung may cute guy naman na pwede, bakit ako magsosolo?  (wahahaha, but that was before ako makabili ng murang maturity sa Quiapo).  Now I believe, kung hindi ako sure na safe sya, at hindi ko talaga sya gusto, it’s better na magsolo kesa magkasakit.  

B:  Be Faithful.  Hindi na uso ang paramihan ng makakasex ngaun.  I would like to promote patagalan.  How long is your… (no, not your package) longest relationship.  It’s not the quantity of the people that you had or the flowers you traveled to, but the quality of the relationship and the sweetness of its nectar.  

C:  (Correct) Condom Use.  This one should be non-negotiable.  Pag walang supot, walang kan*ot (No ID, No Entry? Hehehe).  Sometimes, it’s always better to bring this little rubber armor of yours.  Kesa biglaan kang makipag-inuman… at malasing.. and who knows how crazy you can get when you’re drunk.  

D:  (Don’t Use) DrugsZero tolerance ako dito (pati smoking).  So walang syringes na pumapasok sa katawan ko (except the vaccines that my company can think of).  And those poppers and Es...  Bahala na kayo.  

E:  Early Diagnosis and Treatment.  Maliban sa company ko na regular required medical check-up, I have my friends/sponsors na lagi akong kinukulit sa check-up.  “Pinag-aaral ka namin.  We’re investing on you, so you can’t die on us yet.”  Thoughtful friends no?  

So bottom-line, let us all be aware about this threat.  HIV and AIDS are truly here!  Hindi ito tsismis na mapapanood mo lang sa TV or mababasa sa mga blog (na katulad ng site ko).  Hindi ito kaya ng biogesic, surgery, dasal at kung ano pang treatment.  Now, it is as real as the person next to me.   

Ingat?!

Tuesday, November 17, 2009

Ang Kapalaran ni Miko Ayon sa Manghuhula

Sometime last January, hinulaan ako ni Mrs. Alminaza,

“Dahil Water ka at Earth ang taon ngaun,
Hindi magiging maganda ang love life mo.
Laging makikialam ang career.”

At tumpak ang hula nya.  Dahil February 2009, pinadala ako sa Japan ng company ko ngaun.  At sunod-sunod na business trip for the whole six months.  Ayus ang career, it’s really taking off.  But lovelife?  Zero.  November na ngaun, at malabo naman ang mga prospect.

During lunch today - Nov 18 2009 - I asked again the Fortune Teller.

“Dahil water ka at metal next year,
Makakakita ka ng success sa hahanapin mo.
At tandaan mo tong sasabihin ko,
Apat na taon kang mamamayagpag
Basta’t maging honest ka lang at wag maging negative.”

Wahahaha!!! May ganun!  Xet!  Sobra naman akong natuwa.  Honesty and Positivity?  Well, yakang-yaka yun.

In preparation for my upcoming lovelife next year, hinihingi ko sa Universe ang Guy na kukulitin ko for four years (and hopefully for life) hehehe.  Eto ang hinahanap ko:

AYOKO ng maarte at reklamador.
GUSTO ko ng maisasama ko sa bundok, mapapahiga ko sa banig at mapapakain ng tuyo o sardinas.

AYOKO ng tamad at walang trabaho. wala akong pakialam sa sasahudin nya,
GUSTO ko lang, pag nakita kami ng ibang tao, walang mag-iisip na may money involved.

AYOKO ng astig or mas maangas sa akin.
GUSTO ko ung hindi masyadong halata, pero he knows he is the "lady" in the relationship.

AYOKO ng malaki ang katawan.
GUSTO ko yung mejo payat. yung tipo na pag-nagkasauntukan kami, hindi ako dehado. (i'm not violent, contingency plans lang, hehehe).

and finally,

AYOKO ng sobrang gwapo. hindi ako kampante.
GUSTO ko yung pwede kong maiwan sa gimikan ng walang masyadong makikipag-flirt sa kanya.

Yan na Universe.  Mukang pang X’mas Gift ang hinihingi ko, pero kahit late, mahihintay ko.  Hehehe

-------------
Items "I'm Looking for a Guy" is a reposted entry in my Downelink account.  Photocredits to cemac from deviantart.com

Wednesday, October 28, 2009

On Love and Relationship

Wag nyo kong awayin sa maasim na isinusulat ko.  Eto ang epekto ng more than 17 months of Zero Dating.  I just wanna share my whole concept of love and relationship summarized eloquently by a poem:

After a While
by Veronica Shoffstall

After a while you learn
The subtle difference between
Holding a hand and chaining a soul

Dito ako madalas na nadadale, hahaha.  Marami kasing nagpapanggap na nagmamahal, but they mistaking to Love and to Own.  Maraming humihintong magmahal, dahil hindi sila minamahal.
I remember one time, i said, "I love you."
the other person said, "I'm sorry, I can't"
at sabi ko, "That is irrelevant.  ang sabi ko mahal kita, sinong may sabing dapat mahalin mo ako?"
and when that person smiled, our relationship continues till now, 7 years and counting.  But sure way it's different from everyone thinks. n_n

And you learn that love doesn't mean leaning
And company doesn't always mean security.
And you begin to learn
That kisses aren't contracts
And presents aren't promises

Isa lang ang lesson dito.  Wag mag-assume!  Maraming taong napa-praning pero friendship, companionship or libog lang pala ang gusto sa kanila ng iba.  Iba't-iba ang level ng pag-aasume.  Eto ay ang sumusunod.
Level 1 - Eto ang pinaka mababang level.  Ni-view lang ng crush mo ang profile mo, in-assume na na na me gusto rin xa sau.
Level 2 - Nginitian ka, at meron kayong small talks.  Feeling mo, misis ka na nya.
Level 3 - You did hang-out sa coffee shop or bars.  Tapos mang-aaway ka pag may nakita kang pinapa-cute-an nya.
Level 4 - Me "nangyari" na sa inyo isang beses after 3 bottles of beer.  Nag-eempake ka na kinabukasan to move in his apartment.
Level 5 - Highest level.  Eto ang the best.  Halos manhid ka na.  You are more than friends na, pero you still believe your less than lovers. 

Kaya para sa kin, it's better na maging manhid, kesa mag-assume (formula is assumption = expectation + disappointment + pahiya ka noh?).

And you begin to accept your defeats
With your head up and your eyes ahead
With the grace of an adult
Not the grief of a child

Eto naman ang anti-asim at anti-ampalaya lecture.  Sa tuwing maha-heartbroken ka, isang buntong hininga lang yan.  Na parang natalo sa jack-en-poi.  Sabi ni Paolo Coelho, you just need seven days to grieve, after nun, nag-iinarte ka na lang.  (Ang record ko is 3 days, hahaha).

And you learn
To build all your roads on today
Because tomorrow's ground is
Too uncertain for plans
And futures have a way
Of falling down in mid flight

Eto ang lesson ng living in the present.  Wag bayaang ma-trap sa past, wag bayaang ma-stuck sa future.  Today is a gift, that's why they call it present.

After a while you learn
That even sunshine burns if you get too much

Eto ang ipinayo ko sa girlfriend ng barkada ko na masyadong possesive.  Nagtaka sya kung bakit sya pinagpalit ng friend ko, despite ginawa nya ang lahat.  I told her, "yon ang problema mo, ginawa mo ang lahat.  $$$$, girlfriend ka lang.  hindi ka yaya, bodyguard, nanay, drinking buddy, labandera, kusinera or what-else ng barkada ko.  girlfriend ka, you should just be like one."

So you plant your own garden
And decorate your own soul
Instead of waiting
For someone to bring you flowers

Eto ang loving-yourself part, and my favorite.  Kanina i received a message from a guy whom i'm considering to date.  He noticed na parang dumadalang daw ang messages ko.  Nagpapaalam na raw ba ako?  O sumusuko?  Natatawa lang ako.  Hahaha.  Yes, i'm waiting for him na maka-move on sya from his previous relationship, but it doesn't mean na sa kanya na iikot ang mundo ko. 

And you learn
That you really can endure (Yes!)
That you are really strong (Sobra!)
And you really do have worth (Precious!)
And you learn and you learn (addict sa learning)
With every good bye you learn.

yan, goodbye daw.  sana you have learned something.

till next time.  n_n

Monday, October 26, 2009

To All the Boys

Hayz, I think hindi na ako kilala ng mga regular subscribers ko d2.  Nevertheless, I thank those who send me private messages encouraging me to blog more.  And contrary to what many believe, wala pa rin akong lovelife.  Hindi yon ang dahilan kung bakit ako busy.

Remember last time (no, not at bandcamp) I decided to work on the mountains?  I spent close to a year na malayo-layo sa sibilisasyon.  That’s during my Zero Dating Goal.  And sadly, that earned me to work on another project, sa dagat naman.  Since I got back from Japan last Feb, my career took off most of my time away from the web and over the sea.

Gladly, its just 2 batches of 3 months each that thankfully ended a couple of days ago.

This blog though is not about my career, but are character sketches of those cadets I trained for the past few months to whom I said farewell.  Here it goes:

Kambal sa Kieme

Parehas kayong magaling.  Academics at practical.  Pati sa boxing hirap ako sa inyo.  Pero masyado kayong low profile.  Salamat sa boxing, kahit masakit sa katawan, tumubo din yata ang muscles ko (dati parang pantal lang, ngayon manas na, hahaha).  Pero kahit parehas kaung magaling, magpakitang gilas pa rin kayo.  The old adage is sound, “out of sight, out of mind”.

Poker Face

Hindi tayo close, we both know that.  Siguro dahil awkward.  Maraming nakatingin at nakakahalata na I find you really good looking.  Hahaha.  Pasensya kung mejo iniisnab kita.  Kailangan yun.  Its my way to show fairness sa lahat ng mga kadete ko.  You got skills, and muka namang self-motivated.  Problem is you seem afraid of competition, or afraid of losing.  Don’t get it in the way of learning!  Whether it’s boxing, poker, or quiz bee.  You won’t win if you won’t try.

Stupid Monster

Hehehe, apir sa original number one member ng fans club ko.  It’s flattering na Idol mo ko.  Pero nung nalaman kong lagi mong tinitignan ang pictures nating dalawa after mag-jogging sa CCP… parang… ibang level yun.  Nagworry ako na baka mamya magsimula ka ng mag-alay ng bulaklak sa paanan ko at himas-himasin ako ng panyo.  Hahaha.  Seriously, that’s the reason why I told (and shown you) some of my bad side.  Now you know I’m just human… with strength and weaknesses just like you.  And if you find me great, you can be like that too.  Btw, anong rafe ang pinagsasabi mo?  Wahahaha.

Gullible Goblin

Hehe what can I say… sinusulat ko to ng kaharap ka.  Hehehe.  Nasabi ko na yata sau ang lahat during late night talks at tuwing mag-aaway bati tayo, hahaha.  The three months is like a hardwood for us.  It took time to alight, but burns brighter and last longer.  Thank you.  I will just remind you, wag masyadong magpaka-loner.  And YOU are what you decide to become.  Life is an endless search of self-discovery.  Wag kang matakot sa realizations, at magchange when it calls you.

Worthless Mammal

You’re the first and the only MYMAN.  Kala ko hindi mo matatagalan ang pagiging bossy, pasaway at pagiging spoiled ko.  Salamat sa pagpe-prepare ng early breakfast at midnight snack.  Sa pagpapainom ng gamut pag may sakit ako.  Sa pagremind ng everything, from sleeping schedule, drinking time-outs, financial assessment, intimate dates at kung ano-ano pang paglook-after na nagawa mo.  The three months would be unimaginably terrible without you.  At kahit hindi ko binabanggit, you know naman I appreciate it very much.  Domo Arigato Gozaimasu.

 

Sa mga hindi ko nabanggit, salamat sa mga time na nagpapatintero tau sa ulan, sa mga kalaro ko ng balikbayan, sa mga poker players (nabusog ako sa tubig), sa pusoy-dos (buti hindi permanent ang uling sa mukha), sa boxing, tennis, bowling at golf (iuuwi ko na ang wii, hehehe).  Sa mga kainuman, kakulitan, kabolahan.  Sa mga sakit sa ulo, sa mga nagregalo.

The evaluation says our sponsors are “almost satisfied”.  For me, that’s tantamount to failure.  Pero katulad nga ng sinasabi ko sa inyo, success as the world measures it is too easy.  We chose what is harder to come by.  We chose meaning in our lives.  Dahil as what our program shown, we achieve a Total and Meaningful Shipboard Experience.

I have faith in you to continue fanning the flames.  Lets raise our industry as a Whole.

Sunday, June 14, 2009

Malaya na Ako

Malaya Na Ako!!!

Pusang-gala, parang mapapaluha ako,
kahapon, March 26, 2009, natapos na rin ang Zero Dating Goal for One Year ko!!!! taena! n_n heheh, ano kayo ngaun?! Kala nyo di ko kakayanin. n_n

Para sa mga hindi ko fans, recent visitors or first timers (bakit ngaun lang kayo) na hindi pa nakakaalam kung bakit ako tinopak na magpursigeng maging single sa loob ng isang taon, check this;


Five Things I Learned From Not Dating
by: Lt. Miko Legaspi, PN (Palaging Nagtatago)
Task Force Single


5. Maraming Productive Alternatives

Sa pamamagitan ng hindi pakikipagdate, marami ka palang pwedeng mapalang kapakipakinabang na bagay. Nakapaglunsad ako ng isang malaking project (June). Nakapagdesign (september) launched (october) at administered (to present) ng isang website. Nakapagcoordinate ng events (july homecoming, november 3 schools party, january fun run). Nakaattend ng mga occassions (2 lamay at 17 na kasal). Nakapaglibot (november boracay, february japan). nakapagbasa ng 20+ na books. naging president ng isang non-profit org (january to present). nakapagpanimula ng extension service sa 2 orphanage (february). napagbati ang mga naggiyerang bansa, nameet ang mga bagong presidente at napigilan ang global warming (imbento ko na lang yung 3 yun, hehehe).

the point is, lahat tayo ay may 24 hours a day. spending it on something means denying that same Time (and resources and energy) from something else.

4. Maging Matino.

Sa mga nakakakilala sa kin at mga nakakaalam ng “adventures” ko, grabe, anlaki ng pagbabago. Kung dati i have 2 shags a week (na kadalasan pa ay magkaibang tao), naka 4 shags lang ako (total 5 if you consider buko juice as shag) for the past 350+ days! imagine that!!! That is only 3% of my minimal annual quota. hahaha. Ganon ka-effective ang Strategic Plan ko kung pano umiwas. For my guide, visit this.

para sa mga nag-iisip na shag=date, i would argue there’s a big difference, but it merits a blog of its own, kaya hindi ko na ididiscuss on this entry.

3. There is A Stage!

Natutunan ko rin (actually, na-apply ko ang old-aged-lesson) about stages. sabi dito, may mga stages na hinahakbangan ang maturity. like baby stage, puberty, teenage, etc. pagnilampasan mo raw ang isang stage (halimbawa, teenager ka pero super concentrate ka sa trabaho), maari mong naising balikan ang stage na yun kahit hindi na appropriate sa edad mo.

isang example nito ang mga superjutanders na gimik pa rin ng gimik halos araw-araw. tapos sila pa ang mahilig makipag-away pag hindi sila bumebenta. i really think if they want to sell, they should sit on their rocking chairs at home and write novels. hehehe. mean!

in my case, i believe nakagraduate na ko sa Gimik mode. i realized the difference ng gumigimik sa gimikero. kaya nakakapagpadagdag ng pagiging good boy ko (or simpleng workaholic lang), hehehe.

2. Mataas Talaga ang Pride

Isa sa pinakamalaking motivation ko para matapos ang Zero Dating Goal ay ang pride ko. Walang naniniwala (except those na kilala na ko for more than 10 years) na kakayanin kong hindi makipagdate sa loob ng isang taon. Nyehehehe. Who’s laughing now (beaming with pride). n_n

They say Pride is a Sin. pero i don’t think so. Pag hindi ka nakipagbati sa kaaway mo dahil kasalanan nya, that’s pride. Pag hindi ka nakipag-ayos kahit kasalanan mo, that’s arrogance. Pag ngumiti ka kahit nasasaktan, showing grace despite of defeat, that is pride. Pride motivates you to defend your dignity and honor, to keep going kahit alam ng lahat na nahihirapan ka, and to protect yourself sa mga mananakit sau. that is Pride. just make sure you are not mistaking it from something else.

1. Kaya Kong Mag-Commit.

Finally, ito ang pinakamalaking lesson (actually, proof) that i can commit. May mga taong dumating while i’m on my goal. And some of them are really worthy. Yung isa nga, when he arrived, nasabi ko na “syet, ito na yata ang taong makakapagpabago sa Zero Dating Goal ko”. Check this

“There is no chance, no destiny, no fate
that can circumvent or hinder or control
the firm resolve of a determined soul”
————-Ella Wilcox, Miko’s Kollected Kuotes

Tiniis ko sya, sobra. Ngayon, may bf na sya. Wahahaha! Inggit ako. Pero ganon talaga. By knowing i can resist someone, means that i can do it again pag commited na ako tapos may mga bagong susulpot. My would-be partner will be secured in knowing hindi ako maagaw ng kahit sino. hehehe.

Ang kalaban ko na lang ay inertia.  Parang i've been alone for so long i'm comfortable with it.  T_T

Pero kailangan na, hehehe.  Sino kaya ang idi-date ko?

n_n


------------
this is a repost from my Downelink account dated March 27, 2009
right after my Zero Dating Goal was achieved
sorry ngaun ko lang napost d2.  hehehe

Monday, February 23, 2009

Finally, Back from Japan

Grabe, around 4 degrees sa Tokyo.  Tapos sa Kagoshima, umuulan pa.  But still, may mga nacheckan naman ako sa Checklist ko.  hehehe.  (Background song is Summer Breeze by Jason Mraz.  Sobrang na-miss ko ang init ng 'pinas kaya ito ang nsa utak ko nung nasa japan ako.)  Pictures to follow.  n_n

Checklist #1:  See Sakura

Lagi akong nakakakita ng Cherry Blossoms sa mga animè.  Pero pusang-alows, hindi pa season ng sakura nung pumunta ako don, huhuhu.  kaya un, puro mga punong tuyot ang naabutan ko, kahit na sa Sakurajima (Cherry Blossom Island), wala akong nakita.  huhuhu.  Trivia:  Sakurajima ay dating Island, kaso ngaun peninsula na dahil sa pagputok ng bulkan nuong 1916 at pagkabit nito sa kalapit na lupa.
Result:  Failed.


Checklist #2:  Experience Onsen
Isa pang famous sa Japan ay ang hot springs kung saan marami naliligo ng nude.  Hahaha.  Tuwa na sana ako nung nasa schedule ko ang pagligo sa isang onsen sa Sakurajima.  It was a very refreshing experience.  What amusing is, dito kailangan mo munang maglinis (with water and soap) bago ka lumusong sa onsen.  Huh?  Ligo muna bago magbabad?  Yup, that's it. 

Tatlong water baths ang nilusungan ko, ung isa may massage bubbles, yung isa may small electric current (grabe to pramis) at lastly ung maraming minerals like calcium and sulfur.  One of my best experience to, parang nalusaw lahat ng stress ko. 

Result:  Success!!!  Except seeing old jap men naked.  Nggiii, kakakilabot.  Ako yata ang pinakabata don sa onsen (except the 4 year old kid na anak ng isang visitor).  hayz.


Checklist #3:  Visit Shibuya District
I've read from some magazines na ito ang Fashion Capital ng Japan.  At mura pa daw ang mga damit.  Halos lahat daw ng tao dito fashionista.  Hindi ko naman plan na makipagsabayan sa kanila (you all know zero ang fashion sense ko, hehehe).  Gusto ko lang sa mag-picture picture.

Result:  Failed.  Dumating kami ng Tokyo almost 2330H na.  Nagvideoke na lang kami sa Warabi City till morning.

Checklist #4:  Drink Shoucho
I love wines.  Ewan ko ba kung ano kinahiligan ko sa kanila.  Basta, i like tasting wines from different places.  Eh nakatikim na ko ng sake (rice wine) before, so akala ko ok na.  Till I tasted Shoucho (sweet-potato wine).  hehehe.  At ang mixture?  Hot Water.  Parang Gin lang ng 'pinas, pero walang sabit.  sarap. 

Result:  Success!  I brought one back here hehehe.  Sarap nito lalo na pag may pulutan na kilawing tanigue.  yummy!


Checklist #5:  Ride Bullet Train
Proud ang mga Japanese sa mga trains nila.  May mga palabas pa nga akong napanod na many of them watch model trains round and round.  Prang meditative.  Mabilis nga ang mga bullet trains. 

Result:  Success.  Pero when i took one from Kagoshima to Fokouka, mejo disappointing ang views.  Tagos kasi ang train sa mountains and hills, kaya more often than not, wala kang makita.


Checklist #6:  Shop for Souvenirs
Grabe, andami kong gustong bilin.  Mula sa Japanese Fans, some artworks, at kung ano-ano pa.  pero tae, ang mamahal.  Paper dolls nga lang at keychains, almost 300 pesos na.  wala naman akong dalang maraming yen.  Bumili na lang ako ng model magnetic trains for around 1k.  hehehe.  kuripot talaga ako.

Result:  Success.  Considering I shop for experiences, not things.  n_n


Checklist #7:  Drink with Kawaii Japguy

I really lurve chinky eyes.  Di ko alam kung bakit ang lakas ng appeal sa akin ng mga chinito.  Grabe, hahaha.  parang nasa candy store ako when i was in Japan.  Kahit saan ako tumingin, may at least isang cute.  hahaha.  I never thought na may makakasundo ako don, dahil hirap sila sa english.  Till my last night.  hehehe.

Result:  Success.  Hehehe.  I don't wanna give out the details.  Turn off lang kasi supot.  hahahaha.

That's IT!  It basically sums up my whole 6 day trip in Japan.  n_n  sa mga naka-miss sa akin, I'm back.  hehehe. 

Pero wala akong dalang pasalubong ha.

n_n

ja nè



Summer Breeze - Jason Mraz

Monday, May 12, 2008

Mga Formulae Sa Buhay

Sabi ni lolo Albert Einstein,


"Equations are more important to me, because politics is for the present, but an equation is something for eternity."


So since hindi ko pa afford ang human cloning, at I’m too young for self-induced cryogenic process, I’ll start making formulae para maging immortal.  So far, ito pa lang ang nagawa ko.

Attractiveness = (Amount of Available Light) / Level of Intoxication - Number of Hotties
This formula became evident nung madalas pa akong gumigimik.  Pag nasa bar ka na may kadiliman, at mejo marami ka ng nainom, at kaunti lang ang cute sa paligid mo, then suddenly, the person besides you starting to look pretty.   Part na to ng strategy ng isang friend ko na hindi naman kagandahan, kaya kung dumating sya sa party eh lango at losyang na ang karamihan.  Sure thing, lagi xang nate-take home.  God have mercy sa taker when they wake up late morning.  (Pahabol, ang mga pa-late-late, panget!).



Soul mate = Proximity + Compatibility + Attractiveness2
Hindi ka ba  nagtataka kung bakit ang sinasabing soulmate ng kaibigan mo happen to live a few blocks away?  Sa dinami dami ng milyong tao, bakit hindi tibetan monk ang soulmate mo, o kaya kahit ang isang sikat na artista.  Naobserbahan ko na ang sinasabing soulmate ng mga kakilala ko eh yung mejo malapit lang sa kanila, (riding distance), kaperas nila sa ibang bagay, at type na type nila.  This formula would proved wrong pag nakameet na ako ng taong magsasabi sa akin ng "Miko, eto picture ng soulmate ko, yuck noh?"



Secret = (Information x Number of Those who know) x Number of Those who Don't Know

Sabi nila, ang secret daw ay thing you tell to one person at a time.  So halimbawa, sikreto nyo ng bestfriend mo na may relasyon kayo.  Then, sasabihin mo tong "secret" na to sa isang trusted na kaibigan mo, na sikreto nyo to at tatlo lang kayong nakakaalam.  Then sasabihin mo pa to sa isa mo pang pinagkakatiwalaang kaibigan, at the same time yung bestfriend mo sa pinagkakatiwalaan nyang kaibigan, and at the same time yung pinagkakatiwalaang kaibigan ng trusted friend mo.  Ganyan ang secret, na ang kaibahan lang sa "announement" ay kung ilang bagsakan.



Tsismis = Reality / Degree ng Word Transfer.

Kung witness ka, masasabi mo na totoo ang isang pangyayari.  Pag naikwento mo sa iba ang nakita mo o naexperience mo, masasabi nating ito ay balita (1st Degree).  Ang formula sa itaas ay nagpapayahag na ang reality or truth is inversely proportional sa degree ng word transfer.  Si Nena ay na naempacho, at nalaman ng nanay na ikinuwento sa katulolng na masakit ang tiyan, na ikinuwento ng katulong sa kapitbahay na masakit ang tyan at nasusuka.  After one week, alam na nang lahat na buntis si Nena, at malamang si Nonoy na nagdedeliver ng dyaryo ang ama.  Kaya for me, its either Experience ko, or News from people who witness or experience it themselves, at kasunod ay Tsismis na.



Hindi ko pa sana ipo-post to, dahil nagde-devise pa ko ng ibang formula, kaya lang wala na akong mapost na blog for the week, kaya eto na.

Share kau ng formulae nyo!

Saturday, March 29, 2008

Project: Zero Dating for One Year

Part 1:  The Rationale

Oo na, sige, aminado na ako, I’ve been a serial-dater.  But most of what I had were just casual dates.  Meet-ups lang.  Friendly getting-to-know convertsation.  It doesn’t always end up in bed, but some serious ones began on it.  Hehehe.

Isang guy dito sa multiply ang nagbansag sa akin na I’m an elimidater.  And for the umpteenth time, sorry uli.  Hindi ko talaga sinasadya na pagsabay-sabayin i-meet ang pang 7:30, ang pang 8:00, ang pang 8:30, etc nang 10:00pm when I visited your city.  Nagkataon lang talaga na naextend ang pinapagawa ng boss ko.  And knowing na I had to flew back by morning, kailangan ko talagang magpokus on who I want to spend that entire night with.  Hahaha.  (ouch, I’m already saying sorry, no need to stomp on my tail everyone).
 
But times do change.  At sa maniwala man kayo o hindi, may mga gabing nagpapapuyat sa akin ang Little Voice, telling me to seek personal growth, and that having a hard-on doesn’t count.

This same pesky voice had been annoying me since time immemorial.  Na kesyo mas maganda daw at normal ang gumising ng 6:00am kesa magsimulang matulog.  At mas productive nga naman na i-spend ang 90% computer use sa work kesa magsurf/chat sa dating sites.  Na mas healthy ang ratio of 4:1 ng food vs beer kesa other way around.

 At dahil kakatapos lang ng 2nd Longest Dating ko, which frustratingly ended badly, I think its about time I listen.  And so, I come up with this project I will go into details on my following posts.  Antagal ko na rin namang hindi gumagawa ng series.

 I know this project won’t get me a Noble prize, lalo namang hindi ako magkakaron ng ginintuang hoola-hoop sa tuktuk ng ulo ko.  I just think, somehow, that this quote really matters:

 “Plant your own garden,
And decorate your own soul,
Instead of waiting [seeking] someone
To bring you flowers”
-------------Veronica Shoffstall, After A While

Hehehe, kaya for one year, I will do just that.  Mag garden ng self.  Sana after, I can find that guy who I can annoy for the rest of my life with.

Wish me luck!  =)

Thursday, January 24, 2008

I Got Lost In Your Eyes

Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala.  Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin.  Basta patuloy akong makakita.

 

Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata.  Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako.  Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka.

 

Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila.  Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin.  Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook.  Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe.

 

Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan.  Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila.  Makikita rin kung sila ang merong itinatago.

 

Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan.  Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes.  Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa.

 

Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal.  In most ways its brighter… and calming.  At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya.

 

'Cause there's somethin' in the way

you look at me
It's as if my heart knows

you're the missing piece
You make me believe

that there's nothing

in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way

you look at me”

-------------Christian Bautista, The Way You Look at Me

 

O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn.  Nyahaha.  Till next time na lang uli.

 

=)

Sunday, October 21, 2007

Hubad na Katotohanan

Hubad na Katotohanan by Friko

Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba?

Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na).

sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi.

Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob.

Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi.

Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba?

Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi.

Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.

Friday, July 13, 2007

The Storm and the Waves

Rain always call me outside the house, and bathing in it, I called out my friend. Wet, we went to the store and bought a bottle of Cali Shandy each. I asked my friend to come with me to the beach.

The storm made the waves much
bigger, something that we only see in other countries. It was brownish red with dirt mix in it, and totally fearsome.

My friend was freaking out when I sat on the breakwater. I let the wave clashed to me. Out balanced, I earned a few bruises, and lost one slipper. But I wanna do it again.

“Gago ka Miko, baka may lumulutang na bote dyan,” my friend cautioned me.

I smiled at him, and heed his advice. I walked in the nearby house where the waves still reach the yard. I stood at the back of the gate, held the railings, and braced myself for another
huge clash.

I looked at my friend, standing safely nearby, and I grinned, “
Try it.”

Encouraged, he stood beside me. And with me, we
screamed together for another blast.

And this time, I kept my eyes open, and look to my friend beside me. Around me was the brownish red water and bubbles abound. My friend’s eyes tightly shut, our whole body shivering, and after that wave, he looked at me, smiled, “
Thank you

I said, smiling, “Shut up, here comes another one.

--------------

I went home that day, with my white shirt hued to brownish red, with a few bruises, with one missing slipper,

but most of all, with my friend’s grateful smile permanently etched in my memory.



Monday, June 25, 2007

Bakit ba dapat Magsuicide?

"Mag Suicide Ka Na"

Ito ang paborito kong payo pag nag-uumapaw ang drama ng mga kaibigan ko. Lately, napansin ko na dumadami ang blogs na may tema ng pagpapakamatay, kaya bilang contribution ko sa masa (
at pagsabay na rin sa uso), nagdraft ako ng comprehensive guide. For editing pa to, kaya your comments will be appreciated.

Suicide 101

Part I. Why Commit Suicide
Maraming dahilan para mag-suicide pero mahahati natin to sa tatlong areas.

Egocentric – pag egocentricity ang dahilan, ibig sabihin gusto mo ikaw ang Bida, at suicide ang solusyon pag di napagbigyan ang trippings mo.

Halimbawa
     
Iniwan ka ng syota mo – magsuicide ka na dahil nakakita ang mahal mo ng mas maganda, mas mabango, mas bata, mas mayaman, mas mabait, at kung ano pang mas (depending sa taste, may ex kasi na ang gusto eh mas matanda, mas madungis at kung ano-ano pa). Dapat kasi, ikaw na ang Pinaka at walang karapatan ang mahal mo na lumigaya sa iba.
    
     Kumplikado, Unfair, at Mahirap ang Buhay mo – magsuicide ka na dahil ang buhay mo ay parang pag-aaral ng Calculus gamit ang salitang hapon, at hindi ka marunong mag- Niponggo. Inisip mo kasi, dapat ang buhay mo ay parang hari na hindi mo na kailangang mag-isip, magtrabaho, o maligo. Kaya hindi ka na rin dapat mabuhay kasi nakakapagod huminga.
     
     Biktima ka ng kamalasan, karahasan, kababuyan, katangahan etc – magsuicide ka dahil may tao sa paligid mo na tanga at masama, at kakampi ni Kapalaran. Iniisip mo, dapat kasi lahat katropa mo ay anghel, kaya gusto mo ng maki-jamming kanila sa langit.

Marami pang pwedeng halimbawa ang area ng Egocentricity. Pero lahat ng kaso ay isang pangyayari kung saan ang “dapat” sa buhay mo
ay hindi nasunod.

Noble (daw) – ito naman ay marangal na dahilan. Kung ang egocentric reasons ay kadalasang papansin para mas maging relax ang buhay, ang Noble Suicide naman ay serbisyong totoo.

Halimbawa

     Environmentalist – feeling mo excess baggage ka sa mundo, pampagulo ka lang sa trapiko, taga produce ng carbon monoxide, o dagdag sa noise pollution.
     
     Patriotic – feeling mo, kailangan mong sumabak sa gyera o magmutiny o maging suicide bomber para sa mapang-aping bansa, gobyerno o baranggay tanod.

     Religious Fanatic – nakakarinig ka ng mga boses, nakakakita ng mga anghel, o nauto ka pari mo para gumawa ng will, beneficiary ang simbahan nyo at saka magsuicide by bombing other uto-uto of different religions.

Stupidity. Ito ang pagpapakamatay dahil sa katangahan.

Halimbawa
   -Back to Top-

Maraming dahilan talaga para mag-suicide, at kung immortal ka lang, ito ay kaaya-ayang maging libanganexpression of creativity, at maari ding pagkakitaan. Kadalasan, Instant Celebrity ka rin dito, kaso wala ka ng chance tumanggap ng awards o pumirma ng autograph. For sure, may mga magagalit sa’yo, at baka hindi ka na nila kausapin kahit kailan. Ganon talaga pagsikat, maraming maiinggit, naunahan mo kasi sila.


Next Lesson, How to Commit suicide.



Monday, June 4, 2007

Pwede ang Pwede Na

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mapag-blog ng madalas ay sa kagustuhang maging 100% “worth reading” ang mga blogs ko. Buti na lang ipinaalala ng katropa kong si Scott Adams ang Golden Happiness Ratio.

“Golden Happiness Ratio
Is about 4/5 or 80% right
Also known as “good enough”
-------------Scott Adams, Good Happiness Ratio


Ang mga nagpu-push thru sa 100% ay kadalasang perfectionist (na kadalasan ay malaking pain in the @$$ sa sarili nya at sa mga tao sa paligid nya). Ang mga nasa 80-90% ay good enough. 70-80% ay borderline incompent at below
60% ay serial losers at environmental burdens.

Sa tingin ko, mas masaya – at mas successful – ang mga taong ok na sa 80%. Ang mga nagpapakahirap na abutin ang 100% ay madalang naman na nako-compensate ang effort nila. Pag nagawa mo good enough, sasabihan ka ng “thank you”, pag nagawa mo the best, sasabihan ka ng “thank you very much” (and I think the two extra word is not worth the additional 20% effort).

Sa trabaho, ang 100% job performance ay nangangahulugan ng kawalang oras sa surfing, chatting, at blogging. This makes me an unhappy/unsatisfied employee at nakakapagpapangit ng work results ko.

Nung nag-aaral ako, 85% na grade is good enough to maintain yung scholarship, pero kung sinagad ko, baka hindi ko natapos basahin ang favorite fantasy book series ko, hindi ako nakasideline sa publishing at hindi ko nadevelop ang super bonding sa mga kabarkada ko.

Imperfection of self also extends tolerance of other’s imperfection. Katulad nung nakaraang sabado kung saan nagkita kami ng bestfriend ko;

“Wow best, you outdone yourself ha.
Nung nakaraan, 1 hour and 20 minutes ka lang late,
Ngaun, 2 hours na!!!
Thank you dahil sa paghihintay sau
Dito sa national Bookstore
Natapos kong basahin ang
244 pages na graphic novel ni Neil Gaiman
-------------Miko, "Bakit ba On Time Ako, Eh Nasa Pinas Naman Ako? Atbpng Tanong"


Yan, sa tingin ko, 80% na tong blog na to. Pwede ko pang i-edit to para maging 85%, pero marami pa akong ibang gagawin, hehehe, kaya pwede na.




Wednesday, May 23, 2007

Famous Last Words

Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby (Click this blog==> "Patay Tayo Dyan").

Pero kahapon ko lang napag-isip isip, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi?

Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito:

"Don't end it like this. Tell them I said something."
-------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist
.

Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring)

"FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!"
-------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist


Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito:

"Consummatum est (It is finished)"
-------------José Rizal, Filipino Nationalist


Ayoko din naman na sobrang pormal:

"I believe we should adjourn this meeting to another place."
------Adam Smith, Political Economist


Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon:

"Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate"
-------------Miko in the wildlife together with a stupid friend
"Sigurado ba kayong red wire ang puputulin"
-------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad
"Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond"
-------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life
"Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?"
-------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball
"Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon"
-------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials
"Sorry, akala ko nasa business trip ka"
-------------Miko na nahuli =P


Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us.

"Last words are for fools who haven't said enough".
-------Karl Marx, Political Economist


Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?




Monday, April 30, 2007

PATAWAd

Nung nakaraang sabado, nag leader-leaderan ako sa Summer Swimming Party ng Tissue Clan kung saan isa ako sa founders (Bakit Tissue?  Hehehe, it deserves a blog of its own).  Madugo ang buhay sa Clan na yun, marahil ay dahil sa ibat-ibang personality ng mga founders, tulad nito:

"Miko - proud at naniniwalaang ang utot ay nakakapagpatibay ng bonding sa nakakaamoy at umuutot
Jecky - garapal umutot na kahit alam na ng lahat na sa kanya galing ang tunog, todo deny pa rin at ibibintang pa sa iba.
Juls - bumubula pag-umutot dahil kung ang iba ay napapaihi pag lumusong sa beach or pool, sya naman ay nagpapasabog.
Peter - mahiyain ang utot dahil ang hina ng tunog at bahagya syang ngingiti sau na dadaig kay Mona Lisa.
Brent - nasa loob ang utot."
-------------Miko, Observations on Personalities

Pero kahit na grabe ang pagkakaiba ng mga personalities namin, nakuha pa rin naming magsama-sama ng matiwasay (marahil sa regular bonding session na nilalabas ko).  Our friendship was tested more than a dozen over.  At ang pinakahuli at pinakamatindi ay ang away namin ng bestpren ko.  Hindi ko kasi kinaya ang sinabi sa kin ng dina-date ko after i came back from an overnight business trip.
"Hindi na kita kayang pakisamahan... mahal ko na ang bestpren mo... hihintayin ko sya dahil sabi nya, mahal nya ko"
------------W, Mga Pamatay na Pangbasted


Siempre, ang sakit nun, nakakapraning.  Pero wala namang masyadong nagbago sa min ng bestpren ko.  Nilagyan ko lang ng "a" ang bestpren kaya naging be
astprenblinock ko lang sya sa cellphone ko, at ineedit ang pictures na kunyari ay nakikipagsex sa baboy para ikalat sa internet (hehehe, joke ko lang ang huli, hindi ko naman tinuloy).

Pero after 3 months nga, back to normal na kami.  Breathe in Breathe out lang.  Parang walang nangyari.  Parang na-ututan lang, magagalit ka sa simula, then makakalimutan mo rin.  Tamang kulitan at asaran uli.

Isa yon sa natutunan ko sa mga bata.  Kahit lokohin, pagalitan, paluin... after ilang saglit lang, ok na.  Madali silang mag
patawad, then tatawa na pagkatapos.


Wednesday, January 31, 2007

Not yet "happy"... but already... at peace.

Tapos na.

Breathe in – breathe out lang yan. Naiyak ko na lahat. Nakakahinga na ako ng maluwag.

“If pain must come,
may it come quickly.
Because I have a life to live,
And I need to live it
In the best way possible.
If he has to make a choice,
May he make it now.
Then I will either wait for him,
Or forget about him.
Waiting is painful,
Forgetting is painful,
But not knowing which to do,
Is the worst kind of suffering.”

-------------Paulo Coelho, By the River Piedra I Sat Down and Wept

Sinabi nya kagabi na suko na talaga sya. Na hindi nya na ako kayang pakisamahan. Na may mahal na raw syang iba.

Aminado ako na malaki ang kasalanan ko. Na nasaktan ko sya, ng sobra, ng maraming beses.

And person gave up. Sinukuan nya ako. Kung kelan nagsisimula na akong magmahal. Isang hakbang na lang, hindi nya pa inihakbang. Isang kirot na lang, hindi nya pa tiniis.

Binalak kong magpakatanga. Na mahalin sya kahit hindi nya na ako mahalin.

Gelo: Sasayangin mo lang ang oras mo.
Miko: Di bale nang masayang, ganon sya kahalaga sa kin.
Sheena: Eh kami? Hindi ba kami mahalaga sayo? Pwede ka lang magpagago, kung walang naghahangad ng oras mo.
Gelo: Gusto namin sya. Maayos syang kasama. Pero hindi nya pwedeng solohin ang oras mo. Pwede lang syang maging parte ng pamilyang binuo mo.
Dony: Pag nagpakatanga ka, pano pa kami makikinig sa advice mo na wag magpakatanga?
Partner: Be responsible for your actions naman, we are looking up to you as our model for growth. Wag mong sirain ung natitira mong credibility.
-------------The Family, Conversations with the Family

Isang buntong hininga.

Salamat sa mga tunay na sumoporta. Sa Family. Kay Billy, Lucky, Jecky, Juls, Noeh. Pati sa taong tumatawag sa king bossing, salamat sa quote LNC. Salamat sa mga online friends ko dito sa multiply.

It is finished.