Showing posts with label travels. Show all posts
Showing posts with label travels. Show all posts

Monday, January 4, 2010

Looking Back and Forward

As part of my personal New Year tradition, i'm looking back sa goal na na-iset ko last year, and will make new goals for this year.

Mabulabog ang 2009, pero all in all, may malaking growth sa career.  Zero talaga ang lovelife, either may iba na ang gusto ko or hindi ako gusto.  Ang may gusto naman sa akin; may asawa, injanong panot, o may kakulangan sa pag-iisip.

All in all, eto ang summary ng goals versus achievement ko.

1.  Dating
Nagkatotoo ang hula sa lovelife ko for the whole 2009.  Zero the whole year.  sana magkatotoo uli ang hula nya na mamayagpag naman ako this year.  wahahaha.

2.  Published Magazine
I only manage to made one (agains the goal four).  hehehe.  On draft ang 2.  Although hindi ako kasama sa feature story, i got two photos naman from different articles. wahaha.  Na-feature na rin naman ako sa isang tv show about my work at naextra sa isang international magazine, kaya ok na un.  wahahaha.

3.  Raise networth --% of last year's value.
wahahaha.  i don't wanna brag.  kaya ngiti-ngiti na lang ako d2.

4.  Campings (tour belt)
Hehehe.  Actually, mejo masama din ang napapasobra.  Four campings lang ang planned ko d2, pero it was extremely difficult to resist the allure of Coron and Caramoan Island.  Huhuhu.  Malaki din ang gastos.  But the experience is worth it.

5.  Put up a non-profit org
Well, i'm the current president of the board of trustees.  hehehe.  managed to support 2 orphanages and launch different activities.

6.  Blog!
Well, need i say more?  Hindi ko akalain na fulfilling the other dreams would leave me no time to do this one.  And since i failed on Dating, so i guess wala nang mag-iisip na me kinakarir ako kaya hindi ako nakapag-blog.  hehehe.

So if i will compute the figures, 73.2% ang achievement ko sa stated goal.  Plus, meron akong hidden goals that passed me.  wahahaha.

Now, for this 2010 i have Three Guiding Words

STRENGTHEN
1.)  Increase my weight, adding 22lbs before the year end.  hehehe.  It also includes increasing stamina.  Hhhmm.  10 laps in the pool or 3 rounds in the academy?  both tough.  T_T

2.)  Make a passive income! Kahit 3 figures lang per month.

BROADEN
1.)  Start dating!  wahahaha.  I'll expand my contacts and maintain it. Maybe go out to city 2x a month.

2.)  Expand my Interest.  Start practicing again photography and marksmanship.  Hehehe.  I have a DSLR na, sniper riffle na lang ang kulang. At kung matutuloy ang pakikipagdate ko, i'll have 3 different "shootings" to do. wahaha.
 
BRIGHTEN
1.)  Make life more colorful.  I'm scheduled to study in Solent University, UK in june.  Will do my best to make it a blast.  Maintain 4 campings a year.  Add another 2 in my Tour Belt.

2.)  Perform community service.  Hehehe.  Hindi naman nabibili ang halo, pinagtatrabahuhan. hahaha.  Nah, i'm not religious, but helping out really ligthen up my life.  continue support of one orphanage, and 3 other activities.

Now, that is my Goal this year.  Strengthen - Broaden - Brighten Two Thousand Ten!

n_n  

Sunday, June 14, 2009

My May to June Travels




Eto ang reason kung bakit ang tagal kong offline
sobrang busy sa trabaho
hehehe

Tuesday, April 14, 2009

My Japan Pics


Tired but refreshed from Kagoshima. Going back to have a drinking nyt with the Family.

Super delayed pictures from japan. February 16-21.

Tuesday, March 13, 2007

Pag ang Boss ay Lagalag...

Noong una, ang alam ko lang na mahirap ay ang pagpasok ng maaga at pag-uwi ng gabi para laging ready sa iuutos ng boss ko (Japon sya, ang pasok na 9am ay ginagawa nyang 8:20 at ang uwian na 5:30pm ay nagiging 7:30pm). Bilang tapat na alalay, lagi akong nasa tabi nya (kaya, oo alam ko, mahirap magkaraoon ng boss na masipag).

Lalo pa lang mas mahirap pa gang boss mo ay lagalag.

Feb19-21: Cagayan De Oro, Facilitate Ship’s Familiarization.
Feb 21-22: Cebu, Tsuneshi Shipyard Visitation
Feb 23-24: Davao, National Maritime School Assessment
Mar 8-10: Iloilo, School Orientation / Allotee Circle Grand Gathering
-------------Miko, Business Trips


Mukang magandang tignan. Parang WOW! Ayus ang work, always travel.

The problem is, it’s WORK. Pangarap lang ang Island Hopping na bakasyon.

“All work is empty,
Save when there is love”
-------------Khalil Gibran, The Prophet.


Eto ang Resulta ng mga lakad na yon:

Cagayan Trip
Hotel: Southwind Hotel.
     Hindi naman kasing laki ng palaka ang mga lamok, tulad ng mga naeengkwentro ko sa pagcacamping. Still, ask the receptionist to spray mosquito killer in your room before staying there for the night.
Guide: L.N.C.
     The worst. Merong nagpangako sa kin dito sa Multiply na sya raw ang bahala sa kin pag nagpunta daw me Cagayan, kahit um-absent pa raw sya sa school. Ewan ko lang kung gaano kakila-kilabot ang hitsura ko non, that after meeting, bigla syang nagkaroon ng thesis, overnight group study, lolang strikto, at mga kaibigang hindi pwedeng humalili sa kanya para maigala ako sa syudad. Huhuhu. Hindi ko alam ang lugar, hindi ko alam ang dialect, it would be an adventure, but with limited time, gusto ko sana meron akong kasama.
Bottomline:
     Wag magtiwala sa ibang tao para magbook ng hotel. Wag na muling kontakin ang guide. Hehehe.

Cebu Trip
Hotel: Northwind Hotel.
     Hindi ko alam kung nanadya ang kapalaran at parang pinagtugma ang kasunod na pinuntahan kong hotel. At kahit lamang ang Ambassador Suite ng Northwind sa De Luxe Suite ng Soutwind, hindi sila nagkakalayo. Lalo na kung sinanay ka ng boss mo na sa Marriot at Marco Polo pag nasa Cebu ka.
Guide:
     Kung gaano ako minalas sa Cagayan, ang laking bawi naman ng swerte ko sa Cebu. Doon ko personal na nakilala ang pinaka-astig na host (taga rito din sya sa Multiply). Hindi nya ako pinabayaan mula ng sunduin nya ako sa hotel, ilibre ng dinner sa A’s Restaurant (with wine, san ka pa), i-tour sa Top’s (mountain overlooking Cebu, astig!!) hanggang paghatid nya sa kin at sa kasama ko sa airport. Saludo ako sa’yo!!! Siguro sadyang accommodating ang mga cebuano tulad ni Loverboi at Onenightstripper (hahaha, wag haluan ng kaberdehan). Nabansagan nga lang ako ng isa na Mr. Elimidater (pasensya na po talaga!!!).
Bottomline:
     Wag magpaalam sa boss kung saang hotel magbobook, dahil kung hindi sya kasama, titipirin ka. Hahaha. Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam. Hahaha. At sa mga nag-aruga sa kin dyan, maraming salamat. Sana wag kayong magsawa sa kakulitan ko. =P

Davao Trip
Hotel: Waterfront Insular Hotel.
    This one remains to be nice. At me improvement na ngaun. Kung dati ang keychain ng room key ay kasing laki ng plantsa (para talagang iwan mo sa lobby pag gumagala ka), ngaun, key card na lang!!! Laking ginhawa. =) (see my review section)
Guide: Jazmir
     Ayus ang guide, at dinala ako sa mga gimikan. Problema lang ang striktong mayor na nagbabawal ng gimik after 3am(?) I meet a couple of other acquaintances and been rejected (gladly) by someone you think who looks good (layogenic lang pala, hehehe, maganda sa malayo)..
Bottomline: A good one, next time pwede na akong magsolo gumala.

Iloilo Trip
Hotel: Amigo Terrace Hotel
     Maayos naman, just within the standards. Yun lang, walang view (unless mahilig kang tumitig sa malaking sign ng McDonalds).
Guide:
     Ang unang guide, accommodating, pati ang kasama nya, hehehe. Ang pangalawa, nakilala ko na dito sa Manila, kaya relax na ko. Maraming makikita sa MO2 Bar, parang sa Bacolod. Nakakatuwa ang mga higanteng pamaypay.
Bottomline:
     Madaling magpaikot-ikot. Hindi ako basta maliligaw.

-------------

Kaya ngaun, alam nyo na kung saan ako naglalagi at antagal kong nawala sa Multiply. Sa mga naka-miss sa kin, hehehe, I’m back. =)

“Sir? Bacolod? This 16-17?,” wwaaaahhhh!!! Anak ng Pating. Hindi na napirme dito sa Manila!!!
-------------Miko, Conversation with Boss