Tuesday, March 13, 2007

Pag ang Boss ay Lagalag...

Noong una, ang alam ko lang na mahirap ay ang pagpasok ng maaga at pag-uwi ng gabi para laging ready sa iuutos ng boss ko (Japon sya, ang pasok na 9am ay ginagawa nyang 8:20 at ang uwian na 5:30pm ay nagiging 7:30pm). Bilang tapat na alalay, lagi akong nasa tabi nya (kaya, oo alam ko, mahirap magkaraoon ng boss na masipag).

Lalo pa lang mas mahirap pa gang boss mo ay lagalag.

Feb19-21: Cagayan De Oro, Facilitate Ship’s Familiarization.
Feb 21-22: Cebu, Tsuneshi Shipyard Visitation
Feb 23-24: Davao, National Maritime School Assessment
Mar 8-10: Iloilo, School Orientation / Allotee Circle Grand Gathering
-------------Miko, Business Trips


Mukang magandang tignan. Parang WOW! Ayus ang work, always travel.

The problem is, it’s WORK. Pangarap lang ang Island Hopping na bakasyon.

“All work is empty,
Save when there is love”
-------------Khalil Gibran, The Prophet.


Eto ang Resulta ng mga lakad na yon:

Cagayan Trip
Hotel: Southwind Hotel.
     Hindi naman kasing laki ng palaka ang mga lamok, tulad ng mga naeengkwentro ko sa pagcacamping. Still, ask the receptionist to spray mosquito killer in your room before staying there for the night.
Guide: L.N.C.
     The worst. Merong nagpangako sa kin dito sa Multiply na sya raw ang bahala sa kin pag nagpunta daw me Cagayan, kahit um-absent pa raw sya sa school. Ewan ko lang kung gaano kakila-kilabot ang hitsura ko non, that after meeting, bigla syang nagkaroon ng thesis, overnight group study, lolang strikto, at mga kaibigang hindi pwedeng humalili sa kanya para maigala ako sa syudad. Huhuhu. Hindi ko alam ang lugar, hindi ko alam ang dialect, it would be an adventure, but with limited time, gusto ko sana meron akong kasama.
Bottomline:
     Wag magtiwala sa ibang tao para magbook ng hotel. Wag na muling kontakin ang guide. Hehehe.

Cebu Trip
Hotel: Northwind Hotel.
     Hindi ko alam kung nanadya ang kapalaran at parang pinagtugma ang kasunod na pinuntahan kong hotel. At kahit lamang ang Ambassador Suite ng Northwind sa De Luxe Suite ng Soutwind, hindi sila nagkakalayo. Lalo na kung sinanay ka ng boss mo na sa Marriot at Marco Polo pag nasa Cebu ka.
Guide:
     Kung gaano ako minalas sa Cagayan, ang laking bawi naman ng swerte ko sa Cebu. Doon ko personal na nakilala ang pinaka-astig na host (taga rito din sya sa Multiply). Hindi nya ako pinabayaan mula ng sunduin nya ako sa hotel, ilibre ng dinner sa A’s Restaurant (with wine, san ka pa), i-tour sa Top’s (mountain overlooking Cebu, astig!!) hanggang paghatid nya sa kin at sa kasama ko sa airport. Saludo ako sa’yo!!! Siguro sadyang accommodating ang mga cebuano tulad ni Loverboi at Onenightstripper (hahaha, wag haluan ng kaberdehan). Nabansagan nga lang ako ng isa na Mr. Elimidater (pasensya na po talaga!!!).
Bottomline:
     Wag magpaalam sa boss kung saang hotel magbobook, dahil kung hindi sya kasama, titipirin ka. Hahaha. Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam. Hahaha. At sa mga nag-aruga sa kin dyan, maraming salamat. Sana wag kayong magsawa sa kakulitan ko. =P

Davao Trip
Hotel: Waterfront Insular Hotel.
    This one remains to be nice. At me improvement na ngaun. Kung dati ang keychain ng room key ay kasing laki ng plantsa (para talagang iwan mo sa lobby pag gumagala ka), ngaun, key card na lang!!! Laking ginhawa. =) (see my review section)
Guide: Jazmir
     Ayus ang guide, at dinala ako sa mga gimikan. Problema lang ang striktong mayor na nagbabawal ng gimik after 3am(?) I meet a couple of other acquaintances and been rejected (gladly) by someone you think who looks good (layogenic lang pala, hehehe, maganda sa malayo)..
Bottomline: A good one, next time pwede na akong magsolo gumala.

Iloilo Trip
Hotel: Amigo Terrace Hotel
     Maayos naman, just within the standards. Yun lang, walang view (unless mahilig kang tumitig sa malaking sign ng McDonalds).
Guide:
     Ang unang guide, accommodating, pati ang kasama nya, hehehe. Ang pangalawa, nakilala ko na dito sa Manila, kaya relax na ko. Maraming makikita sa MO2 Bar, parang sa Bacolod. Nakakatuwa ang mga higanteng pamaypay.
Bottomline:
     Madaling magpaikot-ikot. Hindi ako basta maliligaw.

-------------

Kaya ngaun, alam nyo na kung saan ako naglalagi at antagal kong nawala sa Multiply. Sa mga naka-miss sa kin, hehehe, I’m back. =)

“Sir? Bacolod? This 16-17?,” wwaaaahhhh!!! Anak ng Pating. Hindi na napirme dito sa Manila!!!
-------------Miko, Conversation with Boss

Tuesday, February 13, 2007

Masaya Akong Pagtyagaan Ka

Matapos ang isang masalimuot na yugto ng buhay ko, dumating din ang liwanag.

Nge. Ang corny.

“He brought all the clouds to my days,
But just like a ray of light,
You came my way one night”
-------------The Jetts, You Got It All


Sa totoo, matagal na syang dumating (bago pa mag June). Matagal na akong humahanga sa kanya… mula sa malayo. Naging mahina lang ang loob kong gumawa ng aksyon, natakot akong mareject.

Lumipas ang ilang buwan at nagkita kami. May kaibahan sya sa inaasahan ko, pero hindi nabawasan ang paghanga ko sa kanya. Parehas kaming nakainom ng sinabi nya sa ‘kin “bakit ngayon ka lang dumating?” bago nya ako hinalikan.

Nakipagkita sya sa kin pagkalipas ng ilang araw. Saka sya nagtapat:

“Nanghihinayang ako sa ‘yo.
Naiinggit ako kay W
Kasi nasa kanya ka na.
At naiinis din ako,
Kasi I had the opportunity
Kaso hindi ko nakita.
Malabo kasi mata ko.
-------------Shaw, Messages


Inamin kong meron akong nararamdaman sa kanya, mula noon hanggang ngayon. Pero tinanggihan ko ang ipinahayag nya. Dahil kahit wala akong “karelasyon” nong panahon na yon, meron akong inaasahang tao na mamahalin ko.

Pero iniwan din ako ng taong yon, sinukuan. At sa pagdadalamhati ko, dinamayan ako ni Shaw.

Alam kong merong karelasyon si Shaw nang mga panahon na yon. At wala akong inaasahan mula sa kanya, maliban sa maging kaibigan.

Pero nalaman kong nagkahiwalay sila ng boyfriend nya. Boyfriend nya na matagal nya ng kapiling. Boyfriend na nakasalo nya sa maraming bagay. Boyfriend na nagsasabing ibibigay ang lahat… na hindi ko kayang gawin.

Miko: Ang laki ng isinusugal mo sa kin. Tsk. Sana hindi kayo naghiwalaw ng bf mo. O kaya pumunta ka sa ibang nagkakagusto sayo. Hindi ko pa alam kung gaano katagal bago ko mabago ang sarili ko para maging karapat dapat na boyfriend.
Shaw: Tumigil ka nga. Isa lang ang alam ko... Masaya akong pinagtyatyagaan ka. Hindi ko mapipilit na magbago ka. Kaya sinasanay ko na lang ang sarili ko, hehehe, pain management lang yan.
-------------Shaw,
Conversations

Natuwa ako, kahit nag-aalala akong baka may dumating sa kanyang iba, at mangyari rin sa akin ang nangyari sa naunang boyfriend nya.

Pero handa akong sumugal, dahil sa kanya, muli, nakokontento akong tignan lang siya habang natutulog.

At nasasabi ko sa sarili ko:

“Hindi ako makapaniwala… kasama ko sya ngayon.”



Thursday, February 8, 2007

You Exist Loverboi

Marami akong kachat. Kakwentuhan. Kabolahan. Sa YM ko, naka categories lahat ng contacts, according to priority:

Family: 5            (Mga relatives)
X-F: 6                (Extended Family/Bondbrothers, kapatid sa tindi ng pinagsamahan)
Friends: 8           (Mga 2nd/3rd degree friends)
Batchmates
10    (Self-explanatory)
Dragonsworn 15  (Mga fans ng book na Wheel of Time)
Sideline 57         (Mga kachat. Kakwentuhan. Kabolahan).
-------------Miko, YM Contact List

I have a few friends (6 X-F + 8 Friends = 14 total). But that’s enough. I price quality over quantity. Pnipili ko talaga kung sino ang ilalagay ko sa categories nay un, dahil in a way, I would serve them.

Among the “sideline” there is a guy I regularly chat with… And got the chance to know him deeper than the others.

At first, hindi ko sineseryoso ang mga compliments nya, sinabi ko pa nga sa unang chat namin na “U r patronizing me”.

Pero sa madalas na pag-uusap, nakabuo ako sa isip ko kung sino sya. Na pagnaliligo, parehas kami ng parte na unang sinasabon (hahaha). Parehas kaming nalulungkot na ngayon, “the eyes are tinted and misted, no longer the windows of the soul.

When I got the chance to cross the distance between us, nakilala ko talaga sya. Sweet and accommodating. At sa maikling oras… we shared something special.

“Before
You are a fox
Like a hundred thousand
Other foxes.
But I have made you my friend,
And now you are
Unique in all the world.”
-------------Antoine de Saint-Exupery, ed. The Little Prince


Akala ko hanggang simula lang. Akala ko it will be as superficial as the rest.

Thank you loverboi, sa understanding (kahit magulo ako mag-isip), sa acceptance (kahit ang gagu-gagu ko), sa mga advice (kahit matigas ulo ko). Even with the distance, you proved to be a friend, though not physically, but importantly, in spirit.

Super belated happy birthday!!!



Wednesday, January 31, 2007

Not yet "happy"... but already... at peace.

Tapos na.

Breathe in – breathe out lang yan. Naiyak ko na lahat. Nakakahinga na ako ng maluwag.

“If pain must come,
may it come quickly.
Because I have a life to live,
And I need to live it
In the best way possible.
If he has to make a choice,
May he make it now.
Then I will either wait for him,
Or forget about him.
Waiting is painful,
Forgetting is painful,
But not knowing which to do,
Is the worst kind of suffering.”

-------------Paulo Coelho, By the River Piedra I Sat Down and Wept

Sinabi nya kagabi na suko na talaga sya. Na hindi nya na ako kayang pakisamahan. Na may mahal na raw syang iba.

Aminado ako na malaki ang kasalanan ko. Na nasaktan ko sya, ng sobra, ng maraming beses.

And person gave up. Sinukuan nya ako. Kung kelan nagsisimula na akong magmahal. Isang hakbang na lang, hindi nya pa inihakbang. Isang kirot na lang, hindi nya pa tiniis.

Binalak kong magpakatanga. Na mahalin sya kahit hindi nya na ako mahalin.

Gelo: Sasayangin mo lang ang oras mo.
Miko: Di bale nang masayang, ganon sya kahalaga sa kin.
Sheena: Eh kami? Hindi ba kami mahalaga sayo? Pwede ka lang magpagago, kung walang naghahangad ng oras mo.
Gelo: Gusto namin sya. Maayos syang kasama. Pero hindi nya pwedeng solohin ang oras mo. Pwede lang syang maging parte ng pamilyang binuo mo.
Dony: Pag nagpakatanga ka, pano pa kami makikinig sa advice mo na wag magpakatanga?
Partner: Be responsible for your actions naman, we are looking up to you as our model for growth. Wag mong sirain ung natitira mong credibility.
-------------The Family, Conversations with the Family

Isang buntong hininga.

Salamat sa mga tunay na sumoporta. Sa Family. Kay Billy, Lucky, Jecky, Juls, Noeh. Pati sa taong tumatawag sa king bossing, salamat sa quote LNC. Salamat sa mga online friends ko dito sa multiply.

It is finished.



Monday, January 15, 2007

Multi-Tasking

WARNING:  High Gross Level.  For mature readers only.


Kaninang umaga, nagawa ulit ang bagay na matagal ko ng hindi nagagawa.

Dahil inumaga na ako sa isang overnight drinking session with my barkada in Las PiƱas, nagmamadali akong naghanda sa pagpasok sa opisina para salubingin ang Manic Monday.  Bilang almusal, bumili ako ng taho, kumuha ng twalya at clean underwear at pumasok na sa banyo.

Umupo ako sa trono.

And yes, took a $h!t and ate taho at the same time.

Para kasi sa kin, $h!tting is one of the most boring thing to do.  Hindi talaga ako nag-eenjoy.  Kaya bago ako pumasok ng banyo, requirement talaga na meron akong mababasa just to pass the time.  Minsan, kahit nagmamadali na ako, ini-scan ko pa ang bookshelf ko to find a good book to read (or reread).  Pag hindi na kaya, at napilitan akong pumasok sa kasilyas ng walang bitbit, pinagtyatyagan ko nalang basahin ang ingredients na nakasulat sa likuran ng sachet ng shampoo.

Pagnakahanap naman ako ng magandang book, tinatamad na akong tumayo hanggat hindi ako natatatapos ang isang chapter.  thats when the time i brought new things inside the comfort room to make a little bit more... uhm, comfortable.

Mom:  San ka pupunta?
Miko:  E di sa banyo.
Mom:  E bat para saan yang juice at chichiria?  Me dala ka pang aklat.
Miko:  E di magbabasa, kakain, at tatae.  3 birds at one stone.
Mom:  Nyay, hirap talagang magkaron ng sira-ulong anak.
Miko:  Ang boring kaya sa loob.  next time, palagay tau ng music system.  hahaha.
-------------Mom, Conversations

Minsan naman, may nakakatuwang sensasyon ang ibinibigay ng pag-iri.  those are rare instances na parang meron pang
mamumuong tensyondahan dahang paglabaskasunod ay isang ginhawang nakakapagpalambot ng tuhod mo.  Sagabal nga lang sa pagnanamnam ng pakiramdam ang biglang tilamsik ng malamig na tubig sa sensitibong balat mo.

Pagnagkapera ako, ung talagang sa sobrang dami eh wala na akong mapagkagastusan, ipapa-carpet ko ang sahig ng banyo ko.  then merong magandang sound system.  

Sa ngaun, magazine/book stand na lang muna ang ilalagay ko.

Sa inyong lahat, enjoy $h!tting.  =)


Wednesday, January 10, 2007

Put ICE on your Cellphone

A recent article from the Toronto Star, "the ICE idea", is catching
on and it is a very simple, yet important method of contact for you
or a loved one in case of an emergency. As cell phones are carried by
the majority of the population, all you need to do is program the
number of a contact person or persons and store the name as "ICE".
The idea w as thought up by a paramedic who found that when they went
to the scenes of accidents, there were always mobile phones with
patients, but they didn't know which numbers to call.

He therefore thought that it would be a good idea if there was a
nationally recognized name to file "next of kin" under. Following a
disaster in London The East Anglian Ambulance Service has launched a
national "In case of Emergency (ICE)" campaign. The idea is that you
store the word "ICE" in your mobile phone address book, and with it
enter the number of the person you would want to be contacted "In
Case of Emergency ". In an emergency situation, Emergency Services
personnel and hospital staff would then be able to quickly find the
contact information under "ICE".

Please forward this. It won't take too many "forwards" before
everybody will know about this. It really could save your life, or
put a loved one's mind at rest. For more than one contact name simply
enter ICE1, ICE2, ICE3 etc.

A great idea that could make a difference!
-------------Anonymous, Forwarded E-mails


Really, its a great idea.  Hindi ko lang alam kung gaano ka-applicable ang sistemang ito sa pinas.

Being cynical, ang iniisip ko, pag nadisgrasya ka dito, at nakita ang cellphone mo, hindi kaya nakawin na lang ng makakita?  ang sama mang isipin, pero alam ko meron ng mga instances na ganon.

Another thing, halos lahat ng cellphone ngaun, kailangan na ng PIN para ma-unlock.  so meron mang good samaritan that would like to inform your family, mabubuwang sya sa panghuhula kung papano i-access ang cellphone mo.

So the system has a very slim chance of success.  But in case of disaster, that slim chance might make a difference!  

Cooperate!

=)

Monday, January 8, 2007

Help Me I'm Falling...

Hindi ko makakalimutan ang madilim na hapon na yon, 1832H January 7, 2007. Seven is the most mentioned number in the bible, (mentioned 54 times in Revelations alone) thus considered very lucky. Katatapos lang ng date ko with W so me and my Mommy Emma were going back home. The place, intersection ng Taft-Ayala.

Madalang ang FX na dumadaan, at dahil pagod na sa kakalakad, iminungkahi kong sumakay na sa unang jeep na darating. Paghinto ng medyo punong jeep sa tapat namin, nagsimula kaming lumapit ni Mommy.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang bigla ang mga kamay ko na nakahawak sa semento, ang kalsada kapantay ng aking dibdib. May malamig, basa, at maaligasgas na bumalot sa dalawang paa ko. Nagmadali akong umangat, wala pa ring ideya kung ano ang nangyari sa akin. Narinig ko na lang si Mommy Emma ng makita nya akong umaahon.

Oh, anong nangyari sa’yo? Hah? Akala ko napaluhod ka lang, nadapa… Kestengyawa, may bukas palang manhole dyan!
-------------Mommy Emma, Miko’s Memorable Moments

Waaahhh!!! Anak ng pating. Nahulog ako sa manhole!!!

Alam kong hindi ako pa ako mamatay (dahil hindi nag-flashback sa utak ko ang aking nakaraan), pero sa dami ng nakatingin sa akin, sana namatay na ako. Waahhhh!!! Di ko alam kung ang mga usisero sa humintong jeep eh natatawa, naaawa o naiiniis sa katangahan ko.

Tumalikod ako sa jeep na dapat sasakyan namin. Nagbilang ng pinsala. Isang galos sa binti, konting bugbog sa hita na siguradong magpapasa kinabukasan, kumikirot na kanang kamay, masakit na ilong dahil sa di kanais-nais na amoy sa aking mga pa, at higit sa lahat… sugatang pride.

Lintsak talaga. My first blog for this year. Let it not be a preview of things to come. Hahaha.